SPECIAL CHAPTER 2

Special chapter 2: Hotel

PARATING pa lang ang asawa ko sa hospital at hindi ko na siya hinintay pa na pumasok sa loob. Bumaba na lang kaming tatlo. Ganoon kasi ang ginagawa niya kapag sinusundo kami.

Sumakto nga lang, dahil paglabas namin ay dumating naman sila. Bumaba agad siya sa sasakyan niya at malalaki ang bawat hakbang na lumapit sa amin.

“Hi love. Baby,” he greeted us. Humalik siya sa labi ko bago niya binuhat si Florence. Sinilip niya ang mukha ng baby namin. Pabiro niyang tinusok-tusok ito ang malusog nitong pisngi. Natawa ako at hinampas ang kamay niya.

“Baka mas lalong ma-frustate ang bunso natin, Khai. Tingnan mo, oh. Naglalaway na siya,” naiiling na sambit ko. Pinunasan ko ang nabasa nitong pisngi. I kissed his cheek too. “Si kuya, hon?” baling ko sa jankua.

“Nasa kotse na,” sagot niya.

Hindi pa kami nakalalapit ay bumaba na si Zaidyx. “How’s your day, kuya?” I asked him.

“Good, mommy,” nakangiti niyang tugon at yumakap sa baywang ko. Hinagod ko lang ang likod niya.

Isinakay na ni Khai ang anak namin sa backseat. Ikinabit na rin niya ang seatbelt nito. Sumunod din si Zaidyx at saka naman ako sumakay, nasa bisig ko pa rin ang bunso namin.

Nagawa kong ikabit ang seatbelt ko at tiningnan pa iyon ng asawa ko. Ngumiti lang siya at yumuko para mahalikan ang tuktok ng ulo ni Zayver. Saka siya umikot sa kabila.

Bago niya pinaandar ang sasakyan ay ibinigay niya sa akin ang pinapabili ko kanina. I checked them all at napatango-tango.

“Okay lang ma-frustate, anak ha? Just don’t bite your mom,” he said and I chuckled.

“Wala pa siyang tooth, daddy. He can’t bite mom,” depensa ni Florence sa nakababata niyang kapatid.

“Yes, anak,” sang-ayon niya rito. “Zai, ibigay mo sa kapatid mo ang binili natin kanina.” Sumilip ako sa backseat para makita sila.

May inilabas sa paperbag ang panganay naming at ibinigay iyon sa kapatid niya. “Wow, marshmallow! Difference colors! I like it. Thank you po, daddy!” she exclaimed. Nag-flying kiss pa siya sa kaniyang ama.

“You’re always welcome, anak. Kumusta ang pag-aalaga mo sa baby brother mo?” Pinaandar na rin ni Khai ang kotse.

“Okay lang naman po, daddy. Si baby Zayver po ay parang naiintindihan niya po ako. Kasi noong nagbabasa ako ang eyes niya ay nakatingin lang sa akin always. Tapos hahawakan po niya ang kamay ko,” daldal ng baby girl namin. Hindi pa nakatakas sa paningin ko ang pagpapatulong niya sa kaniyang kuya, para buksan ang takip ng marshmallow niya. She even mouthed thank you to his brother.

“Thank you for taking care of your brother, Florence. Next year ay wala ka ng half-day classes. Palagi na kayong sabay umuwi ng kuya mo.” I nodded.

“Magbabantay na naman ang kuya namin kay Florence,” komento ko naman.

“That’s okay po, mommy. Hindi naman po makulit ang kapatid ko,” ani Zaidyx at sinusubuan na siya ng kaniyang kapatid. Malapit talaga sila sa isa’t isa. Hindi na rin ako magtataka pa na ilang taon na lang ang hihintayin namin ay tatlo na sila ni Zayver ang magkukuwentuhan.

Ngumiti na lang ako at tumingin sa unahan. Pero nagtaka ako nang lumiko ang sasakyan namin sa kabilang daan.

“Hon, saan naman tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi?” I asked him in confused. Mabilis niya akong sinulyapan.

“We’re heading to the hotel now. How about we spend the night there?” he suggested. We often go there, after all. Lalo na kapag alam niyang busy siya at hindi siya makakauwi. Maaga pa lang ay sinasabihan na niya kami na pumunta sa hotel.

“No probs sa akin, honey,” nakangiti kong sagot. “Magiging busy ka na naman ba sa hotel?” I asked him. He shook his head.

“Nope. Gusto ko lang na dalhin kayo roon. Nagpa-set ako ng dinner sa resto.”

“Wow, sosyal. Magho-hotel pa, e kakain naman tayo roon,” naiiling kong komento. Natawa ang dalawa naming anak sa backseat.

“That’s okay, baby. We own the hotel anyway. We could stay there for a whole month if we wanted to.” I laughed at him.

He has a penthouse in the hotel, so it really wouldn’t be a problem for us, even if we stayed there for a year. But I still prefer being at home.

“But mas gusto ko pa rin sa bahay, hon,” aniko.

“All right, baby. Kung ano ang gusto ng asawa ko ay susundin ko.”

“Sus.”

“Eyy,” hirit na naman ni Florence.

When we reached the hotel ay si Khai na ang nagbuhat sa baby namin. Hinawakan ko na lang sa magkabilang kamay sina Zaidyx at Florence. Kami ang nauunang naglakad at patalon-talon pa si baby girl. Excited din palang pumunta rito.

Hinintay na muna naming bumukas ang elevator at may nahagip pa ang mga mata ko.

