CHAPTER 23

Chapter 23: Marriage

“HMM, matalino nga ang baby girl mo, Francine. But I’m glad na hindi ka pa pala kasal.”

“I was,” sabi ko na ikinahinto niya. Nagtatakang napatingin na naman siya sa akin. Na tila may kakaiba at hinahanap niya iyon. Ngumiti ako sa kan’ya. “Marami pa tayong oras para pag-usapan ’yon, Calystharia.”

She just nodded, humalik siya sa pisngi ko. Satisfied sa naging sagot ko. “But still, Francine. I’m rooting for you and Khai. I think, hindi pa kayo nagkaroon ng closure. Try mo, try mong bigyan ng chance si Khai. Huwag mong hayaan na lumaki ang mga anak ninyo na hindi kayo buo. Believe me, mahirap ang ganoong situation. I’ve been there. 8 years bago ko nakilala si dad, nasaktan ako noong nalaman ko ang totoong dahilan kung bakit niya iniwan noon si mommy. Ayoko maranasan din ’yon nina Zaidyx at Florence. Baby pa silang dalawa. Kaya tingnan mo ako ngayon, kasal na kay Sage. May second baby na rin kami.”

“I’m happy for both of you and thank you, Calystharia. But now, wala pa akong naiisip na plano para sa amin ni Khai. Naka-move on na nga ako, ngunit hindi pa iyon sapat upang bigyan ko siya ng second chance.”

Napatingin ako sa kotse ni Khai nang bumaba ang salamin ng bintana. “Hindi pa ba kayo tapos mag-usap diyan?” tanong niya at ganoon din ang ginawa ng kabilang sasakyan.

“O siya, Francine. Chika na lang tayo next time,” she said at kumindat pa siya. I nodded at halos sabay na kaming sumakay sa sasakyan. Ikinabit ko agad ang seatbelt ko at nilingon ko ang mga anak ko na nakatingin din sa ’kin.

Nginitian ko sila. “Close kayo ng mommy ng brat na ’yon, mommy?” my daughter asked me.

“Florence, hindi siya brat. Huwag kang ganyan, anak,” pangangaral ko sa kaniya. Umikot lang ang eyeballs niya, saka ko tiningnan si Zaidyx. Napansin ko ang pamumula ng kaliwang pisngi niya. “What happened to your cheek, kuya?”

Mabilis na sumulyap ito sa kapatid. “Florence did.” Si Khai naman ang nagsalita, dahilan na napakunot ako ng noo at binalingan ko na siya.

“Ano’ng ginawa niya?”

“Una, humiram sa akin ng panyo. Pero kalaunan ay nanghingi ng baby wipes. Pupunasan niya lang daw ang cheek ng kuya niya na nalagyan ng laway ni Calyselle,” paliwanag niya na sinabayan pa nang pagngiwi.

“Just maybe naiwan ang saliva niya sa pisngi ng kuya ko, dad!” sabat ng bubwit.

“Hindi mo kailangang sumigaw, Florence. Naririnig ka namin,” aniko at narinig ko ang tunog nang pag-irap niya.

“Kaloka,” mahinang bulong niya na ikinangiti ko lang. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa puwesto ng katabi ko, na ang lapad din ng ngiti niya. Napasimangot na lamang ako.

“Mag-usap tayo mamaya,” seryosong sabi ko.

“Okay.”

When we reached our destination, si Florence ay diretso sa condo ng daddy niya. Nang makita ni Khai ang reaction ko ay mabilis niyang nilapitan ito at binuhat.

“Dad, dito tayo!”

“No, love. Sa kabila tayo,” sabi niya rito.

Binuksan ko na ang pinto at sinenyasan ko sila na maunang pumasok. Naunang pumasok sa loob si Zaidyx, kasunod ay ang dalawang halatang nagkakampihan na at ako na ang panghuling pumasok.

“Sa kuwarto na muna kayo. Son, isama mo ang kapatid mo,” aniko.

Limang baytang lang naman ang hagdanan namin, pero umalalay pa ang isa riyan.

“Huwag kang aalis agad nang hindi nagpapaalam sa amin, daddy. Mommy, huwag mong paalisin si dad, ha?” pahabol pa ni Florence, na hindi ko naman sinagot kaya sumilip pa siya sa akin. “Mom?!”

“Oo na!” sigaw ko pabalik.

“Love you, mommy!” Napairap na lamang ako. Ang galing niya lang mang-uto.

Dumiretso naman ako sa kusina at naramdaman ko ang pagsunod niya sa ’kin.

Binuksan ko ang ref at tiningnan kung ano ang laman no’n. Napahinga ako nang malalim.

“May beer ka, right?” I asked him. Isinara ko na ang ref at tumingin sa kan’ya.

“Wala,” kunot ang noong sagot niya.

“Anything? Kahit champagne?”

