CHAPTER 30

Chapter 30: Unexpected baby

KHAI’S POV

IT’S Saturday, so the kids are off from school. I thought it would be nice to take them out with their mom, but Francine isn’t feeling well, and her behavior is kind of weird, too.

Hindi ko na nga lang siya pinansin pa nang masyado. Mainit din ang ulo niya, kapag pinupuna ko pa siya. Ayokong dagdagan ang galit niya sa akin. Umagang-umaga ay mai-stress na siya.

Habang nasa sala kami ay tahimik ko lang siyang pinapanood. Inoobserbahan ko lang ang bawat kilos at galaw niya.

“What’s our plan today, daddy?” singit na tanong sa akin ni Florence.

“Ikaw na ang mag-isip, anak,” sabi ko lang sa kaniya. Sinundan ko nang tingin ang mommy niya na nagtungo sa kabilang kuwarto.

Kahit nag-aalala ako ay pinili ko na muna ang manahimik at tinutukan nang pansin ang mga anak ko. Ilang sandali pa lang ay nakita kong bihis na bihis na siya.

“Saan ka po pupunta, mommy?” Mabuti na lang nandiyan si Zaidyx, siya na ang nagtanong sa mommy niya.

“Lalabas lang ako sandali. May ipapabili ba kayo?” tanong niya at iniiwasan ang mapatingin sa akin. Pinagmamasdan ko lang siya. Hindi man lang nawala ang pagkaputla niya. Hindi naman siya mainit nang hinipo ko ang kaniyang noo.

“Ice cream po, mommy!” request ni Florence.

“Ikaw, kuya?”

“Ice cream din po, mommy.”

“Okay. Uuwi rin ako agad,” she said.

Hanggang sa paglabas niya ay nakatingin pa rin ako sa pinto. Gusto ko sana siyang sundan, pero wala namang kasama ang mga bata. Ayokong iwan sila rito kahit alam kong hindi naman sila lalabas kapag sinabi ko na mag-stay lang sila rito.

Until then ay napapansin ko na ang pagbabago bigla ng mood niya. Madalas mainit ang ulo niya, mas naging masungit yata pero may pagkakataon na mabait at parang ang anak lang namin na gustong maglambing.

Dahil doon ay naalala ko noong buntis pa siya sa panganay namin. Nagkaroon na ako ng hint kung bakit nagkakaganoon ang ina ng mga anak ko.

***

Habang abala ako sa pagtatrabaho, kalahati nang iniisip ko ay nasa pamilya ko. Napahinto lang ako nang mag-ring ang cell phone ko.

Tito Zules is calling...

Sinagot ko ang tawag ni Tito Zules, umaasa ako na sana may update na siya tungkol sa pinapahanap ko. Tumagal iyon nang ilang araw, dahil gusto nilang paglaanan ng oras ang paghahanap at pinaimbestigahan pa nga ang nangyari simula nang umalis ako.

“May update na ba, tito?” agaran na tanong ko.

“Siyempre mayroon na, Ryx. Tatawag ba ako kung wala?” Natawa pa siya sa kabilang linya.

“Matagal ko ring hinintay ’yan. Anyways, ako na lang ba pupunta riyan sa iyo, tito?” Nasa kompanya pa naman ako. Maaga lang ako umuuwi ngayon.

Pinahatid ko sa secretary ko riyan. Ihahatid niya ang document na naka-folder. Hintayin mo na lang siya,” he said.

“Thanks a lot, tito. Kapag kailangan niyo ng tulong ko ay lapitan niyo lang ako.” Tatlo pa lang talaga sila ang hindi pa nagse-settle down, kaya sila pinaparinggan ni dad. Na ako pamangkin nila ay dalawa na ang anak. Tapos sila puro girlfriends lang.

“Well, gusto lang naming tulungan ka na bawiin ang pamilya mo. Kaya ikaw na ang bahala sa malalaman mo ngayon, Ryx. Sabihin mo rin kay Francine ang totoo mong dahilan kung bakit kailangan mong iwan sila noon. Para naman hindi ka mahirapan,” mahabang saad niya and I think hindi na kailangan pang malaman iyon ni Francine. Wala na akong balak pa.

“Wala nang magbabago kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo,” I said to him.

“Ikaw ang bahala. Goodluck na lang, Ryx. Sige na. Ibababa ko na ang tawag,” paalam niya pagkatapos no’n ay naputol na ang linya.

Hinintay ko na lang ang secretary niya at hindi na ako agad mapakali. Siguro kapag nalaman ko na totoong ikinasal sila ay baka senyales na kailangan ko na ring pakawalan siya kahit may mga anak pa kami.

Ngunit makakaya ko kaya iyon? Parang ang hirap bitawan. Mas matutuwa pa ako kapag nalaman ko na hindi totoo ang kanilang kasal. Para naman tuloy-tuloy na ang pagbawi ko sa kanila.

Hanggang sa may kumatok sa pinto ng aking opisina at ang secretary ko lang din ang pumasok sa loob.

“Sir,” tawag niya at ipinakita niya lang sa akin ang folder. Agad akong tumayo at kinuha ko iyon mula sa kaniya. Nagpasalamat din ako.

Hindi ko pa man nababasa ay kinakabahan na ako, pero kailangan ko rin naman itong makita para mawala na ang kaba ko.

