LAST CHAPTER 2
Last chapter 2: Reason
NAKANGITI kong pinagmamasdan ang dati kong bracelet. Ginawa niya itong keychain, dahil hind naman niya puwedeng suotin. Eh, ang liit naman nito.
Binuksan ko ang drawer at inilabas ko ang maliit na pink velvet box. Inilagay ko ito sa vanity table. Ito iyong butones na ibinigay niya rin sa akin. Yes, iningatan ko rin ito. But nakatago lang siya rito. Ang ganda nga, pareho pa naming kini-keep ang simbolo ng pinky promise namin noon.
Akala ko ay tuluyan na niyang nakalimutan. Kasi para sa kaniya ay isang laro lang naman iyon. Na paglaki ko ay makalilimutan ko rin naman.
“Wow, mommy! Ang ganda naman po iyan! Akin na lang po ang bracelet, mommy?” Itong baby girl ko ay sumusulpot na lang bigla-bigla. Magugulat ka talaga sa tinis ng boses niya.
Kinuha niya sa kamay ko ang bracelet, may inilagay lang doon ang daddy niya. Para mas magmukha itong keychain.
“Kay daddy mo iyan, anak,” aniko. Pinagmamasdan ko pa siya na manghang-mangha sa nakikita niya.
“Pero akin na lang po, mommy? Ang ganda po niya. Puwede ko kayang ihingi na lang kay daddy? Kasya naman po sa akin, e,” sabi niya.
Kinuha ko iyon sa kamay niya at hinapit siya palapit sa akin. Kinintalan ko ng halik ang noo niya. I even smell her scent. Isa sa kinagawian ko, lalo na noong baby pa siya. Silang dalawa ng kuya niya.
“Kay daddy mo na lang ang ihingi, anak. Importante ito sa kaniya,” mahinahon na paliwanag ko. Para hindi siya magtampo. Nakangiting tumango naman siya at yumakap sa akin. Marahan pa niyang hinaplos ang umbok ng tiyan ko.
“I love you, baby brother. I’m excited na. See you soon!” masayang sabi niya at napangiti ako nang hinalikan niya rin ang babybump ko. “Love-love ate.”
“Pumunta tayo sa kabilang bahay, Florence. Nasa house naman siguro nila ang lola mommy, ’no?” Ibinalik ko sa pinaglalagyan ang bracelet ko, at muli kong itinago ang dalawang mahalagang bagay sa drawer.
“Yes po, mommy. Kagagaling ko lang po roon. Nandoon po si Kuya Zai, e. Nanggugulo na naman po siya kay Tito Seth.”
“Hayaan mo na ang kuya mo, anak,” aniko. Magkahawak kamay kaming lumabas ng kuwarto namin.
Todo alalay sa ’kin ang baby girl ko. Tinitingnan niya kung may mga harang ang daraanan namin. Kahit sa pagsuot ko nga ng slipper ay tinulungan pa niya akong isuot iyon. Hindi na rin kasi ako makayuko pa.
Nasa labas si Kuya Berto, pinupunasan ang salamin ng sasakyan na katatapos lang i-car wash. Binati pa niya kami saka siya nagpatuloy sa ginagawa niya.
This time ay pinili naman ng mga kapatid kong tumambay sa tapat ng bahay namin—doon kina daddy at mommy.
“Hi, ate!” bati ni Pressy. Patakbo pa siyang lumapit, kahit naglalakad na kami patungo sa kanila. Inangkla niya ang kamay sa braso ko.
“Nasa bahay si mommy, baby sis?” Tumango siya at sumandal sa braso ko. Nagawa ko pang halikan ang ibabaw ng ulo niya. We’re very close pa, kahit sa ganitong edad ay sadyang sweet siyang kapatid.
“Si daddy rin po, ate. Maagang umuwi,” aniya. Napatango-tango na lamang ako.
Nakita ko sa green house namin si Seth, kasama niya nga ang pamangkin niya. Tumutugtog sila ng gitara, na kung hindi ako nagkakamali ay sa kuya pa niya ang gitarang iyon.
“Nasaan naman ang Kuya Cody mo, Pressy?” Ang isang iyon lang ang hindi ko nakita. Saan na naman kaya iyon nagsusuot?
