29
#MIU29
MARAMING bagay sa mundo ang panandalian lamang. Katulad ng tao, hiram lang natin sa panginoon ang buhay natin kaya habang nabubuhay tayo ay ating pahalagahan ito dahil hindi natin masasabi kung kailan babawiin satin ito.
Ganoon din sa pag ibig, hindi araw araw ay masaya. Hindi araw araw puro kilig ang nararamdaman natin. Panandalian lang kaya habang nandyan pa ay pahalagahan natin.
Sa pagmamahal ay talagang makakaramdam ka ng sakit, selos at iba pang masasakit sa pakiramdam, mahal mo e. Hindi ka naman nagmahal kung hindi ka nasaktan. Dahil sa love, kahit anong sakit ang maramdaman mo, mas matimbang pa rin kung gaano mo kamahal ang isang tao.
Kaya nga ang daming tanga pagdating sa pag ibig hindi ba? Well, hindi naman natin sila masisisi, nagmahal lang sila e, kaya lang sa maling tao.
Pinunasan nya ang kanyang luha at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Nag aalalang tinignan pa sya ni Manong at parang gustong magtanong dahil bumubuka buka ang bibig nito pero agad ring pinigilan ang sarili nang makitang umiiyak sya palabas. Nginitian nya lang ito ng pilit at tumango dito.
Tumalikod na sya at akmang papasok na sa sasakyan nang makitang nanakbo si Khallil papunta sa kinaroroonan nya. Sinigaw nito ang kanyang pangalan. Malamig nya lamang itong tinignan hanggang sa nasa harap nya na ito.
"Z-Zandra...babe.. L-Let me explain please..." nanghihina nitong sabi. Lumapit ito sakanya ngunit agad nyang tinaas ang kanang kamay para pigilan ito sa paghakbang. Kitang kita nya kung paano dumaan ang sakit sa muka nito na agad nyang kinahina.
Parang may bumubulong sakanya na yakapin ito at sabihing okay lang ang lahat, okay lang sila. Pero masyadong masakit para sakanyang tanggapin na pinagtaguan sya nito lalo't pa tungkol sakanyang ina.
"H-Hanggang d'yan ka lang..."banta nya. Pinigilan nyang mautal pero dahil sa emosyon ay pati pagsasalita nya ay naapektuhan.
"Ano pa bang sasabihin mo? Narinig ko na ang lahat Khallil.." malamig nyang sabi.
Umiling ito at ginulo ang buhok. " Please..let me explain.." mahinang sabi nito.
Pagak syang tumawa at nilahad ang kamay. " Explain? Ngayon mo pa dahil nalaman ko na ang totoo? Ang galing mo rin ano? Nagawa mo akong pakisamahan ng ganyan habang...habang ang nanay ko ay namatay sa kamay ng ama mo!" Lumuluhang aniya.
Umiling ito at humakbang. Pilit syang inaabot ngunit umaatras sya. Ayaw nya. Ayaw nyang mapalapit dito dahil baka hindi nya mapigilan ang sarili at balikan ito at yakapin.
"N-No...No..I'm sorry..please, hear me out.." sagot nito.
Umiling sya at tumalikod.
"Huli na Khallil. Patay na si mama. Kung gusto mong maayos 'to, ipakulong mo mismo ang ama mo." Matigas na aniya.
Gulat at hindi makapagsalita ito. Miski sya ay nagulat rin sa sinabi nya, gusto man nya iyong bawiin pero nasabi nya na. Napahigpit ang kapit nya sa sariling kamay. I-I'm sorry..I didn't mean..
Tumulo ang luha nya sa kaliwang pisngi nya na agad nyang pinunasan at hinawakan uli ang pinto ng sasakyan nya bago pilit na ngumiti dito.
"G-Goodbye Khallil...I'm breaking up with you..." natawa sya sa sariling nasabi sa kabila ng kanyang munting hikbi na gustong kumawala. " O-Oh, s-sorry. H-Hindi nga pala tayo...We only fuck..You..You didn't really love me..Dahil kung minahal mo ako..hinding hindi mo magagawa sa akin yon.." tuluyan nang lumabas ang hikbi at luha nya na kanina pa gustong kumawala.
Kita ang sakit sa muka nito habang sinasabi nya iyon. Umiling ito at lumapit sakanya.
"N-No..Don't do this babe, please...D-Don't leave me.. I-I love you..I love you..D-Don't..." paulit ulit at umiiyak na rin nitong sabi.
Lalo syang naiyak at nasaktan. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi nya habang umiiling. Sa huling pagkakataon ay hinawakan nya ang pisngi nitong may luha at pinunasan. Pilit nya itong nginitian at nagsalita.
