PROLOGUE
PROLOGUE
“ANO ang masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?” malamig na tanong ko, dahil ilang beses siyang nag-doorbell. Wala akong balak na pagbuksan siya ngayon.
Walang ekspresyon ang mukha niya. Masyadong blangko ang mga mata niya, na ang hirap din talagang basahin. Hindi mo malalaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
Humakbang siya palapit sa akin kaya nakapasok na siya sa loob. Gusto ko sanang pigilan siya pero parang may something din. Kinikilabutan ako sa malamig na aura niya, ang bigat masyado ng presensiya niya.
Akala ko nga ay lalapitan niya ako pero dumiretso siya sa kuwarto ko. Natutulog na ang mga anak ko at wala rito si Calizar.
Sinundan ko siya, kasi curious ako sa gagawin niya ngayon. Alam kong wala na rin naman akong dahilan para itago sa kaniya ang totoo. Nalaman pa rin niya na sa kaniya si Florence, na anak niya nga ito. Pero wala pa akong sinabi na siya nga ang biological father nito at wala rin akong balak. Asa siya.
Muntik na akong mapasinghap nang makita kong kumuha ng dalawang maleta si Khai saka siya lumapit sa closet ko.
“What are you doing, Khai?” Gusto ko sanang sigawan siya but hindi ko magawa. Ang himbing nang tulog ng dalawang bata sa malaking kama namin. Magigising sila kapag sumigaw ako. Nabuksan na niya ang closet ko at isa-isa na niyang kinukuha ang mga gamit ko roon. Dumiretso ako sa maleta ko at dinampot ko ang mga damit kong naka-hanger pa pero mabilis niyang kinuha iyon. Pinukulan ko siya nang masamang tingin. “Ano ba’ng problema mo?!” pabulong na sigaw ko.
Umigting lang ang panga niya kaya pinaghahampas ko na siya sa kamay niya. Lahat iyon ay tinanggap niya.
“Sasama kayo sa akin,” malamig na sabi niya. Nagtagis ang bagang ko at gusto ko na agad siyang sabunutan.
“At bakit naman kami sasama sa ’yo? Sino ka ba, ha?!” tanong ko na sinusubukan ko pa rin na huwag lumakas ang boses ko.
“Kung ginagawa mo ang lahat ng ito para gantihan ako o para magselos ako sa lalaking iyon ay ngayon pa lang sinasabi ko na sa ’yo na suko na ako. Oo na, Francine. Selos na selos na ako, halos mamatay na nga ako sa nalaman kong kasal ka na sa iba. Pero tàng-ina. Ibang usapan na ang kunin ang pamilya ko na hindi naman sa kaniya. Sa akin lang dapat kayo. Madamot ako kung alam kong wala namang karapatan ang lalaking iyon.” Ramdam ko sa boses niya ang galit at pagkamuhi. Hindi nga lang para sa akin. Tapos kalmado pa siya sa lagay na ’yan. Maging siya ay pinipigilan din ang pagsabog ng emosyon niya.
Parang may nalalaman na rin siya, kasi hindi niya sasabihin ang huling pangungusap na iyon kung wala pa nga siyang alam.
Maging sa damit ni Florence ay dinampot niya at naghalo na iyon sa damit ni Zaidyx. Ramdam ko ang galit niya pero ni hindi man lang siya nagdadabog na mag-impake ng mga gamit naming mag-iina.
“Sa tingin mo naman ay sasama ako sa ’yo?” I asked him sarcastically. He glanced at me, inirapan niya lang ako sa huli.
“Sa tingin mo rin ba ay hindi kita pipilitin?” balik na tanong niya. Lumapit pa siya sa kama. Doon na ako napatayo at haharangan na sana siya nang bumukas ang pinto.
Akala ko ay si Calizar ang papasok pero hindi. Iyong best friends niya, mga tito niya.
“Hi Francine,” bati ni Kuya Zue. Dumiretso sila sa maleta at binitbit iyon ng isa.
Dahil nakuha nila ang atensyon ko ay nagawa nang gisingin ni Khai ang mga anak ko. Lumapit ang isa niyang tito. Inaantok pa si Florence nang buhatin na nito ang bata.
