CHAPTER 27

Chapter 27: Contraceptive pills

“MAY napili ka bang bagong dress, hon?” tanong sa akin ni mommy nang ibinalik ko na sa kan’ya ang brochure niya. Yumakap ako sa braso niya at naglalambing.

Kahit matanda na ako at dalawa na nga ang anak ay parang baby pa rin akong ituring ni mommy. Kung sabagay ay ako raw ang first baby nila ni daddy.

“Marami pong magaganda, mommy. Pero isa lang po muna ang kukunin ko. May a-attend-an po kaming birthday party,” aniko. Kailangan ko na ngang paghandaan iyon. Wala pa nga akong naiisip na puwedeng iregalo ko sa asawa ni Calystharia.

“Si Florence?” she asked. Lagi na lang naiisip ni mommy ang kaniyang apo.

“Marami pa naman po siya sa closet niya, mom. Hindi naman po niya nagagalit lahat ng dress na ibinibigay mo sa baby na iyon,” sagot ko at ngumiti lang siya.

“Kumusta ang relationship ninyo ni Khai?” I shrugged my shoulders.

“Wala po kaming relasyon, mommy,” pagtanggi ko kahit may namamagitan na talaga sa amin ni Khai. Dahil iyon sa ginawa namin noong isang gabi. Pero walang puwedeng makaaalam no’n.

“Okay,” she said.

“Dito na po kami kakain ng lunch. Um-order na lang po tayo sa labas,” nakangiting saad ko na sinang-ayunan naman ni mommy.

***

Bago kami umuwi ay dumaan na kami sa shop para bilhan ng gadget si Florence. Pero bet niya talaga ang cell phone. Mayroon agad siyang itinuro sa amin. Hindi ko na nga siya napigilan pa, kundi ang sundin na lang ang gusto niya.

“One hour lang, okay?” I warned my daughter. She just nodded and smiled from ear to ear. Pink pa ang phone case niya.

“Thank you po, daddy! May pantawag na ako sa ’yo kapag nasa malayo ka.” Napailing na lamang ako. Alam kong iyon naman talaga ang plano ng bubwit na ito.

“Tara na, kuya.” Humawak agad sa aking kamay si Zaidyx at hindi na namin hinintay ang dalawang nasa aming likuran.

“Mommy! Wait lang po!” sigaw ng bubwit. Hihintayin nga sana namin, pero buhat-buhat na naman siya ng daddy niya.

“Magpababa ka na nga, anak. Kaya mo namang maglakad, ah?” aniko. Akap-akap na nito ang maliit na paperbag na naglalaman ng box ng cell phone niya. Alam kong excited siyang umuwi kami para matingnan na iyon.

“Pagod na ako kakatayo kanina, mommy. Hayaan mo na po ako,” nakangusong sabi niya.

“Pabebe ka, ha?”

“Baby naman po talaga ako.” Marunong na talaga siyang mangatwiran. Kaloka talaga ang anak kong ito.

Pagdating nga namin sa condo ay hindi sinasadyang maabutan namin si Calizar kasama ang totoong girlfriend niya. Si Khai agad ang tiningnan ko para makita ang reaction niya. Nang makita ko ang seryosong ekspresyon ng kan’yang mukha at ang pag-igting ng panga niya.

Babawiin ko na sana ang aking tingin nang magtagpo na ang aming mga mata. Ngayon lang ako ulit kinabahan sa madilim na aura niya.

Ibinaba niya agad si Florence at hindi nga ako nagkamali na susugurin niya si Calizar. Bago pa man niya magawa iyon ay mabilis ko na siyang hinarangan.

“What the hell happened, Francine?” malamig na tanong nito sa akin.

“Mali ka nang iniisip. Tara na,” sabi ko. Iinukak ko siya sa pinto ng condo namin. Ayaw pa niyang maglakad noong una, nakatutok pa rin ang atensyon niya sa mga ito.

Tiningnan ko naman nang may pgbabanta si Calizar at napapakamot na lang siya sa kaniyang batok. Hindi naman nag-iingat ang isang ito.

Mahigpit kong hinawakan sa kamay si Khai, para hindi na siya makalapit pa.  Iyong tingin niya ay naroon pa rin. Binuksan ko na ang pinto at itinulak ko siya papasok sa loob. Isinara ko pa kahit nasa labas pa ang dalawang bata na kasama namin.

“Francine, sorry.” I sighed.

“Ano ba ang ginagawa ninyo sa labas?” I asked them.

“Kadarating lang namin dito. God, baka makahalata na siya,” problemadong sabi niya. Inilingan ko na lang siya at pinapasok ko na ang mga anak ko na nakangiti lang.

