CHAPTER 11
Chapter 11: Positive
NANG maiwan na ako sa bagong condo ko ay dumiretso ako sa kuwarto. Kinuha ko ang wallet at susi ko sa kama. Lumabas din ako agad at kahit naglalakad pa ay tinext ko na agad ang mga tito ko.
Gusto ko munang ipahinga ang utak ko. Sa dami kong iniisip ay sumasakit lang ang ulo ko. Ang problemang hindi ko pa naaayos. But I don’t want to give up, just like that. Pamilya ko ang pinag-uusapan dito.
Nasa tapat na ako ng elevator ay nang mapahinto ako. May batang sumulpot na lang bigla at naramdaman ko ang pagyakap niya sa binti ko.
“Daddy Khai! Where are you going po?” Bumaba ang tingin ko sa batang nagsalita at nakita ko si Florence na nakatingingala sa akin.
Parang lalabas naman ang puso ko, dahil sa pagngiti niya. Ang dalawang bagay na nasa pisngi niya talaga ang nagpapahinto sa ’kin. Isa pa ang mga mata niya na mapupungay, kahit may pagkasingkit iyon.
“Bakit nasa labas ka, Florence?” I asked her gently. Yumuko ako para buhatin siya at mabilis na umikot ang matambok niyang mga braso sa leeg ko. Her perfume’s sweet fragrance immediately filled my nose.
Tiningnan ko ang pinto ng condo nila. Nakabukas na ito. Ako ang nag-aalala sa kanila. Paano na lang kaya kung hindi ako ang nasa labas? At madalas bang ganito ang anak ko?
“I plan to visit you po, Daddy Khai.”
“Hmm, na-miss mo agad si daddy kahit ilang minuto lang ang nakalipas simula nang sunduin kayo ng mommy niyo?” naaaliw na tanong ko.
Nginitian ko siya nang napatitig siya sa mukha ko. Naglakad ako patungo sa unit at pumasok na ako, kahit alam kong magagalit na naman ang mommy niya. Isinara ko ang pinto.
“Yes po, and I don’t know why.” She even pouted.
“Where’s your mom, love? Hindi ka puwedeng lumabas nang mag-isa,” sabi ko. Gusto kong magalit
“Sorry po. Nasa room po namin si mommy,” sagot naman niya.
“How about your kuya?”
“Nasa room niya rin po yata, Daddy Khai.” Humigpit lalo ang pagyakap niya sa leeg ko.
Ako naman ay pumunta sa sala nila at umupo ako sa couch. Inayos ko ang pagkakaupo niya sa kandungan ko. Hinawi ko ang buhok niya na tumatakpan sa maganda niyang mukha.
Inabot naman ni Florence ang cell phone ko at tinitigan niya ito. Mahina kong kinurot ang pisngi niya. Sa tuwing tinititigan ko siya ay mukha talaga ng mommy niya ang nakikita ko.
“Nasaan na ang kapatid mo, kuya?” Narinig ko naman ang boses ni Francine sa kung saan.
“Ewan ko po, Mommy,” our son answered.
Hinintay ko na lang na makita ako ng dalawa at bago nailipat ang tingin nila ay nakahilig na sa dibdib ko ang aking anak.
“Ano na naman ang ginagawa mo rito?” supladang tanong niya. Nagsalubong ang manipis niyang kilay. Halatang hindi na naman siya natuwa na makita ako rito.
“Hindi ko plano ang pumasok sa condo niyo na walang permiso mo. Lumabas siya kanina. Paano na lang kung hindi ako ang nasa labas? Ayoko sanang sabihin ito, Francine. Pero hindi ba binabantayan ng asawa mo si Florence?” seryosong tanong ko.
Mas lalo lang kumunot ang kaniyang noo at napatingin sa anak namin. Nanatili ito sa posisyon niya, hindi nag-abalang tingnan pabalik ang kaniyang ina.
“Ngayon lang nangyari ’yan. Kapag nasa unit sila ay bantay-sarado siya ng kuya niya,” mahinahon na paliwanag niya.
Nakaramdam naman ako nang kasiyahan, dahil hindi niya ako sinungitan. Maliban sa pagtatanong niya kanina, na kung bakit nga ba ako nandito.
Naglahad ako ng kamay kay Zaidyx. Nakangiting pinagmamasdan niya lang kasi kami. Bumitaw siya sa pagkakahawak ng mommy niya at lumapit na sa amin. Inupo ko siya sa tabi ko, sabay halik ko sa ibabaw ng ulo niya.
