CHAPTER 1
Chapter 1: Meeting
FRANCINE’s POV
HINDI pa rin ako maka-get over sa singsing na galing sa pendant ng necklace ko. Ibinigay ko ito kay Florence kasi muntik ko na ring itapon. Malay ko ba naman na may ganito sa loob?
Saka para saan ba itong singsing? Kinagat ito kanina ni Seth kaya iyon din ang ginawa ko. Baka kasi na fake lang siya, pero hindi. A delicate circle of gold, adorned with a radiant gemstone.
“Welcome to our house, baby.” Napalingon ako kay Florence nang magsalita siya. Umawang ang labi ko sa gulat dahil si Khai ang tinawag niyang baby.
Maski siya ay nagulat sa tinawag nito sa kaniya. Sumunod pa rin ang lalaking ito sa amin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Nilapitan ko si Florence. Masama agad ang tingin ko kay Alkhairro. Nagbabanta na huwag na siyang lumapit pa sa amin.
Ilang araw na rin siyang nakabalik dito, ngunit ngayon ko lang din siya nakaharap ulit pagkatapos nang gabing nag-usap kami tungkol sa amin. Tapos na kami, iyon ang palagi kong iniisip.
“Ano naman ang ginagawa mo rito?” malamig na tanong ko sa kaniya. Bumitaw ang anak ko para lang lapitan siya. Kasi nandoon din ang kuya niya.
“Dati naman akong nagpupunta rito. Sa kuwarto mo pa nga,” balewalang saad nito. Tapos kinarga na lang niya bigla si Florence. Hawak niya sa isang kamay si Zaidyx. Hayon na nga, umakyat na sila sa itaas.
“At saan mo dadalhin ang mga anak ko?!” sigaw ko. Susugurin ko sana siya nang dumating ang parents ko. Kauuwi lang nila. Nasa likuran na rin nila sina Cody at Pressy, na kagagaling lang doon sa kabilang bahay.
“Mga anak ko rin sila,” sambit niya. Nang mapansin niya ang bagong dating ay bumaba ulit siya. “Good afternoon, Dad, and Mommy Ninang.” I gasped in disbelief.
“Ang kapal ng mukha mo na tawagin mong ganyan ang parents ko, ah,” supladang saad ko. Nakarinig naman ako nang pagtikhim na nagmumula kay daddy.
“Lolo Dad! Meet my future husband!” Malakas na napasinghap si mommy at si dad naman ay bahagya ring umawang ang labi. Palipat-lipat ang tingin sa amin.
Mahigpit kumuyom ang kamao ko. “Uhm, yeah?” Awkward na ngumiti pa ang mommy ko. Hindi niya rin alam ang sasabihin niya. Ako naman ay halata na ang inis ko. “Kumain na ba kayo ng dinner?” she asked.
“Babalik na po kami bukas sa condo ng asawa ko, Mom. Pauwi na rin po si Cali,” paalam ko at napanguso pa siya saka siya tumango-tango.
Si dad ay wala siyang reaksyon. Tiningnan ko ang dalawang bata na tuwang-tuwang sa kasama nila.
“Lola ’My, stop my sister from dreaming that she’s going to marry my father. I don’t want her to be my stepmother,” kunot ang noong sambit ni Zaidyx. Na parang gusto na rin siyang pagtawanan nina Cody at Pressy.
“But Kuya, he’s handsome! And I wanna marry him!” sigaw nito. Kung hindi lang siya buhat-buhat ni Khai ay nagpapadyak na siya ngayon. Mannerism niya ’yon, e.
“So?” Nagtaas pa ng kilay ang kuya niya at ako naman ay napatikhim.
“Umakyat na kayo sa itaad and take your rest. Maaga tayong aalis bukas,” seryosong sabi ko sa dalawa. Nahimigan nila ang boses ko na walang lambing kaya agad na naitikom nila ang kanilang bibig.
Nagkatinginan pa silang magkapatid. Walang nagawa ang isa kundi ang ibaba ang anak ko. Magkahawak kamay itong umakyat ng hagdan at hindi na sila nagtangka pang lumingon.
“Kumain na kayo, hon?” muling tanong ni mommy. Umiling ako.
“Mamaya na po kami kakain. Kapag nakaalis na ang isa riyan na hindi naman po welcome sa house natin,” nakaismid na saad ko. Nilagpasan ko ito at nang maghinang ang mga mata namin ay inirapan ko lamang siya.
Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko at narinig ko na inaaya ni dad si Khai na kumain ng dinner dito. Tumanggi naman siya, kasi alam niyang hindi ako bababa kung alam kong nasa bahay pa siya.
Marahan kong binuksan ang pinto at naabutan ko pa ang pagbatuhan ng unan ng dalawang bata. Pabulong nga lang ang sigawan nila para yata hindi sila marinig.
“You can’t marry my dad, Florence!”
“No! I will marry your father, Kuya! He’s mine!”
“He’s my father! Just listen to me, because I am your brother! That’s incest!”
Nagtagis ang bagang ko sa pinag-aawayan nila. Ngayon lang ito nangyari. Napansin ko na hindi nilalakasan ni Zaidyx ang pagbato ng maliit niyang unan sa kapatid niya at ang isa naman ito ay todo ang energy niya. Kulang na lang ay sigurin niya ang kuya niya. Nanggigigil siya.
Goodness. Hindi ko inaasahan na magiging ganito si Florence at hindi na ako magtataka pa kung kanino niya naimana iyan.