"I-I love you too..B-But not now...M-Masakit pa Khallil...G-Give me time and space.. We need that. I need tha. S-Sana..Sana kapag pwede na ay pwede pa.." lumuluhang aniya bago bintawan ang pingi nito at walang sabi sabing pumasok sa sasakyan.
Dahil sa ginawa nya ay nakita nyang parang matutumba ito. Agad nyang pinaandar ang sasakyan nang makitang umiiyak ito. Nakita nya pang pilit nitong hinahabol ang kanyang sasakyan. Napatigil sya sa nang makalayo na at agad na yumupyop sa manibela at doon umiyak nang umiyak.
Ang sakit pala kapag nakikita mo ang mahal mo na nahihirapan dahil sayo. Pero siguro ito talaga ang tadhana nila. Sana nga lang ay pagsubok lang ito sa pag iibigan nila. Sana nga lang ay malampasan nila ito. Pero hanggang kailan? Kapag okay na kaya sya ay may babalikan pa kaya sya?
Kumirot ang puso nya sa isipang iyon. Sabi nga nila, kung para kayo sa isat isa ay pagtatagpuin ulit kayo ng tadhana. Siguro ay magiging mahirap para sakanila pero malay natin, sa likod ng pagsubok na iyon ay naka abang na pang habang buhay na kasiyahan.
LUMIPAS ang apat na linggo. At sa apat na linggong iyon ay hindi nawala sa isipan nya si Khallil. Oo, nag aalala sya para rito, pero masakit pa rin para sakanya ang nangyari.
Apat na linggo na rin silang nandito sa bahay ng kanyang kapatid kasama ang anak nya na nagpapaalala kay Khallil. Palagi syang tinatanong ng kanyang anak tungkol dito at hindi nya alam kung paano ito sasagutin. Simula kasi ng pag uusap nila ay sinunod nga nito ang kanyang gusto, binigyan sya nito ng space na kanyang hinihiling at ni anino ay hindi nya nakita. Weirdo man pero nadismaya sya sa naiisip na susundan sya nito.
Narito sya sa kusina at kumakain na naman ng tinapay na pinalamanan sa ibabaw ng margarine at may asukal sa ibabaw nito, hindi nya alam ngunit nahiligan nya ang lasa nito. Eto lang ang kinakain nya sa nakalipas na linggo dahil kapag iba sa pang lasa at pang amoy nya ay agad syang nasusuka. Hindi nya alam kung bakit.
"Mommy we're finish making cookies! Smells good! Yummy!" Tiling ani ng kanyang anak.
Napatigil sya sa paglalagay ng palaman sa tinapay nang nilapag ng kanyang ate ang isang bowl ng cookies sa lamesa. Parang may bumaliktad sa tiyan nya nang maamoy nya ito. Agad syang nagtungo sa banyo ng kusina at lumuhod para sumuka. Hindi nya alam kung bakit, hindi naman mabaho ang amoy ng cookies pero bakit nasusuka sya? Siguro naparami lang ang pagkain nya?
Nakarinig sya ng yabag patungo sakanya. Sumusuka pa rin sya ng tubig nang haplosin ng ate nya ang kanyang likod at sinikop ang mga ito para hindi tumabing sakanyang muka.
"Shh..What's happening? Bakit ka nagsusuka? Ilang araw na iyan ah?" Tanong nito pagkatapos nyang sumuka.
Tumayo sya at nagmumog bago sumagot. Nasulyapan nya ang kanyang anak na nakasilip lang at nag aalala ang mata nito. Nginitian nya ito at nag thumbs up para ipakitang okay lang sya. Para kasi itong maiiyak habang tinitignan sya.
"B-Baka sa dami lang ng kinain ko kaya ako nasuka.." sagot nya at naunang lumabas.
Nilapitan nya ang anak at hinaplos ito sa buhok.
"Mommy, you okay? Are you sick?" Nag aalalang tanong nito.
Umiling sya at tipid na nginitian ito.
"No baby, masyado lang naparami kain ni mommy kaya ako nasuka. Don't worry okay? Mommy is fine" ngiting aniya.
Tumango ito at niyakap ang bewang nya hanggang sa maka upo sila malayo sa amoy ng cookies dito pa rin sa kusina.
Nang tumingin sya sakanyang ate ay mataman ang tingin sakanya nito na para bang inaakusahan sya.
"Bakit?" She mouted.
Sinuri sya nito mula muka pababa sa paa nya. Suot nya lang ang kanyang maikling daster at ang buhok nya ay magulong naka ipit.
"Tumataba ka, " puna nito.
Ngumuso sya at nag iwas ng tingin.
"Grabe ka naman sa tumataba ate! Magana lang akong kumain ngayon, pero hindi ako mataba, " nakanngusong sagot nya.
"Tapos ang kutis mo ay matingkad, namumula ang mga pisngi..sabihin mo nga sa akin Zandra.." anito.
Kinabahan sya sa inaasta nito.
