CHAPTER 7
Chapter 7: Other condo
“SAAN mo ba kami dadalhin, Alkhairro?” malamig na tanong niya sa akin. Mabilis ko siyang sinulyapan. Maingat ang pagmamaneho ko, kasi kasama ko sila.
Kung puwede ko nga lang siyang itanan at dalhin ang mga anak namin sa malayong lugar, na kahit ang mga tao ay hindi kami makikilala. Pero ayokong gawin iyon, dahan-dahan na muna.
Iyong galit nga niya ay hindi ko pa kayang i-handle. Paano na lang kung sobra-sobra na rin ang galit niya?
Saka kailangan kong bumawi sa kaniya. Kailangan kong patunayan ang nararamdaman ko, na hindi lang sina Zaidyx at Florence ang habol ko, and besides she’s still married. I don’t want to ruin her reputation. She’s a doctor.
“Don’t worry iuuwi ko naman kayo,” pagbibigay ko ng assurance. “Hindi pa kita itatanan. Chill muna tayo, okay?”
Hindi na siya umimik pa pagkatapos niya akong inirapan. Dinala ko lang sila sa may parke para makakain doon nang maayos ang mga anak namin.
“Psh.” Ang sungit talaga niya. Malayo-layo na siya sa Francine na nakilala ko. Malambing, mabait at madaldal na bata. Well, hindi na nga talaga siya bata. Hindi na rin dalaga.
Pagkarating nga namin ay ayaw pa niyang bumaba kung hindi lang siya inaya ni Florence. May dala naman akong picnic blanket sa kotse ko.
“Can you help me, baby?” I asked her. Nakakrus ang magkabilang dibdib niya. Nakaluhod na ako sa damuhan at siya ay nakatayo lang, nakasandal sa hood ng sasakyan ko. Parang wala siyang narinig. Nakatutok sa iba ang atensyon niya. “Francine, please.”
“Ang kapal talaga ng face mo para magpa-help sa akin, ah. Ikaw ang nagdala rito sa amin, kaya dapat ikaw lang din ang gumawa niyan. Tsk,” masungit na sabi na naman niya. Bumuntong-hininga ako at mag-isa ko na lang inayos, pero sa huli ay tumulong naman siya.
Ang kaso ay gusto niya yatang mag-agawan kaming dalawa, panay ang hila niya. Kaya sa naisip ko ay hinila ko nang malakas ang blanket. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
Napangisi ako nang papalapit na siya sa kinaroroonan ko. Huli na rin kasi para mabitawan niya ’yon.
Agad ko siyang sinalo at hinapit sa baywang. Ang isa ay nasa batok na niya at siniil ko siya nang mariin na halik sa matamis niyang mga labi.
Naramdaman ko agad ang panunulak niya sa dibdib ko at napadaing ako nang kinagat niya ang labi ko. Naalala kong may sugat pa nga ito.
“What the hèll, Alkhairro?!” Napangiwi ako, dahil sa pagkirot nito.
Nanlilisik pa ang mga mata niya, halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Hinampas pa niya ako, na hindi ko naman pinansin iyon.
“Ang bayolente mo naman, baby.” She just rolled her eyes at sa inis niya ay ibinato niya sa ’kin ang blanket. Nagmartsa na rin siya sa kinaroroonan ng dalawang bata.
Nakangusong ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko, pasulyap-sulyap pa rin ako sa mag-iina ko at dahil mas gusto ko iyong nasa malapit lang ako sa kanila ay hinila ko uli ang picnic blanket. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay.
Isa-isa ko na ring inilatag doon ang mga binili kong pagkain. Patakbong lumapit sa akin si Florence, kaya mabilis ang reflex ko na sinalo siya. Napabungisngis pa siya nang nasa mga bisig ko na siya. I leaned my face to kissed her cheek.
“Daddy Khai, I’m thirsty po. Puwede po bang makiinom?” malambing na tanong niya. She reminds me of Francine, her mom.
“Of course, love,” I answered. Kinuha ko ang bottled water. Tinanggal ang takip nito saka ko siya inalalayan na makainom ng tubig.
