28

#MIU28

NAGMAMADALING pumasok sya sa isang coffee shop para bumili ng kanyang aalmusalin. Late na kasi sya at nakalimutan nyang mag agahan. Hindi nya ngayon bitbit ang anak dahil maaga itong kinuha ng Tita Rose nya, isasama muna daw nito sa pamamasyal. Si Kharille naman ay maagang pumasok dahil kulang ng doktor sa ospital dahil sa naganap na insedente na maraming nasugatan.

Tatlong araw. Tatlong araw na nang malaman ang nangyari sa kanyang ina at hanggang ngayon ay hindi pa rin nya alam kung maniniwala sya o hindi. Naisip nya ang sinabi ni Athiela, may apat na araw pa sya bago layuan si Khallil ngunit kay hirap. Ang hirap paniwalaan. Ang hirap magpakawala ng taong mahalaga sayo.

"Miss one black coffee and toasted bread, please, " sabi nya sabay abot ng bayad.

Tumango ang kahera at matagal na tumingin sa kanya bago tanggapin ang pera. Nagtataka nyang tinignan ito ngunit binalewala rin. Habang hinihintay ang inorder ay nakarinig sya ng bulungan.

" Hindi ba sya iyong viral ngayon?" Rinig nya sa kanyang likod.

"Oo, parang kamuka,"

"Siya nga iyon! Teacher pala sya? Gosh"

Wala sa sariling pasimple nyang sinuyod ang buong shop at wala naman syang makitang posibleng guro kundi sya lang. Tumingin sya sa likod nya at nakitang nagbubulungan pa rin ang mga ito at nang nakita sya ay bigla nalang tumahimik at pinatay ang cellphone.

Kunot noo syang lumapit sa mga ito. Kita ang gulat sa muka ng mga ito nang makalapit na sya.

"Excuse me, ako ba ang pinag uusapan nyo? Sorry ang lakas kasi ng boses nyo at ako lang naman ang naka yunipormeng pang guro dito, " mahinahon nyang sabi.

Nagkatingin ang dalawa bago sumagot ang isa sa mga ito.

"S-Sorry miss, kamuka mo kasi yung viral na babae ngayon, We thought, this is you, " tinaas nito ang cellphone at pinakita sakanya.

Tinignan nya iyon at gulat sa nakita. Picture ito nang panahong nagmomodeling pa sya. Suot nya ang t-back panty at strapless bra. Medyo sexy ang pagkakakuha sakanya dito, naka luhod sya at hawak ang magkabilang dibdib at walang kangiti ngiting nakatingin sa camera.

Bigla nyang naalala ang kuha na ito. Ito yung pinipilit syang kuhanan ng nakaganon kahit wala naman sa pinag usapan, ang sabi ng pinakaboss doon ay sundin nalang daw at dadagdagan nalang daw ang paunang bayad sakanya. Hindi sya sumang ayon sa mga ito at sinabing aatras na pero tinakot sya ng may ari at sinabing kakasuhan dahil sa hindi pagsunod sa napag usapan.

At dahil nga bata pa sya ay natakot syang makulong at makasuhan kaya sinunod nya nalang ang inuutos ng mga ito. Ayaw nya rin ng gulo kaya nanahimik nalang sya, binayaran naman sya nito pagkatapos at inofferan ngunit hindi nya na ito tinanggap.

"Miss, eto na po yung order nyo!"

Nagbalik sya sa reyalidad  at napatingin sa counter. Hindi nya na  pala namamalayan na naglalakbay na pala ang isipan nya at tulala. Binalik nya na ang hawak na phone sa mga ito na kinuha nya na pala at tipid na umiling sa mga ito bago pumunta sa counter para kunin ang inorder.

Tulala syang lumabas sa coffee shop na iyon at wala sa sariling naglakad sa kanyang sasakyan. Nangingilid ang luha nya at sinubsob ang muka sa manibela. Saan nila nakuha iyon? Tanong sa isipan nya. Paanong kumalat ang kanyang litrato dahil sobrang tagal na nito.

