CHAPTER 9

Chapter 9: Women’s strength

KHAI’s POV

“WHERE have you been, son?” bungad na tanong ni mommy. Pagkapasok ko lang sa bahay namin. Kauuwi ko lang kasi.

She was already wearing her pajamas and seemed ready for bed, but waited for me to get home.

“I visited my son, Mom,” I answered and went to her, to kissed her cheek.

“Bakit ginabi ka na nang uwi?” she asked more. Pinagkrus pa niya ang mga braso niya. Kahit malaki na ako ay parang bata pa rin ako kung ituring ng aking ina. But I like it when she treat me like that. Even before.

“Kumain po ako sa labas. Nagutom ako. So, I decided na kumain na lang po sa resto bago umuwi. Where’s dad, Mom?”

“Nasa library,” sagot niya. Nagmano ako sa kaniya. “What happened to your face, son?” nag-aalalang tanong niya at marahan niyang hinaplos ang band-aid sa pisngi ko.

“It’s nothing, Mom. Sige po magpapahinga na ako at kayo rin. Good night, Mom.” I smiled at my mother. Kahit noong paakyat na ako ay ramdam ko pa rin ang pagtitig niya sa akin.

But before that, huminto ako at nilingon ko si mommy. “Oh I forgot something, Mom.”

“What is it, Khai?” salubong ang kilay na tanong niya.

Sorry for saying this words, Mom but I need to do this, for my own sake. “I’m dating someone.” Ngumiti pa ako para kapani-paniwala.

“W-What? Who was it?” Nabigla ko yata si mommy. Dahil kahit nasa malayo siya ay nakita ko ang pagputla niya.

“Kilala po siya ng mommy ni Zai, Mommy,” sagot ko naman.

“Who? Ang best friend ni Francine? Si Alvira?!” gulat niyang tanong. Hahayaan ko siya na isipin ang best friend ni Francine.

“Kapag maayos na po ang lahat ay malalaman niyo, Mom. Dadalhin ko po siya sa bahay na ipinatayo ko riyan sa labas. Siyempre, makikilala niyo siya soon,” nakangiting pahayag ko at muli akong nagpaalam. Kahit natulala na roon ang aking magandang ina.

Nandoon din si dad, na mukhang narinig niya ang pinag-usapan namin. “You naughty boy. Gusto mo pa yatang mag-overthink ang mommy mo. Hindi iyan makatutulog,” komento niya na sinabayan pa nang pag-iling.

Ayoko sanang gawin iyon sa mommy ko. I love her so much, pero sila ay kayang-kaya akong paglaruan. I don’t want to get even, ngunit ito lang naman ang paraan ko para maitago ko naman ang aking plano.

“Hmm, para may topic po sila ni Ninang.”

“Ikaw talaga.” Ginulo ni daddy ang buhok ko.

“Dad. Bakit kaya ang mga babae ay halatang-halata kapag may itinatago na sila mula sa atin? At pinapanindigan pa nila iyon?” nagtatakang tanong ko. That made him laugh a bit.

“Son, that’s how women are. They’d rather keep secrets than risk getting hurt,” he said. I get it.

“Women sometimes keep secrets to protect themselves. I see,” I uttered. I kissed his hand before I went to my room.

***

“What is it, Khai?” tanong ni Tito Thyzer. Ibinigay ko sa kaniya ang sample container. Ang iilan na hibla ng buhok ng anak ko at nandoon pa rin ang suklay.

“Samahan mo na lang ako na magpa-DNA test, Tito. I need that,” sagot ko.

Maaga akong nagising para puntahan siya. Nadatnan ko nga sa kusina si mommy. Naghahanda na siya ng breakfast namin, but I chose to leave para mas maaga rin ang pagproseso ng pagpapa-DNA test namin ni Florence.

“Sa anak ba ito ni Francine?”

“Yup, sa anak namin, Tito,” nakangising sagot ko. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay. Ayaw niya yatang maniwala.

“Kung alam mo naman na anak mo ay bakit kailangan mo pa ito?” tanong niya. Humugot ako nang malalim na hininga.

“Basta, Tito. You asked too much.” Natatawang tinapik niya ang balikat ko.

“Let’s go.”


***

We headed to the hospital together to drop off the samples. I want to ask too kung kailan lalabas ang resulta. Gusto ko na mas maaga.

Sumusunod lang din ako sa tito ko at tumigil kami sa isang laboratory. Hindi siya kumatok, basta na lamang niya binuksan iyon.

“Hi, doktora.” Isang magandang babae na nakasuot ng lab gown ang nasa loob. Mayroon pa siyang suot na eyeglasses at maayos pang nakatali ang buhok niya.

Kumunot ang noo niya nang makita si Tito Thyzer.

“Do you have clearance to enter this laboratory?” seryosong tanong ng babae. Mariin na naitikom ko ang bibig ko.

“I don’t need that piece of shít, doktora. Kasama ko ang pamangkin ko. Magpapa-DNA test sila ng aking apo.” He even smirk. Namilog ang mga mata ng doktora.

Hinarap ako nito. “It is true na lolo na siya?” tanong nito na ikinatango ko.

“Apo niya sa anak ng daddy ko,” pagbibigay linaw ko at napatango-tango siya, bago niya binigyang pansin ang dala ng kasama ko. “Kailan lalabas ang resulta, doktora?”

“It’s 24 hours. Bukas na lang kayo bumalik dito,” sagot niya. Oh, that fast. I looked at my uncle. Prenteng nakaupo na siya sa visitor’s chair.