Nang matapos naman siya ay pinunasan ko ang gilid ng labi niya, na nabasa ng tubig.
“Thank you po,” nakangiting sambit niya. Tatlong beses kong hinalikan ang noo niya at kumapit na siya sa leeg ko.
“Daddy! Me rin po! Nauuhaw na rin po ako,” singit ni Zai. At dahil nakaupo na nga ako ay umupo rin siya kaliwang hita ko. Inabot niya ang tubig at hinayaan ko siya.
Pareho nang nagusot ang uniporme nilang dalawa. Wala na tuloy choice ang mommy nila kundi ang lumapit sa amin.
Umupo na rin siya at sinundan ko lang nang tingin ang pag-ayos ng palda ng damit niya.
Hinubad niya ang puting uniporme ni Zai at iniwan lang ang sando nito. “Basa ka ng pawis, ’nak.”
“Tumakbo po kasi agad kami, Mommy,” sagot nito at sa akin na naman ibinalik ang wala ng laman na bottled water.
“Psh. Dapat dumiretso na tayo sa condo, e. I call your dad para sunduin tayo rito.” Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang mangyari.
Sapat na iyong kahit kaunting oras lang nila ay nakasama ko sila. Kung gusto niya talagang umalis agad ay hindi ko naman sila pipigilan.
Nawala ang tingin ko sa babaeng mahal ko, nang may maliit na kamay ang humawak sa panga ko. Napayuko ako at ang inosenteng mga mata ni Florence ang bumungad sa paningin ko.
“Daddy Khai, what happened to your lips? ’Di ba po sugat ito?” she asked. Pinasadahan pa ng maliit niyang daliri ang sugat kong may band-aid. Namumungay ang mga matang tinitigan ko siya.
“I’m fine, Florence.”
“Sino po gumawa niyan sa iyo?” Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay. I can’t believe na nakikita ko ang ganitong gesture ng anak ko. Talagang wala silang pinagkaiba ng kaniyang ina.
“It’s nothing, love,” umiiling na sagot ko at humalik lang uli ako sa noo niya.
“They are so bad para i-hurt ka nila like this, Daddy,” she said. I chuckled at pinagmamasdan ko lang ang maamo niyang mukha.
Oh, well. Napansin ko na may pagkasingkit din ang mga mata niya. Akala ko ay wala na siyang ibang makukuha, maliban sa dalawang bagay na nasa magkabilang pisngi niya.
“Really? Bad ang gumawa nito kay daddy?” I asked her and glance at her mom. She rolled her eyes again.
“Yes po, Daddy Khai.” She even nodded.
“It’s okay. Mahal ko naman siya,” sabi ko, dahilan na nagsalubong ang manipis niyang kilay. Kaya hinaplos ko iyon.
“Hmm. Mahal mo? Sino po iyon?” curious na tanong niya.
“Secret.” Kinindatan ko pa siya, kaya hayan na naman ang pagbungisngis niya. I’m so happy to have her as my daughter, kahit itanggi pa iyon ni Francine. Naniniwala akong anak ko pa rin si Florence. “I love you,” I uttered as I kissed her nose.
“I love you too, Daddy Khai!” she shouted. Namula pa ang pisngi niya.
Isang oras lang yata ang inilagi namin doon at dumating na ang lalaking tinawagan ni Francine. Napatayo pa ako nang makita ko kung paano halikan ng lalaki ang noo ni Francine.
Nakaramdam ako nang kirot sa dibdib. Kung palaging ganito ang nararamdaman ko ay baka hindi ko kayanin. Ngunit mas tumindi lang ang kagustuhan ko na mabawi ang pamilyang pagmamay-ari ko. Na sana sa akin lang at walang ibang lalaki ang mag-aalala sa kanila nang ganito.
“I’ll help you po, Dad!” pagboboluntaryo ng anak ko at nagsimula na rin siyang tupiin ang blanket.
“Zai! Come here, uuwi na tayo!” tawag ng mommy niya. Napahinto pa siya sa ginagawa niya para lang tingnan ang mommy niya.
