CHAPTER 6
Chapter 6: His warning
KHAI’s POV
TINITIGAN ko ang mukha ko sa side mirror ng sasakyan ko. Ikinangiwi ko nang mayroon akong ilang gasgas sa kaliwang pisngi ko at putok ang labi ko. Pinunasan ko iyon gamit ang daliri ko at napabuntong-hininga na lamang.
Ang laki ng galit sa akin ni Francine, ramdam na ramdam ko ’yon. Nasaktan ko nga siya sa dati, kaya ngayon ay galit na lamang ang nangingibaw sa dibdib niya.
“Shít baby. Ngayon ko lang nakita iyong sobra-sobrang galit mo sa akin,” naiiling na sabi ko pa. Inayos ko na rin ang buhok ko. Kulang na lang ay patayin niya ako.
Kahit nararamdaman kong ayaw na niya at galit na galit pa rin siya ay hindi ko siya susukuan basta-basta. Ayokong masayang ang isinakripisyo ko noon, para lang ibigay siya sa lalaking iyon.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagmamaneho na papunta sa kompanya, ang Z. A Entertainment na pinatayo ni mommy. Hotel ang negosyo ni daddy at nagpatayo lang siya ng branch dito sa Manila. Sa Cebu talaga siya dati, noong mga panahong hindi pa niya naaalala ang aking ina.
Nadatnan ko sa kompanya ang dalawang magpinsan na tiyuhin ko. Na naging matalik na kaibigan ko rin. Ganoon pa rin naman ang turingan namin, parang isa pa ring magbarkada. Tito na nga lang ang tawag ko sa kanila. Kahit ayaw nila pero si dad mismo ang nagsabi na kailangan ko pa ring tawagin na ganoon ang nakababatang kapatid at pinsan niya.
“Ryx!” sabay na tawag nila. Nasa loob na nga sila ng opisina ko. Nakipag-fistbump ako sa kanila, na madalas naming ginagawa.
“Napadalaw kayo, Tito?” I asked them. Umupo na rin ako sa katapat nilang upuan.
“What happen to your face, Ryx?” tanong ni Tito Zules, ang kapatid ni dad. May bunso pa sila at iyon ay si Tito Thyzer. Na palaging nagbibigay sa akin ng impormasyon tungkol kay Francine. He’s one of my sources.
“Gawa ng pagmamahal,” kibit-balikat na sagot ko na ikinatawa nilang dalawa. They get it.
“Did Francine do that to you? Really? So, you got hurt by the girl who loved you because you ignored her for Calystharia before?” Tito Zue asked me. Nakangisi pa siya.
Kinuha ko ang basong tubig na nasa center table ko at ininom ko iyon. “Treat yourself, Ryx. Makita iyan ng anak mong si Zai.”
“Dalawa na ang anak ko, Tito,” pagtatama ko sa kaniya, na ikinataas ng kaniyang kilay.
“Ah, si Florence ba ang tinutukoy mong pangalawa mong anak?” I nodded.
“Hmm. Nakita ko na nga ang batang iyon, ang ganda-ganda. Kamukha ng mommy niya. Malambing din, parang bumalik lang ako sa nakaraan kung saan na napakabata pa ni Francine. Pero paano ka nakasisigurado na anak mo nga siya?” Napaisip naman ako sa tanong ni Tito Zules.
“I feel it, Florence is my child. Even if she resembles her mother, I know that kid is mine, and besides, that man doesn’t have dimples. So, how could Florence have them? Florence’s full name is Khairra Florence. Kaya malakas talaga ang kutob ko, palagi ring sinasabi ng mommy no’n na hindi ko raw anak. Na anak daw nila ng asawa niyang hilaw.” Mahigpit na kumuyom ang kamao ko.
Thinking about the woman I love with another man fills me with rage and jealousy. It’s as if I want to take Francine away and bring her to a place far from everyone, of course kasama namin ang mga anak namin. Dàmn it. Kung wala na akong choice pa ay gagawin ko iyon.
“Dalhin mo sa amin minsan si Florence. Titingnan namin kung isa rin ba siyang Barjo.” Tinanguan ko lamang sila.
***
Sa tulong ni Daddy Storm ay nalaman ko ang mga schedule ng dalawang bata. Alam ko naman kung saan nag-aaral si Zaidyx. Actually, ako pa nga ang nagbabayad ng tuition niya. He’s my son after all. Ginagawa ko lang ang responsibilad ko sa kaniya.