“So, mauuna na ako, Tito?” I asked him.

“Go ahead, Khai,” tumatangong sagot niya. Nagpaalam na rin ako sa doktora.

Nag-order ako sa online ng bulaklak para kay Francine at ide-deliver ’yon sa working place niya. Sa tuwing naaalala ko ang eksena kahapon ay natatawa na lamang ako. Kung mayroon lang makakita sa ’kin ay baka isipin nila na baliw na ako.

Hindi ako pumasok sa kumpanya ko. Dumiretso ako sa condominium. Tiningnan ko nga kung mayroon pang available na unit. Iyong mas malapit sa condo nila, and I was so lucky. Pinapaboran ako maging ang langit. Hinahayaan kasi ako na makuha ang pagmamay-ari ko talaga. Ayoko sanang isipin na isang bagay lang ang pamilya ko, but I own them.

Sa kanang bahagi ng condo ay ibebenta ng may-ari. Kapag na-fullypaid ko iyon ay pinapagitnaan namin ng lalaking iyon ang unit na tinutuluyan ngayon ng mag-iina ko.

“Ma’am, could you please tell me who owns the unit next door?” I asked the girl. Nabigla siya noong una, pero naputol ang kanina pang pagtitig niya sa mukha ko.

“Sir, bawal pong ipagsabi iyon sa iba,” magalang na sagot niya. I nodded.

“What if I buy this entire condominium?”

“P-Po?!” Ngumiti lang ako at tumango, saka ko siya tinalikuran.

Malaki ang condo na nakuha ko at magkadikit din ang balkonahe. Pero kailangan mo lang na tumalon mula rito patungo sa kabila. Gagawin ko iyon kapag naisipan ko.

Ang kailangan ko na lang ay ilipat ang iilan na mga gamit ko rito. Kailangan ko ring bumili ng grocery. I planned to cook for my kids if ever.

Humingi na lang ako ng favor sa secretary ko at nang maayos itong unit ko. Lumabas din naman ako at nang makita kong malapit na naman ang lunch time ay dumiretso na ako sa nursery school.

But I’m too late. Naunahan na ako ng lalaki. On second thought, ngayon pa ba ako aatras? Oh, sige. Sa ngayon ay hahayaan ko muna siya kay Florence. Pero hindi sa anak kong lalaki.

Nakapamulsang lumapit ako sa kinaroroonan nila. Pasakay na kasi sila. Hindi ko makukuha agad si Zai.

“Hello, Zai,” I greeted my son. Nagulat pa ito nang makita ako at basta na lamang niyang binitawan ang kamay ng kasama niya.

Sasama talaga siya sa daddy niya at wala siyang pakialam kung sino pa ang maiiwan niya. But he cared for his little sister.

“Daddy!” Naiintindihan ko ang ganitong reaksyon ni Zaidyx. Na kahit nagtatago ako noon sa kanila ay sa kaniya lang ako madalas nagpapakita. Pero palihim lang ang ginagawa namin. So, until now ay ako pa rin ang kinikilala niyang ama.

Kinarga ko siya pagkalapit niya sa akin. Hinalikan ko ang pisngi niya. Tuwang-tuwang siya nang makita ako.

Nilingon ko naman si Calizar, iyon ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali.

“Puwede ba tayong mag-usap?” walang emosyon na tanong ko. Sa loob-loob ko ay nagagalit pa rin ako, dahil karga niya rin ang anak ko.

Akala ko ay kay Francine lang ako nagiging territorial, pero puwede rin pala sa mga anak ko.

“Yes,” tipid na sagot nito.

Napagkasunduan namin na pumunta sa isang food chain restaurant, kung saan may playhouse roon para sa mga bata. Kaya pagkatapos nilang kumain ay pinaglaro namin doon sina Florence at Zaidyx.

“Ayoko sanang ihiwalay ang anak ko sa mommy niya. Kaya para maging fair naman tayo ay ako na ang susundo at maghahatid sa anak ko sa school,” pagsisimula ko.

“Okay lang. Karapatan mo iyan bilang ama ni Zai. Kaya hindi kita dapat pigilan sa gusto mo. Just ask my wife’s permission.” Ang kamay kong nasa mesa ay unti-unting kumuyom. Naiinis ako dahil sa pagtawag niyang asawa niya si Francine.

“Yes, hihingi naman ako ng permiso sa kaniya. At kapag lumabas na rin ang resulta ng DNA test namin ni Florence ay huwag ka na ring mag-abala pa na ihatid-sundo sila. Hindi kailangan ng mga anak ko ng isa pang ama. Kaya ko na iyon, responsibilidad ko sila,” mariin na saad ko.

“You should have thought of that before leaving them. We wouldn’t be in this situation now, right?” His words felt like a splash of cold water. He’s right, but he still doesn’t understand my reasons.

And the thought of hindi niya itinanggi ang katotohanan na anak ko nga si Florence.

“You’re judging without knowing the facts,” I said to him.

“No, I am not. Base lang naman sa ginawa mo ay iyon ang nakikita ko. Kung mahal mo talaga ang mag-ina mo ay sana naisip mo noon na puwede silang mapunta sa iba, na ibang lalaki ang mag-aalaga sa kanila. Sa panahon ngayon ay dapat maging practical ka na. Yes, si Francine. Nakikita mo na matatag siyang babae, pero kapag pinili niyang kalimutan ka ay magagawa niya any moment. Take note, women are emotionally strong. Once they’ve moved on, it’s hard to regain their trust. Women heal and move forward fast. Don’t underestimate their strength.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top