“Kasama po siya ni Ate Jessy, ate. May ginagawa po yata sila,” sagot niya. Close talaga ang dalawang iyon. Dahil magkasing edad din naman. Magkaklase nga rin dati.
“I see.”
“Mommy!” Muli akong napatingin sa puwesto ng anak ko. Nakangiting kumakaway siya sa amin.
Gumanti rin ako ng ngiti. Hindi ko lang magawang kumaway, dahil sa dalawang kasama ko. Hawak nila pareho ang aking mga kamay.
Hanggang sa lumabas silang magtito. “Wala ka bang lakad ngayon, Seth? Hindi ka ba nakikipag-date?” nakangising tanong ko kay Seth. Napakamot siya sa batok niya.
“Hay naku, wala pa akong oras para diyan, ate. Siya nga pala. Nasa loob sina Tita Z at Tito Storm. Mahalaga yata ang pinag-uusapan nila. Kaya Pinalabas nila kami.” Napatingin ako sa bahay nila.
Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Kaya naman pala tumambay sila rito sa garden namin. Dahil nag-uusap sa bahay nila ang mga magulang namin at sinadya silang palabasin. Curious ako kung ano iyon.
“Ano kaya?” I asked him. Nagkibit-balikat lang siya.
“Pumasok ka sa bahay kung gusto mong malaman, ate. Tara, Florence, Pressy. Gawan ko kayo ng meryenda sa bahay ninyo.” Bumitaw agad si Florence at nang makalapit sa tiyahin ay itinaas agad nito ang matambok niyang braso. Automatic na pinangko nga siya nito.
“Anak, mabigat ka na. Bakit ka pa nagpapabuhat sa tito mo?” tanong ko. Spoiled na spoiled din siya sa tito niya. Kahit noong hindi ko pa sinasabi sa kanila na anak siya ni Khai.
“Gusto ko po laging nakakarga, mommy e,” she reasoned out. Her uncle just let out a short laugh. Hinalikan pa siya nito sa pisngi.
“Hayaan mo na, Ate Francine. Tara na sa loob, Pressy, Zai,” anyaya pa niya sa mga bata. Hinawakan ng kapatid ko ang kamay ng aking anak saka sila tumalikod.
Nagtungo na rin ako sa bahay ng parents ng asawa ko. Hawak-hawak ko ang babybump ko nang pumasok na ako sa loob. May kabigatan na ang baby ko, kaya mabagal iyong paglalakad ko.
Hindi na ako nahirapan pang hanapin sila. Dahil nasa sala naman silang lahat. Halatang may pinag-uusapan nga sila na importante. Nagkakape pa nga sila. Samantala ang mga bata ay naglalaro sa labas.
Si daddy agad ang nakapansin sa akin. Nagmamadali siyang lumapit upang alalayan ako. “Thank you po, daddy.” Ngumiti lang ang daddy ko.
“Bakit parang ang seryoso ninyo naman po? May nangyari ba?” I asked them. Pinaupo ako ni dad sa tabi ni mommy. Na agad namang humilig sa balikat ko at hinaplos ang umbok ng aking tiyan.
“Nah, pinag-uusapan lang namin iyong hacienda ng mommy ninang mo, anak. Ililipat na niya agad ang pangalan ng aming apo,” ani mommy.
I looked at my mother-in-law. “But she’s too young pa po, mommy ninang. Excited naman po kayo masyado.”
Napangiti siya. “Mas okay na iyong asikasuhin ng maaga, anak. Besides ang daddy pa rin naman niya ang pipirma ng mga papales na ihahanda namin. Makukuha ni Florence ang mana niya when she reached her legal age.”
“I wonder po kung bakit si Florence ang ginawa mong successor, mommy ninang?” may pagtatakang tanong ko.
Kung si Khai ay hindi na niya iyon mahahawakan pa. Busy na siya sa entertainment ng mommy niya at sa hotel ng daddy niya. Hindi naman puwedeng iasa sa kaniya ang lahat.
“Walang interes ang anak naming babae, hija. Si Florence lang. Kahit bata pa ay nakikitaan na ng interes na hawakan ang hacienda balang araw,” sagot niya. Tinanguan naman iyon ni Daddy Ry, na para bang sinasabi niya na agree din siya.
“I see po,” wika ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Gusto nila agad ibigay kay Florence ang lahat.
