CHAPTER 25

Chapter 25: Feeling jealous

“MOMMY, nasaan po ang daddy ko?” tanong ni Florence habang kumakain kami ng breakfast. Magkatabi silang nakaupo ng kuya niya, na napatingin din ito sa kan’ya.

Hindi agad ako nakasagot, dahil may nginunguya pa ako sa aking bibig. Pinagmamasdan lang nila ako na halatang naghihintay rin sa isasagot ko. Nasanay na siya sa presensiya ng daddy niya, kaya niya ito hinahanap.

“Daddy mo lang, Florence?” nakataas ang kilay na tanong ko. Tumulis tuloy ang labi niya at nailipat niya ang tingin niya sa katabi.

“Daddy po namin ni kuya, mommy,” sagot niya na ikinatango ko.

“How about your Daddy Calizar? Hindi mo ba siya hinahanap?”

“Eh, si Daddy Calizar po ay nasa kabilang condo,” nakangusong katwiran niya, napailing ako at muling kumain. “Si Daddy Khai po ba ay nasaan na mommy? Bakit hindi natin siya kasama kumain ngayon ng breakfast? Hindi rin po siya ang nag-cook nito.”

Ang anak kong lalaki ay nagpatuloy rin siya sa pagkain niya, pero ang atensyon niya ay nasa amin. Ito yata ang sinasabi nila na girls talk. Kaya hindi siya sumasabat sa usapan namin ng baby sister niya.

“Why so clingy, sweetie?” I asked her.

“Kumain na kaya si daddy ng breakfast niya, mommy? Ni-call mo na po ba siya sa phone niya?” sunod-sunod na tanong niya. Hindi sinagot ang nauna kong tanong. Kinuha ko ang basong may laman na tubig at uminom.

Naalala ko na hindi naman ako clingy, ewan ko kung saan nagmana ang baby girl na ito.

“Hayaan mo na ang daddy niyo, sweetie. Kumain na lang tayo. Since wala kayong pasok today. Gusto ninyo bang mag-shopping tayo?” nakangiting tanong ko na lamang. Para maiba na ang topic namin.

“Without daddy po?”

“Ang kulit mo, Florence. Nakikita mo na nga na wala rito ang daddy mo, ’di ba?” tila nauubos ang pasensiyang sambit ko. Sa halip na magtampo sa akin ay napahagikhik lang siya at nag-focus na sa kinakain niya.

Napapailing na lang ako at nagtama ang mga mata namin ni Zaidyx. “Super kulit niya po talaga ’no, mommy?” nakangiwing saad niya na bahagya kong ikinatango.

“I heard that, kuya.” Napatikhim pa nga ang bubwit.

Hindi ako halos makakilos, dahil masakit ang buong katawan ko. Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko, kung bakit nagpadala na naman ako sa mainit niyang halik at haplos.

But to be honest, wala akong makapa na regret sa dibdib ko. Na parang ginusto ko rin ang nangyari.

“The feelings, still there,” I uttered.

Pagkatapos no’n ay inilagay ko lang sa lababo ang pinagkainan namin. Dahil pagod ako at wala sa mood na maghugas ng mga pinggan, plato at baso ay hinayaan ko na munang itambak ito rito. Pinauna ko nang umakyat sa kuwarto namin ang dalawa.

Nang makapasok ako sa room namin ay naabutan kong nasa maliit na bathtub si Florence. Kumuha na muna ako ng dalawang bimpo para sa kanila saka ako pumasok sa banyo.

Napangiti ako sa naabutan kong eksena. Inutusan yata siya ng kapatid niya na lagyan ito ng shampoo, kaya nasa labas siya ng bathtub.

“Ako na riyan, kuya. Maligo ka na rin.” Nilapitan ko siya at hinubad ko ang suot niyang t-shirt. Binuksan ko ang shower at agad siyang tumapat doon. Ipinagpatuloy ko ang pagsha-shampoo sa bunso ko na pakanta-kanta pa.

“Mommy, bilhan mo ako ng phone para matawagan ko po lagi si daddy,” she said. Siya lang ang walang cell phone, sa kuya niya ay mayroon. Pero hindi ako ang bumili no’n, kundi si Daddy Ry.

“Bawal sa baby ang phone,” aniko at napatingala siya sa ’kin.

“Eh, bakit si kuya po?”

“In case emergency lang naman ang phone ng kuya mo, sweetie. Since magkasama naman kayo palagi,” sagot ko sa kan’ya.

