CHAPTER 29

Chapter 29: Not feeling well

FRANCINE’S POV

DAHIL kaunti lang ang visitors ni Sage ay hindi na niya kailangan pang isa-isahin i-entertain ang mga ito. Mas pinili niya ang samahan kami rito sa table namin. Makipag-chitchat habang kumakain kami.

Ibinigay na rin sa kaniya ng wife niya ang gift nito. Pagkakita pa lang ng laman ay halos mabitawan niya. Nagulat na lang ang iba nang niyakap niya si Calystharia at umiiyak na siya.

Hindi ko napigilan ang mapangiti at maging masaya para sa kanila, dahil may second baby na sila. Maging si Calyselle ay tuwang-tuwang din. Matagal niya raw hinintay na magkaroon siya ng baby brother, wala pa man ay hinuhulaan na niya ang gender ng kaniyang kapatid.

“Kuya, ganyan ka rin po ba kasaya noong nalaman mong may baby sister ka na?” Napatingin ako kay Florence nang tanungin niya nang ganoon ang kuya niya.

Nahinto tuloy sa pagkain ang panganay ko at nagtatakang tumingin sa kapatid bago nailipat sa akin.

“Mom?” Na-gets ko agad siya. Wala namang kamalay-malay noon si Zaidyx, dahil 1 year old and one month pa lang siya noon nang malaman kong buntis na naman ako.

Ramdam ko rin ang dalawang pares ng mga mata ni Khai. Maging ang isang ito ay curious at may interes sa sasagutin ko. Well, unexpected baby sila, e.

“Nope. Baby pa noon ang kuya mo. Wala pa siyang kamalay-malay,” umiiling na sagot ko na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Nakasimangot na tiningnan ang kaniyang nakatatandang kapatid.

Napakagat na lang sa labi niya si Zaidyx, na parang problemado na at natatakot siyang masaktan ito.

“Kung ganoon hindi ka happy, kuya?!” Nasa tono ng boses niya ang pagtatampo at namula agad ang kaniyang mga mata. Mabilis siyang inalo ng daddy niya.

“Love, ang alam lang noon ng kuya mo ay magdede sa mommy niyo,” bulong niya rito. Narinig namin iyon, kaya si Zai naman ang tila nahiya. Ibinaling nito ang ulo sa akin. Siya rin kasi ang katabi kong nakaupo.

Hinalikan ko ang sentido niya at hinagod ang kaniyang likod. “Masaya naman ako, ’di ba mommy?” inosenteng tanong nito na ikinatango ko.

“Yes, kuya. Florence, huwag ka nang magtampo sa kuya mo. Alam mo ba noong kauuwi lang natin mula sa hospital? Excited na excited ang kuya mo at nakita ka na lang niya noong nasa bed ka na namin. Hindi na siya umalis sa tabi mo at gusto niya na palagi ka niyang nakikita,” mahabang paliwanag ko sa aking anak. Iyon naman talaga ang totoong nangyari, noong kadi-discharge lang namin sa hospital.

Nandoon din ang parents ni Khai. Ewan ko ba, simula nang magkaroon sila ng apo sa akin ay may mga oras sila na inilalaan sa amin. Though nasa tabi ko sa mga oras na iyon si Calizar.

“Talaga po, mommy?” paninigurado niya. I nodded. Pinunasan na niya ang luha sa kaniyang pisngi.

Doon ko lang napansin na nanonood na pala sa amin ang kasama naming nasa mesa. Nginitian ko si Calystharia.

“Congrats again, Calystharia, Sage.”

“Thanks, Francine. Ikaw rin sana mabigyan mo na rin ng anak ang hubby mo. Dalawa para patas na sila ni Khai.” Alam kong gusto niya lang asarin ang ex-boyfriend niya. Hayan tuloy hindi na maipinta ang mukha ng isa.

“Tita, crybaby po ang anak niyo, ano?” I chuckled. Sumabat sa aming usapan si Calyselle.

“Calyselle,” mariin na sambit ng mommy niya sa kaniyang pangalan.

“Hintayin ko rin ang pag-iyak mo kapag nanganak na si mommy, anak,” ani Sage. Nakangusong tiningnan tuloy siya ng kaniyang anak.

“Daddy, I won’t cry,” umiiling na saad nito.

“Kunin mo na lang ang giveaway mo para sa mga anak ng ninong mo, sweetie,” may lambing na utos ng mommy niya.

Ibinaba siya ng daddy niya. “Huwag tumakbo, anak ha?” paalala nito at tumatangong naglalakad na siya patungo sa isang table.

“Kain ka na ulit, kuya. Inabala ka pa ng baby sister mo,” aniko.

“It’s okay, mommy.”

“Picture taking kayong mag-family roon, ha?” request ni Calystharia. Itinuro niya kung saang banda ang picture taking na sinasabi niya. Tinanguan ko lang siya.

Mayamaya lang ay bumalik na si Calyselle. May dala siyang cute na supot na kulay pink at blue.

“Ano ’yan, Calyselle? Mayroon ba kay ninong?” Khai asked the baby girl. Mabilis na umiling ang bata at nagpabuhat ito sa ama para makaupo siya sa lap nito. She’s just like my daughter, nagiging daddy’s girl and super clingy.

“Wala po sa mga oldy, ninong. For babies lang po ito,” she stated at tumingin sa dalawa kong anak. “It’s my perfume. Here.” Inabot iyon ng kasama ko at ibinigay sa dalawang bata.