“Hon, since nandito naman si Francine. Bakit hindi na lang natin pag-usapan ang tungkol sa kanila ng anak nating si Khai?” bigla ay tanong ni mommy ninang.
Napaayos nang upo ang father-in-law ko. Si daddy naman ay napansin ko ang paninigas niya sa kinauupuan niya. Bakit parang kinakabahan sila pareho?
Si mommy ay sumandal lang siya sa headrest ng upuan. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa kong ama. Mas lalo akong na-confuse.
“Ano po ang tungkol sa amin ng asawa ko, daddy?” I asked them. Ilang segundong naghari ang katahimikan sa paligid namin at hinihintay kong magsalita sila. Bigla nga bumigat ang atmosphere, na para bang may alam sila na importanteng bagay at sinadya nilang ilihim iyon sa akin. “Dad, Daddy Ry. Ano po ba iyon?”
***
PANAY ang buntong-hininga ko nang makita sa labas ang malakas na buhos ng ulan, malakas din ang hangin. Masakit sa tainga ang patak nito sa bubong ng aming bahay.
Tulog na ang mga anak ko, nasa loob sila ng kuwarto namin ni Khai. Magkayakap pa, dahil natatakot si Florence sa sama ng panahon, kumikidlat din kasi sa labas. Ang kuya niya ang umaalo sa kaniya hanggang sa makatulog siya. Brownout din. Tumawag kanina si daddy na hindi na sila magbubukas ng generator power.
Kandila na lang daw ang gamitin namin, habang hindi pa humuhupa ang bagsik ng ulan.
Naiiyak na ako, lumalalim ang gabi at hindi pa umuuwi ang aking asawa. Hindi ko na siya tinawagan pa. Baka kasi nagmamaneho na siya at pauwi na talaga. Ayokong gumamit siya ng phone habang nagmamaneho.
Nang hindi na ako nakatiis pa ay bumaba na ako. ’Saktong bumukas naman ang front door. Madilim pero alam kong si Khai na nga ang dumating.
“H-Hon?” pahikbing tawag ko sa kaniya. Mabibigat ang bawat hakbang ko na salubungin siya. Siya nga lang ang unang nakalapit at agad niya akong ikinulong sa mga bisig niya.
“Hey, what happened?” nag-aalalang tanong niya. Wala na akong pakialam kung mabasa pa ako ng damit niya. I just want to hug him, so tight.
Gusto kong maramdaman kung totoong nakauwi na siya at ligtas. Hindi naman kasi maganda iyong nasa labas pa siya, maraming nangyayari sa labas. Takot akong may mangyaring hindi maganda sa kaniya.
Ngayon na alam ko na ang isa sa dahilan kung bakit niya kami iniwan noon ng anak namin.
“Bakit ngayon ka lang umuwi, ha?” tanong ko sa kan’ya. Bakas pa rin sa boses ko ang sobrang pag-aalala sa kaniya.
Nagawa ko pang hampasin ang dibdib niya, but ang isa kong kamay ay mahigpit nakakapit sa damit niya. Hindi naman niya inalis ang braso niya sa baywang ko.
“Sorry, hinintay ko kasi na tumila pa ang ulan. Kaya habang naghihintay ay tinapos ko na muna ang trabaho ko. But I realized na masyado na ngang malalim ang gabi. So I decided to go home kahit malakas pa ang ulan,” paliwanag niya. Kahit na, nag-aalala pa rin ako.
“Eh, bakit hindi ka man lang tumawag or nag-text sa akin?”
“Nag-aalala ka ba sa asawa mo, Francine?” Hindi ko makita kung ano ang reaksyon niya, dahil madilim nga.
“Ano’ng klaseng tanong ba ’yan, ha?” naiinis kong tanong. Natawa lang siya at hinalikan ang balikat ko.
“Alam kong hindi ka naman sasagot. Kaya hindi na ako tumawag pa. Siguro kung nag-text ka sa akin ay baka nasabi ko rin sa ’yo na mali-late ako ng uwi. Tingnan mo nabasa ka na ay. Let’s go, magpalit ka na muna ng damit. Baby, stop crying. Nakauwi naman ako, ’di ba? I’m safe naman.”
Binuksan niya ang phone niya at binuksan ang ilaw nito, ibinigay niya iyon sa akin para makita ko ang dinaraanan namin.
