CHAPTER 8
Chapter 8: Picture frame
FRANCINE’s POV
PINANLIITAN ko ng aking mga mata si Khai, dahil hinuhuli niya ako base pa lamang sa mga salitang binibitawan niya. Kanina pa nga ako naiinis sa face niya at gustong-gusto ko na talaga siyang palayasin sa aming condo. Pero ang dami-dami niyang dahilan. Ang dami-dami niyang sinasabi.
Hinalikan niya ang likod ng kamay ko, kaya sa gulat ko ay itinulak ko ang kaniyang ulo para makalayo na rin siya mula sa akin. He’s so clingy.
“Puwede bang dito na lamang ako? Wala naman dito ang asawa mo.” Binigyang diin pa niya ang word na “asawa” at tunog na nang-aasar pa siya.
Ang sarap niyang sabunutan sa buhok. Kaya hindi na rin ako nakapagtimpi pa, hinila ko na ang kaniyang buhok, pero sa halip na mainis siya ay natawa lang siya sa ginawa ko. Akala ba niya ay naglalaro lang din ako, ha?
“You’re unbelievable, Khai!” bulalas ko.
“Chill, baby mommy. Don’t be mad at me, nagbibiro lang naman ako. Hindi ka na talaga mabiro.” I rolled my eyes at mas ginulo ko pa ang hair niya.
“Go home, please! Ayokong makita ang face mo. Naiinis ako!” sigaw ko. Sinamaan ko rin siya nang tingin. Hindi ko lang ipinaramdam, ipinakita ko rin sa kaniya na ayaw na ayaw ko sa presensiya niya.
Hindi naman siya ganito, ah. Hindi siya makulit dati. Seryoso nga lang siya at tahimik lang, but now? Urgh!
Umiwas ako nang akma niyang hahawakan ang pisngi ko. Nakaiinis, maging ang paraan nang paghaplos niya ay parang apektado pa rin ako. Dapat wala na akong nararamdaman! Matagal ko na siyang kinalimutan!
“Kung ganoon ay ayaw mo na ring makita ang anak nating si Zai? Kamukha ko rin iyon, ah,” nakataas ang kilay na saad niya.
Kahit noong pinili ni Zai kanina na sumama sa kaniya ay gusto ko na siyang sapakin. But iyong fact talaga na anak niya si Zaidyx ay roon ako natitigilan. May karapatan siya sa bata at dala-dala pa rin nito ang pangalan ng pamilya niya.
Siyempre, ayokong mapasama kina Ninang at Tito Ry. Baka sumama rin ang kanilang loob.
“I didn’t say that. It was you na ayaw kong makita,” malamig na saad ko. “I better chose my son more than you.”
“Baby, hindi pa kita nabubuntis ay naglilihi ka na,” nakangising sabi niya. Kinuha ko ang pillow at pinaghahampas siya sa ulo.
“Ang bastos mo!” sigaw ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa kaniyang sinabi. Na parang may balak nga siyang gawin iyon. Ha, I knew it! Siya itong namimikot ng babae!
Nang ma-realize ko naman ang ginagawa ko ay mariin akong napapikit. Kanina pa kami ganito. Ayokong makipag-argument sa lalaking ito.
Tumigil din ako at umaalon na ang dibdib ko sa sunod-sunod kong paghinga.
“Alright, uuwi na ako. I’ll see you tomorrow, Francine,” paalam niya. Sinundan ko nang tingin ang pagtayo niya.
Nang may ipinakita siya ay umawang ang labi ko sa gulat. Pero siya ay ang lapad-lapad na ng kaniyang ngiti.
Bago ko pa iyon makuha ay mabilis na siyang tumalikod, kaya mabilis ko siyang sinundan.
“Alkhairro, bumalik ka rito!”
“Ayaw ko po. Pinapalayas mo na nga ako. Kaya heto na, aalis na ako. Kusa na akong aalis. Hindi ko na hihintayin na ikaw na mismo ang magtutulak sa akin palabas.”