Maaga pa lang ay nasa nursery school na ako para sunduin sila. Half-day lang ang klase nila. Una kong pinuntahan ang classroom ni Florence. Katabi lang din kasi iyon sa kuya niya.
“We appreciate your teaching. See you tomorrow, Teacher!” Iyon ang narinig kong sigawan ng mga estudyante.
Mayroon na ring naghihintay sa labas, iyong mga babysitter at parents nila. Isa-isang nagtatakbuhan ang mga ito sa kanilang sundo at ako naman ay hinintay ko na makalabas ang batang hinihintay ko.
Hanggang sa nagsimula na ring bumilis ang tibok ng puso ko, nang lumabas na siya. Iyong backpack niyang may gulong ang bitbit niya.
Ang buhok niyang nakapusod sa magkabilang bahagi ng ulo niya ay hindi man lang iyon nagulo. Maliban sa uniporme niya. I just wait for her na makita niya akong nakatayo rito.
Nagsilabasan na rin ang ibang estudyante sa kabilang classroom at nangunguna na sa paglabas ang anak kong lalaki. Nang makita niya rin ang kapatid ay agad niyang hinawakan ito sa kamay. Hindi na ako mangangamba. Halatang overprotective din si Zai at pagkalabas niya lang ay ito agad ang unang naisip niyang puntahan.
“Kuya, may baon ka pa ba riyan? Gutom po ako,” narinig kong tanong nito sa kaniya.
Ang ganda nilang tingnan sa totoo lang. Iyong tipong mapapaluha ka na lang at gusto mo na silang yakapin nang sobrang higpit. Itong pamilya na iniwan ko dati ay ang laki ng pagsisisi at panghihinayang ko.
“Wala. Hintayin na lang natin si mommy,” sagot ni Zai.
Nang magsimula na rin silang maglakad at patungo pa yata sa playground ay saka lang ako lumapit sa kinaroroonan nila.
“Hi, kids,” I greeted them. Sabay pa silang napatingin sa gawi ko. Parehong nagulat.
“Daddy!” Hindi niya iniwan doon ang kapatid niya at hinila niya ang pink na bag nito. Tumakbo rin ang bulilit, na excited ding makita ako.
Lumuhod ako para salubungin silang dalawa. Muntik pa akong matumba nang tinalon nila ako para lang mayakap sila.
“Hey.” Hinalikan ko ang pisngi ni Zai at lumipat ang tingin ko kay Florence. Siya ang humalik sa pisngi ko. Nakangiting ginantihan ko iyon. “How’s your day, love?” I asked her. She giggled at yumakap sa leeg ko.
“It’s fun and good!” she answered.
Kinuha ko ang bag niya sa kuya niya at sinukbit ko ito sa balikat ko. “Uwi na tayo?”
“Ikaw po ang sundo namin?” inosenteng tanong niya. Tumango ako at hinalikan siya sa noo.
“Yes.” Kahit hindi alam ng mommy nila.
Pareho silang napahagikhik nang binuhat ko sila pareho. Yes, kayang-kaya ko silang buhatin. Aalis na rin sana kami nang may babae ang tumawag kay Zaidyx.
“Zaidyx, sandali lang!” Ibinaba ko ulit sila para harapin ang teacher yata ni Zai.
“Good morning, Ma’am,” pormal na bati ko sa babae. Kaedad yata siya ni mommy.
“Good morning, uhm.” Hindi niya yata alam kung ano ang itatawag sa akin at pabalik-balik na ang tingin sa amin.
“I’m Zairyx Alkhairro Barjo, Zai’s father, Ma’am.” Napasinghap siya sa gulat nang magpakilala ako.
“Yes, Teacher Anne. He’s my father! My Daddy Khai!” Zai exclaimed.
“And he’s my future husband, Teacher!” I chuckled softly.
“You can’t marry my father, Florence!” Hinagod ko ang likod ni Zai. Binuhat ko na ulit ang kapatid niya at muling binalingan ang ginang.
“Akala ko ay ang daddy nila ay si Dr. Calizar. So, ikaw po pala ang daddy nila, Mr. Barjo,” namamangha at tumatangong sabi niya. Maski ang ibang tao ay iyon ang nakikita nila. “But can I see your ID, Sir?”
I don’t have any choice na ipakita ang hinihingi niya at naiintindihan ko ang pagiging mahigpit nila. Mas maganda na ang ganito para protektado nila ang mga bata.