Si Florence ay nasa bisig na siya nang tinatawag niyang daddy. Gustong-gusto kong itama ang bata. Na hindi niya ito puwedeng tawagin na ganoon. Dahil ako lang naman ang ama niya, ang daddy nila ni Zai.
Ang akala ko ay aalis na agad ang anak ko. Kasi naglakad siya, pero nagulat ako nang yumakap ito sa binti ko.
“Ang daddy ko po ang maghahatid sa akin pauwi, Mom. Kay daddy na po ako sasama,” sabi niya para lang mawala ang emosyon sa maamong mukha ni Francine. Ayaw na naman siya sa ideyang gusto ng aming anak na sumama sa ’kin.
“Zai.”
Tiningala ako ni Zai. “Ihahatid mo ako sa condo namin, right Dad?” I touched his face and nodded.
“Yes son,” I answered and kissed his temple.
“See?! Sabay na po kami ni daddy, Mommy. Sige na po, mauna na kayo. Bye, Daddy Cali!”
“But Zai. Baka nakaabala ka na sa kaniya.” Umigting ang panga ko sa narinig. Tell me that he’s just joking. Ako maaabala sa sarili kong anak?
“Bakit naman makaaabala sa akin ang anak ko?” malamig na tanong ko rito. “He is my son, in case you forgot.” Binigyan diin ko pa ang salitang “son” para ipaalala sa kaniya kung kaninong anak si Zai.
“Alright. Ikaw ang bahala,” sabi nito saka niya kami tinalikuran. Ang nakangiting mukha naman ng anak kong babae ang nakita ko sa pagtalikod nito.
Nawala naman any inis ko sa lalaking iyon. Si Francine ay agad na ring sumunod sa kanila. Masakit pa ring makita iyong tinatalikuran niya ako, pero kaya ko naman ito.
“I love you, bye-bye!” she mouthed. Nag-flying kiss pa siya.
Nauna na nga silang umalis at kami naman ni Zai ay pinalipas na muna ang ilang sandali. Nagkukuwento kasi siya tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya nang mapansin kong mabagal na ang pagkurap niya ay saka ko siya inayang umuwi.
Nakatulog na siya along the way. Buhat-buhat ko na siya nang makarating kami sa condo na tinutuluyan nila. Nahagip pa ng mga mata ko ang pamilyar na likod ng isang lalaki na pumasok sa isang unit. Kumunot ang noo ko at napatitig ako sa pinto na alam kong ito na nga ang condo ni Francine.
Nang gumalaw naman sa mga bisig ko si Zai ay isinawalang bahala ko na lamang iyon. Inayos ko ang pagkarga sa kaniya at saka ako nag-doorbell.
“Bakit ang tagal niyo?” bungad na tanong niya.
Pinasadahan ko lang nang tingin ang suot niya ngayon. She’s wearing her pink strap sando and a white pajama.
“Puwede bang pumasok?” Hindi ko na siya pinasagot pa, dahil pumasok na nga kami. “Nasaan ang room ni Zai?” I asked her.
“Sumunod ka na lang. Pagkatapos ay umuwi ka na,” pagtataboy niya. Na as if ay uuwi agad ako.
Pumasok kami sa isang silid at maraming mga laruan doon. So, this is my son’s room.
“Where is Florence?” muling tanong ko nang maingat ko nang inihiga sa kama si Zai. Hinubad ko ang black shoes at medyas niya.
“Bakit ba ang dami mong tanong? Umuwi ka na lang, puwede ba?” Umiling ako.
“Bigyan mo na lang ako ng damit ni Zai. Ako ang magbibihis sa kaniya,” sa halip ay sabi ko.
“Kaya kong gawin iyon,” mataray na saad niya.
“Me too, I can do that,” seryosong sabi ko naman. Tumayo ako at dumiretso ako sa isang pinto, na alam kong banyo. Kumuha ako ng maliit na towel at binasa ko iyon sa sink.
Paglabas ko ay nanatili siyang nakatayo. Pero ang damit ng anak namin ay nasa kama na rin.