Iniwan ko muna siya saglit para si Zai naman ang asikasuhin ko. Kinuha ko ang bimpo at binalot iyon sa maliit niyang katawan.

Binuhat ko siya hanggang sa pinto, dahil madulas ang tiles. “Thank you, mommy.” Hinalikan ko lang siya sa noo.

“Doon ka na muna maghintay, kuya. Magsuot ka na rin ng brief mo roon,” utos ko na ikinatango niya.

Binalikan ko si Florence na nagsasabon na sa katawan niya. Dinaldal pa ako ng bata, na parang walang balak umalis mula sa pagkakalubog niya sa tubig.

Nakapagbihis lang sila nang natapos na rin ako sa pagligo. Kailangan kong magsuot ng turtle neck na damit, dahil may mga kissmark ako sa leeg at maging sa batok ko.

“Good morning. May lakad kayo?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Calizar.

“Daddy!” sigaw pareho ng dalawang bata. Kahit alam na nila hindi ito ang biological father nila ay excited pa rin silang makita ito. Matagal nga kasi naming nakasama si Calizar, kahit minsan lang siya matulog dito sa condo niya.

Right, dalawa talaga ang unit niya. Sa kaniya ang isa at sa amin naman ang pangalawa. May reason kami kung bakit nagpanggap kaming mag-asawa, but believe me. We’re both happy naman at mabuting tao talaga si Calizar, naging best friend ko na nga siya maliban kay Vira and Herodes, si Jezrill din.

“Hindi ka busy today, daddy?” malambing na tanong ni Florence.

Veige na dress ang suot niya, naka-twinny ponytail din siya. White sneakers naman ang suot niyang panyapak.

Si Zaidyx, white polo shirt and same color ng dress ng baby sister niya ang shorts niya. Black nga lang ang rubber shoes niya.

“Busy, but I wanna check on my girls before heading to work.” His gaze shifted to me, and a hint of a smile played on his lips.

“Ah, ganoon po? How are you, daddy? Bihira ka na lang pong magpakita sa amin. Nagtatampo na ako sa ’yo,” paglalambing nito. Matapos halikan sa pisngi si Zai ay binuhat niya ang kapatid nito.

“Yeah? Alam mo na kung sino ang totoo mong daddy. Pero daddy pa rin ang tawag mo sa akin, baby?”

“Yup! Why, may gusto ka bang itawag namin sa ’yo, Daddy Calizar?”

Habang nag-aayos pa ako ay pinapakinggan ko ang conversation nila. Malapit talaga ang loob niya sa mga bata. Isa sa nagustuhan kong pag-uugali niya.

Siguro kung hindi ko gaano kamahal noon si Khai ay baka mapamahal ako sa kan’ya, hindi lang bilang isang kaibigan ko.

“Gagamitin mo ang sasakyan mo, hon?” Geez, never talagang nawala ang endearment naming dalawa.

“Bakit gusto mong ihatid kami?”

“Mana nga sa iyo si Florence,” naiiling na sabi niya at napangiti na lamang ako.

“Magpapasundo na lang kami mamaya sa daddy nila. Alam kong busy ka, hon.”

“Alright. Ihahatid ko na kayo.” I just nodded.

***

“Mommy, doon po tayo sa boutique ni Lola Mommy! Baka po magtampo siya kapag nag-shopping tayo sa iba!” agaran na sigaw ng anak ko pagkasakay ko pa lamang sa sasakyan ni Calizar.

Hindi ko naisip iyon. “Okay. Sa boutique raw tayo, hon,” aniko.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating din kami sa boutique ni mommy at nang makita na kami ang dumating ay mabilis kami nitong dinaluhan.

Hindi na nga humiwalay pa kay mommy ang apo niya. For sure na matatambak na naman sa cabinet namin ang mga damit nito.

“Cevianna, dear! Pumili ka lang ng dress mo riyan, ha? Nandito kasi ang mga apo ko.” Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni Mommy Ninang.

Nang makita ako nito ay matamis niya akong nginitian. Sinalubong ko na lang siya at hinalikan sa pisngi.

“You’re here po pala, mommy ninang. Hindi niyo kasama ang bunso ninyo?” I asked her.

“Nagpaiwan sa bahay, hija. Nandoon naman ang kuya niya,” she answered, and I just nodded. “Where is Khai, dear?”

“Hindi ko po alam.” Wala naman akong idea kung nasaan ito palagi.

