CHAPTER 13

Chapter 13: Khai’s trick

THIRD PERSON’S POV

UNANG nagising ang batang si Florence. Napangiti pa siya nang makita na mahimbing pa ang tulog ng kaniyang kuya. Napabungisngis siya at humilig dito upang halikan ito sa pisngi. May tunog pa nga.

Mahinang gumalaw ang nakatatanda niyang kapatid. Gamit ang maliit niyang palad ay hinaplos niya ang pisngi nito.

“F-Florence?” sambit nito sa pangalan niya.

“Sleep ka pa, kuya ko,” sambit niya. She even rested her head against his cheek.

“Antok pa si kuya. Sleep ka na rin muna,” sabi nito, pero umiling lang siya. “Si daddy?”

“Hmm, I don’t know po. Maybe he’s outside po, kuya. Sige na, sleep ka na ulit. Sorry to disturb you,” malambing na sabi niya sabay halik ulit sa pisngi nito. Hinawakan lang ang kamay niya at hinalikan bago pumikit.

Ilang sandali pa lang ay nakatulog na ulit ang kapatid niya. Saka naman siya dahan-dahan na bumaba sa kama at lumabas na ng kuwarto.

Naabutan ni Florence ang mommy at Daddy Khai niya na alam niyang nag-aaway ito sa may sala. Hindi lang niya naintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. Sinadya na rin niya na huwag muna lumapit.

“Akala mo naman ay hahayaan kong mangyari iyon, Francine? Psh. Papalitan ko pa rin ang birth certificate ng anak ko,” narinig niyang saad ng Daddy Khai niya.

Nakita rin ni Florence ang ginawa ng kaniyang ina. Nilukumos nito ang papel saka itinapon na lang sa kung saan. Nang mapansin na siya ng mommy niya ay saka siya lumapit sa mga ito.

Kunwari ay kinusot-kusot pa niya ang kaniyang mata. Kahit na kanina pa nga siya nakatayo mula sa kaniyang kinatatayuan.

“Daddy Khai? Sino po ang kausap mo?” Sa halip ay iyon ang kaniyang naging tanong. Even though alam naman niya kung sino ang kausap nito.

“It’s your mom, Florence. Come here,” anyaya sa kaniya nito. Humalik sa pisngi niya ang daddy niya at ginaya niya rin iyon.

“Hi, Mommy. I’m thirsty po. Puwede po bang mag-milk sa iyo?” tanong niya. Agad itong napatayo.

“Ipagtitimpla na lang kita, Florence. Let’s go, doon na lang tayo sa condo natin,” pag-aaya pa ng Mommy Francine niya. Pero ayaw pa talaga niyang umalis, kasi gusto pa niyang makasama ang daddy ng kuya niya.

Gustong-gusto niya ito, kahit na may Daddy Calizar naman siya. Bukod sa mabait sa kaniya ay pakiramdam niya ay parang daddy niya rin ito.

“But Mommy. Tulog pa si kuya ko. Mamaya na po tayo babalik doon. Saka huwag ka nang magtimpla. May milk ka pa naman, right?” pamimilit niya. Isa pa na ayaw ng batang si Florence na iwan ang kuya niyang natutulog pa sa kuwartong pinaglabasan niya kanina.

“Why? May gatas pa ba ang mommy mo, Florence?” tanong ng kaniyang daddy. Binalingan niya ito.

“Yup po, Daddy. I’m still three years old, and may milk pa nga po ang mommy ko.” Parang proud pa nga si Florence na sabihin iyon. Kasi iyon naman ang totoo.

Hindi nga lang madalas, sa gabi niya lang ginagawa kapag inaantok na ang mommy niya. Siya rin kasi mismo ang nagpupumilit.

“Fine. Dito ka muna. Babalik ako,” malambing na paalam ng kaniyang ina.

“Make it fast, Mommy. Balik ka po, ha?” pahabol na sabi niya rito.

Binalingan na niya ang daddy niya at matamis pa siya nitong nginitian. “Gusto mong kumain ulit ng pizza? May naitabi pa ako kanina, love.”

Sunod-sunod ang pagtango niya. Pagkauwi kasi nila galing sa school kanina ay kumain sila ng pizza na luto mismo ni Khai. Kasi nakagugutom nga naman talaga kapag galing school.

“I would love to, Daddy. Masarap po ang cook niyong pizza,” nakangiting pahayag ng batang si Florence. Hinalikan siya nito sa pisngi saka siya ibinaba sa sofa.

“Stay here, Florence. Mayamaya pa siguro magigising ang kuya mo.”

“Yup po. Antok pa raw siya, Daddy Khai.” Tumango ito at muli pa siyang hinalikan sa noo bago siya iniwan sa sala.

Sinundan pa niya nang tingin ang papalayong likuran nito, bago niya ibinaling ang tingin sa papel na itinapon ng mommy niya kanina.

Nasa paanan iyon ng single sofa. “Why kaya tinapon ni Mommy ang paper?” curious niyang tanong. Bumaba siya sa sofa at nilapitan iyon. Bumalik din siya at umupo. Three years old pa siya, hindi pa siya masyadong nakababasa ng mas mahaba. Napabuntong-hininga ang batang Florence. “Hmm, hala! Why is my name here?! Khairra Florence, oh! Uhm, is this Daddy Khai’s name too? For what kaya itong paper, and my mom it seems angry? Ibibigay ko ito kay teacher!”

Nasa center table ang pink na backpack niya kaya kinuha niya iyon. Inayos ang nalukot na papel at maingat niya itong tinupi.

“Florence,” narinig niyang tawag ng mommy niya kaya nagulat ang batang Florence.

