CHAPTER 26
Chapter 26: Cards
SIGURO, turning 6 years old pa ako noon at si Khai, 13th birthday niya nang araw na iyon. As I recall ay sinurpresa siya ng mommy at daddy niya para sa birthday niya. Nauna kaming umalis, tapos ang kasama niya ay ang mga kaibigan niya.
Tandang-tanda ko pa kung paano ako nag-greet noon sa kan’ya, like ang tinis ng aking boses. Parang nakikita ko nga ang self ko sa baby kong si Florence. Ganoon na ganoon ang looks and reaction ko.
“Happy birthday po, Kuya Khai!” masayang bati ko at lumuhod sa tapat ko si Kuya Khai. I was shocked nang ni-kiss niya ako, and as ever ay sweet talaga siya.
Baby pa nga ang tawag sa kan’ya ng mommy niya, but he didn’t complain naman. He’s so mabait na anak ng ninang ko.
“Thank you, Francine,” he said. I nailed pa nga, kasi ’di ako makapaniwala. Even though kiss lang iyon sa cheek ko.
“Look at your daughter, Storm. Nahalikan lang ng inaanak ko sa cheek niya ay akala mo naman dalaga na, na marunong nang kiligin.” I heard pa nga ’yong sinabi ng mommy ko.
Nainis pa nga kay Kuya Khai ang little uncle niya na si Kuya Thyzer. Liit-liit pa nga ay tito na siya. That’s because maraming wife ang daddy nila.
After nga no’n ay kinantahan namin siya ng birthday song, and then napansin ko ang isang babae.
Oo, maganda siya. Envy nga ako, kasi mas malaki na siya. Ako ay baby pa raw sabi ng daddy ko.
“Hi, little girl. What’s your name?” she asked me.
Always ganoon ang tanong ng ibang tao kapag bata ang kanilang kaharap. But dahil kind naman ako ay sinagot ko pa rin naman ang babae.
“Francine po. Hindi mo narinig ang pangalan kong binanggit ni Kuya Khai?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nag-smile lang siya at pinisil ang cheek ko. Hindi naman masakit.
“Oh, I heard that,” she stated.
“Ikaw po. Sino ka? Bakit kasama ka nila?” I asked naman, tapos itinuro ko si Kuya Khai saka iyon mga tito niya.
“Ako si Cevianna. Kakilala nila ako, kaya natural na kasama nila ako ngayon. Kasi invited ako ng parents ni Ryx.
“Ni Ryx? Sinong Ryx?”
“Si Khai. Ang cute-cute mo talagang baby. Nakita ko kanina na nag-blush ka, ah.”
“Yup! Crush ko po kasi si Kuya Khai. Nag-pinky promise po kami na kapag big girl na ako ay pakakasalan niya ako. Kaya ikaw po, wala naman sigurong crush sa kan’ya, ’no?” paniniguradong tanong ko. Humagikhik pa nga ang babae. Na parang may nakatatawa sa sinabi ko.
“Don’t worry, wala akong crush sa Kuya Khai mo. Hindi ko type ang tahimik na katulad niya. Saka best friend lang kami.” Napangiti ako dahil doon. Dahil wala akong kahati at walang pipila sa crush ko. “But little girl. Alam ko naman na paglaki mo ay magbabago pa ang feelings mo. Baby ka pa naman, idolo-idolo ka lang sa ngayon.”
“Eh, gusto ko po talaga siya.”
“Bata ka pa, Francine. Bet mo lang si Ryx, dahil pogi siya.” Napanguso na lang ako, ayaw niyang maniwala na iba ang feelings ko.
***
Napakurap-kurap ako sa naalala kong conversation namin. Sa tagal no’n ay walang duda na makalilimutan ko agad ang babae. Sobrang bata ko pa nga.
Napapitlag ako nang may humalik sa tungki ng aking ilong. Tinulak ko na si Khai na kanina pa nakayakap sa akin.
“Paano mo naman nalaman na nandito kami?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Maaga nga siyang umalis kanina.
“May GPS naka-install sa phone ni Zaidyx. Tara na sa loob?” Nang maglahad siya ng kamay ay inirapan ko lang siya at nauna na akong lumabas.
Narinig ko na nagkukuwentuhan na sila. Napansin agad ako ni mommy. “Come here, hon.” Naglakad na lang ako palapit sa kanila. Kahit nahihiya ako sa pangyayari kanina ay binalewala ko na lamang.
Sa loveseat ako umupo at lumipat si Florence, napasimangot ako nang makita ko na ang lapad-lapad ng ngiti niya. Pinaupo ko na lang siya sa lap ko at hinalikan ang ibabaw ng ulo niya.
“Dito ka po, daddy ko!” anyaya niya sa daddy niya. Naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa aking tabi at talagang idinikit niya ang katawan niya sa ’kin.
Napatingin pa ako sa braso niyang ipinatong sa headrest ng kinauupuan ko. Talaga naman.
“Tingnan mo nga naman, Ryx. Lumaki nga na magandang babae si Francine, hindi na ako magtataka pa kung pati ikaw ay hulog na hulog ang loob. Sinabi ko pa dati sa kan’ya na magbabago pa ang feelings niya.” Wala akong maisip na sasabihin.
“She told me before to wait for her. Gusto niyang maging bride ko siya, pero ako ang hindi niya hinintay.” Tila nasa boses niya ang sinisisi ako. Nagsalubong lang ang kilay ng babaeng kaibigan niya.
“What do you mean by that, Ryx?” she asked. At sa sunod niyang ginawa ay tiningnan ang ring finger ko. Napasinghap siya saka napatakip sa bibig.