“Oh okay. Lapitan ko muna ang mga chikiting mo, hija,” paalam niya sabay halik sa pisngi ko. Napanguso ako. Kahit pala umalis ako ngayon ay hindi nila ako hahanapin.

May mga staff na rito si mommy. Dati ay kaunti pa, mas gusto niya kasi na hands-on siya sa boutique niya. But now, marami na siyang customer, even actress ay na-discover na ang design niya, and I’m proud of her.

Naupo na muna ako sa lobby. I check my phone na kanina ko pa nararamdaman ang vibration nito.

May text message lang ang lalaking iyon at hinahanap kung nasaan kami. Hindi ako nag-reply at hinayaan ko lang, kahit may mga miss call na siya.

Aalis nang hindi nagpapaalam, tapos tatanungin ako kung nasaan kami. Napahinto naman ako sa naisip ko at napatampal sa aking noo nang ma-realize ko ang pinagsasabi ko sa sarili ko.

Ano nga ba ulit ang pakialam ko sa taong iyon? Tsk.

“Ikaw si Francine, right?” Isang magandang babae naman ang sumulpot sa kung saan.

Napatingin ako sa kan’ya at kumunot ang noo ko, pamilyar ang face niya. Na parang nakita ko na siya somewhere, I can’t remember though.

“Ako nga,” sagot ko sa kan’ya at napalakpak pa siya.

“Kilala mo si Ryx, ’di ba?” Hindi na tuloy nawala ang pagsasalubong ng kilay ko. Ryx? Iyon ang tawag ng mga tito ni Khai sa kan’ya. Paano naman niya nakilala si Khai at bakit ganoon ang tawag niya? Don’t tell me...

Naupo sa tapat ko ang babae at nakangiting pinagmamasdan niya ako. “Who are you?” I asked her. Hindi naman malamig ang boses ko. I just want to ask her.

“I’m Cevianna. Kilala ko si Ryx, classmate kami sa junior high. Actually, may crush talaga ako sa kaniya ever since. Pero medyo cold lang at aloof iyang si Ryx. But a month ako ay nagkita kami. Nakalimutan kong humingi ng contact number niya. Puwede mo ba akong bigyan?”

As in dire-diretso lang siya nagsalita. Halata nga na crush niya ang stupíd na iyon. Paano naman kasi, almost mag-twinkle na ang eyes niya.

“Wala akong cell phone number niya. I’m sorry,” sabi ko lang. Pasimple kong itinago ang phone ko. Kahit mayroon akong contact number nito ay hindi ko siya bibigyan. Hindi ko naman siya kilala, even though binanggit na niya ang name niya.

“Sayang naman. Balak ko sanang makipag-meet ulit kay Ryx,” malungkot na sabi niya.

“Ikaw na lang ang humanap ng ways na makita siya, but I’m telling you. He’s already taken,” I said to her.

Nakita ko pa ang bahagyang pagtaas ng sulok ng mga labi niya. Feeling ko ay ang sarcastic niya.

“Wala pa naman akong nabalitaan na kasal na siya. So, I believe na puwede pa.” Bakit yata ang kapal ng face ng babaeng ito? Harap-harapang sasabihin sa akin ang bagay na iyon?

“Yes, hindi pa nga siya kasal. Pero hindi mo ba nabalitaan na may anak na siya?”

“Hindi, e.” I smirked.

Napatingin ako sa entrance ng boutique ng mommy ko, nakita kong papasok na roon ang lalaking pinag-uusapan namin. Tiningnan ko ulit ang babae, tuwang-tuwang pa siyang makipagkuwentuhan sa ’kin.

Sa dami-rami pa ng lalaking magugustuhan niya ay iyong may anak pa? Hindi lang isa, dalawa pa nga.

“Actually, we have kids,” I uttered and stood up from my chair. “Baby, come here!” Pagkuha ko sa atensyon ni Khai na agad namang napatingin sa direksyon ko.

I even waved my hand para makita niya ako. Pero nagulat yata siya sa itinawag ko. Hindi siya agad nakapag-react, natigilan na nga siya at ayaw nang umalis mula sa kinatatayuan niya.

I stepped towards him. His expression was utterly priceless. Nang makalapit ako ay niyakap ko siya sa baywang. Nag-tiptoe rin ako upang maabot ko ang cheek niya at humalik.

Mas naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya, but nasa baywang ko na rin ang magkabilang braso niya. Nakayakap na nga sa ’kin.

Malakas na tili ang narinig ko, tinig iyon ni Florence. Na parang kinikilig sa nakita niyang eksena. Hindi ko na pinansin pa. Gusto ko lang inisin ang babae.

