CHAPTER 40

Chapter 40: Cute punishment

ISANG oras lang ang lumipas ng tumawag ang asawa ko. Papasok na raw siya sa trabaho niya. Kahit importante ang ginagawa ko sa opisina ay umalis pa rin ako para lang mapuntahan siya. Pero pagdating ko sa bahay namin ay wala namang tao.

Inilabas ko ang cell phone ko at tinawagan siya. “Where are you, baby?” tanong ko nang sinagot niya ang tawag.

“Nasa hospital na ako. Bakit?” tanong niya na parang wala kaming pinag-usapan kanina.

“Hindi ba may usapan tayo na susunduin kita sa bahay para ihatid sa hospital, Francine? Nakalimutan mo ba iyon?” mahinahon na tanong ko. Sinisikap kong pahabain ang pasensiya ko. Hindi dahil buntis siya at takot akong magalit na naman sa akin.

Just like what I said, bumabawi pa ako sa kanila ng mga anak namin. Higit na sa kaniya, marami akong pagkukulang kaya ginagawa ko ang lahat. Para bumalik ang tiwala niya at para mapatawad na niya ako sa pang-iiwan ko noon sa kanila ni Zaidyx.

“Sumakay ka ba ng taxi?” I asked her.

Naglakad na ako pabalik sa kotse kong nakaparada sa labas ng bahay namin. Nakikita ko rin ang bahay ng mga magulang namin. Alam kong nasa bahay si mommy. Paminsan-minsan na lang siya pumupunta sa kompanya namin.

Si dad ay alam kong nasa trabaho rin. Saka lang siya magreretiro kung kaya na rin akong tulungan ng kapatid kong si Seth. May kompanya pareho sina mommy at dad, dahil ako ang panganay at ako lang ang puwedeng mamahala no’n ay nakasalalay pa rin sa akin ang lahat.

“Malamang. Ang tagal mo kasi!” reklamo niya. Sinipat ko ang suot kong relo at napabuntong-hininga.

“Ilang minuto lang naman ang itinagal ko, Francine. Nagmamadali pa ako para lang makarating agad.” Hindi, hindi ako nagrereklamo sa lagay na iyan. Matinding pag-aalala lang ang nararamdaman ko.

Gusto ko talaga iyong alam kong safe siyang bibiyahe patungo sa hospital. O kung puwede nga sana manatili na lang siya sa bahay. Ngunit ayokong sabihin din iyon sa kaniya.

Minsan ko na siyang pinangunahan. Sa mga panahon na pinagbubuntis pa niya ang panganay namin. Sinabi ko noon sa kaniya na huwag na muna siyang papasok ng college, dahil buntis nga siya. Pero tinuloy pa rin niya. Hindi naman daw sagabal sa kaniya ang pagbubuntis para hindi siya tumuloy sa college. Mas lalo nga akong humanga sa kaniya.

“Oh, ano ngayon? Alam mo naman na maikli lang ang patience ng mga buntis. At hindi ko kasalanan na mainip ako sa paghihintay sa ’yo, Alkhairro. Ngayon, nagrereklamo ka ba dahil nasayang ang oras mo na umuwi ha?” Kahit over the phone ang pag-uusap namin ay nararamdaman ko ang lamig ng boses niya. Kung nasa harapan ko lang siya ngayon ay siguro paulit-ulit ko na naman makikita ang pag-irap niya.

“Nag-aalala lang ako, Francine,” sagot ko.

“Ibababa ko na ang tawag. May patient ako ngayon.” Hindi pa nga ako nakasasagot ay binabaan na niya ako ng tawag. I sighed again.

“Son?” Nag-angat ako nang tingin nang marinig ang boses ng aking ina. Napangiti agad ako nang makita siya. Mayroon siyang dalang trash bag. Magtatapon yata ng basurahan.

Isinuksok ko sa aking bulsa ang cell phone ko at inagaw kay mommy ang hawak niya para ako na ang magtatapon. May malaking trash can sa labas. Kinokolekta iyon ng caretaker ng subdivision namin.