“Ikaw, bad ka. Hindi ka puwedeng lumabas,” marahan na sita niya sa kaniyang kapatid. Tinusok ng maliit niyang hintuturong daliri ang matambok na pisngi nito.
Nakapikit lang ito kanina, pero ngayon ay ang bagal na nang pagkurap. Tumutulis din ang kaniyang labi.
“Okay na. Puwede ka nang lumabas,” pagtataboy na naman niya sa akin. Napabuntong-hininga ako.
“Mamaya na,” mahinang sagot ko at naramdaman ko ang pasimpleng pagkulbit sa ’kin ni Florence.
Gamit ang nguso niya ay itinuro niya ang cell phone ko. Umiilaw na ito. Tumatawag na si Tito Zue. Naka-silent mode pala ito.
Sinagot ko naman ang tawag habang ang mga mata ko ay nakapako kay Francine. Nakakrus na ang dalawang braso niya at supladang nagmamasid lang sa ’kin.
Dati ay bihira ko siyang makita na nagtataray siya. She used to be a sweet and talkative.
“Khai? Sorry, hindi ako puwede ngayon. Bakit kasi ngayon ka lang nag-aya? May flight ako mamaya,” agaran na sagot nito. Napatango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
“It’s okay, Tito. Hindi na rin ako tutuloy pa.”
“Si Zules din ay hindi. Kasama ko ang gàgo,” natatawang sabi pa niya.
Tumaas lang ang sulok ng mga labi ko. Hindi iyon dahil sa pagtawa ng tiyuhin ko. Iyon ay dahil kay Francine. Ilang beses nang umikot ang mga mata niya. Panay ang pag-irap niya.
“Ayos na. Next time na lang tayong lumabas,” I said to him.
“Si Thy ba? Tinawagan mo na?”
“Masyado nang maraming nagawa sa akin si Tito Thy. Kasama ko ang mga ko. Sige na, ibababa ko na ang tawag.”
“All right.”
“Where’s your husband, Francine?” I asked her. Tiningnan naman niya na ako parang nababaliw na naman ako.
“Bakit palagi mong hinahanap ang asawa ko?” mataray na tanong niya.
“I’m just curious, kung bakit kayong tatlo lang ang nandito at madalas hindi ko siya naaabutan dito.” Ayos na rin na wala siya rito. Mas okay na ang nasa labas siya.
“Wala ka nang pakialam doon. Umuwi ka agad,” babala niya at saka siya tumalikod. Sa halip na sundin ko siya ay pinili kong mag-stay.
“Tapos na ba kayong nag-dinner?” I asked them. Ang kamay ko ay nasa buhok ni Zai.
“Hindi pa po, Dad. Magluluto pa lang po si mommy noong bumaba kami,” paliwanag ni Zai at nagtaka naman ako nang may itinuro siya. Sinundan ko iyon nang tingin. “Can you stay here and let’s watch a movie?”
“Your mom, son,” I uttered.
“Ah, I can talk to my mom. Puwede ka pong mag-dinner dito kasama namin. Bakit po, Daddy? Gusto mo na po bang umuwi agad? Malapit lang naman ang condo mo, ’di ba?” Mariin kong tinitigan ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
At tila ayaw niya sa ideyang aalis agad ako. Tapos hindi ko siya pagbibigyan. Ayokong ma-disappoint ang anak ko. Matagal din kaming hindi nagkasama.
“Bahala na si daddy na harapin ang mommy niyo,” bulong ko sa kaniyang tainga at napangiti na siya. Hinaplos ko ang pisngi niya. Naramdaman ko ulit ang pagkulbit ni Florence. Dapat palagi ko siyang pinapansin. Nanood nga kami ng TV.
Noong dinner na ay akala ko masosolo ko na ang aking pamilya, pero hindi. Dumating si Calizar at hindi man lang siya nagulat nang makita ako rito. It seems he expecting me na nandito ako sa unit ng asawa niya. Tsk.
Kung hindi ko lang din katabi ang mga anak ko ay na-out of place na ako. Ayaw kanina ni Francine na tumabi sa akin si Florence. Ngunit nagmatigas ang bata kaya itong dalawang bubwit na lang ang nakausap ko sa dinner namin.
Pagkatapos no’n ay hinatid ko sila sa kuwarto nila. Tinulungan ko silang magsipilyo, bago ako umalis nang hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa kanilang ina. Alam ko naman kasi na hindi rin ako papansinin, kasama niya ang lalaking iyon.