“See you around po, Daddy Calizar!” sabay na sabi nina Zai at Florence, saka sila tuluyang pumasok sa loob.

I looked at his girlfriend. “Sorry, ha? Parang ikaw ang naiipit sa sitwasyon namin,” I said to her.

“Nah, I don’t mine, Francine,” umiiling na sabi niya. Mabait din naman talaga siya.

“Sige na, papasok na rin ako,” paalam ko at kumaway pa ako sa kanila.

“Let’s talk later, hon.” Nag-thumps up lang ako.

As soon as I stepped inside, Khai’s gaze fell on me, his expression reproachful, as if I had done something wrong to him.

Aminado akong kinabahan ako kanina, kakaiba pa namang mag-isip ang isang ito at laging naghahanap ng butas sa relasyon namin ni Cali.

“What was that, Francine? May inililihim ka ba sa akin?” malamig na tanong niya. I ignored him, but just as I was about to walk away, he grabbed my arm and spun me back around. “Talk to me. Don’t turn your back on me until we’ve finished discussing this shít, Francine,” he hissed. Hindi ko tuloy magawang bawiin ang braso ko. Nagalit ko yata siya.

“Why do you care?” bored na tanong ko lang. Mas lalo siyang nainis at hindi na maipinta ang face niya.

“Ano ang pakialam ko? Tinatanong mo talaga iyan sa akin? Bakit parang wala ka namang pakialam sa ginagawa sa iyo ng lalaking iyon?” Kasing lamig ng yelo ang kaniyang boses. Napabuga ako ng hangin.

“Ano ba ang gusto mo?” Matapang na sinalubong ko lang ang malamig niyang mga mata. Lumapit pa ako sa kan’ya hanggang sa magdikit pareho ang aming dibdib. Napayuko siya at mariin na napapikit na lamang. I gently touched his chest, thinking it might give him a strange feeling. I only meant to playfully tease him. “Okay, go ahead with whatever’s on your mind that’s getting in between them. We’ve already crossed a line, so you might as well go for it with the married woman.”

After I said that, I walked away from him, and he didn’t try to hold me back.

Nasa living room na ang mga anak ko at tama nga ang naging hula ko. Kinalikot agad ng bata ang bago niyang cell phone.

As I moved closer to them, I felt a gentle embrace from behind, sending shivers down my spine. His warm breath caressed my skin as he tenderly pressed his cheek against mine.

“I don’t care what’s going on with them. My focus is on being with you and our children. If that means relying on each other, then that’s okay with me,” he stated at hinigpitan ang yakap sa akin.

Hindi na ako nakasagot pa. Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip niya para sabihin iyon sa akin. Bahala na nga siya sa nais niyang gawin.

KHAI’S POV

Maingat akong bumangon para hindi siya magising. Sandali ko pang tinitigan ang maamo niyang mukha. Alam kong may nangyayaring hindi ko alam.

Nang makita ko kanina ang lalaking iyon na may kasamang ibang babae ay parang gusto ko na agad sugurin, kung hindi niya lang ako pinigilan kanina. Gagawin ko talaga. Ayoko sa lahat iyong niloloko lang ang ina ng mga anak ko.

Si Francine, parang hindi naman siya apektado sa nakikita niya. Higit akong nagduda sa totoo nilang relasyon at sana makakuha na agad ng information ang mga tito ko. Hindi na ako makapaghintay sa malalaman ko.

“If you won’t spill the truth, I’ll figure out a way to get you away from him for good, and getting you pregnant is the easiest way.” Napangisi ako sa naisip kong paraan para tuluyan ko na siyang mabawi. “I also don’t believe that you don’t have feelings for me, because if you didn’t, you wouldn’t have let me kiss you again and feel you.”

FRANCINE’s POV

Ilang araw pa ang lumipas, hindi na muling nai-bring up ni Khai ang nakita niya nang araw na iyon at nakokontento siya sa nangyayari sa amin. Madalas ko nga lang siyang pinapaalis sa condo, hindi ko siya hinahayaan na magtagal doon.

Ngayon ay nakipagkita naman ako sa mga best friend kong sina Vira, Herodes at Jessrill. Sa isang café lang kami pumunta.

“Seryoso ka, Francine? Nagiging marupok ka na naman ba, beh?” Nagkibit-balikat ako.

“Ang sarap niya lang pag-trip-an, e. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang nakakaawa niyang face,” sagot ko.

“Parang nagmamana ka na kay Alvira, ah,” komento ni Jezrill. Siya ang katabi kong nakaupo, kasi nasa tapat namin sina Vira at Herodes.

“Hayaan mo na, para naman matauhan na iyang baby daddy mo, Francine,” ani Vira.

