CHAPTER 15
Chapter 15: Florence’s discover the truth
DAHIL napatunayan na nga ni Khai na siya ang biological father ni Florence ay hindi na nakapalag pa ang mommy nito na hatid-sundo na niya sa nursery school.
Alam niyang labag ito sa kalooban ng babaeng mahal niya, ngunit wala naman itong magagawa pa. Kundi ang sumang-ayon na lang sa kagustuhan niya. Nagawa na nga niyang kausapin ang asawa nito.
Pero dahil mahal nito ang mga bata ay humingi ng isang araw na ito naman ang maghahatid-sundo sa mga anak niya. Pinayagan na niya, kahit napipilitan lang din siya.
Isa pa na ayaw niyang biglain ang anak niyang babae, na hindi pala totoong ama ang kinikilala nitong daddy. Baka kasi magbago rin ang isip ng bata. Lalayo ang loob nito sa kaniya.
***
“Mommy, are you done po?” tanong ng batang si Florence. Nasa kuwarto sila ng kaniyang ina. Hanggang ngayon ay nasa mansyon pa sila ng grandparents niya. “Nasa baba na po si Daddy Khai. Papasok na kami!”
“You may go first, baby. Hindi naman ako sasama sa inyo,” sagot ng mommy niya.
“But Mom! Iyong backpack ko po. Hindi ba I told you last night na magpapalit ako ng bag ko?” nakangusong tanong niya at sumilip na siya sa nakaawang na pinto ng walk-in closet nila.
Nagbibihis kasi ang mommy niya, kasi handa na ring pumasok sa trabaho nito. Nginitian pa siya nang makita siya nito.
“Sorry, baby. Nakalimutan ni mommy. Hintayin mo na lang ako riyan, Florence.”
Bumalik sa kama si Florence nang marinig ang naging sagot ng kaniyang ina. Ilalabas pa lang sana niya ang mga gamit niya nang sumulpot naman ang kaniyang nakatatandang kapatid.
“Florence? Bakit hindi ka pa bumababa? We’re gonna be late. May work din si daddy,” sambit ng kapatid niya.
“Kuya kasi magsi-change po ako ng backpack ko. Ayoko po muna sa pink. Gusto ko po ay red,” sagot niya sa kaniyang kuya.
“Si mommy?” tanong naman nito.
“Nagbibihis pa po.” ’Sakto namang lumabas ang kanilang ina. May towel ito sa buhok at dala-dala na ang red backpack niya.
“Kuya, help your baby sister. Magsusuklay lang ako.“ Ibinigay ng mommy nila ang bag niya sa kuya niya.
Tumulong naman ang batang si Florence na ilabas ang mga gamit niya. Kahit puro papel ang iba ay isinama pa rin nito.
Nang matapos nga ang kanilang ina sa pagsusuklay ay tinulungan na siyang magsukbit ng bag niya.
“Thanks, Mommy!” At saka sila sabay na lumabas ng kuwarto.
***
“Bye, Daddy Khai,” masayang paalam ni Florence. Todo kaway pa siya habang hawak siya sa isang kamay ng Kuya Zai niya.
“Sige na po, Daddy. Ako na po ang bahala kay Florence,” sabi ng nakatatandang kapatid niya.
“Okay. See you later, kids,” sambit ng kanilang ama, matapos silang halikan sa noo. Tinanaw pa sila nito kahit papasok na nga sila sa classroom.
Nauna siyang pinapasok ng kaniyang kuya, humalik pa siya sa pisngi nito bago siya nagtungo sa upuan niya.
May mga kaibigan siyang sina Nate at Lily, nakipagkuwentuhan siya rito. Mayamaya lang ay nagsimula na ang klase nila.
Wala pa man ay tila excited na ang bata na makita ang kaniyang daddy. Alam kasi niya na susunduin ulit sila.
Lumipas ang ilang oras ay na-dismiss din ang kanilang klase. Lahat ng mga gamit ni Florence ay inilabas niya kanina. Kasi nagkaroon sila ng activity na kukulayan nila ang mga prutas.
Siyempre, may pinagmanahan ang bata kaya nakakuha siya ng three stars means perfect score at may naka-indicate pa na very good.
“Dali na, Florence! Ang bagal mo naman!” sigaw ng kaniyang kaibigan na si Lily. Napanguso siya. Ang kaibigan naman niyang si Nate ang tumulong sa kaniya na ayusin ang crayons niya.
“I’m okay na. Mauna na kayo!” sigaw niya sa mga ito. Nag-thumps up lang sa kaniya saka nauna nang lumabas.
Sa mga oras na iyon ay nandoon pa ang teacher nila. May inaayos din na mga papel. “Bye teacher!” paalam pa niya.
Ngunit bago pa mang makalabas ang batang si Florence nang marinig niya ang impit na pagtili ng teacher niya. Akala niya ay may nangyari na rito. Pero wala naman pala.
Nahihirapan ang teacher niya na magpulot ng mga papel, kasi maikli lang ang skirt nito. Kaya naman tumulong siya.
“Oh, thank you, Florence.”
“No worries po, Teacher Rhen!” Sa kalagitnaan nga nang pagpupulot ng bata sa mga papel sa sahig ay natigilan siya.
Pagkakita pa lang niya ng papel ay may naalala siya bigla. Napatili siya at nagulat din ang kaniyang guro.
“What happened, Florence? Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya. Hinawakan pa siya sa balikat.
Siya naman ay kinalkal niya nang kinalkal ang bag niya para hanapin ang papel na tinapon ng mommy niya.