“What the hèll happened, baby?” he whispered. Ako naman ang napapikit nang halikan niya ang sentido ko.

“Hi, Ryx. Long time no see.” Hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa baywang niya when I heard the girl’s voice.

“Cevianna? You’re here. Sino ang kasama mo?” Magkakilala nga sila. Tss.

“Ang mommy mo ang kasama ko, Ryx. So, kayo pala talaga ni Francine ang nagkatuluyan?” she asked. Bahagya na akong humiwalay, pero hindi naman ako nakalayo agad. Dahil hinapit niya ako sa baywang.

“Uhm.”

“Mali yata ang nakuha kong info about you. Na ikinasal na sa ibang lalaki ang babaeng mahal mo. Nalaman ko rin kay Francine na may mga anak na kayo? Baka sila na iyon?” Ang puwesto nina mommy at mommy ninang ang tinuro niya. Nakatingin na rin sa amin ang mga ito.

“Yes,” nakangiting tugon ni Khai at sinilip ko ang mukha nito. Nang mapansin niya ako ay humilig siya sa akin.

“Sino siya?” I asked him.

“Ah, siguro hindi mo na maalala pa. You’re still young nang una mong na-meet si Cevianna. She’s our best friend too, baby,” pakilala niya at natigilan naman ako.

“Cevianna?” kunot-noong sambit ko sa pangalan ng babae at mataman ko pang tinitigan ang face niya. Wala siya sa first birthday ng panganay kong anak, kaya hindi ko siya nakita that time.

Nang maalala ko na may kaibigan silang babae ng mga tito niya ay mabilis kong naitulak si Khai. Narinig ko na lang ang malakas na tawa ng babae.

“Hays, Francine. Hindi mo na yata ako naaalala. Na minsan mo na akong sinabihan na huwag akong magkagusto kay Ryx. I told you before na hindi ko type ang crush mo, and parang nakahinga ka nang maluwag doon. God, until now ay ayaw mo pa ring may lumalapit na babae sa kaibigan ko. I’m happy for both of you. Bagay naman kayong dalawa.”

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang pang-iinit ng magkabilang pisngi ko. Ang lakas din nang tambol sa aking dibdib.

“Ano ba ang nangyari, Cevianna?” naguguluhan na tanong ni Khai. No idea siya kung ano ang ginawa kong kahihiyan.

“I told her na crush kita, hinihingi ko ang contact number mo. Pero sabi niya ay wala, tapos sinabihan niya rin ako na taken ka na. Nang dumating ka ay pahabol pa niya na may mga anak na kayo. Kulang na lang ay sabihan niya akong back off, bítch.” Oh, God. This is so embarrassing.

“Oh, she really did?” naaaliw na tanong pa ng isa riyan.

Sa nararamdaman kong kahihiyan ay nag-excuse ako sa kanila at umalis doon. Dumiretso ako sa mini-kitchen ni mommy.

Kumuha ako ng mineral water sa ref saka ko ito ininom. Nainis lang ako sa babae kaya nasabi ko iyon. Parang gusto ko na tuloy bumuka ang lupa at lamunin na lang ako nito.

“Francine.” Hindi ko pinansin ang tumawag sa ’kin. “Hey, baby. It’s okay.”

Niyakap naman niya ako nang mahigpit from my back. Nakagat ko na lang ang lowerlip ko. Bakit kasi nasabi ko pa iyon? Nakahihiya na tuloy. He rested his chin on my shoulder, hindi ako kumilos. Feeling ko ay kasing pula pa ng kamatis ang cheeks ko. Nahihiya na akong humarap sa kaniya. Alam kong natuwa siya roon.

“Lumayo ka nga sa akin, Alkhairro,” I warned him.

“Baby, hindi mo kailangang magselos.” Pilit niya akong pinapaharap, pero nagmatigas ako. Ngunit malakas siya kaya nagawa pa rin niya akong iharap sa kaniya. He caressed my cheeks and planted a kiss on my forehead. “I’m all yours, Francine.”

Mariin na idinikit ko na lang ang pisngi ko sa matigas niyang dibdib, na naririnig ko ang mabilis na pintig ng puso niya. Mayamaya lang ay narinig ko na ang mahina niyang halakhak. I hit his back.

“Stop laughing!” sigaw ko.

“I won’t, baby. Chill, okay? I love you.” Malakas na hampas ang ginawa ko at mahina lang siyang dumaing.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top