Ilang sandali pa ay hinayaan na niya akong isama ang mga anak ko. Tatawagan na raw niya ang mommy ng mga ito. Alam kong magagalit na naman iyon kapag nalaman niyang sinundo ko ang bulilit.
“I’m hungry, baby.” Parang hindi na maglalaho ang ngiti sa labi ko. Tinatawag kong ganoon ang mommy niya, but now siya na naman ang tumatawag sa ’kin ng ganoon.
“I’ll buy you something to eat, love,” malambing na sagot ko.
Sa backseat ko sila pinaupo. Sinigurado ko na muna na maayos na ang seatbelt nila bago ako sumakay sa kotse ko. Inayos ko rin ang rearview mirror ko para makita ko sila.
“Dad, what happened to your face? Bakit may band-aid ka po?” inosenteng tanong naman ni Zai. Ginamot ko na ito kanina.
“Nadulas lang kanina si daddy. Nakipag-kiss to kiss ako sa sahig, son,” sagot ko at natawa ang maganda niyang kapatid.
“Be careful next time, baby,” she said sweetly.
“Stop calling my dad like that, Florence,” pagtatama na naman niya sa kapatid.
“You can call me daddy, love,” I said to her. I started the engine para makaalis na rin kami.
“Oh, sure Daddy!” Napailing na lamang ako.
Nag-drive thru lang kami para maka-order ng snack for them. “Florence, you want fries, burgers, or something else?” I asked her while looking at her at the backseat.
“Sure, Daddy Khai!” masayang sagot nito. Parang hinahaplos ng malambot na kamay ang dibdib ko. Mas maganda nga na iyon ang dapat na itawag niya sa akin.
Si Zai naman ang binalingan ko. “How about you, son?”
“Pasta and apple juice, Dad,” he answered and I nodded.
“Uhm, there is a peanut butter cookies?”
“You can’t eat that, baby sis. Allergic ka sa peanut!”
Umawang ang labi ko sa gulat. Ngayon ko lang nalaman. Well, ako rin naman ay hindi kumakain no’n, dahil may allergy rin ako. My lips rose. Mayroon din kaming pagkakatulad. Kanino pa nga ba siya magmamana?
“Oh, ibang flavor,” nakangusong sabi niya. Binili ko na ang pagkain na gusto nila, kaya kahit nasa sasakyan na sila ay kumakain na silang dalawa. Hinayaan ko sila, gutom na gutom ang kamukha ng baby ko.
Sa hospital kami nagtungo para madaling makapunta ang mommy nila sa amin. Kinuha ko ang cell phone ko sa dashboard ng sasakyan ko para tawagan siya. Hinanda ko na rin ang sarili ko kasi alam kong sisigawan na naman niya ako. Ilang ring lang ay sumagot na siya sa mula sa kabilang linya.
“Hey! Saan mo dinala ang mga anak ko?!” See? Kahit over the phone pa ay nakasigaw talaga siya. Kung makaangkin din siya na sa kaniya ay parang hindi niya ako kasama na gumawa ng baby namin.
“Hmm, bonding with our kids, baby,” I replied. Pasulyap-sulyap ang ginawa ko sa kasama ko ngayon. Masaganang kumakain.
“Don’t baby me, Alkhairro. Kung susunduin mo lang sa school nila si Zai ay hindi mo na kailangan pang isabay si Florence. Ang daddy niya mismo ang susun—”
“Are you talking about her father? So, I am. Francine, huwag mo akong galitin. Kanina ay nagtiis lang ako na huwag magalit, dahil may atraso ako. Pero kung gusto mo talaga itago sa akin ang katotohanan. Fine, ibibigay ko sa iyo ang patunay na ako ang ama ng anak mong babae. Hindi ko iuuwi ang mga bata kung hindi ka sasama sa amin,” mahaba at seryosong sabi ko.
Tanggap ko na ayaw niyang aminin sa akin ang totoo, pero huwag niya lang sasabihin na anak niya ito sa lalaking iyon. Obvious naman na hindi iyon ang biological father ni Florence. Sa akin, sa akin lang dapat ang anak namin. I looked at my children.
“Yum-yum! Sarap!”
“Ang dungis mong kumain.”
I don’t want to drag our children into this, but it’s the only way para mabawi ko siya. Kung ipipilit niya rin ang bagay na iyon. Fine, magpapa-DNA test kami at nang wala na siyang masabi pa. Kukunin ko ang karapatan ko sa anak namin.