"A-Ano? Kojic lang 'to, gusto mo bigyan kitang sabon?" Pabiro nyang sabi pero seryoso lang ang kanyang ate habang pinagmamasdan sya.
"Ano ba ate! Kung makatingin naman to para namang inaakusahan mo akong buntis ak---" napatigil sya sa pagsasalita at nanlaki ang mata.
Shit! Bakit ba hindi ko naisip ang bagay na iyon?! Tanong nya sa sarili. Napatingin sya sakanyang kapatid ngunit wala naman sa muak nito ang gulat at mataman lang syang tinignan. Agad nyang kinapa ang cellphone sa bulsa ng bistida nya at nilagay iyon sa kalendaryo. Binilang nya kung kailan dapat sya dadatnan ngunit lagpas na! Hindi kaya... pero posible rin na nadelay lang sya di ba?
"A-Ate..." humihingi ng tulong na sambit nya.
Biglang ngumisi ang kanyang ate na kinagulat nya.
"Oh? Anong ina ate ate mo dyan? Magbihis ka at mag papacheck up tayo, baka ano ng nangyayari sa pamangkin ko, " nakangting anito.
"Tita, may iba ka pong pamangkin?" sabat ng anak nya at lumungkot ang muka.
Natawa ang kanyang kapatid at nilapitan ito bago pinaggigilan ang pisngi nito.
"No baby, Walang ibang pamangkin si Tita sa iba. It's just that, your mom is pregnant and you'll be a big sister na!" Masayang sagot ng kanyang ate.
Wala sa sariling napahawak sya sa kanyang tyan. May laman na kaya? Sa isipan palang na iyon ay napapangiti na sya.
"Ate, hindi pa naman tayo sigurado, " saway nya.
Natigil ang pagsasaya ng dalawa.
"Sure na ako dyan. Pusta ko pa si Guilbert. " tumaw ito.
Natawa rin sya dahil doon at muntik pang mahampas ang kapatid. Ipusta ba naman ang nobyo? Well, kung mag nobyo nga ang dalawa, dahil sabi ng ate nya ay hindi. O talagang tinatanggi lang nito.
Agad silang nagbihis at sabay sabay na sumakay sa kanyang sasakyan, nagpresintang ang ate nya na magmaneho dahil buntis nga daw sya, hinayaan nya nalang dahil tinatamad rin naman syang magdrive.
"Mommy, I'm going to be ate na ba for real po?" Biglang tanong ng kanyang anak.
Ngitian nya ito at hinaplos ang buhok nito. Nakatali ang buhok nito na tinernuhan ng dilaw na bistida, parehas sila ng kanyang anak ng bistida dahil ayon ang pinasuot sakanila ng ate nya na ito mismo ang bumili.
Tinernuhan rin nila ng puting doll shoes at nilugay nya lang ang kanyang buhok. Hindi na sya naglagay ng make up dahil tama ang ate nya, hindi na kailangan ng blush on para pumula ang kanyang pisngi dahil natural na itong namumula, ganon rin ang kanyang labi at balat.
"We will see baby, magpapacheck up pa lang tayo at pagkatapos non ay malalaman natin kung pregnant nga si mommy, " ngiting paliwanag nya.
Tumango tango ito na para bang naintindihan ang kanyang winika.
Habang papalapit sila sa clinic ay hindi sa malamang dahilan ay kinakabahan sya. Kakilala ng kanyang kapatid ang may ari ng clinic kaya dito sya dinala nito. Nang tumigil ang sasakyan ay parang ayaw nya nang lumabas sa kaba. Nasa labas na ang kanyang kapatid at anak pero sya ay nasa loob pa rin ng sasakyan.
Dinungaw sya ng kanyang ate at binuksan ang pintuan.
"Ano Zandra? Lalabas ka ba dyan o dito ka nalang magpapacheck up? " sarkatikong tanong nito.
Umiling sya at kinakabahan pa rin.
"A-Ate kinakabahan ako..." pag aamin nya.
Narinig nya ang buntong hininga ng kanyang kapatid.
"Iche-check up ka lang naman Zandra, hindi ka pa mamatay okay? Halika na, Kanina pa nag aantay si Doktora, " anito.
Malalim syang huminga bago lumabas ng sasakyan. Lumapit sakanya ang anak nya at hinawakan ang kamay nya bago sya ngitian ng malaki. Medyo gumaan ang loob nya dahil doon. Nginitian nya rin ito bago kinakabahan pa ring pumasok sa loob.
Tahimik ang clinic nang pumasok sila. Sila lang ang naroon at tanging isang assistant na babae at kasing edad ng kanyang ate. Ngumiti ito sakanila nang makita sila sa loob.
"Rose! Good to see you here! Nagulat naman ako nang tumawag ka at sabihing magpapacheck up. Akala ko buntis ka na!" Sabi nito sakanyang kapatid at bumeso.
