CHAPTER 12
Chapter 12: Biological father
FRANCINE’s POV
SINUNDO na naman ng lalaking iyong ang mga anak ko. Wala pa siyang pasabi at talagang hindi na ako natutuwa pa.
Pagkauwi ko nga sa condo namin ay dumiretso na ako sa kabilang unit. Kung nakauwi na sila ay kukunin ko na sina Florence at Zaidyx.
Ilang beses ko pang pinindot ang doorbell. Bumukas naman agad iyon. Ang nakangiting mukha ni Alkhairro ang bumungad sa akin.
“Hi, Francine.” Inirapan ko siya.
“Where is my kid?” I asked him.
“Tulog sila. Nasa kuwarto. Pasok ka na muna,” pag-aaya niya. Tatanggi sana ako, ngunit mabilis niyang nahila ang kamay ko.
Pagkapasok ko pa nga lang sa loob ay binawi ko agad ang aking kamay. Kung puwede lang ay ayokong hinahawakan niya ako nang ganoon.
“Gisingin mo na lang. Doon na sila sa unit namin magpapahinga. Mas komportable pa roon,” aniko. Tumaas nang bahagya ang kaniyang kilay.
“Mag-usap muna tayo, Francine. May sasabihin ako sa iyo,” sabi niya. Bago pa niya ako mahawakan ay ako naman ang umiwas.
I smirked at him. “Hindi mo naman ako kailangan pang hawakan nang ganoon.” He took a deep breath. Bago niya itinuro ang sofa.
I rolled my eyes saka ako lumapit doon. Napausod naman ako kasi umupo siya sa tabi ko. Nang mapansin niya ang ginawa ko ay mas lumapit siya lalo sa ’kin.
Hindi ako nakapagtimpi ay nasipa ko ang binti niya. Mukhang hindi naman siya nasaktan sa aking ginawa. Ngumiti lang siya.
“You know what, Francine? Ayoko sanang gawin ito, e. But you force me to do this,” wika niya. Na hindi ko naman agad naintindihan. Until naglabas siya ng envelope, ipinakita niya iyon sa ’kin.
“What’s that?” I asked him in confused.
“Iyong palagi mong itinatago sa akin ang katotohanan,” sagot niya.
Padabog pa ang pagkuha ko ng envelope. Binuksan ko iyon. Nang tumambad sa akin ang nakasulat doon at nabasa ko ang laman ay parang nanlamig ako. Tila binuhusan lang ako ng malamig na tubig.
Iba pa rin talaga kapag may ebedensya na nagsasabing siya nga ang biological father ni Florence. Kahit na ilang beses pa niyang sabihin na siya ang daddy ng anak ko.
Akala ko nga ay wala lang iyon sa akin. Ngunit nagkamali ako. Kasi may pakiramdam ako na mas magpupumilit na makisawsaw sa buhay naming mag-ina si Khai. Ayos lang naman kung para lang kay Zaidyx.
Nilukumos ko ang DNA test result. Tumigas lalo ang ekspresyon ng mukha ko, ngunit siya ay kalmado pa rin niya akong tiningnan.
“Hindi ’yan original copy, Francine. Kaya pa kitang bigyan ng kopya niya, kahit ilan pa ang gusto mo,” nakangising sabi niya.
“Ang kapal ng mukha mo para gawin ang bagay na ito. Pero ano naman kung ikaw ang biological father ni Florence? Hindi naman pangalan mo ang nakalagay sa birth certificate ng anak ko. Legally adopted siya ng asawa ko,” malamig na sabi ko. Itinapon ko na rin ang wala namang kuwentang papel na ibinigay niya.
Napahilot siya sa sentido niya. Tumaas ang sulok ng mga labi ko. Umigting kasi ang panga niya. Alam kong nainis siya sa sinabi ko or worst nagalit siya sa kaalaman na hindi pa rin siya ang kinikilalang ama ng aking anak.
“Akala mo naman ay hahayaan kong mangyari iyon, Francine? Psh. Papalitan ko pa rin ang birth certificate ng anak ko,” mariin na saad niya. Doon nawala ang ngiti ko. But papatulan ko pa sana siya kung hindi ko lang nakita si Florence.