“Bakit nabasa ka ng ulan?” I asked him.
“Wala akong payong. Pumunta ako sa bahay, kasi nagtataka ako kung bakit nakapatay ang ilaw. May generator naman tayo. Akala ko ay tulog na si dad, so ako na ang nagbukas no’n. Pero pinagalitan lang ako, dahil ngayon pa lang daw ako umuwi,” paliwanag naman niya. Siguro nga worried din sa kaniya si Daddy Ry.
Nang makapasok kami sa kuwarto ay bumalik na ang kuryente. Kaya nakita niyang mahimbing na ang tulog ng mga anak namin.
“Go take a bath first before you get sick. I’ll just get some clothes to change,” sabi ko. Tumango lang siya at tumalikod na.
Kumuha ako ng maternity dress ko. Pati na t-shirt niya at pajama, siyempre kumuha rin ako ng underwear niya. Nakapagpalit din ako agad.
Kumatok ako sa pinto ng banyo. Bago ako pumasok sa loob. Tapos na rin yata siya. Nakatapis na lang siya ng bimpo. Ibinigay ko sa kaniya ang pampalit niya.
“Thanks, baby,” nakangiti niyang sabi. “Hintayin mo na lang ako sa labas.” Hinawakan niya ako sa siko upang alalayan na makalabas.
Nagtungo na ako sa sofa, hinintay ko na lang siya. Gusto ko sanang lumabas para ipagtimpla siya ng kape. Pero nararamdaman kong nanginginig pala ang mga binti ko. Dahil ito sa nangyari kanina.
Napatingin ako sa pinto ng banyo namin nang bumukas ito. “Saan ka pupunta, Khai?” tanong ko. Palabas na naman kasi siya.
“I’ll just prepare your milk. Sandali lang,” he said. I waited again. At least, I felt a bit better.
Mayamaya lang ay pumasok na ulit siya. Nakangiting tinabihan niya ako sa sofa. Dalawang mug ang inilapag niya sa center table. Kinuha ko ang bimpo sa balikat niya.
“Yumuko ka,” marahan na utos ko na agad naman niyang sinunod. Pinapatuyo ko ang buhok niya. Nagagawa pa niyang sumimsim ng kape.
“Hindi ba natakot ang mga bata?”
“Si Florence lang.”
“Kawawa naman ang Florence ko. Nakatulog na yata sa takot.”
“Nope, yakap-yakap naman siya ng kuya niya,” aniko at tinigil ko na ang ginagawa ko. Kinuha niya ang milk ko at ibinigay sa akin.
“Uminom ka na bago pa man ito lumamig.” I nodded. Habang umiinom nga ako ay napansin niya ang matagal kong pagtitig sa kaniya. Kaya nag-usisa na ulit siya. “What’s wrong, baby?”
“Why didn’t you tell me?”
“Ang alin?”
“Iyong dahilan kung bakit mo kami iniwan noon ni Zaidyx.”
Natigilan siya at muli niya akong tinitigan. “Sinabi ni mommy at ninang?” I shook my head.
“Sina dad at Daddy Ry,” sagot ko.
Naalala ko ang sinabi nila kanina, akala ko kasi kung ano na. Pero tungkol lang pala sa pag-alis noon ng asawa ko.
“Your husband didn’t want to tell you about this anymore, anak. But I think you have the right to know,” ani Daddy Storm.
“We’re the reason why Khai left back then. He didn’t want to leave you and your son. To be honest, he was planning to marry you, that’s why he bought a ring. Pero ako mismo ang hindi sumang-ayon. Ayaw namin na bigyan ka pa ng malaking responsibilidad, sapat na ang pinagbubuntis mo ang anak ninyo. Francine, we wanted you to prioritize your dreams first bago ka tuluyang magkaroon ng sariling pamilya,” mahabang pahayag ni Daddy Ry.
A mix of emotions swirled inside me when I found out the truth about why Khai left us four years ago.
“Pero dalawang taon lang sana iyon, anak. Lumabis lang si Khai, naisip namin ng Daddy Ry mo na baka nga nagtatampo iyon sa amin. Dahil hindi kami sumang-ayon sa kagustuhan niyang pakasalan ka,” sabi naman ni daddy. Napabuntong-hininga ako.