Natawa ang kanyang ate bago tinuro sya.
"This is Zandra, My sister. Sya, sya ang buntis hindi ako gaga," sagot ng kanyang ate at pabirong hinila ang buhok nito.
Tumawa ang dalawa at nginitian sya ng doktora.
"Hello Zandra. You're blooming, kakaiba ang awra, hindi na ako magtataka kung juntis ka nga, " sabi nito at tumawa. Napatingin ito sakanyang anak. " Oh, hi there baby, Your daughter? Looks familliar, " baling nito sakanya.
Tumango sya at inakbayan ang anak. "Uh, Yes, "
"Ang ganda ng genes! Where's your husband, bakit si Rose ang kasama mo?" Biglang tanong nito.
Natikom nya ang bibig nya at hindi nakasagot. Mukang napansin iyon ng kanyang ate kaya ito na mismo ang nagsalita para sakanya.
"Parang ayaw mo na ako ang kasama ah? Check up-in mo na at nang makabili na kami ng gamit ng bata, " mataray ngunit pabirong sabi ng kanyang ate.
"Eto na madam!" Bumaling ito sakanya at nginitian sya. " Halika na Zandra? Nurse Lara! Paki assist naman si Zandra para makapagbihis. " tawag nito sa babae at hinarap ang anak nya. "Baby, hiramin ko muna si mommy ah?" Nginitian nito ang anak nya.
Magalang na tumango ang anak nya. "Okay po," sagot nito.
Sumama na sya kay Nurse Lara at nagbihis ng mas manipis na bistida. Pagkatapos nyang magbihis ay inalalayan sya nito pahiga sana ngunit nirequest nyang pasandal nalang. Pumayag naman ito bago inayos ang mga kagamitan doon.
Pumasok ang doktora at nginitian sya.
"What are you feeling these past few weeks?" Tanong nito sakanya.
Nag isip sya bago sumagot.
"Ahm..Nahihilo ako minsan, napaparami na rin ang kain ko..minsan ay nasusuka ako kapag may naamoy na cookies, bukod don ay wala na, " sagot nya.
Tumango tango ito habang hawak ang gagamitin nito sakanya.
"Kailan ka dapat dadatnan?" Tanong ulit nito.
"Two weeks akong delay, nung nakaraang linggo pa dapat ako dadatnan. " aniya.
Tumango tango ito.
"Nag try ka na bang mag pregnancy test?"
Umiling sya.
Tumango ito bago tinaas ang bistida nya at pinahidan iyon ng malamig na gel bago tinuro ang screen doon.
"Dyan natin makikita ang fetus. Oh! Look! Nakikita mo ba ang maliit na bagay na iyon?" Turo nito sa screen.
Naluluhang tumango sya,
Nginitian sya nito.
"That's the fetus Zandra. That's your baby, Congratulations. Base sa laki ng fetus, your five to six weeks pregnant, Congrats. " ngiting sabi nito.
Naluluha nya pa ring tinitignan ang screen. Wala sa sariling napakapit sya sa impis na dyan. My baby, kapit ka lang dyan ah? Mahal ka ni mommy. Pagkaka usap nya dito. Bumaling sya sa doktora at nginitian ito at nagpasalamat.
Nagmadali syang magbihis para ipaalam sa anak nya at ate nya. Masayang nagtungo sya sa mga ito na tahimik lang na naka upo sa sofang naandon. Nilapitan nya ang anak at masayang niyakap.
"M-Mommy?" Gulong tanong nito.
Napatawa sya at naiiyak pa ring pinugpog nya ng halik ang muka nito.
"M-Mommy stop it! Your laway is on my face na!" Nakangusong sabi nito.
Natawa sya at tinigil ang pag halik dito. Tumingin sya sa kanyang kapatid at malaking nginitian ito at tumango. Nanlaki ang mata nito sa gulat. Bumaling sya sa anak at hinawakan ang kamay nito at dinala sa kanayang tyan.
"Mommy your hungry po?" Gulong tanong ng anak nya.
Natatawang umiling sya.
"No baby, feel that baby? It's our baby. Mommy's pregnant!" Masayang sabi nya.
Nanlaki rin ang mata nito at napatakip pa ng labi.
"R-Really mommy? I'm going to be big sister na? " gulat na tanong nito.
Tumango tango sya at inalis sa muka nito ang buhok.
"Yes baby, you're going to be ate. You're now Ate Zelestine, " ngiting sabi nya.
" I like it mommy! Let's tell this to daddy! Yehey! I'm going to be ate na!" Masayang sabi nito na kinatigil nya.
Ngayon buntis sya at hindi ayos ang relasyon nila, anong gagawin nya? Ipapa alam kaya nya o pansamantala munang itatago?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top