Tumunog ang cellphone nya na nasakanyang bag. Kinuha nya iyon at nakitang head nila ang tumatawag kaya dali dali nyang sinagot ang tawag. Nanginginig na sya sa takot at kaba dahil sigurado sya na nakita na nila ang dati nyang litrato.

"Hello, Miss Hernandez?" Tawag ng kabila.

"H-Hello ma'am? Si Zandra po ito.." aniya.

Narinig nya ang iilang usapan sa likuran ng tawag nito.

"Papasok ka na ba? Pwede ka bang dumaretso sa office? I want to talk to you to discuss something miss Hernandez. "

Sinsero ang boses nito na kinakaba nya lalo. Bumuntong hininga sya bago sumagot. 

"Okay ma'am. I'm on my way, " sagot nya.

Hindi na sumagot ito at pinatayan na sya.

Pinaandar nya ang sasakyan patungo sa paaralan na kanyang pinagtratrabahuan. Hindi na sya bumati sa mga gwardya at dire diretsong pinark ang sasakyan saka nagmamadaling bumaba.

Dumaretso sya sa office at sa kada madadaanan syang room ay kita ang tingin ng ibang magulang na nagbabantay doon at ilang mga guro na malungkot na nakatingin sakanya. May iilan pa syang nakasalubong at pinagbubulungan sya. Napatungo nalang sya at nahiya.

Pagkarating sa office ay nagulat sya sa dami ng tao doon, kita nya ang ilang magulang ng mga istudyante nya na kumpulan doon. Nang makita sya ng mga ito ay tumahimik ang buong silid at ang iba ay nagbulungan.

Tinuro ng principal ang upuan sa harap nito.

"M-Ma'am..." pauna nya.

Seryoso syang tinignan ng principal nya at sa katapat nya ay naka upo ang head nya na malungkot at naawa na nakatingin sakanya.

"Alam mo na naman kung bakit ka narito di ba?" Seryosong anito.

Umiling sya at hindi makapagsalita.

Tumikhim ito at pinaglapit ang kamay.

"Pinatawag kita dahil sa mga nagrereklamong magulang dahil sa nakalat mong litrato sa social media, " sabi nito.

Natahimik sya at hindi nakasagot. May isang magulang ang nagtaas ng kamay.

"Yes Mrs?" Tanong ng principal.

"We want her out of this school ma'am" tinuro sya nito. " Baka kung ano anong matutunan ng babaeng yan sa mga anak namin. " sabi nito.

Para syang sinasakal nang sabihin nito iyon. Hindi,..hindi nya magagawa ang bagay na iyan. Kung may ituturo man sya sa mga istudyante nya ay iyon ang magandang asal at kaalaman.

Nagsang ayunan ang iba sa nagsalita at umingay ang silid. Kanya kanyang opinyon at salitaan. Puro masasakit na salita ang narinig nya ngunit nanatili syang tahimik. Natahimik ang silid nang magsalita ang principal at tumingin sakanya.

"Silence. Let miss Zandra speaks her side. Pakinggan muna natin sya, " mahinahon nitong sabi.

Nag angat sya ng tingin at tumingin sa lahat ng naandon. Awa, pandidiri ang nakita nya sa mga muka nito. Hinigpitan nya ang hawak sakanyang kamay at kinagat ang dila bago magsalita.

"T-Totoo ang litratong iyon,..Ako nga ang nasa litrato.." umingay ang silid.

"See ma'am! Nakakahiya! " sigaw ng co teacher nya na hindi nya an namalayan na naandon pala.

Nagpatuloy sya at hindi nagpaapekto.

"B-But that was long ago...Matagal na ang litratong iyon. N-Nagmomodeling ako para may pang aral at para makatulong ako kay Mama..Hindi ko alam na kakalat...Wala akong alam.." mahinang sabi nya.

