CHAPTER 18
Chapter 18: Peace
“IPASOK mo na sa loob si Florence. Susuotan ko siya ng damit,” marahan na utos ko sa kaniya. Nilakihan ko lang ang sliding door ko para makapasok na silang dalawa.
Itinuloy ko na ang pagpunta ko sa walk-in closet. Inilagay ko rin kasi ang mga gamit doon ng bunso ko. Manipis na kamesita ang pinili ko. Para maiwasan ang pag-convulsion ng bata.
Bitbit ko na sa aking kamay ang kinuha ko. Naabutan ko si Khai na nakaupo lang sa gilid ng kama. Wala yata siyang balak ihiga roon ang anak niya. Maingat niya itong niyayakap.
“Kailan pa siya ganito?” tanong niya nang mapansin niya ako. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
“Kanina nang magising ako. Naramdaman kong mainit siya,” sagot ko. Sa ngayon ay civil lang muna kami. Wala na munang away-away na magaganap. Mas importante na pagtuunan namin nang pansin ngayon si Florence.
“Bakit siya nagkasakit?” I shrugged my shoulders. As if alam ko. Eh, bigla na lang nagkalagnat ang baby.
“Ibaba mo na siya sa kama. Bibihisan ko na siya,” aniko. Sinunod naman niya ako at nang tatayo na sana siya para ako na ang umupo sa may gilid ay dumilat ito. Hinawakan ang dalawang daliri ng kaniyang ama.
“Don’t leave me, Daddy,” mahinang sambit nito, tila nakikiusap din siya. Himala na hindi ang Daddy Calizar niya ang hanap niya.
“I won’t leave you, love. Dito lang si daddy,” pagbibigay nito ng assurance at hinalikan pa nito ang likod ng kamay ni Florence.
I sighed, kaya kahit ayokong umupo sa tabi nito ay no choice na ako. Tumingin pa ito sa akin at ngumiti siya kahit na may sakit pa siya.
Pulang-pula ang magkabilang pisngi niya. Mabagal ang talukap ng mata na parang inaantok pa siya.
Ramdam ko naman ang panonood sa akin ni Khai na nasa likuran ko. Kumunot ang noo ko, dahil parang mas lumapit siya.
“Ano ba? Huwag ka ngang malikot diyan,” naiinis na bulong ko sa kaniya. Halos yakapin na niya ako mula sa aking likuran. Nalalanghap ko na nga rin ang shampoo niya and his body soap. “Khai, ano ba?!”
“Hey, wala naman akong ginagawa rito. Nakaupo lang naman ako rito. Right, Florence?” Tumango pa ang batang pinagtanungan niya. Kaya malakas ko siyang siniko. Natural na kakampihan siya nito.
Binalingan ko siya at pinukulan nang masamang tingin. “Kung hindi ka titigil diyan ay palalabasin kita sa kuwarto ko,” pagbabanta ko sa kaniya. Napaiwas lang siya nang tingin.
Ilang sandali pa lang ay mayroon nang kumakatok sa pinto ng kuwarto namin ni Florence.
“Mommy? Hindi po ba kami papasok ngayon ni Florence?” Boses na iyon ni Zaidyx at tumingin ako sa pinto. Ang ulo niya lang ang nakikita ko at iginala pa niya ang kaniyang paningin hanggang sa mapansin na niya ang daddy niya. “Daddy! You’re here!” gulat na bulalas nito.
Palagi pa rin siyang excited na makita ang kaniyang ama, kahit any time naman niya ito mapupuntahan sa kabilang bahay.
Binuksan na nga nito ang pinto at patakbong lumapit sa kinaroroonan namin. Mabilis naman siyang kinandong nito. Natapos ko nang bihisan ang baby sister niya.
“Magluluto lang ako ng soup, baby,” malambing na sabi ko sa kaniya. Namumula ang cheeks niya.
“Okay po, Mommy,” she replied. I kissed her forehead.
“Zai, papasok ka pa rin ngayon, ha?” paalala ko naman sa baby boy ko. Tumango naman siya bilang tugon at tiningnan niya ang kapatid niya.
“May fever ka, Florence?” tanong niya sa kapatid sabay hipo sa nito.
Dumiretso agad ako sa kitchen namin. Si mommy ang naabutan kong naghahanda ng breakfast.
“Good morning, Mom,” I greeted her.
“Morning. Hindi ka pa ready, honey?” Umiling ako sa tanong ng aking ina.
“May sakit po si Florence, Mom,” sabi ko at nabigla naman siya. “Lagnat lang naman po iyon. Kaya ipagluluto ko po siya ng soup.”