Nailipat niya ang tingin niya roon. Sa isang idlap lang ay lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Napairap na lamang ako.
“Daddy Khai? Sino po ang kausap mo?” inosenteng tanong nito. Halatang kagigising pa lamang niya. Kinukusot-kusot pa kasi niya ang kaniyang mga mata.
“It’s your mom, Florence. Come here,” anyaya niya sa bata. Nang makalapit na nga ito sa kaniya ay agad niyang kinandong.
Napasimangot pa ako nang halikan niya ito sa cheek, saka gumaya ang baby girl ko. Bago ako nito pinansin.
“Hi, Mommy. I’m thirsty po. Puwede po bang mag-milk sa iyo?” Agad na akong tumayo. Sinukbit ko pa ang handbag ko.
“Ipagtitimpla na lang kita, Florence. Let’s go, doon na lang tayo sa condo natin,” pag-aaya ko.
“But Mommy. Tulog pa si kuya ko. Mamaya na po tayo babalik doon. Saka huwag ka nang magtimpla. May milk ka pa naman, right?” kunot ang noong tanong nito. Hindi ko tuloy magawang magsalita nang hindi ko nararamdaman ang init sa cheeks ko.
“Why? May gatas pa ba ang mommy mo, Florence?” I gritted my teeth.
“Yup po, Daddy. I’m still three years old, and may milk pa nga po ang mommy ko.” Hindi ko sana sila titingnan, pero sa huli ay tiningnan ko pa rin ang reaksyon ng lalaking ito.
Kumalabog lang nang husto ang dibdib ko. Kasi nakikita ko ang pagkaaliw niya habang pinagmamasdan din ang face ko. Gusto ko tuloy siyang tadyakan.
“Fine. Dito ka muna. Babalik ako,” paalam ko. I didn’t wait her to answer, basta na lamang ako naglakad patungo sa pinto.
“Make it fast, Mommy. Balik ka po, ha?” pahabol na sambit pa nito. Napailing ako sa kakulitan niya.
Nagpalit na muna ako ng damit. Ewan ko ba kung sumusunod lang ako sa munting request ng baby ko, or what. Kasi nagmamadali ang bawat kilos ko. Lalo na noong nagtitimpla na ako ng milk niya.
Nang bumalik nga ako roon ay nakita ko ang pinto na nakabukas. Nilagyan pa nito ng isang slipper para hindi tuluyang magsara.
Si Florence lang ang naabutan ko sa living room nito. Ang pink na backpack niya ay nasa lap niya. Nakita ko na may tinutupi siyang papel.
“Florence,” malambing na tawag ko sa siya. Nagulat ko yata kasi agad niyang ipinasok ang inaayos niyang things niya. Mabilis na gumalaw rin ang maliliit niyang mga kamay upang i-zipper ang bag niya.
“Mom, akin na po,” malamyos ang boses na sambit naman niya. Umupo ako sa kaniyang tabi.
“Nasaan na ang kasama mo?” I asked her.
Lumipat siya sa lap ko, niyakap ko naman siya at hinalikan sa noo. Ibinigay ko na sa kaniya ang pink na feeding bottle niya.
“Nasa kitchen po, Mommy,” sagot niya. Bubuhatin ko na sana siya nang sumandal siya sa aking dibdib.
“Doon na lang tayo sa room natin, anak,” aniko. Umiling lang siya. Napabuntong-hininga ako kasi no choice na ako kundi ang mag-stay kami rito nang ilang minuto pa.
Pasulyap-sulyap pa ako sa pinto kung saan na alam kong bedroom iyon ni Khai. Kanina ko pa hindi nakikita ang baby boy ko.
Kapag kasi si Florence lang ang nakikita ko ay talagang hahanapin ko si Zaidyx. Iba nga lang ang lumapit sa amin.
“Nandito ka na pala.” Hindi ko siya pinansin. Kahit na dala pa niya ang tray na naghanda pa ng meryenda. “Are you looking for our son?” Again, I remained silent. “Gusto mong gisingin ko si Zai?” Doon na ako napatingin sa kaniya.