Mabilis na ipinasok niya sa loob ng kaniyang bag ang papel saka isinara ang zipper nito. Alam niya kasi na kukunin nito ulit ang papel. Curious na bata pa naman siya at masyadong makulit, kaya dapat masagot ang namumuong tanong sa ka-curious-an niya. Napatingin siya sa kaniyang ina. Dala na nito ang ni-request niya kanina.

“Mom, akin na po,” malamyos ang boses na sambit niya.

Ang plano sana ng batang si Florence ay ibigay iyon sa teacher niya para ipabasa kung ano ba ang laman ng papel. Na kung bakit tila nag-aaway ang mommy niya at daddy ng Kuya Zai niya. Ngunit nakalimutan pa rin niya ang munti niyang plano.

FRANCINE’S POV

A week had passed, since nalaman na nga ni Khai na siya ang daddy ni Florence. Ang lalaking iyon ay gumagawa na ng mga bagay na pinakaayaw ko.

Pero ano nga ba ang nagagawa niya kung pangalan ni Calizar ang nakalagay sa birth certificate ng baby girl ko? Tsk.

Actually, hindi ko rin naman inaasahan na mabubuntis ako for the second time around. I took a deep breath.

Ngayon ay nasa bahay na naman kami ng parents ko. Hindi naman kami pupunta rito kung hindi lang kami sinundo ni daddy. Nami-miss na raw kasi nila kami.

Nasa baba ang mga anak ko, nakikipaglaro sa tita at tito nila. Nandoon din ang mga kapatid ng lalaking iyon.

Nasa bed lang ako nakahiga, habang nag-i-scroll sa Facebook account ko. Nang may kumatok naman sa pinto ng room ko. Ka-chat ko pa nga ang friends ko.

“Mommy, ba’t close itong door? Open it, Mommy ko!” Napailing ako nang marinig ko ang boses ng baby girl ko. Umalis ako sa kama at naglakad patungo sa pinto upang pagbuksan si Florence.

“May kailangan ka, anak?” I asked her. Hindi niya ako sinagot, ngumiti lang siya saka niya hinawakan ang kamay ko. “Florence.”

Hinihila niya kasi ako palabas na parang may gusto siyang puntahan, tapos kasama pa ako.

“Punta po tayo sa kabilang house, Mommy. Nandoon po ang kuya ko,” pag-aaya nito.

“What? No, ikaw na lang pumunta roon, baby. Huwag mo nang isama si Mommy.” Yumuko para sana tanggalin ang maliit niyang kamay, ngunit hinigpitan niya ang hawak sa dalawang daliri ko.

“Sige na po, Mommy. We’re going there,” pangungulit niya.

“No. Magpasama ka na lang sa Tita Pressy mo,” aniko. Umiling siya at tumulis pa ang labi.

“Busy po ang tita ko, Mommy. May visitor po siya. Nasa room na nga niya, and don’t ask about Tito Cody. Nanonood po siya ng favorite movie niya sa living room. I don’t want to disturb him.”

Iyon nga ang naabutan namin. Kumakain pa ng popcorn ang kapatid ko. Tiningnan ko pa iyong drinks niya, kasi pinagbawalan siyang uminom ng kung ano-ano. Maliban sa juice lang.

“Cody, ihatid mo muna itong pamangkin mo sa kabila,” pakikiusap ko. Umiling siya sa akin.

“Ayaw niya nga po, ate e. Sinabi ko nang ihahatid ko siya roon,” sabi nito.

Hinila-hila ni Florence ang kamay ko. “Samahan mo na po ako, Mommy. Pretty please?” Habang tinititigan ko ang mukha niya ay talagang mukhang nakaaawa nga ang anak ko.

“Bakit kasi hindi ka sumama sa kuya mo, Florence?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya. “Okay fine,” pagsuko ko.

“Karga mo ako, Mommy.” Napahinga ako nang malalim. Binuhat ko na lamang siya at yumakap na siya sa leeg ko.

Kahit labag sa loob kong pumunta sa kabilang house ay wala na akong choice pa. Mas gugustuhin kong magtiis na makita ang lalaking iyon kaysa ang paiyakin ko ang baby ko.

Wala sa house namin ang mommy at daddy ko. Nagpaalam sila kanina na aalis lang saglit. Pagdating namin doon ay si Seth ang una kong nakita.

Hindi na namin inabala pa, kasi may kasama rin ito. Nakabukas ang front door nila, nagulat pa ako nang lumabas si Zai.

“Kuya?” tawag ko sa kaniya.

“Mommy. Bakit ka lumabas, Florence?” tanong nito sa kapatid. Kasunod niya na lumabas ang lalaking iniiwasan ko.

“Daddy Khai! Here na po ang mommy ko! Nasundo ko na po siya!” maligalig na sabi nito at nagpababa na sa akin. Nagpabuhat siya rito.

Ako naman ay nalilitong napatitig lang sa bubwit. “You mean nandito ka na kanina, Florence?”

“Yup po, Mommy! Sabi po kasi ni daddy ay sunduin kita! Alam niya raw po kasi hindi mo ako i-no-no. So? Tama po si Daddy Khai, ’no?”

I glared at Alkhairro. Ngumisi lang siya. “Come on in, Francine. Nasa loob si mommy. Gustong makipagkuwentuhan sa iyo.”

“Tigil-tigilan mo ako, Alkhairro. Sa halip na patawarin kita ay mas lalo lang akong naiinis sa iyo,” malamig na sabi ko.

Babalik na sana ako sa house namin nang lumabas si Mommy Ninang. “Francine.” Lumapit agad ito sa akin at yumakap. “I miss you, darling.”

Wala na naman akong choice kundi ang manatili rito. Kaya malaki na naman ang ngisi ng iba riyan. Nakaiinis na talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top