CHAPTER 5
Chapter 5: Stress
NAKULONG sa mga labi niya ang daing ko at kahit paikot ko siyang pagtulakan ay wala pa rin akong lakas upang makawala sa kaniya.
Naramdaman ko na lamang ang paghawi niya sa panty ko at nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang hinagod ng gitnang daliri niya ang pagkababae ko. Napaigtad pa ako.
Bakit ba kasi panty lang any isinuot ko kanina?! At sana hindi na rin ako nagsuot ng dress!
“Fúck, baby,” bulong niya nang pinakawalan niya ang labi ko, naglakbay ang halik niya sa leeg ko. Patungo sa batok ko at sinusubukan pa rin niyang igalaw ang daliri niya sa gitna ng mga hita ko.
Kahit parang bibigay na ang katawan ko ay iba rin naman ang isinisigaw ng isip ko.
“Do it at sisigaw ako ngayon ng rapè,” mariin at malamig na banta ko sa kaniya.
“You didn’t mean that, baby,” he whispered at nagpatuloy siya sa paghalik sa akin. “You’re pussy need my touch. You’re soaking wet and I want to eat you right now, right here, Francine.”
“Dàmn you, stupíd!” sigaw ko at kinagat ko ang balikat niya. Balak niya sana akong ihiga sa kama nang bumukas ang pinto.
Mabilis niya akong naibaba at napangiwi ako nang naipit ang boobs ko sa matigas niyang dibdib. Niyakap niya kasi nang sobrang higpit. Inayos niya rin ang dress kong lumihis at pati na ang lab gown ko.
“Ah, may delivery po. Bulaklak, doktora?” Ang nurse assistant ko na si Clea at ano na lang kaya ang iisipin ng isang ito sa nakita niyang posisyon namin ngayon ni Khai.
Alam nito na kasal ako kay Calizar. Kahit na sinisikap kong makawala sa kaniya ay hindi ko naman magawa. Ang strong ng gagóng ’to!
“Thank you. Pakilapag na lang diyan,” he said to my assistant nurse. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay saka niya lang ako pinakawalan.
Humiwalay na rin siya at nilapitan ang bulaklak. Sa pagbalik niya sa akin ay ibinigay niya iyon. Matigas pa rin ang ekspresyon ng mukha ko. Napangiti pa siya nang hindi ako nagdalawang-isip na kunin iyon pero iyon ang inaakala niya.
Dahil sa naghalo-halo ang emosyon na naiipon sa aking dibdib ay nagawa ko na ang bagay na ito, na hindi ko rin mismo inaasahan.
Hinampas ko ang dibdib niya gamit ang bulaklak na bigay niya. Napaatras siya sa gulat at wala na akong pakialam pa kung pati ang mukha niya ay matatamaan.
“Hindi mo na ako nirespeto!” sigaw ko. Labas na labas ang ugat sa leeg ko. Nanlilisik din ang aking mata.
Galit na galit ako sa ginawa niya, akala niya ay matutuwa ako? Na parang walang kahirap-hirap niya ako mahahawakan dahil lang sa madalas niyang gawin iyon noon?
“Francine.”
“Porket may anak na tayo ay basta-basta mo na lang akong hahawakan nang ganoon! Alam mong may asawa na ako!” Nasira ang bulaklak dahil sa paulit-ulit kong pagpalo sa kaniya. Iyong mga petals ng roses ay nalaglag na rin iyon sa sahig at ang iba ay dumikit sa coat niya.
Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi, dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina. Feeling ko ay isa akong babaeng bayaran na puwede niyang hawakan kung kailan niya gusto.
“Baby.”
“I hate you so much!” Hagulgol ko lang ang maririnig sa apat na sulok ng clinic ko.
Ihahampas ko na sana ulit iyon nang makita ko ang dugo sa pisngi niya, pati na ang gilid ng labi niya. Binitawan ko na ang sirang-sira na bulaklak. Napahawak ako sa bibig ko dahil mas bumigat lang ang dibdib ko.