Ayoko mang maabala sa pagtulog niya ang bata ay pabor sa akin iyon. But bago pa man niya puntahan ay nakita ko na ang maliit na katawan ng aking anak.
Automatic na napa-smile ako. Katulad pa rin siya ng baby sister niya, kung bagong gising.
“Hey, kuya,” sambit ko. Una niya akong nilapitan, na hindi naman katulad nang ginawa ng kapatid niya kanina sa daddy nila. Tsk, fine. Inaamin ko na si Alkhairro pa rin ang ama ng bunso kong anak.
“Hello, Mommy,” he greeted me. Matunog na halik sa pisngi ko ang ginawa niya.
Kahit nakahawak sa likod ni Florence ang isa kong braso ay nagawa ko namang palapitin sa ’kin si Zai. I kissed his temple.
“Good afternoon, Zai.”
“Nauna pang nagising si Florence,” komento niya. Sinundot pa niya ang matambok nitong pisngi. Namungay lang ang eyes nito. Tapos lumapit na siya sa daddy niya.
Nagkatinginan pa kami ni Khai. Inirapan ko siya. Ganoon na talaga ang gagawin ko kasi hindi na kami close.
“Gusto mo rin ng gatas, son?” tanong niya sa bata.
“Yes po, Daddy. Thanks po,” he said politely.
Tiningnan ko naman ang hinanda niyang meryenda. Napanguso ako kasi bakit may pizza? Don’t tell me siya ang nagluto nito?
Kumuha si Zaidyx ng isang piece ng pizza. Inilapit niya iyon sa bibig ko. Ngumiti na muna ako sa kaniya bago ako kumagat. Tinanggal naman ng nakababatang kapatid niya ang feeding bottle niya.
“Kuya, subuan mo rin po ako please,” pakiusap nito. Iyon nga ang ginawa ni Zai bago niya kinain ang natirang kinagatan namin.
“Ang sweet talaga ng kuya namin,” nangingiting sabi ko. Naglalambing na yumakap naman siya sa gilid ko. I rested my chin on his head.
“Nasaan po papa si Daddy Cali, Mommy?” mayamaya ay tanong niya.
Oh, my God. Nakalimutan ko na si Calizar. Eh, hindi naman tumawag ang isang iyon. Baka nandoon na naman siya sa kabila.
“Ewan ko roon sa daddy mo, son. Florence, maupo ka na baby. Ang bigat-bigat mo. Nangangalay agad ang braso ko.” Inalalayan ko na siyang makaupo sa gitna namin ng kaniyang kuya.
“Kuya, gusto ko pa ng pizza.” Ako na ang kumuha para sa kaniya. Dinala ko na iyong maliit na platito at doon ko inilagay ang pizza.
May hinanda rin siya na apple juice. Nagsalin ako sa baso. Inalok ko ang anak ko, pero umiling siya.
“Wait ko na lang po ang gatas na tinimpla ni daddy, Mom.” I nodded.
Sa pagbalik nga nito ay ibinigay kaagad sa kaniya. “Gusto mo ng juice, love?”
“Yes po, Daddy Khai,” maligalig na sagot ng bubwit. Lumipat ito sa daddy nito. Hinayaan ko na lamang.
Okay rin pala ang ganito. Na hindi kami nag-aaway at ang mga bata lang ang nag-iingay.
Nakapapagod naman talagang mag-away, lalo na kung ilang beses pa tapos iisang dahilan lang din ang pag-aawayan niyo. Pero kasi naiinis pa rin ako sa kaniya. Mainit pa nga ang ulo ko sa kaniya.
“Francine, puwede ko bang isama ang mga bata sa pagbisita sa grandparents ko?” Napatingin naman ako sa kaniya. Nakikiusap na naman siya.
“Bahala ka,” balewalang saad ko.
“Umuwi rin daw kayo sa bahay. Nami-miss na nila kayo,” he added.
“Noong nakaraang araw lang kami umuwi,” nakataas ang kilay na saad ko.
“Basta umuwi na muna raw kayo,” giit niya. Kahit gusto ko pang magtanong ay pinili ko na lamang ang manahimik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top