“I doubt na hindi pa kayo pagdududahan ni Khai. Madalas wala sa condo si Calizar, tapos iisipin mo na okay lang sa kan’ya? Naku, Francine. Mamaya niyan ay nagpaimbestiga na siya sa inyo,” mahabang saad naman ni Herodes.

“Bahala siya, kahit malaman pa niya ang totoo ay hindi ko pa rin naman siya bigyan ng chance. Naiinis pa ako sa kaniya,” nakasimangot na saad ko.

“Mamaya niyan ay mabubuntis ka na naman na wala sa plano ninyo. Naku ikaw, Francine ah? Iwas-iwasan mo si Kuya Khai. Hindi ka na natuto,” she warned me.

“Basta sa iyo ako kakampi, Francine. Gawin mo ang gusto mo. Kung plano mo na pahirapan si Khai ay gawin mo. Siya naman ang mag-effort para mabuo nang tuluyan ang pamilya ninyo. Hindi biro ang pinagdaanan mo noon.” Nginitian ko si Herodes. Kumuha ako ng fride chicken at inilagay iyon sa plate niya.

“Ako, tahimik na lang akong manonood,” naiiling na sabi ni Jezrill.

Nagtagal ang chikahan naming apat bago kami nagkaniya-kaniya nang uwi. Sa condo namin ay naiwan doon ang mag-aama. Medyo shocked pa ako nang makita ko si Calizar. Bumabawi rin yata siya.

“Close na kayo?” nakangising tanong ko sa kanilang dalawa.

“Hi, mommy!” my kids greeted me. Nag-take out ako ng foods for them.

“Nagmeryenda na kayo?” I asked them. Unang tumayo si Calizar at inagaw ang dala ko.

“Tara, doon tayo sa kusina, kids!” anyaya niya sa mga ito.

“Yes! Come here, dad!”

“Later, anak.”

Nagtungo ako sa room namin, napatingin pa ako sa likuran dahil sumusunod sa akin si Khai.

“Bakit mo ako sinusundan?” I asked him in confused.

Hanggang sa loob ng kuwarto ay nakasunod siya. Ibinaba ko ang handbag ko sa kama at tinanggal ang suot kong accessories.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong naglakad siya patungo sa vanity mirror ko. Hinubad ko ang suot kong white blazer. Ang atensyon ko ay nasa kaniya pa rin.

“Kailan ka pa umiinom nito?” he asked at nasa kamay na niya ang contraceptive pills ko. Kabibili ko lang iyan last week.

“Ano’ng pakialam mo riyan?” balik na tanong ko at aagawin ko pa lang sana iyon sa kan’ya nang iniwas niya ito mula sa akin.

“Kailan pa?” pangungulit na tanong pa niya.

“Basta araw-araw kong iniinom iyan,” sagot ko at nilampasan ko na siya. Dumiretso ako sa banyo. Naghugas lang ako ng kamay at nanghilamos pa. Kahit noong lumabas na ako ay naroon pa rin siya. “Bakit ba? Ano’ng problema mo?” Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Kung makaasta ka ngayon ay parang asawa mo ako at gusto mong sundan na agad si Florence, ah. Ipaalala ko lang sa iyo na three years old pa ang anak mo.”

“Bakit si Zaidyx ay one year old pa siya?” Nagsalubong na ang kilay ko sa pangangatwiran niya.

“Malandi ka kasi. Nagtanong ka pa?” I rolled my eyes on him. Umupo ako sa kama at tingnan ko lang siya.

He took a deep breath at ibinalik ang pills ko. Masama na naman ang loob ng lalaking ito. Bakit kasi pinapakialaman niya ang contraceptive pills ko?

“Dito ako matutulog mamayang gabi.”

“I doubt that. Dito matutulog ang asawa ko.”

“Wala akong pakialam.”

“Bahala ka nga sa buhay mo. Lumabas ka na lang, puwede ba? Saka bumili ka na ng birthday gift for Sage, malapit na ang birthday niya. Kaysa naman awayin mo lang ako, dahil sa nakita kong pills na iniinom ko.”

“Tsk.”

“Huwag mo akong pagsusupladuhan, Alkhairro,” pagbabanta ko sa kaniya. Lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Humakbang siya palapit sa akin at tumabi nang upo.

“Ako lang dapat, Francine. Ako lang dapat ang pagbibigyan mo.” I frowned. Hindi ko na siya nagi-gets.

“What are you talking about?” mahinang tanong ko.

“Wala. Take a rest first, lalabas na muna ako,” he said and planted a kiss on my cheek. Sinundan ko na lang ang papalayong likuran niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top