Nangingilid ang luha nya at nasa dulo na sya ng pag iyak ngunit pinigilan nya ang sarili. Gusto nyang ipagtanggol ang side nya sa mga ito kahit walang maniwala. Galit rin sya kung sino man ang nagkalat ng mga dati nyang litrato nya. Gusto nyang hanapin ito at pagsusuntukin. Naiiyak sya. Sobrnag dami na nagproblema nya pero dumagdag pa ito. Pagod na pagod na sya.

Natahimik ang lahat bago may isang magulang na ang nagsalita na winasak ang katahimikan.

"Hindi pa rin non mababago na ikaw iyon! Hindi ka magandang ehemplo sa mga anak namin! Paano nalang kung makita ng mga anak namin ang ganoong litrato mo? At ang mas masama pa ay guro nila!" Sigaw nito.

Bigla na naman nag ingay ang silid. Sa ngayon ay meron mga um- oo at meron rin hindi sumang ayon. Nanahimik sya at pinangilidan ng luha. Oo alam nyang sya yon pero hindi naman sya ang nagpakalat at sobrang tagal na nito para ungkatin. At may dahilan sya kung bakit sya pumasok sa ganoong trabaho.

"Come on miss! Don't be so pathetic! We already heard her side. At hindi sya ang responsable sa mga nakikita ng mga anak natin sa social media! Kung hindi kayo! Tayo! And you heard her right?! She didn't know na kakalat ang picture na iyon! She's a victim, don't blame her just because you see her like that. S'ya pa rin ang dahilan kung bakit may natututunan ang mga anak natin! And what's wrong with her pics? She looks sexy  tho, " kininditan sya nito.

Parang may humaplos sa dibdib nya sa sinabi nito. Kung natatandaan nya ito, nanay ito ng isa sa mga istudyante nya, Si Ella. Minsan nya lang itong makita at mukang mataray pero alam nyang mabait gaya ni Ella. Tipid nyang nginitian ito at mahinang nagpasalamat. Tumango lang ito at nag thumbs up sakanya.

Binasag ng principal ang katahimikan.

"Narinig na natin ang panig ni Ms Hernandez, may gusto bang magsalita?" Walang nagsalita miski isa.

Tumikhim ang principal.

"Dahil wala na naman gustong magreklamo ay maari ng lumabas ang lahat. Maraming salamat sa pagpunta, naiintindihan namin ang mga concern nyo dahil anak nyo ang nag aaral dito, humihingi ang paaralan ng pasensya kung may nasaktan o naoffense sa nakita. Pinapangako namin na agad iyong buburahin at aaksyunan ang isyung ito. That's all, thank you for your presence. You may now all go. Miss Hernandez, maiwan ka saglit. " sabi nito at tumingin sakanya.

Tumango sya at mahinang humingi ng dispensa sa mga magulang ng istudyante nya bago umalis ang mga ito. May iilan rin humingi ng pasensya ngunit may iilan ring matitikas at hindi sya pinansin. Okay lang iyon para sakanya, atlease ay nalinis nya ang kanyang pangalan at kumaan gaan ang pakiramdam nya. Salamat sa nanay ni Ella.

"Miss Hernandez, " tawag ng principal. " I'll advice you to take a break. One month to be exact. Pahupain muna natin ang isyung ito at kapag ayos na ay saka ka bumalik. Naniniwala ako sayo at naiintindihan kita. Gusto ko lang humupa ang isyung ito dahil kung hindi ay maapektuhan ang paaralan at mga mag aaral natin. " seryosong sabi nito. 

Tumango sya at tipid na ngumiti.

"Naiintindihan ko po ma'am. Pasensya na rin po sa abala at sa kahihiyan. Sorry po talaga. " sinsero nyang sabi.

Umiling ang principal.

"No..no, hindi ito kahihiyan. I'm so proud of you dahil may guro pala akong isang masipag na mag aaral dati. Pero alam mo naman sa bansa natin, konting usapan lang sa social media ay kanya kanya ng istorya't pang babastos. I know it'll affect you so i decided to give you a break. You're a gem to our school, hindi ka lang isang guro ang nakikita ko sayo, isa ring ina na nagmamalasakit sa anak. Kaya pagbalik mo ay malugod kang tatanggapin ng school natin, " ngumiti ito.