“Susunod sa yapak ng mommy niya ang anak namin, Khai. Gusto ring maging endorser ng perfume. Idea niya ang giveaway na ’yan. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng father-in-law ko. Iyong may pera na agad ang anak mo at mas mayaman pa sa iyo,” ani Sage na sinabayan pa nang pagtawa.

“Gusto ko ring maging model just like my mom, dad.”

“Sure, baby.” Supportive din talaga ang isang ito.

“How about you, Florence? Ano ang gusto mong maging paglaki mo?” bigla ay tanong niya kay Florence. Tinitingnan nito ang hawak na cute na supot.

“Secret. We’re not friends para mag-share ako ng dream ko,” masungit na sabi ng aking anak. Ako ang napangiwi sa kaniya.

“Ang damot. Alam mo ba ang mommy ko ay ganito rin siya? Siya ang nagbibigay ng salary sa bodyguard and personal driver niya. Hinahayaan siya ni Mama Calysta.”

Napahilot sa sentido ang mag-asawa, dahil nagsimula na ang kanilang anak sa pagbibida ng achievements ng mommy nito.

“Oh, congratulations Aunt Calystharia,” she greeted her. Natawa tuloy si Calystharia.

“Thanks, baby. Magsabi ka lang sa akin kung gusto mong tumulad kay Calyselle,” she said.

“Thank you po. Ikaw po, mommy? Ano ka noon?” Tila nagtatanong siya kung ano ang puwede niyang sabihin sa batang babae.

“There’s nothing, anak. Nag-aaral pa ako noon. Ang daddy mo ang tanungin mo, dahil mas rich siya kaysa sa akin. He’s old,” sambit ko at binigyan nang diin ang salitang old.

“Ah, best swimmer ang daddy mo, Florence. Lagi siyang panalo sa competition nila noon. Saka ang mommy mo naman ay may talent siya sa sketching, isa ako sa nakakita ng obra niya. Also, minsan nang naging model ang mommy mo. When pregnant pa siya sa kuya mo. May magazine pa ako no’n, ah.” Ako naman ang nagulat.

Hindi ko alam ang bagay na iyon, na may magazine siya kung saan minsan na akong naging cover nito. Dahil hindi dumating ang model noon ni Khai. Ayaw pa nga akong pagbigyan, dahil buntis ako. Malaki na rin kasi ang babybump ko noon.

“Oh I saw that too, mommy! Tita Francine is very pretty! And I can’t wait to see you na ganoon din po ang tummy mo, mom,” parang kinikilig na sabi ng baby girl. Nakikita ko ang excitement niya.

Hapon na noong umuwi kami. Nag-enjoy naman kami lalo na ang mga bata. Napagod lang ang isa dahil nakipaglaro siya sa mga batang kaedad niya.

***

Isang araw ay nagising na lamang ako na masama ang pakiramdam. Ramdam ko ang pagbigat ng aking katawan at higit na ikinabahala ko ay ang pagduduwal ko, kahit wala pa akong kinakain.

Napahilamos ako sa mga palad ko. Dalawa na ang anak ko at hindi naman ganoon katànga para hindi malaman ang nangyayari sa akim. Bakit nga ba kasi ginagawa namin iyon nang hindi pa nga maayos ang relasyon naming dalawa? Ako tuloy ang mukhang problemado ngayon.

Kahit ganoon kasama ang aking pakiramdam ay bumangon pa rin ako. Para sana magluto ng agahan para sa mga anak ko.

Ngunit may tao na sa kitchen namin at naaamoy ko na ang niluluto nito. Nakatalikod mula sa ’kin si Khai, nang mapansin niya ang pagpasok ko ay as usual binati na naman niya ako.

Nang hindi ko nga siya pinansin ay iniwan na muna niya ang kaniyang ginagawa.

Kumuha ako ng disposable cup na malapit lang sa water spenser. Naramdaman ko na ang presensiya nang nasa likuran ko.

Nang maubos ko ang laman ng cup ay hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap niya ako sa kaniya. Kumunot naman ang noo ko sa reaskyon niyang nakikita ko ngayon.

“You okay, baby? Bakit namumutla ka?” nag-aalala niyang tanong. Hinipo pa niya ang aking noo na agad kong tinabig.

“Okay lang ako. Palaging ganyan ang tanong mo kapag nakikita akong maputla,” supladang sambit ko. Umupo ako sa highchair.

Inaamin ko sa mga nakalipas na linggo ay nagugustuhan ko ang presensiya niya. Iyong nakikita ko na siya nang madalas at hindi katulad na parang kailangan ko pang maghintay sa kaniya na umuwi sa amin.

“Dahil hindi ka naman ganyan kaputla,” sabi niya. Hindi ako nakakilos nang hinalikan niya ang sentido ko. Nang maamoy ko ang pamilyar niyang pabango and especially his natural scent ay parang nagustuhan ko iyon.

Hinila ko ang laylayan ng damit niya at inilapit ang aking ilong sa banda ng kaniyang dibdib. Ramdam ko na nabigla siya sa ginawa ko.

I pushed him away rin, ayokong maging clingy sa kaniya. Nakapaninibago lang talaga.

“Nasaan na pala si Florence? Wala na siya sa room namin.” Nagising na lang ako na wala sa tabi ko ang baby girl ko.

“Nasa kuwarto ng kuya niya. Nagpapaturo sa cell phone niya,” he answered at tinitigan niya pa ang mukha ko. I just nodded at hindi na lang ako nagsalita pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top