“Susunduin ko po sana ang asawa ko, mom.”

“Eh, nasaan na ang baby mommy mo?” Napangiti ako sa tawag niya sa daughter-in-law niya.

“Hindi po ako hinintay. Nainip daw po siya kaya nag-taxi na lang siya,” sagot ko. Napailing si mommy. Makikita ko roon ang pagkaaliw niya.

“Kaya pala may narinig akong busina ng sasakyan kanina. Gusto ko sanang silipin, pero hindi pa ako tapos maglinis.”

“Mom, mayroon naman po tayong kasambahay. Bakit naglilinis pa rin kayo?” tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

Hands-on ang pag-aalaga sa amin si mommy. Pero kahit mayroon namang ibang gagawa ng trabaho sa bahay ay ginagawa pa rin niya. Malambot pa rin naman ang kamay niya.

“Hay naku. Okay lang naman ako, anak. Susunduin ako ng daddy mo rito. Lalabas kami mamaya, kaya silipin mo mamaya ang mga kapatid mo, ha?” Napatango ako. Hinalikan ko ang kamay niya saka ko binitiwan. “Habaan mo ang pasensiya mo sa asawa mo, Khai. Ang suwerte mo kung tutuusin. Kahit hindi pa maayos ang relasyon ninyo ni Francine ay nakatatlong baby na kayo.”

Napangisi ako. “Oo nga’t galit iyon sa akin, mommy. Nagtatampo rin po, pero naniniwala ako na may puwang pa ako sa puso niya.” Ramdam ko pa rin naman hanggang ngayon, malabo man na hindi na katulad dati na halatang-halata.

Handa naman akong maghintay. Sa ngayon ay ako na muna ang magtitiis at ako muna ang magsasabi sa kaniya ng mga katagang mahal ko siya. Hinding-hindi ako magsasawa.

“Alam ko. Hindi kayo magkakaanak ulit kung nawala na ang pagmamahal sa ’yo ng asawa mo, son. Sorry kung nadamay ka namin ng mommy ninang mo. Gusto lang namin gumanti sa daddy ninyo.” Halatang nagalit nga sila ni mommy ninang. Hindi ko naman sila sinisisi.

“Yes, paniwalang-paniwala rin po ako, mommy. But anyway, ayos na po iyon. Ang importante po ngayon ay nabawi ko na ang mag-iina ko.”

“You deserve to have them, my son. Pamilya mo sila. So, saan ka na pala pupunta ngayon? Babalik ka na ba sa kompanya?” Umiling ako. Hindi na ako babalik sa opisina, kahit iyong mga mahahalagang papel na kailangan kong pirmahan ay nandoon lang sa ibabaw ng mesa ko. Wala namang gagalaw roon at hindi basta-basta nagpapasok ang secretary ko.

“Pupunta po muna ako sa clinic ni Francine, mom. I just want to check her. Aalis na po ako,” paalam ko. Humalik ako sa pisngi niya saka lumapit sa sasakyan ko.

“Drive safely, son.” I nodded.

***

Binati ako ng staff ng hospital pagdating ko roon. Kilala na ako ng iilan. Bumati rin naman ako pabalik sa kanila at diretso ko nang tinungo ang clinic ng asawa ko.

’Saktong may lumabas na pasyente na hinatid niya sa pinto. Nang makita ako nito ay kumunot pa ang noo niya.

“Thank you po ulit, doctora,” magalang na sabi sa kaniya ng isang babae. May kasama itong ginang, na marahil ay mama nito.

“You’re welcome po. See you next week po,” she said. Nilingon ako nito at pumasok sa loob na hinayaang nakabukas ang pinto.

Pumasok na ako at pumuwesto sa visitor’s chair. Nahuli ko pa ang pag-irap niya.

“Pumunta ka rito ng hindi man lang nagdala ng pagkain? Kahit prutas man lang?” sabi niya, nasa timbre ng boses niya ang lamig.

I checked her wallclock. Malapit ng mag-10 a.m, no wonder na gutom na agad ang baby mommy ko.