“Hon, sina Kreia at Seth ba iyon?” tanong ko sa kaniya. Naglalakad ang kapatid niya at sumusunod sa likuran niya si Kreia. Halatang hindi talaga sila magkasundo.

Even though they had already settled the issue, Kreia still didn’t stay at my in-laws’ house. Si mommy ninang na nga ang namilit, e. Gusto rin siyang alagaan. But ayaw niya. Hindi naman siya pinigilan ni Seth, dahil focus nga ito sa pag-aaral. Wala pa talaga sa isip nito ang magkaroon ng sariling pamilya. He’s too young din naman.

Kresia is very mature, I like her attitude. Hindi siya plastic at talagang napaka-genuine. I think Seth has finally met his match.

“Really? Nasaan?” he asked.

Muli akong napatingin sa puwesto nila kanina at ngayon ay naglalakad na sila. Madadaanan nila kami.

“Kreia, wait!” Si Seth na naman ang humabol. Ang bilis maglakad, parang hindi buntis.

“It’s Tito Seth and Tita Kreia, mommy,” ani Florence.

“Yes, baby,” tugon ko naman.

“Don’t follow me, Seth!”

“Puwede bang bagalan mo ang paglalakad mo?! I’m not done explaining you’re just going to turn your back on me?” Seth shouted in frustration at nagkatinginan kami ng asawa ko. Tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.

“I don’t have time to play games with you! And can you please not shout at me?! Ang kulit mo, ha!” Nang mapatingin siya sa amin ay napasinghap siya. Ngumiti ako sa kaniya at ang walang ekspresyon na mukha niya ay napalitan iyon ng tila relief? “Ate Francine, Kuya Khai.”

Ganoon ang tawag niya sa amin ni Khai, mas matanda naman ako ng ilang taon, e.

“Bakit nagsisigawan kayo sa hallway?” I asked them.

Hindi na mukhang nagsusuplado si Seth. Siguro nakahinga na rin siya ng maluwag, dahil hindi na naglalakad nang mabilis si Kreia.

“Nothing. I just want to go home, ate,” umiiling na sabi niya at humalik sa pisngi ko. Binigyan niya rin ng pansin ang dalawang bata.

“Why are you shouting at her, Seth? What’s your problem?” seryosong tanong ng asawa ko sa kapatid niya.

Seth rubbed his face with his palm. “You already know, kuya. But she wants to go home. Because she saw someone—” He didn’t finish his sentence and just let out a sigh.

“I really just want to go home, kuya. I’m tired na po,” Kreia reasoned out, and it was clear in her eyes.

“Stay for awhile, Kreia. Sumama ka na lang sa amin. Seth, puwede ka nang bumalik kung saan man kayo nanggaling. Kreia can stay with us.” Napanguso ako nang makita ko ang naging reaksyon ni Seth. Parang hindi naman siya sang-ayon.

“Fine. At least hayaan mo akong alalayan ka. Kanina ko pa nahahalata na nahihilo ka.” He reached for her arm, but Kreia pulled away.

“Okay lang ako! Huwag mo akong hawakan!” inis na sigaw nito at lumapit ito sa akin. Marahas na bumuntong-hininga na lang ulit ang isa. Halatang nainis din sa pagiging suplada nito. Well, I can’t blame her. Buntis, e.

“Stop shouting. Nakikita mo naman ang mga pamangkin ko, oh,” aniya at binuhat niya si Florence. Napangiti na naman ang bata.

“You are so sweet po talaga, tito. Lagi po kayong nagpa-fight ni Tita Kreia. Huwag mo siyang i-bully po, ha? May baby cousin na po kami, e,” Napagsabihan pa nga siya ng pamangkin niya.

“Noted, young miss,” tumatangong sagot niya. “Hey, Zaidyx.” Nakipag-fistbump naman siya kay Zaidyx.

Binalingan ko ulit ang babaeng kasama niya. “Nagdala ba ng babae si Seth?” bulong na tanong ko at dahil magkatabi kami ng aking asawa ay narinig niya kung ano ang ibinulong ko. Inilingan lang niya ako.

“Ayokong pag-usapan iyon, Ate Francine. Naiinis lang ako.” Umikot pa ang mga mata niya nang mapatingin sa amin si Seth. Nakatutuwa talaga silang tingnan, e.

“Pagpasensiyahan mo na siya, Kreia. Isip bata pa kasi,” parinig ng asawa ko. Kumunot lang ang noo ng kapatid niya.

Dumiretso na nga kami sa penthouse at nakabuntot pa rin si Seth kahit nasa loob na kami. Kunwaring tinataboy siya ng kuya niya.

Nagpahinga na muna kami at nakipagkuwentuhan na rin. Hanggang sa nagpaalam siya, akala ko nga ay babalikan na niya si Seth. Pero bumalik pa rin pala siya na may dalang box.

“Ate, magbihis ka nito. Kakain tayo sa resto ng hotel,” aniya at inabot ko naman iyon.

“Thanks, Kreia. Kahit may damit naman ako rito, e,” sabi ko at binuksan ko ang box. Napangiti ako, dahil kulay puti iyon. Tiningnan ko iyong nasa bandang neckline. Nahulaan ko agad kung sino ang nag-design. “Hindi ko alam na ginawan na naman ako ni mommy ng gown.”

“Ako rin. Kasya rin sa maliit na babybump ko,” sabi niya. Three months pa lang siya, pero makikita na may maliit na siyang umbok sa tiyan.

Sa akin dati ay hindi pa naman iyon halata, e.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top