Nilapitan na niya ako at niyakap. Dinala niya sa dibdib niya ang ulo ko at ang kamay ko ay patuloy sa paghampas sa kaniya.
“I’m sorry, hindi ko na uulitin iyon. Forgive me, baby. I’m so sorry,” malambing na pag-aalo niya. Hinahagod niya ang likod ko at nararamdaman ko rin ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.
“Just leave. Leave me alone. I don’t need you here, Alkhairro,” mariin na saad ko. Huminga siya nang malalim na parang nahihirapan siya.
“Aalis ako, pero tandaan mo na hindi kita susukuan agad-agad, Francine. Huwag na huwag mo akong uutusan na iwasan ka,” he warned me. Inangat pa niya ang baba ko at bago pa ako makapagprotesta ay naangkin na niya ang mga labi ko.
Tumulo lang ang luha ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin nagustuhan ang paghahabol niya na wala naman siyang mapapala pa.
I already learned my lesson, not to love him dahil sakit lang ang idudulot niya. Katulad nang ginawa niya noon sa amin.
Bago siya umalis ay naglinis pa siya sa mga pinagkalatan ko. I ignored him hanggang sa makaalis na rin siya. Nagpaalam pa siya but still, mas pinili ko na lang ang magtrabaho at huwag na siyang pansinin pa.
Nang tuluyan na nga siyang makaalis ay ilang beses ko pang pinukpok ang ulo ko. Mugtong-mugto agad ang mga mata ko. Sa aking pagpikit naman ay nakikita ko ang imahe niya kanina. Ang duguan niyang pisngi, ang labi niya.
“Oh, God. Hindi naman ako bayolente, ah. Pero nagawa ko talaga iyon? Nagawa kong paduguin ang labi at pisngi ng lalaking iyon?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Napahilamos na lamang ako sa mukha ko at huminga nang malalim. Ano naman ang pakialam ko sa lalaking iyon? Deserve naman niyang masaktan. Stupíd iyon, e.
Dinampot ko nang wala sa sarili ang cell phone ko at tinawagan ko na si Vira. Nasa ibang hospital ang working place niya. Sa tagal ng friendship namin ay finally naisipan na rin namin ang maghiwalay kahit sa work lang namin.
“O, beh? What’s up my beautiful bestie?!” masayang tanong niya sa kabilang linya. As ever ay ganito pa rin siya ka-jolly.
“May chika ako sa ’yo,” sagot ko.
“Okay, tamang-tama na bored ako ngayon. Katatapos lang ang meeting ko kasama ang last patient ko ngayong araw. I need to rest my brain din naman. So, continue. Ano na, beh?”
“About Khai,” tipid na sambit ko.
“What about him, Francine? Nakauwi na siya sa bansa? Bakit nalaman na ba ni Kuya Khai ang secret mo na hindi naman talaga kayo—”
“Vira, ano ba?! Nag-usap na tayo na hindi natin ibi-bring up ang topic na ’yan,” sita ko sa kaniya. Napapadyak pa ako dahil ayokong may makaaalam tungkol doon. Matagal ko ring inilihim iyon at hindi puwedeng malaman nino man, lalong-lalo na si Khai. She just laughed and I rolled my eyes. “Kapag may nakaalam tungkol diyan ay ikaw ang pagbibintangan ko!”
“Okay! Hindi na. Just spill the bin. What happened ba? Or should I ask you this kung may nangyari na sa inyo agad-agad ni Kuya Khai? Knowing him.” Awtomatikong pinagdikit ko ang magkabilang binti ko at mariin pa akong napapikit dahil naalala ko ang nangyari kanina.
Oh, dàmn it! Iyong daliri niya na pinipilit niyang ibaon kanina!
“Shut up! As if naman ay bibigay pa ako sa stupíd na iyon?” naiinis na wika ko. Ang sarap ngang kalmutin ang mukha no’n. Tsk.
“Chill, beh. Ikaw naman, masyado kang hot. Halatang may feelings ka pa, e,” panunukso niya na mas lalo lang akong nairita.