“Maglalasing ka ba, Francine?” seryosong tanong niya. Ngumisi lang ako.

“Bakit? Kung gusto mo bang uminom ay ibig sabihin no’n ay magpapakalasing ka?”

Huminga siya nang malalim. “Wait me here.”

“I prepare the wineglass, and make it fast. Ayokong pinaghihintay ako,” sabi ko. Ngumuso lang siya at bahagyang tumango.

Kumuha ako ng baso para lagyan iyon ng ice cube. I sat down on the highchair at hinintay ko ang pagbabalik niya.

Gulong-gulo na ako sa nangyayari ngayon. Dati, malinaw sa akin na walang assurance si Khai at wala pang naiisip na plano para sa amin ni Zaidyx.

Naalala ko ang mga panahon na nahihirapan siya sa sitwasyon namin at inakala kong wala na kaming pag-asa. Noong narinig ko ang pinag-uusapan nila ni Calystharia ay bumalik lang ang sakit.

Tapos malalaman ko na ang best friend pala nito ang nakatuluyan at hindi nga sila nagkaanak, katulad nang maling inakala ko noon.

Napahimas ako sa noo ko. Wala sa sariling pinapapak ko na ang ice cube at dinig na rinig ang tunog nang pagkagat ko.

“Ano na ba ang nangyayari?” naiinis kong tanong sa sarili. Susubo pa sana ako ng yelo nang may pumigil sa palapulsuhan ko.

“Balak mo bang sirain ang ngipin mo?”

“Hindi masisira ang ngipin ko,” I said to him. Inilapit niya ang kamay ko na may hawak na yelo saka niya iyon sinubo.

Nagsalubong lang ang aking kilay nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Kaya ang ginawa ko ay tinampal ko ang bibig niya.

Hindi naman siya nag-react doon at inagaw ko ang hawak niyang wine. Hinigpitan niya iyon para hindi ko tuluyang makuha.

“Okay lang ba sa ’yo uminom nito? Masyadong matapang ang whiskey, Francine.”

“Ano naman sa akin kung matapang ang alcohol niyan?” supladang tanong ko at puwerahan ko nang kinuha iyon sa kaniyang kamay.

Umupo na lang siya sa tabi ko at hinayaan akong uminom.

“May problema ba?”

“Mayroon,” matipid kong sagot. Nagsimula na akong uminom nang hindi siya inaalok.

“What is it? Can you share it to me?” Bored na tiningnan ko lang siya.

“Open your SHAIRit apps, then I can share it with you.” He chuckled because of that.

“You’re funny, baby. Why? Masyado bang malaki ang problema mo na mahirap sabihin sa akin, kaya sa paraan mo na lang iyon puwedeng i-share?” Sinakyan pa niya talaga ang joke ko. Ang sarap sapakin.

“I don’t understand,” I uttered.

“Ano? Ano ang hindi mo naiintindihan?”

“Ikaw.”

“What about me?”

“Hindi ko alam kung bakit mo ginagawang komplikado ang sitwasyon natin, Alkhairro. Noon pa man ay ginugulo mo na ang isip ko, hindi ko mahulaan kung ano ba talaga ang tumatakbo riyan sa isip mo at hindi mo ako binigyan ng assurance na may patutunguhan ang malabong relasyon natin dati. O, may relationship nga ba tayo? Maliban sa co-parenting lang naman ang ginawa natin noon para kay Zaidyx?”

“Sa tingin mo ba dadalhin kita sa bahay namin kung wala lang?” balik na tanong niya.

“Ginawa mo lang iyon, dahil sa friendship ng parents natin. Malaki ang respect mo kina mommy at daddy. Paano naman ako, Khai? Madalas mong sabihin noon sa ’kin na hindi na bata ang tingin mo sa isang Francine. Na ina ako ng anak mo, pero ang ginawa mo ay ginulo mo lang naman ang buhay ko,” panunumbat ko sa kaniya. Matapang na sinalubong ko ang kaniyang tingin.

“Hindi pa ba sapat ang singsing na ibinigay ko sa ’yo noon, Francine?” I smirked. Hindi pa rin niya maintindihan ang point ko kung bakit ko siya ngayon sinusumbatan tungkol na naman sa past naming dalawa?

“Binigyan mo nga ako ng singsing, pero walang warning or something. Na kapag aalis ka, sasabihin mo sa akin na hihintayin kita. Na pakakasalan mo ako, but umalis ka nang hindi nagsasabi sa totoong plano mo. Sa tingin mo ba hindi ako mapapagod? Ilang taon kitang minahal noon, nagsimula sa five years old na si Francine, hanggang sa nag-fifteen ako. Nang tumunton ako sa legal age saka ka nag-take advantage.”