Diretso na agad ako sa kuwarto ko at humiga sa kama. Napatingin ako sa kisame at sa pagpikit ko ay lumitaw ang imahe ng babaeng mahal ko. Nakangiti siya, ibang lalaki na nga lang ang dahilan ng kaniyang pagngiti.
Napabuntong-hininga ako at napako naman ang tingin ko sa bedside table. Napailing ako nang mawala agad ang paninikip ng dibdib ko.
Inabot ko ang picture frame na ninakaw ko. “Napakaganda ng mga mahal ko,” sambit ko. Kaya wala akong mahanap na dahilan para sumuko na lang agad-agad.
Alam ko ang kasabihan, na kapag nakita mong masaya na ang taong mahal mo sa iba ay kailangan mo na siyang pakawalan pa.
Na ipaubaya mo na siya sa taong nagpapasaya sa kaniya at huwag mo na siyang guguluhin pa.
Pero pinili kong ipaglaban siya, para sa mga anak namin. Sila ang pamilya ko at umalis ako noon ay hindi lang dahil selfish ako. Na hindi ko siya mahal, na wala talaga akong plano sa kanila. Kung alam lang ni Francine na marami akong plano para sa amin, para sa anak naming si Zaidyx. Na ngayon ay kasama na si Florence.
Sa lalim nang pag-iisip ko ay nakatulugan ko na rin iyon. Nagising na lamang ako nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko.
Pupungas-pungas pa ako nang hanapin ko iyon at nadaganan ko na pala sa kama.
“Hello?” inaantok na tanong ko pa. Ipinikit ko ang mga mata ko. Mabigat pa masyado.
“Khai, kanina pa ako tawag nang tawag. Nasaan ka na ba? Nakalimutan mo na yata ang pinagawa mo kahapon.” Bigla naman akong napadilat nang maalala ko iyon. “May resulta na, pamangkin. I-meet mo na lang ako para ibigay sa iyo.”
Napabangon ako nang wala sa oras at agad na akong kumilos. Iyong kahit alam ko na ang totoo ay nai-excite pa rin akong makita ang DNA test result namin ni Florence.
“Sa opisina mo na lang tayo magkita, Tito!” sabi ko at ibinaba ko na rin ang tawag. Basta ko na lang din ibinato ang cell phone ko sa kama at nagmamadali nang pumasok sa banyo
But before I meet my uncle ay nag-doorbell pa ako sa kabilang unit. Wala na nga lang nagbubukas sa akin. Nang makita ko rin ang orasan ay napailing ako.
Sa dami nang iniisip ko kagabi ay mahimbing ang naging tulog ko. Malamang sa mga oras na ito ay nasa nursery school na sila.
“Nevermind. Mamaya ko na lang sila susunduin,” sabi ko sa aking sarili at humugot pa ako nang malalim na hininga.
Hindi ko na nagawang kumatok sa opisina ni Tito Thyzer at dire-diretso na ang pagpasok ko. Nagulat pa ako dahil nandoon si lolo. Ang ama ng daddy ko.
Napatingin ito sa akin at napangiti pa siya. Sa katandaan na rin ay naka-wheelchair na lamang siya. Ash-gray na nga ang kulay ng buhok niya. Ngunit kahit ganoon ay nandoon pa rin talaga ang awtoridad niya. May mga tao pa rin ang nai-intimidate sa presensiya niya.
Isa ang aking lolo sa nagpahirap sa mga magulang ko noon. Ngunit sabi ng lolo’t lola ko, ang parents ni mommy ay hindi ako dapat magtanim ng galit sa kaniya, and besides naging maayos naman sa amin ang lahat.
“Lolo,” tawag ko sa kaniya at naglakad ako palapit sa kanila. Kaya naman pala may bodyguards sa labas, dahil nandito siya.
Hinawakan ko ang kamay niya at nagmano. “May pag-uusapan ba kayo ng tito mo kaya nasa opisina ka?” Tumango ako at tumingin sa bunso niyang anak.
Tito Thy nodded at kinuha na niya ang brown envelope. Inabot ko naman iyon at nanginig pa nga ang aking kamay.
“Sige na, Khai. Puwede ka nang umalis. Alam kong busy ka,” sabi niya.
“Hey, dito ka muna, apo. Magkape muna tayo,” ani lolo.
“Dad, busy po ang apo niyo. Dumaan lang siya para sa brown envelope na ito. Sige na, Khai,” pagtataboy nito at ilang beses pa akong tinanguan.
Napatingin ako sa lolo ko, bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Halatang gusto pa niya akong makasama.
“Gusto niyo ho ba ng kape, Lolo?”