Naalimpungatan din si Zaidyx, kahit parang naguguluhan ay noong buhatin din siya ay hindi siya nagreklamo. Nagawa ng isang iyon na buhatin ang mga bata!
May kinalkal naman sa drawer ko si Khai. Nakita ko na binulsa niya ang phone at wallet ko. Iiwasan ko sana siya para hindi na makalapit pa.
Hinubad niya ang suot niyang coat nang hindi tinatanggal ang tingin sa ’kin. Sa paglapit niya at pag-atras ko ay muntik na akong bumagsak sa kama but mabilis niyang nahuli ang braso ko.
Isinampay niya lang ang coat niya sa balikat ko. Napatili na lamang ako nang buhatin niya ako.
“Saan mo ba kami dadalhin, Alkhairro?!” naiinis kong tanong. Hinampas ko ang balikat niya.
“Sa bahay ko,” mabilis na sagot niya, nagsimula na rin siyang maglakad. Tumigil na ako sa kahahampas sa kaniya dahil nakapapagod at nahihilo ako.
“At bakit naman?! Ibaba mo na nga ako!” sigaw ko.
“Ibabahay kita roon, kasama ang mga anak natin.”
Pagkalabas namin at narating ang parking space ay saka niya lang ako ibinaba. Napatakip ako sa bibig ko, dahil parang may dumaan sa sikmura ko hanggang sa lalamunan ko. At dahil nga nasa harapan ko pa rin siya, nakayakap ang isang braso niya sa baywang ko ay hindi ko na napigilan pa ang sumuka sa dibdib niya.
Kitang-kita ko kung paano nabasa ang longsleeve niya. Tiningnan niya iyon pero parang wala lang sa kaniya. Saka niya ako tinitigan. Pinunasan niya ang gilid ng labi ko kaya tinabig ko iyon.
“Are you okay?” he asked. Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya.
“Baka mag-alala ang asawa ko kapag nakita niyang wala na kami sa condo!” sigaw ko sa kaniya.
“Tsk.” Hinubad niya ang longsleeve niya. Nakikita ko na hindi naman siya nandidiri doon sa ano. Ayos lang sa kaniya kung half-naked pa siya.
Nandoon din ang dalawa niyang tito. Pati sila ay nadamay sa inis ko. “Ang sarap niyong pag-uuntugin,” naiiritang sabi ko.
Binuksan ni Khai ang pinto sa passenger’s seat. Sa lakas niya ay hindi na ako makakapagprotesta pa.
Okay, pagbibigyan ko siya. Hahayaan ko siyang dalhin niya kami ngayong gabi sa bahay niya. But aalis pa rin kami, bukas na bukas.
Hindi ko siya pinapansin noong nasa biyahe na. Nagpaalam na rin kanina ang dalawang lalaki na iyon.
Nagulat pa ako nang makitang papasok na sa subdivision ang kotse niya. I remained silent. Baka nga sa bahay nila ang tinutukoy niyang “bahay ko.”
At doon nga huminto. Pinagbuksan na naman niya ang dalawang bata. Si Zaidyx lang ang gising, samantalang si Florence ay tulog na tulog pa rin. Binuhat niya iyon sabay hila sa braso ko. Nagpumiglas ako siyempre, malakas nga lang talaga siya.
“Let’s get inside, son.” Nanlaki ang mga mata ko nang sinipa lang ni Khai ang gate at bumukas ito. Si Zaidyx na parang sanay na kaya pumasok din siya sa loob.
Itong bagong bahay na nasa tabi lang ng house namin. Dito nga kami dadalhin ng isang ito!
Nang makapasok kami sa loob ay pinaupo niya ako sa sofa. Sa isang pinto ay bumukas iyon. Lumabas doon si Mommy Ninang.
“Nandiyan na pala kayo,” nakangiting sambit nito. Si Khai ay lumapit sa kaniyang ina. Inilipat nito ang bata.
Binalikan din ako ng isa. Umupo sa tabi ko. “Now let’s talk.” May hinugot siyang isang bagay sa bulsa ng pantalon niya. Nang ipakita niya iyon sa akin ay bumilis ang pintig ng puso ko. “Forget your fake husband, and marry me instead. Since, may baby number 3 na naman tayo,” nakangising sabi niya at napanganga na ako sa gulat. Nanginig ang mga kamay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top