Naiiyak na tumango sya at ngumiti.

" Salamat ma'am.. " aniya

Ngumiti ito at tumango.

LUNGKOT AT SAYA ang nararamdaman nya ngayon. Nalulungkot sya dahil mamimiss nya ang mga istudyante nya at dahil kababalik nya lang ay aalis na agad sya. Pero masaya din dahil alam nyang may babalikan sya. May babalikan syang tuturuan.

Magaan ang loob na pinaandar nya uli ang sasakyan pauwi.
Gusto nyang magluto at puntahan si Khallil sa ospital at ikwento ang nangyari ngayon araw. Gusto nyang mag sumbong, umiyak at ibushos ang nararamdaman dito. May isang buwan syang break at gagamitin nya iyon para maglaan ng oras sa mag ama nya.

Itinigil nya ang sasakyan at nakita sa labas ang sasakyan ni Khallil. Narito sya? Gulat na naglakad sya papasok. Miski si Manong ay nagulat rin nang makita sya. Ngitian nya ito at nagtanong.

"Manong umuwi ho si Khallil?" Tanong nya.

Gulat pa ring tumango si Manong sakanya kaya ngumiti sya.

"O-Oho ma'am..Naandyan nga rin ho si... ma'am Athiela.." sabi nito. Mukang napipilitan lang itong magsalita base sa reaksyon at sa pautal utal nitong sabi.

Pinangunahan sya ng kaba, selos at galit. Naiiyak na naman sya sa di malamang dahilan. Walang ano ano ay dare daretso syang pumasok sa loob.

Nanlalamig na ang kamay nya sa kaba sa hindi malamang dahilan. Umiling iling sya sa kanyang isipan. Hindi magagawa iyon ni Khallil! Hindi nito magagawang lokohin sya! Mahal na mahal sya nito!

Mabibigat ang hakbang nya. Nang makapasok ay tahimik ang bahay. Walang tao sa ibaba. Dahan dahan syang umakyat. Mas lalo syang kinabahan nang makitang nakabukas ang pinto ng kwarto nila. Nainikip ang dibdib na humakbang sya patungo doon.

Siwang lang ng pinto ang bukas. Tahimik nyang sinilip iyon at naluha sa nakita. Tama si mannong, nandito nga si Athiela. Nasa may kama nila ang dalawa habang naka panty at bra lang si Athiela habang si Khallil ay suot pa rin ang polo nito ngunit bukas ang unang tatlong butones at magulo.

Ang kakapal ng mga muka! Sa kama pa talaga nila! Mga hayop!

Natakip sya ng bibig nang may mahihinang hikbi ang lumabas sa bibig nya. Galit na galit sya. Gusto nyang tuluyan buksan ang pinto at pagsasampalin sampalin ang mga ito. Pero hindi nya ginawa. Mas pinili nyang manahimik at makinig sa mga sasabihin ng mga ito.

"Come on Khallil! Kiss me! Make love with me! You want my silence right? Then do what I said!" Sigaw ni Athiela .

Ngunit hindi man lang gumalaw ang lalaki. Sinubukan lumapit ni Athiela at naupo sa hita nito ngunit nagulat sya ng malakas nitong itulak si Athiela.

"Subukan mo lang Athiela! Sinunod kita nung una pero ngayon ay hindi na! Hindi kita kayang hawakan o halikan man lang! Si Zandra lang ang hahalikan ko! Sya ang babaeng mahal ko! Kaya umalis ka na! " galit na sigaw nito.

Napatakip sya ng bibig sa narinig at tumulo ang luha. Sabi na e, hinding hindi magagawa ng Khallil nya yon, mahal sya nito. Hindi sya lolokohin nito.

Nakita nyang tumayo sa pagkakabagsak si Athiela at lumuluha ngunit may ngisi pa rin sa labing humarap ito kay Khallil.