“Khai.” Hindi ko na pinansin pa si tito, dahil nakita ko na ang pag-aliwalas ng bukas ng mukha nito.
Nanatili na lamang ako. Madalang na rin kaming magkita, hindi ko siya nadadalaw. Maski si dad ay hindi na rin. Dalawang oras ang itinagal namin at saka lang ako nakaalis. Dumating din kasi si Tito Ryle para sunduin si lolo. Kung hindi siya dumating ay baka hindi pa ako makaalis agad.
Sa sasakyan ko ay sinimulan ko nang buksan ang envelope. Bumuntong-hininga pa ako saka ko ito inilabas. Hindi ko muna binasa, hanggang sa nagkaroon na rin ako nang lakas ng loob.
Nandoon ang pangalan namin ni Florence. Kagat-labi pa ako nang bumababa pa ang pagbabasa ko at napamura na lamang ako sa nakita.
99.99 percent. Fúck, positive! Fúcking shít!
Florence is mine, and I’m her biological father! I knew it!
Naluluhang napailing ako. Kasi alam ko naman na sa akin ang batang iyon, pero talagang natuwa pa rin ako. I’m so fúcking happy.
Sa tuwa ko ay tinawagan ko si dad. “What is it, son?”
“Dad, anak ko po si Florence! Nagpa-DNA test result kami. Positive po ang lumabas at 99.99 percent!” masayang pahayag ko pa. Ilang beses na akong napapasuntok sa hangin.
Narinig ko lang ang paghalakhak niya. “I know right, son. Alam ko na anak mo siya. Mukha pa lang, Khai. Halatang-halata na. Pero hindi namin sinubukan iyan ni Storm. Kasi alam namin na ikaw ang ama ni Florence.”
“Me too, Dad. Hindi ko na po sana iyon gagawin. Pero ebedensya ko iyon, kinakaila ni Francine na hindi ako ang ama ng anak niyang babae,” naiiling na saad ko pa.
“Hmm, I can’t blame her, son. Nasaktan mo siya, pero no comment si daddy. Dahil idea namin ng Daddy Storm mo ang pag-alis mo noon.”
“Yeah,” tipid na sabi ko.
“Anyway. Congrats, Khai. Bumisita naman kayo sa bahay. Ilang araw na naman kayong hindi umuuwi. Ang mommy at ninang mo ay napapadalas ang paglabas nila. May plano na naman yata silang dalawa.”
“Hayaan na po natin sila, Dad. Sige na po. Susunduin ko na ang mga bata,” paalam ko sa aking ama.
Ibinalik ko na rin sa brown envelope ang DNA test result at inilapag ko iyon sa dashboard. Kinabit ko ang seatbelt ko saka ako nagmaniobra ng sasakyan.
Ano na naman kaya ang magiging reaksyon niya kapag ipinakita ko na ang resulta?
Magagalit na naman siya. Galit na nga iyon sa akin ay mas madadagdagan pa. Lagi naman akong handa. Haharapin ko ang galit niya. Kung puwede ko ring sabihin sa anak namin na ako ang daddy nito ay baka mas matutuwa pa ako. Gusto ko talagang malaman din ni Florence.
Kung dati, ang mommy nila ang hatid-sundo. Ngayon naman ay sila na ang sinusundo ko sa school nila at kahit araw-araw pa ay ihahatid ko sila.
Pagdating ko nga lang doon ay hindi pa sila nadi-dismissed sa klase nila. Kaya naghintay na muna ako sa waiting shed. May mga kasamahan ako, nanny ng mga estudyante at may mga parents din naman.
Nakakrus lang ang mga braso ko at diretso ang tingin ko. Nakailang beses na rin akong napatingin sa classroom nila. Hindi naman nagtagal ay isa-isa nang lumabas ang mga estudyante.
Hayon na ang mga anak ko, palabas na sila. Si Zai, as usual ay diretso sa kabila. Hahanapin ang nakababata niyang kapatid at hahawakan din agad ang kamay nito.
“Daddy Khai!” Ang boses ng anak kong babae ang nangingibaw talaga. Patakbo silang lumapit sa akin at hindi sila bumitaw sa isa’t isa. “I’m happy na ikaw po ang sumundo sa amin ni kuya! Kanin po kasi ay si Daddy Calizar.”
Ako naman na feeling malakas ay pareho ko silang binuhat. Balewala na sa akin ang bigat nila. Kayang-kaya ko silang buhatin nang ganito, kahit araw-araw pa. At saka, ngayon ko lang naman ito nagawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top