“Hindi na ako katulad pa nang dati, Vira. Hindi na niya ako mauuto pa. Nagbago na ako at hindi ko na siya mahal!” sigaw ko pa.
“Whatever, beh. Mukhang mayroon na ngang habulan ang nagaganap. Exciting ’yan, huwag ka munang bibigay. Dapat close mo muna ang mga binti mo, kasi last time we checked ay nabuntis ka sa pangalawang pagkakataon at siya pa rin ang ama—”
“Bye!” sabat ko. Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita dahil ayoko nang marinig pa. Nababanas na ako. As if din ay sasabihin ko sa kaniya ang tungkol doon?
Kumatok ulit si Clea, busy na rin ako sa sumunod na mga oras. Dahil na rin sa mga pasyente ko.
Walang nanny ang babies ko, kasi private iyong nursery school na pinapasukan nilang dalawa. Half day nga lang ang class nila pareho at madalas ay grandparents nila ang sumusundo sa kanila. Minsan ay kami ni Calizar.
In the midst of my working ay tumunog naman ang cell phone ko. Agad kong tiningnan ito at nakita ko na teacher ito ni Zaidyx.
“Yes, Ma’am?” sagot ko.
“Good afternoon, Dra. Francine!” masayang sambit naman ng teacher ni Zai. Ganyan ang tawag niya sa akin since doctor naman daw ako, and happy naman ako na ganito ang tawag sa akin.
“Napatawag po kayo? Hindi po ba nag-behave ang anak ko, Ma’am?” tanong ko naman, kahit imposible na magkakaroon ng problema sa baby boy ko. Good boy rin kasi iyon.
“Nah, it’s nothing. I just want to inform you na sinundo kanina si Zai ng daddy niya, and kasama nila si Florence,” she said.
Napaayos ako nang upo sa narinig, never naman siyang nag-i-inform na kung ang asawa ko mismo ang susundo sa mga bata. Unless. . .
“Ang daddy po ni Zai?” I asked.
“Yes, doktora. Ngayon ko lang nalaman na iba pala ang ama ni Zaidyx. Of course at first ay hindi ako pumayag pero iyong mukha ng lalaki ay halata na.” I took a deep breath.
“It’s Zairyx Alkhairro Barjo, Ma’am?” Nang kinumpirma na nga nito ay bumalik ang inis ko sa lalaking iyon. “Thank you for the information, Ma’am,” paalam ko.
Hindi na ako mapakali sa kaalaman na kasama na naman niya ang mga anak ko. Nang sinubukan ko namang tawagan si Calizar ay cannot be reach ang phone niya.
Ano na naman kaya ang plano ng isang iyon? Bakit niya sinundo sina Zai at Florence?
Sa pag-iisip ko ay umalingawngaw ulit ang ringtone ng cell phone ko at pamilyar ang numero.
It was Khai!
Hindi ako nag-atubili at sinagot ko agad ang tawag. “Hey! Saan mo dinala ang mga anak ko?!” agaran na sigaw ko at napatayo pa ako.
“Hmm, bonding with our kids, baby.” Parang hindi ko siya sinigawan kanina at pinagalitan, ah.
“Don’t baby me, Alkhairro. Kung susunduin mo lang sa school nila si Zai ay hindi mo na kailangan pang isabay si Florence. Ang daddy niya mismo ang susun—”
“Are you talking about her father? So, I am. Francine, huwag mo akong galitin. Kanina ay nagtiis lang ako na huwag magalit, dahil may atraso ako. Pero kung gusto mo talaga itago sa akin ang katotohanan. Fine, ibibigay ko sa iyo ang patunay na ako ang ama ng anak mong babae,” mahabang saad niya at bago pa niya ibaba ang tawag ay mayroon pa siyang idinugtong. “Hindi ko iuuwi ang mga bata kung hindi ka sasama sa amin.”
Ako na mismo ang pumutol sa linya at halos ibato ko na rin ang phone ko. Kanina pa ako stress! Kailan ba ako tatantanan ng stupíd na iyon?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top