“She’s already married, hija,” ani mommy ninang at tumango naman ang mommy ko. Nginitian ko lang siya nang nagtagal ang tingin niya sa akin.
“Why? Nagbago na ba ang feelings mo kay Ryx, Francine?” she asked me. I looked at him. Mataman niya rin akong tiningnan.
Nawala nga ba ang feelings ko for him? Or nandoon lang, but I force to ignore na lang? Alam ko kasi na hindi magandang idea ang ipahalata pa iyon.
“Maybe,” tipid na sagot ko lamang.
“Sayang naman. Dalawa na ang baby ninyo,” malungkot na sabi lang niya.
Ilang oras pa siyang nag-stay sa boutique ni mommy at nagchika-chika na lang sila. Si Khai naman ay kanina pa ako kinukulbit. Hindi ko siya pinapansin, busy ako sa pagtingin ng bagong design ni mommy na.
“Francine.” Nang hawakan niya ang kamay ko ay mabilis kong tinabig iyon.
“Huwag ka ngang malikot diyan.”
“May ipapakita lang ako sa ’yo. Pansinin mo muna ako, baby.”
“Puwede bang mamaya na?” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at gumalaw-galaw na naman ang binti niya. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Wala ka bang work? Parang lagi ka na lang may free time,” puna ko.
“Kahit naman wala ako sa kompanya ay tuloy pa rin ang trabaho.” Doon na ako napalingon sa kan’ya.
Prenteng nakasandal lang siya sa headrest ng sofa. Nasa kabila kami at kaming dalawa lang ang nandito. Minsan naiinis ako sa face niya. Makulit siya at pinipilit ang gusto niya. But mahaba rin ang pasensiya niya at the same time. Takot siya magkamali kapag kaharap ako.
Kung ako ang tatanungin kung deserve niya ang isa pang chance ay kailangan niya munang paghirapan. Hindi madaling magtiwala agad.
“Ano ba ang kailangan mo? Mas makulit ka pa kaysa kay Florence, ah,” aniko.
“Uhm, I heard my name,” singit ng bata na bigla na lang sumulpot kasama ang kuya niya. Pareho silang may iniinom na milk tea.
Si Zaidyx ay umupo sa may gitna namin at ang isa naman ay kumandong sa ama nito.
Mula sa wallet ni Khai ay may inilabas siyang dalawang cards at ipinakita niya iyon sa akin.
“What’s that?” I asked him, kinuha ko ang cards at tiningnan iyon. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko nang mabasa ko ang pangalan ng mga anak ko. “FYI, hindi Barjo ang surname ni Florence.” Nakapangalan iyon kay Calizar, since siya ang tumayong ama nito.
“Papalitan ko pa rin iyon. Hindi naman bagay sa pangalan ng anak natin ang Dela Paz,” pokerface na sabi niya. “Ngayon nga ay inaasikaso ko na ang pagpalit ng surname ni Florence.”
Napahilot na lang ako sa sentido at hindi na nakipag-argument pa. Desidido siyang gawin ang binabalak niya, kaya hayaan na lang siya. Nagmumukha lang siyang kaawa-awa na tinanggalan ng karapatan sa anak niya.
“Mommy, ano po ang ibinigay ng daddy ko?” curious na tanong ng bubwit.
“Para sa inyo ng kuya mo ang cards na ’yon, Florence. Makukuha mo iyon kapag tumunton ka na ng 12 years old. Pati na ang kuya mo,” paliwanag niya sa bata.
“Ano’ng cards po, daddy?”
“It’s money, love. Kahit ano’ng gusto mong bilhin ay gagamitin mo lang ang card.”
“Saan po nanggaling ang money, daddy?” Napaka-talkative talaga ni Florence.
“Ang kalahati ng sahod ko sa kompanya ay sa inyo napupunta ng kuya mo. Itatago na muna ngayon ng mommy ninyo,” paliwanag pa niya para mas maintindihan ng bata.
“Ah, daddy. Puwede rin po ba akong bumili ng phone ko?”
Ako na ang sumagot, “No. Nag-usap na tayo, Florence. Bawal ka pang gumamit ng gadgets.”
“Kahit iPad lang, mommy?” Tumango ako. Tumulis ang labi niya. “Kahit laptop, mommy? Ayaw mong gumamit ako no’n?”
“Huwag makulit,” babala ko.
“Mommy, hindi ba nagiging unfair ka sa akin? Bakit ang kuya ko ay may iPad din siya?”
“Hindi ba ginagamit mo rin iyon? Para saan pa na bumili ng sa iyo? Kung ayaw ko naman.”
“Hey, stop it. Ako na ang bibili ng iPad for Florence. Hayaan mo na siya, Francine,” sabat ni Khai.
“Mas maganda pa ang maglaro o manood na lang siya ng TV. Hindi siya puwedeng magbabad sa gadget. Si kuya ay bihira lang gumamit no’n,” sabi ko naman at niyakap ko si Zaidyx. Kanina pa nananahimik, ngunit nakikinig naman siya sa alitan namin ng baby sister niya.
“Sige na po, mommy. Kahit one hour lang po,” pagmamakaawa nito, tapos nagpa-cute pa. Napairap na lamang ako.
“Bahala ka nga,” aniko at napasigaw siya sa tuwa. Alam niya kung paano ako mapapayag. Ibang klase talaga ang batang ito.
“Tumupad ka lang sa usapan natin, Florence,” sabi ko.
“Yes po, mommy! Noted po iyan!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top