“Lumabas ka na rin pagkatapos niyan,” sabi pa niya. I ignored her remarks.
Hinubad ko ang damit ni Zaidyx. Pinunasan ko rin ang katawan niya, para maging komportable siya sa pagtulog. Pinagpawisan siya kanina.
Napapahinto ako sa ginagawa ko kapag napapatingin ako sa mukha niya. Sa huli ay napangiti rin ako.
“You still a baby noong umalis si daddy, my son. Ngayon nga ay kaya mo nang magsalita, maglakad at kung ano-ano pa ang ginagawa ng isang bata. Babawi si daddy sa inyo. I promise you that.” Hinalikan ko ang noo niya at inayos ang kaniyang kumot.
Napako naman ang tingin ko sa bedside table niya. Dalawang picture frame ang nandoon at hindi ko nagustuhan ang isa. Inabot ko iyon. Matagal kong tinitigan bago ako naghanap ng gunting. Inilabas ko ang litrato.
Mabuti at nasa gilid lang ang lalaki kaya iyon lang ang ginupit ko. Nang makita ko na tatlo na lang sila ay bumalik ang pagkakangiti ko. Ibinalik ko rin naman iyon sa frame. Nilukumos ko ang tinanggal ko na sagabal lang sa paningin. Itinapon ko iyon sa trash bin.
“It’s beautiful,” I uttered. Ang pangalawang litrato ay kaming dalawa ni Zai. Noong first birthday niya. Wala na kaming litrato, iyong kasama naman namin ang mommy niya?
I kissed my son’s head before I leave his room. Hinanap ko naman ang kuwarto ni Florence, pero sumulpot na bigla si Francine.
“Ano? Hindi ka pa ba aalis?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“Where is your husband?” I asked her. Ang tunog ng boses ko ay parang nang-iinis lang. Kaya hindi na naman maipinta ang mukha niya.
“And why are you looking for my husband, ha?”
“Hmm. I saw something awhile ago, baby. Sana nga ay namalik-mata lang ako. So, puwede ko na bang makita ang anak ko?”
“Excuse me? Kalalabas mo lang sa kuwarto ni Zaidyx.”
“I’m talking about my daughter, baby.” Napabuga siya ng hangin at Tinalikuran na naman niya ako. Dumiretso na siya sa baba kaya sa kabilang pinto ako nagtungo. “There is my Florence.” Pumasok ako para makita ko rin ang anak kong babae. Nakapagpalit na rin siya. Kahit sa pagtulog ay kamukha pa rin niya ang mommy niya. “Amoy baby,” sabi ko matapos kong halikan ang pisngi niya.
Hinanap ko naman ang suklay na gamit niya para makakuha ako ng hibla ng buhok niya. Ito na lang ang magiging ebedensya ko sa magsasabi na hindi ko anak ang magandang bata na ito.
Nakahanap nga ako ng maliit na suklay. Naghanap ako ng puwedeng ipambalot. “Sorry, love. Makikialam na muna si daddy sa mga gamit mo,” paalam ko, kahit natutulog pa siya.
Akala ko rin ay mayroon na naman akong gugupitin na litrato. Iyon nga lang ay may nananakawin ako. Dinala ko maging ang frame nito. Alam kong mapapansin naman ito ng may-ari, pero wala na siyang magagawa pa.
Hinanap ko si Francine sa baba at nang makita kong nasa sala siya ay naisipan ko pang tumambay roon.
She’s busy with her laptop. Nang mapatingin siya sa akin ay inirapan na naman niya ako.
“Hindi mo ako sinagot, Francine. O gusto mo ba na ako na lang ang sasagot?”
“Tigilan mo na ako, Alkhairro. Puwede bang umalis ka na lang? Nakaaabala ka na sa akin. Makiramdam ka naman.”
Tumayo ako para tabihan siya. Nang yakapin ko siya nang patagilid ay nagprotesta na siya.
“Call your husband. Nasa kabilang unit siya, right?” Napangisi ako nang maramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. I buried my face on her neck. “I love you. Bumalik ka na lang sa ’kin, Francine, please baby.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top