“Alkhairro!”
“Bukas na lang tayo magkita, baby.”
“Iyong picture frame ko, akin na! Hindi naman iyan sa iyo!”
Huminto lang ako sa kahahabol sa kaniya nang nasa pinto na kami. Bahagya lang siyang sumilip sa akin.
“Bakit? May karapatan naman akong kunin ito,” sabi niya at dinala pa niya sa dibdib ang frame na iyon. Wala siyang balak na ibalik iyon.
Napahilot ako sa sentido ko. “Excuse me, pagmamay-ari ko naman iyan. Talagang wala kang karapatan,” mariin na sabi ko.
“Kabayaran na ito sa pananakit mo sa akin kaninang umaga at kanina rin, Miss. At saka, sino ang walang karapatan dito? Ako ba?” Napataas ang kilay ko nang itinuro pa niya ang kaniyang sarili. “Anak ko si Zaidyx, itong nasa litrato na kandong mo. Anak ko rin ang baby na nasa loob ng tiyan mo at ikaw, ina ka ng mga anak ko. So, technically mayroon talaga akong karapatan na angkinin ang dapat akin,” seryosong sabi niya.
Parang naumid ang dila ko at hindi na ako nakapagsalita pa. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
He take advantage of me, dahil nang humakbang siya palapit ay nahalikan niya ako sa labi.
“Urgh, fine! Sa iyo na ’yan! At huwag ka na ring magpapakita pa sa ’kin!” Malakas na isinara ko ang pinto at nanggigigil na pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko.
Dumiretso na muna ako sa room namin ni Florence at napairap na lang ako nang makita ang bedside table. Wala na roon ang isang frame. Ang picture namin ni Zai ang kinuha niya at six months pa lang ako noong pinagbubuntis ko si Florence. Iyon nga ang ninakaw ng isang iyon.
Kinuha ko naman ang cell phone ko at tinawagan ko si Calizar. Gustuhin ko man na lumabas ay hindi ko na ginawa. Mamaya niyan ay nasa labas pa ang lalaking iyon.
“Cali!”
“Hey, hon. What’s up?” bungad niya para lang mainis ako lalo.
“Lumipat ka na rito bukas na bukas!”
“Relax, honey. Ano ba ang nangyari? Naihatid na si Zai ng daddy niya?” tanong niya.
“Oo at nakita ka niyang pumasok sa kabilang condo. Ano ba kasi ang ginagawa mo riyan?” naiinis kong tanong. Narinig ko lang ang mahina niyang paghalakhak.
“Francine, naligo lang naman ako. Babalik din naman agad ako riyan. Puwede ba iyon? Puwede bang maghiwalay sa isang kama ang mag-asawa?”
Umikot lang uli ang eyeballs ko. “Bilisan mo na lang ang pagpunta mo rito. Bye!” Ibinaba ko na agad ang tawag.
Nahiga ako sa tabi ng baby girl ko at bigla siyang gumalaw. Lumapit ako lalo sa maliit niyang katawan at niyakap ko siya. Inamoy-amoy ko pa ang leeg niya, amoy baby powder.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising lang ako ni Calizar at inayang bumaba. Dahil nakapagluto na raw siya ng dinner namin.
Nasa dining room na kami. Katabi kong nakaupo si Zai. Nasa tapat namin sina Calizar at Florence. Inaasikaso nito ang pagkain ng bubwit.
“Mom, can I ask you something?” Sa kalagitnaan nang dinner namin ay nagsalita naman ang aking baby boy.
“What is it, son?” I asked him instead na sumagot agad. Kasi nga nagtatanong pa lang siya. Alangan naman na alam ko agad?
“Sino po ang gumupit sa litrato ni Daddy Cali?” inosenteng tanong niya.
“Ha?” Nagkatinginan pa kami ni Calizar at maski siya ay curious din sa tanong nito.