“That’s not true, Francine. Maaaring nagpadala ako noon sa emosyon ko. Sa totoong nararamdaman ko sa ’yo, pero hindi ko naisip na mag-take advantage sa ’yo para makuha ka lang,” matigas ang boses na saad niya.

“Then ano ang reason mo kung bakit kailangan mong umalis noon?” I asked him. Napayuko siya at parang wala na siyang balak na sagutin pa ang tanong ko. “Tell me!” Pabagsak kong ibinaba ang hawak kong baso at may natapon pa itong alak.

“Sobrang bata mo pa noon, Francine. You’re still my 18-year-old baby mommy. Naisip ko na kapag itali ka agad sa akin ay higit kang mawawalan ng kalayaan. You gave birth to my son at the age of 19. Pangarap mo na maging katulad ng daddy mo. Kapag pinakasalan kita noon ay alam kong hindi lang sa anak natin iikot ang mundo mo. Maging sa akin. I don’t want to pressure you, nabigyan na agad kita nang mabigat na responsibilidad at ang gusto ko. Let your dreams settle first, then I’ll marry you and you’ll be mine alone, and no one else can take you away from me. That night, I thought about marrying you, even though you weren’t pregnant yet. But I can’t.”

Sa mga oras na iyon ay kusa kong naramdaman ang sinseridad sa kaniyang boses at ramdam ko rin ang mabilis na pintig ng puso ko.

Bumigat ang aking paghinga nang maramdaman ko ang kamay niyang nasa baywang ko na.

I looked at him again. Parang napapaso ako sa paraan nang pagtitig niya sa ’kin. Lalo na nang hawakan niya ang pisngi ko. Napakainit ng kaniyang kamay.

Napatitig ako sa labi niya, namumula iyon kahit wala naman siyang nilalagay roon. Bumalik ang aking tingin sa mga mata niyang kumikislap at punong-puno ng emosyon, na kakaibang emosyon na ako lang yata ang nakaaalam kung ano’ng klaseng pakiramdam ang naibibigay ko sa kaniya.

Siguro dahil sa dami kong nainom ay parang bumalik lang ako sa dati. Sa dati na mas malalim pa ang feelings ko sa kan’ya. Na hindi lang basta crush-crush lang.

“Khai,” I uttered his name at hinawakan ko ang collar ng damit niya. Unti-unti kong inilapit iyon sa akin at napapikit ako nang malanghap ko ang amoy mint niyang hininga na tumatama iyon sa aking pisngi. “Kiss me. . .”

“You’re drunk already, Francine,” naiiling na sabi niya at tinanggal ang kamay ko sa collar niya. Bahagya na rin siyang bumitaw sa ’kin.

“Ayaw mo bang mag-take advantage ngayon sa ’kin? Hindi ba ganito rin ang ginawa mo kaya dalawa na ang anak natin?”

“Francine, stop it.” Nang sinikap kong tumayo kahit tila wala na ako sa huwisyo ay muntik pa akong ma-out balance. Mabilis niya lang ako inalalayan. Nanlaki ang mga mata niya nang isa-isa ko nang hinahubad ang butones ng blouse ko. “Geez.”

Pinigilan niya ako sa ginagawa ko at basta na lamang niya ako pinangko. Hindi ako nagprotesta at nangunyapit lang ako sa kaniyang leeg. Dumikit sa leeg niya ang aking ilong niya, kaya ramdam ko ang marahas na pagtaas-baba ng dibdib niya.

“If you really love me, then prove it. Shall we commit a sin?” I whispered.
Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. Hinaplos ko ang panga niya at bago pa man dumikit ang labi ko sa kaniya ay umiwas siya, nagsimula ulit maglakad. “Takot ka ba, Khai? Hindi ba minsan na tayong gumawa ng kasalanan? Ngayon ka pa ba matatakot?”

“Stop teasing me, Francine. Baka pagbigyan ko pa ang hinihiling mo at magagalit ka na naman sa akin.” Napahalakhak ako sa tinuran niya.

“Takot ka nga, Khai.”

“I am not,” tanggi niya at sinipa niya lang ang pinto para mabuksan ito.

Ibinaba niya ako sa kama. Kukumutan pa sana niya ako nang mabilis akong bumangon.


“Should I call Calizar to ease this burning sensation I’m feeling right now, Mr. Barjo?”

“What the fúck, Francine?!” malutong na mura niya at umalingawngaw ang boses niya sa apat na sulok ng silid.

“Choose wisely, my lover boy.” I caressed his jaw again and planted a kiss on his adams apple.

“The hell. . .” Naaaliw ako sa reaction niya nang makita kong napapikit pa siya ng mga mata. Ako na mismo ang nagtanggal ng butones ng damit niya. “You’ll regreg it tomorrow, baby.” After saying that, he sealed my lips with a passionate kiss.

Bahala na bukas paggising ko. I just want to feel it again with him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top