I took a deep breath before I started reading the document, and my heart started racing as I turned the pages until I confirmed one thing. Francine was not yet married, she and Dela Paz only had an agreement.

Parang ang bigat sa dibdib ko nitong mga nakaraang buwan ay naglaho na lang bigla. Hindi ko rin inaasahan na iiyakan ko pa ang nalaman ko ngayon.

“Oh, God thank you!” sigaw ko sa labis na kasiyahan. Masuwerte pa rin ako ngayon. Hindi Niya hinayaan na mapunta sa iba ang mag-iina ko.

Lumapit ako sa mesa at muli kong isinuot ang coat ko. Kinuha ko ang wallet at susi ng kotse ko. Paglabas ko ng opisina ay napatayo ang aking sekretarya.

“Sir, may problema po ba?” nag-aalala niyang tanong.

“Cancel my appointment kung mayroon man. Kailangan ko lang umuwi nang maaga at puwede ka ring mag-out as early as you want,” sabi ko at nagmamadali na akong umalis doon. Narinig ko pa ang pagtawag niya na hindi ko na pinansin pa.

Una kong naisip ay tawagan si mommy. Two rings lang ang narinig ko ay sinagot na niya agad ang tawag.

“Son, napatawag ka?”

“Favor lang po, mom. Puwede po bang i-check ang kabilang bahay? Magdala po sana kayo nang maglilinis doon. Uuwi po kami mamayang gabi.”

“Uuwi kayo? Ano ang ibig mong sabihin, Khai?” nagtatakang tanong niya.

“Basta po uuwi kami riyan, mommy. Pupunta lang po ako sa grocery store,” paalam ko at alam kong may backup na tanong pa ang aking ina, ngunit pinutol ko na ang tawag.

I don’t know why Francine loves to prank me so much, and I admit that I don’t like her idea.

FRANCINE’s POV

Nang araw na iyon ay two red lines ang bumungad sa akin pagkatapos kong gamitin ang pregnancy test. Kahit tatlong beses na ito ay naroon talaga ang kabang nararamdaman ko kapag nalaman ko na ang katotohanan.

Napahiga na lang ako sa bed at napatingin sa kisame ng aming kuwarto.

“Francine, nababaliw ka na. Palagi na lang ganito, palagi na lang unexpected baby. May contraceptive pills naman ako kaya bakit? Bakit nabuntis pa rin ako?” Napabalikwas ako nang bangon nang maalala ko ang eksena nang araw na iyon.

Mayroon yatang ginawa si Khai. Don’t tell me pinalitan niya ang mga gamot ko? Ang lalaking iyon. Nagpaplano na naman siya nang hindi ko nalalaman!

Nakakainis!

Napahawak na lamang ako sa impis kong tiyan. God, may baby na naman sa tummy ko. Lagot na ako nito kay daddy. Baka kapag si mommy ay matutuwa pa iyon. Though my unborn baby is a blessing for me.

“Mom, you need water to drink?” I looked at the door. Hindi ko na pansin na bumukas iyon.

Si Zaidyx ang may dalang disposable cup na may laman na tubig at nakaangkala sa kaniyang maliit na braso ang kamay ng kapatid. Kumakain na naman siya ng lollipop.

“Yes, baby,” sagot ko at mabagal na naglakad ang dalawa. Iniwan ko sila kanina sa sala. Hindi sila nanonood ng TV. May tinitingnan sila sa cell phone nila.

Kinuha ko iyon sa kaniya at ininom. Tamang-tama na parang natuyuan ako ng lalamunan.

“Mom, are you okay?” Yumakap sa baywang ko ang aking baby girl. Hinaplos ko naman ang likod niya.

“Oo naman, anak. Okay lang si mommy,” sagot ko.

“Kanina ka pa namin napapansin, mommy. You’re not feeling well, right? Narinig po kitang sumusuka sa banyo,” kunot ang noong sambit ni Zaidyx. Halatang concern na concern sa kaniyang ina.

“That’s why sinabi ko po kay daddy na umuwi siya nang maaga, para alagaan ka ni daddy.” Napailing na lamang ako. Masyadong advance mag-isip itong anak kong babae. Tatawagan pa niya ang magaling niyang ama para lang sabihin iyon. Wala rin siyang idea na ang daddy niya ang dahilan kaya ako nagkakaganito ngayon.

“I told you na okay lang si mommy. Kailangan ko lang humiga rito sa bed natin,” aniko. Kinuha ng panganay ko  sa aking kamay ang cup at tinapon niya iyon sa trashbin.

“Then rest, mommy,” he said.

“Ang sweet naman ng baby boy ko,” komento ko at sumampa siya sa kama para lang halikan ako sa noo. Ang baby sister naman niya ay tumabi nang higa sa akin.

“Yes, mommy. Rest ka na muna po. Mayamaya ay uuwi na si daddy.” Napapikit ako nang haplusin ni Zai ang pisngi ko at hinawakan ko ang kamay niya para kintalan iyon ng halik.

Hindi nga lang nakauwi nang maaga si Khai katulad nang inaasahan ng dalawang bata. Pero may nagpa-deliver na ng pagkain para sa amin. Kaming tatlo na lang ang kumain nang hindi na siya hinihintay pa. Gusto ko na rin kasing magpahinga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top