“What do you mean by that, Zai?” he asked my son.
“Heto po, oh. Nakita ko lang po kanina sa trash bin ko. Tapos nang makita ko ang family picture namin ay wala na po si Daddy Calizar. Kasi nga po may gumupit sa mukha niya,” malungkot na pahayag nito. Tumulis pa ang namumulang labi nito.
“Hala! So sad naman. Ang bad naman ng gumawa niyan, Kuya!” singit naman ng baby sister niya.
Napatingin pa sa akin ang asawa ko, na nagtatanong ang tingin na ibinibigay niya.
Alam ko na kung sino ang may pakana nito. Psh.
“Yeah, ang bad nga niya,” sabat ko. Ngumuso pa siya.
“Eh, sino pow ang gumawa niyan, Mommy?” she asked.
“Eh, sino pa nga ba? Kilala iyan ng kuya mo,” sagot ko at patay-malisyang kumain na lang uli ako.
“Si daddy ko po, Mommy?” Zai asked. I nodded. Malakas na napasinghap ang kapatid niya.
“No way, Mommy! He can’t do that! Please, huwag mo pow siyang pagbintangan!” Muntik ko nang hindi malunok ang kinakain ko, dahil sa biglaan nitong pag-iyak. Pinagtatanggol pa niya ang lalaking iyon.
“Hush, baby. Hindi naman siya pinagbibintangan ni mommy,” pag-aalo ni Cali sa aming anak.
Tinaasan ko ng kilay si Florence. “Ano ba ang pakialam mo sa daddy ng kuya mo, ha Florence? Bakit ganyan ka kung maka-react? Bakit daddy mo ba siya? Nandiyan ang daddy mo, oh.”
Nakangusong tiningala niya ang daddy niya, ngumiti ito sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.
“Don’t mind your mom, baby,” he said to her.
“I cared for him, because he’s my kuya’s father, Mom. So, technically daddy ko rin po siya. Kasi nga daddy siya ni Kuya Zai, e daddy ko rin naman po siya,” she reasoned out.
Parang may nagmamay-ari ng ganoong linya, ah. Alam ko na kung kanino. Aba, mapag-angkin naman ang mga ito. Tila may pinagmamanahan, ah.
“Hindi mo siya daddy. Period,” mariin na saad ko. Sa halip na magalit o umiyak ay nagawa niya akong irapan. Ang bilis din niyang magtampo.
“Francine, hayaan mo na. Pumapatol ka na sa baby, ah. ’Di ka ba naaawa sa anak natin?” tanong niya. Ginagawa niya lang ito para hindi magtampo ang makulit na iyan.
Sumulyap sa akin si Florence, mapupungay ang mga mata niya. She even pouted her lips.
“Noong bata pa ako ay makulit naman ako. Pero hindi ako kasing kulit ng anak mo, Calizar. Siya, to the highest level ang kakulitan, mayroon pang 360 degree.”
“Woy, grabe ka naman doon, hon. Kumain na nga lang tayo, lalamig pa ang pagkain natin.”
Napansin ko naman si Zaidyx na tahimik lang kaming pinapanood. Hinaplos ko ang kaniyang buhok at tumingin sa akin. Ngumiti siya kaya ginantihan ko rin iyon ng matamis na ngiti.
“Binibiro ko lang ang baby sister mo, son. You know na love na love kayo ni mommy,” malambing na sabi ko.
“I love you too, Mommy,” he said. Idinikit ko lang ang pisngi ko sa noo niya.
Makulit lang talaga si Florence, but hindi ko naman aawayin ang anak ko. Nagugulat lang ako, kasi nakuha agad ang loob niya ni Khai.
Tapos inaangkin pa ng isang iyon na anak siya nito. Ewan ko kung bakit paniwalang-paniwala siya sa sarili niya.
But who can I deceive with that reality?
Ang sarili ko lang yata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top