“Sunduin na lang natin mamaya ang mga bata tapos kumain tayo sa labas,” suhestiyon ko at nangalumbaba para malaya kong makita ang maganda niyang mukha.

She’s still as beautiful as ever, and I can see how much more mature she looks now.

I never imagined that years later, I’d be looking into a face so familiar. Florence—our daughter—she’s the mirror image of her mother. Not just in how she looks, but in the way she moves, talks, even thinks. It’s like seeing her all over again.

“I’m hungry,” she said. Mabilis pa niya akong sinulyapan.

Napatikhim ako. “May appointment ka pa ba ngayon?” I asked her. Kinuha ko ang notes niya. Mahilig siyang magsulat ng mga schedule niya, bata pa siya ay nakagawian na niya iyon.

Kinuhanan ko ng litrato at tumayo na pagkatapos. Inalalayan ko siyang makatayo, hinubad ko ang suot niyang lab gown.

“Saan mo naman ako dadalhin?” nagtatakang tanong niya.

Sa Friday pa ang schedule ng check up niya sa Oby-Gyne niya. Maliit pa lang ang baby namin, pero nagsimula na rin siyang magsuot ng maluluwag na damit niya. She was only taught once back then, but she already knew what to do. She learned even more as she experienced her pregnancy.

“May malapit na café malapit dito,” sagot ko lang. Doon ko siya dadalhin.

***

Pagkapasok namin sa café, hinayaan ko siyang pumili ng mga pastries na nais niyang kainin. Marami siyang kinuha, at halata sa mukha niya ang pananabik—parang naglalaway na nga raw ang bagang niya. Nagniningning ang mga mata niya sa tuwa.

Marami ring tao sa café kahit maaga pa. Mukhang marami talaga ang mahilig magkape nang ganitong oras—well, sakto naman talaga sa vibe.

Mahina akong napahalakhak nang makita kong may tumulo na nga sa bibig niya. Pinunasan ko iyon gamit ang hinablot kong panyo.

“Gusto na nga rin ng baby natin na matikman ang pastries nila,” aniko. Napaiwas siya nang tingin at bahagya niyang tinulak ang kamay ko.

I placed a tender kiss on her temple and whispered softly, “I love you, wife...”

I felt her body stiffen. She was surprised by what I said, even though she was used to hearing it.

“Stop it, and sit properly. There are a lot of people here. They’re staring at us.” Naramdaman ko pa ang pagkurot niya sa tagiliran ko, na sinadyang ipasok sa coat ko.

“Why would I care about them?”

“Shut up, hon. You’re making me even hungrier—and now I’m craving something else,” nahihirapang sabi niya.

I couldn’t help but laugh. I instantly got what she meant, so I backed off a little.

“Maybe later?" I asked. She gave me a sharp look. May pagbabanta iyon.

“Behave, Alkhairro.” I just shrugged in response.

When our orders are served, her focus shifted to the food, while mine stayed on her. I was busy taking care of her—wiping the corner of her lips every time a bit of icing from the chocolate cake stuck there.

“Puwede ba tayong mag-take out, hon?” Tumango ako.

“Sure. Kakainin mo mamaya?” Hinawi ko ang hibla ng buhok niya at inipit iyon sa gilid tainga niya.

“Nope. Para kina Zaidyx at Florence,” sagot niya. Palagi niya talagang naaalala ang anak namin.

“Sige-sige. Magti-take out tayo, baby,” sabi ko at sinabayan siyang kumain.

When we finished, I went to the counter to pay. I couldn’t help but smirk when I saw that only my business cards and a few thousand pesos were left.

But it didn’t bother me, my wife had full access to all my money anyway, kung ano man ang mayroon sa akin ay sa kaniya na rin iyon.

Bago kami bumalik sa hospital at bumili na muna ako ng puwede niyang kainin sa clinic niya. Kahit pantawid gutom lang. Isang malaking garapon ng marshmallow ang binili ko. Natuwa siya nang makita iyon at gusto niya ay mayroon din sa mga anak namin. Pinili niya iyong mga iba’t iba ang shape and color para daw magandang tingnan.