Nakita ko na palabas na si Francine. Lumabas na ako para makita niya ako sa parking space. Nakasuot lang siya ng wrap dress kaya malaya kong naipasok ang kamay ko kanina sa ilalim ng damit niya. Hanggang ngayon nga ay ramdam ko pa ang mainit niyang katawan na dumikit sa akin nang ilang sandali lang. I fúcking miss her.
Sumandal ako sa hood ng sasakyan ko at isinuksok ko ang aking kamay sa bulsa ng pantalon ko.
Look at me, baby.
Parang narinig niya nga ang boses ko, kasi napatingin na siya sa direksyon ko. Malalaki ang bawat hakbang niya nang lumapit na siya.
I’ve never seen this expression on her face before. She’s grown from a sweet, talkative, and kind child into an independent, intelligent, and composed young lady.
Inaamin ko na masyado ko nga siyang binakuran noon. Nabuntis ko siya at the age of 18. 19 naman siya nang ipinanganak niya ang panganay namin. Tapos nabuntis din siya sa ganoong edad. Sa sources ko ay two years ago lang sila ikinasal. Three years old na ang anak niyang babae.
Iyong halatang-halata na nga ay todo tanggi pa siya.
Sa paglapit niya ay tumaas sa ere ang kamay niya, hindi ko na siya hinayaan pa na saktan niya ako ng pisikal kaya hinuli ko na lang ang pulso niya. Hinila ko rin iyon saka ko siya ikinulong sa mga bisig ko.
“Baby, huwag mong ipakita sa mga bata na nananakit ka ng pisikal. Matatakot sila sa iyo,” sabi ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa balikat.
“Ang dami mong alam! Tigilan mo na ako, Alkhairro! Stress na stress na ako sa pinaggagawa mong lalaki ka! Hindi na ako makapag-concentrate sa trabaho ko!” Ilang beses niyang pinagkukurot ang braso kong nasa likod niya. Dahil iyon lang ang hindi nakikita ng dalawang bata.
“Chill, baby.” Kumalas ako sa yakapan namin at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
Pinipigilan pa rin niya ang huwag magalit. Pulang-pula ang magkabilang pisngi niya. Kahit ang mga mata niya ay kasing lamig ng yelo. Wala na roon ang kislap na madalas kong makita sa kaniya, kapag tinititigan niya ako.
Tinulak niya ako pero hindi ko siya binitawan. “Where’s my kids?!” mariin na tanong niya. I kissed her forehead and snaked my arm around her waist.
Sinamaan niya ako nang tingin. Ngumiti lamang ako at binuksan ko ang backseat.
“Hi Mommy! We’re having a snack!” Si Florence ang nagsalita. Ipinakita pa nito ang kinakain na spaghetti. Nagkalat na ang sauce sa gilid ng munting labi niya.
“Hello, Mom. Sinundo po kami daddy sa school namin. He’s so sweet, right?”
“Daddy na rin po ang tawag ko kay baby, dahil iyon po ang gusto ni Daddy Khai!”
“Shut up, how dare you, Florence? Magagalit na ang daddy mo,” sabi niya sa bata. Hindi niya ito pinagtaasan ng boses, kahit nararamdaman ko na rin ang inis at pagtitimpi niya.
“Si Daddy Calizar po, Mommy? Magpapaalam po ako kay dad, and it’s okay naman po sa iyo, Mom right?” she asked innocently.
Tinulak na naman niya ako para lang punasan ang dungis nito. Dahil doon ay nagawa ko siyang buhatin.
“Ano ba, Alkhairro?!” Isang malakas na hampas ang tumama sa balikat ko. Hindi ko naman siya nabitawan, sa higpit nang hawak ko sa kaniya at saka as if ay hahayaan ko siyang masaktan.
“Close the door behind you, Zai,” utos ko sa aking anak. Tumatangong isinara nito ang pinto. Nagpupumiglas pa ang kaniyang ina pero nang maipasok ko na ito sa loob ay hindi na rin siya nakapalag pa. Ikinabit ko rin sa kaniya ang seatbelt. “I love you,” I whispered.
“Fúck you.” Natawa ako sa sinabi niya.
“Hmm, sure baby. Let’s do that. Okay lang sa akin na maging kabit mo, wala akong pakialam basta ikaw ang gusto ko.”
“Stupíd,” she murmured and shrugged my shoulders. Sanay na akong tawagin niya Anong ganyan, and I don’t mind.
Umikot na rin ako sa kabila at sumakay na. Kinindatan ko pa siya, ngunit pag-irap lang ang ginawa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top