“Mahal ka naman ng asawa mo, dear. Masyado lang pakialamero ang mga daddy ninyo,” ani naman ni mommy ninang. Inirapan pa niya si Daddy Ry, na hinawakan lang ang kamay niya at hinalikan.
“Pero mas malala naman ang ginawa ninyo, ah. Pinaniwala ninyo kami ni Ry na kasal na si Francine. Ako talaga ang unang nagalit. Hindi na nga lang ako nagkomento pa. Dahil nanakot noon si Z na iiwan niya ako,” pangangatwiran naman ng aking ama.
“Ganoon din yata ang nangyari noong umalis si Khai,” si Daddy Ry naman ang nagsalita.
“Yeah right. Sino naman kasi ang matutuwa sa desisyon ninyong dalawa ni Storm? Masyado ninyong pinapangunahan ang mga bata.”
“Ngayon po, bakit sinabi ninyo sa akin ang lahat ng ito? Maliban sa may karapatan naman po akong malaman ito?” tanong ko sa kanila. Napahinga nang malalim ang dalawa kong ina.
“Hindi namin sinabi ito para tigilan mo na ang pagpapahirap mo sa asawa mo, anak. Deserve din naman talaga ng aming anak ang masaktan. Pero ayaw na namin ang may itinatago pa kami. Pag-usapan ninyo ulit ito ni Khai. Okay, anak?” Tinanguan ko na lamang si mommy ninang. Naiiyak ako to be honest, pero pinipigilan ko pa rin ang emosyon ko. Mamaya ko nang ilabas iyon kapag nakauwi na ang asawa ko.
“Ah, that. I don’t think so kung importante pa ba iyon, Francine. Kasi sa totoo lang ay kontento na ako. Masaya na ako sa inyo. Kaya okay lang kahit habang-buhay mo akong pahihirapan, basta hindi mo ako iiwan. Basta nasa tabi ko lang kayo ng mga anak natin,” aniya. Ngumiti pa siya at kumikislap ang mga mata niya.
Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. “Ang dami mong secret at ayoko no’n. Ayokong ikaw lang ang may alam. Gusto kong i-share mo sa akin ang mga bagay na alam mo, sabihin mo sa akin.”
“All right. Hindi na ako maglilihim ngayon. Hmm, what about the keychain watch? Ano ba ang meaning nito?” he asked. Itinuro pa niya sa akin iyon.
Nagkibit-balikat ako. “Ang alam ko ay may ibinigay akong description sa shop nila at nakalagay roon ang meaning niyan. Just search for it,” sabi ko lang. Inilapit ko sa kaniya ang gatas ko. “Ubusin mo na. Hindi ko na kaya.”
Napatitig pa siya sa kalahati ng gatas. Hindi ko na talaga kayang inumin, e. Nakangiting kinuha na lamang niya iyon at inubos na ang laman kahit may iniinom pa siyang kape.
“Magpahinga na tayo. Hindi ka puwedeng magpuyat. Pati si baby ay mapupuyat,” aniya.
Humiga na kami, pero nasa gitna namin sina Florence at Zaidyx. Nakipag-eye contact pa ako sa kaniya, dahil hindi naman siya pumipikit.
“I wonder kung saan nagsimula ang love na iyon para sa akin,” sambit ko.
“I’ve been attracted to you for a long time, Francine. I just always thought it wasn’t right. It was wrong for me to have feelings for you, alam natin na masyado ka pang bata noon. Ika nga ni Seth, I’m too old for you. Honestly, I was all confused about my feelings for you. Was it love or just a crush? It wasn’t until you started to distance yourself that I realized what was really going on. Ito lang nasabi ko sa sarili ko noon. Dàmn it, man. Gold na ang pinakawalan ko? This could leave a scar on your heart forever.”
“Gàgo,” natatawang sambit ko. Sinabi niya kasi na gold, e. Sino ang hindi matatawa roon?
Natawa rin siya sa naging reaksyon ko. “You better sleep, baby.” Kumilos siya para mahalikan ako sa noo. Nang pumikit ako ay bumulong na naman siya.” I love you.”
Sandali ko siyang pinakiramdaman. Hindi rin ako gumalaw. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. I took a deep breath and finally, nagawa ko na siyang sagutin.
“I love you too, Khai...”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top