After I dropped her back at the hospital, I just sat on the sofa. Good thing I always carry my tablet, so at least I had something to do inside. I wasn’t bore. I even got to watch my wife working, nonstop munching on marshmallows. She was definitely more hyper than usual.

At lunchtime, we picked up our kids from school, and Florence was happy to see that their mom was with me.

I took them to a restaurant, but my daughter didn’t get her way, she wanted to eat at a fast food place with fries. Her mom, however, wanted her to try something different this time. My baby girl understood, especially since her mom was pregnant.

Ilang araw lang ang lumipas. Tapos na ang check up ng asawa ko ay napansin kong kaunti na lang ang pera ko sa wallet.

Last time ay bumili kami ng suits ko, sa dami no’n ay nabayaran ko naman gamit ang pera ko. Pero napapansin ko na parang sinasadya na ni Francine.

One day, nakisuyo ako na kung puwede ko bang hiramin ang card para makapag-withdraw ng pera. In case na pupunta na naman kami sa kung saan-saan. May mga pagkakataon na hindi rin siya nagdadala ng pera. Pero nagalit lang siya sa akin. Dahil binabawi ko raw iyon sa kaniya.

Ang ginawa ko na lang ay nag-e-extra work na lang ako sa hotel namin. Sinasabi ko kay daddy na cash ang ibigay sa akin. Nagtaka pa noong una ang aking ama, hanggang sa sinabi ko na ang totoo. Tinawanan niya lang ako. Isa na raw iyon sa pagsubok ko, and no way in hell na susuko agad ako. Nagsisimula pa lang naman ako.

***

SATURDAY ngayon at naisipan ng asawa ko na mag-grocery. Wala ng laman ang fridge at food cabinet namin. Isinama namin ang mga bata.

“Kuya, ice cream po!” habol pa ng mga kapatid ko. Nasa hardin silang lahat. Wala roon si Seth, iyong mga kapatid lang ni Francine.

“Sure,” nakangiting sabi ko.

***

“Daddy, bilhan mo rin po ako ng new doll ko, ha?” ang aking unica hija naman ang humiling. Binuhat ko siya at ibinaba sa sasakyan.

“Yes, love,” sagot ko sabay kindat sa kaniya.

Francine is three months pregnant now, and you can already see her baby bump. It’s normal for her to gain weight during pregnancy—she’ll just get back to her old shape after giving birth.

Next month pa namin malalaman ang gender ni baby, exited nga sila na bumili ng mga gamit. Pero sabi ni Francine ay may baby clothes pa naman daw siya nakatago. Mga damit pa iyon nina Zaidyx at Florence.

“Son, hawakan mo ang kamay ng kapatid mo. Baka tumakbo iyan at maligaw sa grocery store,” pabirong sabi ko na may katotohanan naman. Sumimangot sa akin ang anak ko.

Narinig ko lang din ang mahinang tawa ng mommy nila, ngunit nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya ay umirap lang siya.

Ganito pa rin kami, araw-araw niya akong sinusungitan. Ngunit naglalambing din naman siya sa ’kin.

Kumuha ako ng push cart at pagtingin ko kay Florence ang malapad ang ngiti niya. Gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya.

“Daddy.” Kinalabit pa ako nito at nahihirapan na tiningala ako.

“Ano iyon, anak?” malambing na tanong ko.

Itinuro niya ang push cart. “Gusto niya pong sumakay sa push cart, daddy. Sanay po si Florence sumakay riyan noong nag-go-grocery kami kasama si Daddy Cali,” paliwanag ni Zaidyx.

Napatango na lang ako. Tinatrato nga ni Calizar ng maayos ang anak ko. Binuhat ko na lang siya at isinikay.

“Thank you po, daddy,” pasasalamat nito sa akin. Nag-flying kiss pa nga.

“You’re so lazy lang maglakad, Florence,” komento ng mommy niya.

I looked at my son. “Gusto mo ring sumakay, Zai?”

“Opo, sakay mo rin ang kuya ko, daddy.” Ang kapatid na nga niya ang sumagot.