“You two! Stop that!” sigaw ko sa kanila sabay duro. Mabilis na humiga sila sa kama at sabay pang hinila ang kumot nila. Naririnig ko na bumulong pa sila.
Tumirik na lang ang mga mata ko sa inis. Nilapitan ko sila at tinanggal ang unan. Pulang-pula ang pisngi nila at magulo ang buhok, lalo na si Florence.
“You can’t marry that man, Florence. Daddy siya ng kuya mo. Gusto mo yatang maging anak mo ang kuya mo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Umawang ang mapulang labi niya at nilingon niya si Zaidyx.
“Yucks! I don’t want to, Mom! He’s my brother!” sigaw niya at ilang beses pa siyang umiling.
Inilahad ko ang kamay ko pareho. Hinawakan naman nila iyon at marahan ko silang hinila. “Kakain na tayo ng dinner.” Binuhat ko si Florence at nauna nang bumaba sa kama si Zaidyx.
Kasama naming kumain ng dinner ang pamilya namin at ang parents ko ay patay malisya sa nangyayari kanina. Nag-open topic sila na walang kinalaman sa amin ni Khai. That’s good. Dahil mawalan lang ako ng ganang kumain kapag naalala ko naman ang lalaking iyon.
And the next day, maaga akong nagising para maghanda na rin. Tulog pa silang dalawa na iisa lang ang unan sa pagitan.
Bumaba na muna ako para sana magluto rin ng breakfast pero nakarinig ako nang ingay sa labas. May bumusina ng sasakyan niya. Lumabas naman ako para silipin iyon at nakita ko ang pamilyar na kotse ni Calizar.
Nanlaki pa ang mga mata ko dahil ang asawa ko na iyon. Napangisi ako. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumabas ng bahay para salubungin siya.
“Hon!” tawag ko sa kaniya dahil nandoon si daddy. May katabi pa siya na hindi ko na rin pinansin pa.
Humakbang din palapit sa akin si Calizar. Malapad ang ngiti niya. Yumakap agad ang mga braso niya sa baywang ko at ako naman ay hinalikan ko siya sa pisngi.
“Ang kasama ng daddy mo. Siya na rin ba ang daddy ni Zaidyx?” mahinang tanong niya. Nasa tapat na ng tainga ko ang bibig niya at tumatama ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Tumango ako at humiwalay rin siya, ngunit nasa aking baywang pa rin naman ang isa niyang braso.
Wala rin sana akong balak na tingnan ang lalaking pinag-uusapan namin pero sadyang ayaw magpaawat ng mga mata ko. Walang mababakasan ng kahit na ano’ng emosyon ang mukha niya. Ang lamig din ng mga mata niya at nakatingin iyon sa bandang baywang ko, kung saan nakahawak doon si Calizar.
Tumikhim ako at lumipat ang tingin niya sa mukha ko. Umigting ang panga niya at nag-iwas nang tingin. Gusto ko siyang ngisihan. Akala niya ay babalik pa ako sa kaniya?
Umalis siya noon at iniwan niya kami ni Zaidyx. Ngayon, wala na siyang babalikan pa at hinding-hindi ko na rin siya tatanggapin pa ulit sa buhay ko. Ang suwerte naman niya.
Siguro ay iniwan na siya ng first love niya kaya ngayon niya lang naisipan na bumalik. Kung kailan na matagal ko na rin siyang binitawan.
Nalaman ko rin sana sa sabi-sabi ng ibang tao na nasa ibang bansa na rin ang babae. Kaya ang naisip ko na baka nga ay magkasama silang dalawa. Kahit curious ako sa nangyari sa kanila ni Calystharia ay hindi ako magtatangkang magtanong sa kaniya tungkol doon. Isipin pa niya na masyado akong affected o kaya naman interesado pa ako sa naging buhay niya nang pinili niyang umalis.
“Hon, he’s Zaidyx’s father. Huwag mo na lang aminin ang pangalan niya dahil hindi naman siya importante pa at lalo na hindi kayo magiging friends. Tara na, natutulog pa ang mga anak natin. Matutuwa iyon kapag nakita ka nila,” pag-aaya ko. Literal na hindi ko na papansin ang isa riyan. Nilingon ko naman si daddy. Nananahimik na naman siya. “Dad, kayo po?”
“Mauna na kayo sa loob, Francine. Susunod ako,” marahan na saad niya. Tumango naman ako at hinila ko na palayo roon si Calizar. Kahit na ramdam ko pa ang apat na pares ng mga mata nila ni Khai. Bahala sila roon.
Naabutan naman namin si mommy na kalalabas lang sa kusina. May suot pa siyang pink na apron at nang makita niya ang kasama ko ay napangiti siya. As in sobrang lapad ng ngiti niya.
“Calizar, hijo! Nakauwi ka na pala,” ani mommy. Humiwalay ako nang lumapit siya sa amin. Hinalikan siya sa pisngi ng asawa ko.
“Opo, diretso po talaga ako rito, Mommy Z,” nakangiting saad naman ni Calizar. “Hon, puwede ko bang silipin ang mga bata?” I nodded.
“Sige na, akyat ka na. Tutulungan ko lang sa kitchen si mommy,” sabi ko.
Ewan ko kung ano na naman ang tumatakbo ngayon sa isip ni mommy. Sinundan pa niya nang tingin si Calizar, tapos hindi na nabura pa ang ngiti niya.
Napailing na lamang ako sa reaksyon niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top