"Si Zandra ang mahal? Sa tingin mo ba mamahalin ka pa nya kapag nalaman nya na may tinatago ka sakanya? Mamahalin ka pa kaya nya kapag nalaman nya na alam mo ang tungkol sa nanay nya?" Tumawa ito. " I bet not! Sino nga ba ang magmamahal sa taong pumatay sa anak ng ina ko? Iiwan ka nya Khallil kapag nalaman nya ito! At saan ang bagsak mo? Sa akin pa rin Khallil! Dahil sa'kin ka!" Sinubukan nitong lumapit ngunit tinulak tulak lang ito ni Khallil hanggang sa mapaupo ito sa sahig.

"Subukan mo! Sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo kapag ginawa mo yan! You know me Athiela! I am capable to do that!" Galit na sigaw nito.

Napasapo sya ng bibig. So it is true...totoo ang sinasabi ni Athiela sakanya. May alam ito at hindi man lang magawang sabihin saknaya. Galit. Galit ang sumindi sa pagkatao nya ngayon.

Akala nya...Akala nya hindi nito magagawa iyon. Naniwala sya hindi nito magagawa ang bagay na iyon pero bakit niloko sya nito? Mahal na mahal nya ito pero bakit nagawa sakanyang itago ang totoo? Wala ba syang karapatan malaman ang tunay na nangyari sa mama nya?

Pinunasan nya ang luha nya at hindi na napigilan hindi pumasok sa silid nila. Kita nya ang gulat sa muka ng dalawa. Walang emosyonng humarap sya dito. Nakita nya sa gilid ng mata nya ang ngisi ni Athiela.

"T-Totoo nga? B-Bakit Khallil? B-Bakit mo nagawa sa'kin to?" Pigil na iyak nyang sabi.

Sinubukan syang hawakan nito ngunit winasuwas nya lang ang kamay. Nagsusumamo ang muka at mata nito pero sa ngayon ay hindi aapekto sakanya iyon. Masyado syang nasaktan sa nalaman. Tama na. Sagad na sagad na.

"A-Alam mo di ba? May alam ka pero bakit mo tinago?...mama ko yon Khallil..Mama ko yon.."nanghihina nyang sabi.

"Z-Zandra...Let me explain..." sabi nito at hinawakan ang braso nya.

"Explain what? Lahat ng kasingungalingan mo? S-Siguro nga hindi mo ako mahal..dahil kung mahal mo ako..hindi mo magagawang ilihim sa akin ang ganito.." lumuluhang aniya.

Umiling iling ito at namumula na ang mata. Sinubukan syang hawakan nito ngunit nagawa nya lang ay umiwas at umatras.

Napatingin sila kay Athiela ng bigla itong tumawa. Hindi pa rin ito nagabalang mag suot ng damit kahit na nariyan na sya.

Nangingit ngit na sya sa galit at sa kagustuhang sugurin ito. Gusto nya itong samplain at sabunutan pero pinigilan nya ang sarili. Hindi nya hahayaan dumapo at marumihan ang kamay nya dahil lang sa babaeng ito. Masyadong malinis ang kamay nya para lang madumihan dahil sa mumurahin at mababang katulad ng babaeng ito.

"Oh Zandra! Let Khallil babe explain! Ayaw mo bang malaman na matagal nya ng tinatago sa iyo ang tunay na dahilan kung bakit namatay ang mama mo?" Sabi nito at tumawa.

"Shut up Athiela!" Galit na sigaw ni Khallil.

Hindi sya sumagot at nanatili ang tingin kay Khallil na nagsusumamong nakatingin sakanya. Umiling sya sa pagkadismaya dito at pinunasan ang basang pisngi.

"You're a disappointment Khallil. Such a disappointed. S-Sana....
Sana hindi nalang kita minahal. " matigas na aniya at lumuluhang nilisan nya ang lugar na iyon.

Sobrang sakit. Gusto lang naman nyang magmahal at mahalin pabalik. Pero bakit ganito? Sa kagustuhan nyang umibig ay sakit ang binigay sakanya. Siguro hindi lang nga talaga para sanya ang pag ibig na ito. Siguro pinaramdam lang sakanya ang panandaliang saya at kilig para may matutunan sa huli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top