Binuhat ko na nga lang ang anak kong lalaki, hindi naman siya kumibo at umupo lang sa tabi ng nakababata niyang kapatid. Napailing na lang ang mommy nila.

Tinulak ko na ang push cart, humawak lang si Francine at kahit ganoon nakaalalay pa rin ako sa kaniya.

Nagkukulitan sina Florence at Zaidyx, abala naman ang mommy nila sa pagkuha ng mga kakailanganin namin.

“Daddy, marshmallow!” Kumuha na ako ng tatlong piraso. Naging paborito na yata nila ito.

“Bili tayo ng isda, hon. Gusto kong kumain iyong may sabaw.” She can be a bit moody with me sometimes, but there are times like this na kinakausap pa rin niya ako nang maayos. Sabi ko nga ay naglalambing din siya minsan.

“Sige.”

Nang matapos na kami sa pamimili at napuno na ang cart namin ay tinulak ko na patungo sa counter. Iilan lang ang mga nakapila roon, kaya inabot din kami.

Nilingon ko ang asawa ko, nakahawak pareho sa kaniya ang mga anak namin.

Nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya ay nagsalita siya, “Bakit?”

“Pahiram ako ng card, baby.” Kumunot ang noo niya.

“Nakita mo ba ako na nagdala ng bag, Alkhairro?” masungit niyang tanong. Napatampal ako sa noo. Hindi ko na iyon napansin pa. “Bakit? Wala ka bang pera diyan?” Mahina lang ang boses niya. Sumilip pa siya sa wallet ko, litrato lang nila ang naroon, business card at isang libo na lang ang natira, mayroon pang tig-pisong barya. “May pera ka pero kulang. Ha, gawan mo ’yan ng paraan, hon. Problema mo iyan. Kuya, Florence. Doon muna tayo maghintay, bahala na si daddy riyan.

“Francine,” tawag ko sa kaniya nang inaya na niya ang dalawang bata. Iniwan na nga niya ako rito nang mag-isa.

Mariin akong napapikit. Nagbigay na ang babae kung magkano lahat ang bills namin. Wala akong choice kundi tawagan ang kapatid kong si Seth.

Wala siya sa bahay, kaya alam kong gumagala iyon kasama ang mga kaibigan niya. Nasa legal age na si Seth, iyon nga lang may limitasyon pa rin siya sa labas.

I was about to ask my uncles for help, but I didn’t want to bother them. “Just a moment, miss. I just need to make a call,” paalam ko sa babae na nawe-weirduhan na siyang nakatingin sa akin. Pero ngumiti rin kalaunan.

It took a few rings before my brother answered the call. “Oh, kuya? Napatawag ka?”

“Nasaan ka ngayon? Puwede ka bang pumunta rito, Seth? Dito sa grocery store na madalas puntahan ni mommy.”

“Why? What happened, kuya?”

“Basta, pumunta ka na lang dito,” I said and quickly ended the call so he wouldn’t have the chance to ask more questions.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating ang kapatid ko. Tinawag pa siya ng mga pamangkin niya bago niya ako nilapitan.

“Kuya.” My brother was only wearing a white V-neck shirt and black pants.

Naka-white sneakers siya, may dala pa siyang backpack. Mukha ngang lumabas siya kasama ang mga kaibigan niya.

Now that he had just turned eighteen two months ago, mas tumangkad siya at lumaki ang katawan. He was almost as tall as I was.

I bit my lip and took a deep breath. “Why? May problema ba?”

“Let me borrow some money, Seth. I’ll pay you back right away.” He was surprised by what he heard, but he still pulled out his wallet and handed me his card. He looked at me with a puzzled expression. I gently tapped his shoulder.

“Seriously, kuya? Naghihirap ka na ba ngayon? Estudyante pa lang ako at umaasa lang ako sa allowance ni mommy at dad, pero presidente ka ng kompanya ng parents natin ay ikaw pa itong walang pera sa ating dalawa?”

“Shut up, Seth. Nakalimutan mo yatang ako ang bumili ng dalawa mong sasakyan?”