“I forgot something, teacher! I’m so ulyanin na po!” salubong ang manipis na kilay na bulalas niya. Bahagya namang natawa ang dalaga sa inasal ng kaniyang estudyante. “OMG po talaga, teacher! Nag-change po ako ng bag!” tila naiiyak na sambit pa niya.
“That’s okay, Florence,” pag-aalo nito sa bata.
Tila stress na stress na nga ang batang Florence hanggang sa makita na niya ang pamilyar na lukot-lukot na papel. Napangiti siya nang kay tamis-tamis.
“Here na po!” masayang bulalas pa niya sabay bigay ng papel sa guro niya. “Can you read this letter for me, Teacher Rhen?” she requested.
Walang pag-alinlangan na kinuha naman nito ang nasa kamay niya. “Letter? Para saan ito, Florence?” curious nitong tanong.
“Basta po, Teacher. Paki-read na lang po for me,” malambing na pakiusap pa niya. Nag-puppy eyes pa siya rito.
MULA sa labas ng classroom ay panay ang pagtingin ni Zaidyx sa paligid para hanapin ang kaniyang nakababatang kapatid. Himala na hindi ito ang nangunguna na lumabas. Excited pa naman ito kung umuuwi na sila.
Nang mahagilap niya ang mga kaibigan ng kaniyang kapatid ay hinarangan niya ang mga ito. Medyo nagulat pa nga nang makita siya.
“Where is my sister, Nate, Lily?” he asked them.
“Nasa loob pa po. Niaayos niya gamit niya,” sagot ng batang si Lily na nahihirapan ito na tingnan siya. May katangkaran na kasi siya na hindi naayon sa kaedad niya.
“Okay,” sabi niya lang at tinalikuran na niya ang dalawa. Napakamot pa sa batok nito ang isang batang lalaki na si Nate. Hintayin na lamang ni Zaidyx ang kapatid niya.
***
“This is paternal test result, Florence,” wala sa sariling sagot ng dalaga na nakalimutan na yata nito na bata ang kausap.
“Po? What does it mean po, teacher? Enlighten me po,” Florence pleaded to her teacher.
“Ang ibig sabihin sa nakasaad dito. May 99.99 percent na mag-ama ang pina-DNA test dito,” mahinahon na paliwanag nito, ngunit hindi agad naintindihan ng bata. Kumunot lang ang noo niya. Mukhang na-gets naman ng guro ang reaskyon ng batang kaharap. “Ganito iyan, Florence. Sa DNA test result nga ay sinasabi na ikaw at si Zairyx Alkhairro D. Barjo ay mag-ama. Na siya ang biological father mo—eh?! Wait a minute. Ano ito, Florence? Para saan ito?”
Mabilis na kinuha naman ng batang Florence ang papel at ibinalik niya kaniyang bag.
“This is nothing, Teacher Rhen. Thank you po!” At nagmamadali na nga siyang lumabas, na naiwan ang dalagang nakatulala na lang.
“Ha? Bakit may ganoon ang estudyante ko? Para saan iyong DNA test na iyon? Alam ba iyon ni Dra. Francine?”
Bumagal ang paglalakad ni Florence, dahil gumugulo na sa isip niya ang nalalaman niya.
“Ako at si Daddy Khai raw ay mag-ama. Na ako ay daddy ko raw si Daddy Khai. Na daddy ko for real ang daddy ng kuya ko,” iyon lang ang paulit-ulit na sambit ni Florence. Ni hindi na nga niya napansin ang nakatatanda niyang kapatid na nilagpasan na lamang niya.
Nagulat na lang siya nang may humawak sa balikat niya. “Gutom ka ba, Florence? May itinabi akong baon ko rito.” Inilabas naman nito ang sandwich sa bag.
“Kuya, ah.” Nag-aalangan ang bata na sabihin ang nalalaman niya.
Kinuha na lang niya ang sandwich nito sabay na kinagatan niya. Napatitig pa siya nang matagal kay Zaidyx.
“Hindi mo na ako pinansin kanina,” komento pa nito.
Napansin niya ang dimple nito at naalala naman niya ang palaging sinasabi ng Tito Seth nila.
“Ang palaging binubuhat ni Tito Seth?”
“Ay may dimple!”
“Kuya, ito po saan mo nakuha?” inosenteng tanong niya. Gamit ang maliit niyang daliri ay idinikit niya iyon sa pisngi ng kaniyang kapatid.
“Kay daddy, may ganito si Daddy Khai, ’di ba?”
“Eh, iyong akin po ay kanino?” nagtatakang tanong naman niya.
“Kay Daddy Cali—ewan ko. Baka sa akin, kasi kapatid kita,” sabi lang nito sabay kuha ng backpack niya. Hindi niya iyon naisukbit sa kaniyang balikat.
Inalala naman niya kung saan naman nakuha ng Daddy Khai nila ang dimple nito.
“Kay Lolo Daddy, may ganoon din si Great Grandpa.”
“Nasaan na kaya si daddy?”
Hindi masyadong pinagtutuunan nang pansin ni Zaidyx ang isang mahalagang bagay na natuklasan ng kaniyang kapatid.
Sa batang edad pa lang nito ay nagsimula na ring mapaisip sa mga bagay-bagay.
Kaya noong dumating ang kanilang ama ay tahimik ito at matamlay. Inakalang masama ang pakiramdam nito. Pero halos hindi na hiwalayan nang tingin ang daddy nila. Panay ang sulyap nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top