“Sino ang kasama niya sa kuwarto niyo? Ang kuya niya?” I nodded.
“Nandoon din po ang daddy niya, mommy,” sagot ko naman. Napangiti pa siya sa narinig.
“I’m sure na nag-aalala si Khai. Ito ang unang beses na makikita niyang nagkakasakit ang bunso niyo.” Parang nag-iba na naman yata si mommy. Nandoon na naman ang panunukso sa kaniyang tinig. Alam kong hindi lang ako ang nakararanas no’n. Baka nga ganoon din si Khai sa house nila.
“Takot din pong maiwan ang apo niyo, mom,” naiiling na sabi ko at nagsimula na rin akong magluto.
Nang matapos ako ay saka lang sila kumain mg breakfast. Pinatawag ko pa kay Cody ang pamangkin niyang si Zai, para makasabay na sa kanila ni dad.
“Ako na ang maghahatid kay Zai, anak at susunduin ko na lang siya after class,” sabi ni mommy na ikinangiti ko.
“Salamat po, Mommy,” sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Nang makabalik ako sa room ko ay naabutan ko si Khai na pinupunusan na niya ng maligamgam na tubig ang anak niya. “Bumaba ka muna kung hindi ka pa nagbi-breakfast. Ako na muna ang bahala kay Florence.”
Umupo ako sa gilid ng kama. Huminto na rin siya sa kaniyang ginagawa. Naramdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin.
“I want this, Francine.” Kumunot ang aking noo. Kasi hindi ko na-gets ang lumabas sa bibig niya.
“Ano’ng pinagsasabi mo riyan?” nagtatakang tanong ko. Ibinaling ko rin ang tingin ko kay Florence. Ginising ko siya para pakainin at nang makainom na rin siya ng gamot.
“This, iyong hindi tayo nag-aaway,” sabi niya. Nasa boses niya ay tila gusto niya na ganito ang samahan namin. Na hindi kami nag-aaway at nagsusumbatan na dalawa. Alam naman niya kung saan ko pinaghuhugutan ang galit ko.
“Ewan ko sa ’yo,” malamig na sabi ko. “Wake up, baby.” Umungol lang ang baby ko. Nagising din naman siya at una niyang hinanap ang daddy niya. Gusto kong umirap. Kung wala lang siyang sakit ay hindi ko hahayaan na makapasok sa room namin ang daddy niya.
“Ako na,” pagpresenta ni Khai. Ibinigay ko na lang iyong pink na bowl sa kaniya. “Ako na muna ang bahala sa anak natin, kumain ka na muna ng agahan sa baba.”
Tinitigan ko pa siya, nang ibaling niya ang tingin sa akin ang nag-iwas ako nang tingin.
“Dito na lang ako. Gusto kong makita na mauubos iyan ni Florence. Kapag nagkakasakit siya ay palagi siyang nawawalan nang ganang kumain,” I reasoned out. Kasi iyon naman talaga ang totoo.
Magkaiba sila ng kuya niya. Si Zai, kahit walang ganang kumakain ay sinisikap niyang ubusin ang soup na hinahanda ko. Ayaw niya rin kasi na nakikita akong nag-aalala sa kaniya. Ako pa nga ang inaalo niya.
Halos sabay naman kaming napatingin sa pinto nang may kumatok.
“Come in,” aniko at bumukas naman iyon agad. Si mommy ang pumasok sa loob, nasa likuran niya ang isa naming maid.
“Hon, dinalhan na namin kayo ng breakfast dito. Kumain kayo ni Khai habang pareho niyong binabantayan si Florence,” sabi nito, dahilan na napakunot ang aking noo.
“Bababa naman po ako, Mom. Hindi mo na sana ako dinalhan dito,” sabi ko but she just smiled at me.
“Hayaan na, much better na may kasama kang kumakain dito,” she said. Napabuntong-hininga na lang ako. “Sinabihan ko na rin si J na may sakit ang aming apo. Pupunta sila rito,” she added.
Tumayo na lang ako para kunin ang tray. Ngumiti pa ako sa aming kasambahay. “Thank you po.” Yumuko lang ito saka siya nagpaalam na lalabas na.
“How are you, sweetheart? Bakit nagkasakit ang aking apo?” malambing na tanong pa ni mommy sa anak ko.
Asikasong-asikaso ang isa riyan, nakatutok lang ang atensyon niya sa bata.
Lalabas na nga ako, si Zai na lang ang aasikasuhin ko para makapasok na sa school niya. Tatawagan ko rin si Calizar, papupuntahin ko siya sa bahay. Hindi puwedeng wala siya rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top