“Siyempre hindi ko po nakalilimutan iyon. Pero nagtataka lang talaga ako. Kahit pang-grocery ay talagang wala kang pambayad? Don’t tell me kahit pang-gas mo ay wala?”

“Seth, ang daldal mo.”

“Gusto mong sa ’yo muna ang cards ko, kuya?” Hindi ko alam kung nang-aasar lang siya.

“Hindi na. Alam kong pagsubok ko lang ito.”

“Pagsubok saan?”

“Kay Francine. Hawak niya lahat ang cards ko, pakiramdam ko nga ay siya na ang boss at empleyado na lang ako sa kompanya. Ultimo pang-ice cream lang nina Zai at Florence ay hindi ko na afford.”

Naalala ko ang nangyari nitong mga nakaraang araw, talagang nahirapan ako.

“Wow, amazing! Sinisingil ka na pala sa ginawa mo sa kaniya, kuya. Congrats!”

“Hindi ka nakatutuwa, Seth.” Pinukulan ko siya nang masamang tingin.

“Pero paano ang sasakyan mo?”

“Kotse niya ang gamit ko. Binenta ko kay Tito Thyzer ang sasakyan ko.”

“What?! Pero ayos lang ’yan, kuya. Marami ka pa namang kotse sa bahay. Ibenta mo lang iyon kung kinakailangan.”

“Tsk.”

Tinulungan naman ako ng kapatid ko na isakay sa kotse ko ang mga pinamili namin. Hanggang sa sumulpot ang anak kong babae.

“Daddy, let’s go to Starbucks!”

“Yes, Daddy! I want to go too,” my son chimed in.

Seth just grinned. “They want Starbucks, kuya.”

I glanced at Francine, she shook her head and rolled her eyes. “Let’s just go home. Your daddy has no money,” she said. My brother burst out laughing at what my wife said. Siniko ko siya.

“Si Tito Seth muna ang manlilibre sa inyo,” sabi niya sa mga pamangkin niya kaya napatalon sa tuwa ang dalawang bubwit.

Nagtaka naman ako nang sumakay rin sa sasakyan ang kapatid ko. “Seth, nasaan ang kotse mo?”

“Ah, hiniram ng kaibigan ko, kuya.” Nagsalubong ang kilay ko. “Ibabalik naman niya mamaya. Nasira kasi ang sasakyan niya, e.”

Hindi naman matigas ang ulo ni Seth, hindi siya basagulero at basta-basta na lang nakikipagkaibigan sa mga kaedad niya na alam niyang gulo lang ang dala. May tiwala ako sa kaniya, dahil malapit kami sa isa’t isa. Wala siyang sikreto na hindi ko alam.

Natuloy nga kami sa Starbucks at si Seth ang nanlibre sa amin. Halos hindi na ako kausapin ng asawa ko. Ewan ko kung nagalit na naman siya.

Nakabili pa kami ng ice cream para sa mga kapatid namin na kanina pa naghihintay. Naunang pumasok sa loob ng bahay si Francine.

Sinenyasan ko si Seth, tumango lang siya nang makuha kung ano ang pinapahiwatig ko. Inaya niya ang mga pamangkin niya.

Sumunod na ako sa asawa ko. “Francine. Galit ka ba?”

“Hindi,” tipid na sabi niya at umupo sa sofa. Tumingin lang siya sa akin at tinapik ang espaso sa tabi niya. Nakangiting umupo ako roon. Napadaing ako nang kurutin niya ang pisngi ko. “Kaya mo pa ba, ha? Kulang pa iyang naranasan mo. Pahihirapan pa kita, pasalamat ka’t buntis ako ngayon.”

Sabi ko na nga’t sinasadya niya. Sa halip na magreklamo ay yumakap lang ako sa kaniya.

“There’s nothing I can’t do when it comes to you. My happiness now depends on our family, Francine,” I uttered. Naramdaman ko na lang na hinahaplos niya ang buhok ko. “I love you.” I planted a kiss on her shoulder.

Isang yakap niya lang ay ayos na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top