27

#MIU27

MATAGAL NA MATAGAL silang magkayakap. Kapwa dinadama ang isa't isa. Masarap sa pakiramdam, magaan at tila nakakawala ng pagkabagabag. Magkayap lang sila at paminsan minsan ay hinahalikan sya sa noo nito.

"Khallil--"

Kumawala sya sa yakap ni Khallil at napapikit nang marinig ang boses na iyon. Naramdam nya ang kamay ni Khallil sa bewang nya at sabay nilang hinarap si Athiela na nandito pa rin pala.

Kinunot nya ang noo nya.

"What are you still doing here Athiela? Akala ko ba umalis ka na?" Si Khallil ang unang nagsalita.

Para namang naiiyak si Athiela nang tignan nya ito. Kung sya rin ay nagulat sa pagkakasabi non ni Khallil.

" H-Hindi dumating ang sundo ko..Can I stay here for a night?" Naiiyak na sabi nito.

Tumingin ito sakanya ngunit agad ring bumaling kay Khallil na hindi nagsasalita. Nang tignan nya ito ay nagulat sya nang nakitang nakatingin ito sakanya. Para bang tinatanong sya gamit ang mata.

Tinaas nya ang isang kilay at dahan dahan tumango dito. Sumeryoso naman ito at mataman syang tinignan. Humigpit ang kapit nito sa kanyang bewang, tumango lang sya at tipid na nginitian ito.

"You can stay here for tonight, may isang bakenteng kwarto pa naman, " sabi nya.

Lumiwanag ang muka nito at nginitian sya.

"Wow! Thank you Zandra!" nakangiting sabi nito.

Tipid lang syang tumango.

Tumingin sya kay Khallil.

"Ihahatid ko lang muna sya sa kwarto nya, " paalam nya.

Tumango ito at hinalikan sya nito bago sya pakawalan. Ngumiti sya dito at pagharap nya kay Athiela ay kitang kita nya ang pag irap nito ngunit hindi nya nalang pinansin.

Iniwan nila muna nila si Khallil at sabay silang umakyat sa itaas. Kapwa silang tahimik na pinagpasalamat nya. Mas mabuti na iyon dahil baka kapag bumuka ang bunganga nya ay kung anong masabi nyang masama dito.

Binuksan nya ang dating silid nya doon at nauna syang pumasok. Pumasok na rin si Athiela at nilibot ang buong silid. Nakita nyang lumapit at tinignan nito ang picture nilang tatlo nila Khallil noong nasa probinsya pa sila. Hindi nya pa rin pala nalilipat ang mga iyon.

"What a happy family... Ako dapat 'to..Ako dapat ang kasama ni Khallil ngayon..kami ng magiging pamilya sana namin kung hindi ka lang pumasok sa eksena at nang agaw ng pag aari na ng iba.." sabi nito habang hawak ang litrato nila.

Natahimik sya at napatungo.

"I-I'm sorry.." mahina ngunit sinsero nyang sabi.

Narinig nyang pagak itong tumawa.

"Sorry? Maibabalik pa ba nan ang pagsasamahan namin ni Khallil? Malandi ka. Alam mong ikakasal na yung tao ay nagsusumiksik ka pa rin! Tapos ngayon ay nasayo na ang sasabihin mo lang sorry?" Anito.

Nangilid ang luha nya at lalong natahimik. Tama nga naman ito, malandi sya. Una pa lang ay alam nya nang ikakasal ito pero nilandi nya pa rin at nagpabuntis pa. Sobrang kapal lang ng muka nya di ba?

Gustong gusto nyang humingi ng tawad dito ngunit pinangungunahan sya ng hiya at takot. Lumapit ito sakanya ngunit nanatili syang nakatungo.

"Hindi bat sinabihan na kitang lumayo kay Khallil? Mukang binalewala mo lang yon huh?" Sabi nito.

Hindi sya sumagot. Nagulat sya nang may kinuha ito sa bag at pahampas na binigay sakanya ang mga papel na naandon. Nag angat sya ng tingin at tumingin dito.

Kinuha nya ang mga papel at binasa.

"See those papers? Iyan ang magpapatunay na niloloko at pinaglalaruan ka lang ng mga Pangilinan. Read it. " ngising sabi nito.

Kunot noong binasa nya iyon at kinabahan. Record ito ng naospital ang kaniyang ina. Binasa nya iyon at nagulat nang makita ang pangalan ng ama ni Khallil, ito ang doctor ng kaniyang ina. Naalala nya ang unang pagkikita nila ni Mr Pangilinan, kaya pala pamilyar ang muka nito dahil ito pala ang umasekaso sa ina.

Pinagpatuloy nya ang pagbabasa. Sa isang pahina ang record ng naunang na ospital ang kanyang ina. Wala naman kakaiba doon kaya sya nagtaka. Napatingin sya sa nakangising Athiela na hinihintay lang syang matapos sa pagbabasa at kinumpas ang kamay na para bang sinasabi na magpatuloy sya.

Binalik nya ang mata sa binabasa. Inilipat nya ang pahina, ito na ang record ng pangalawang beses na naospital ang kaniyang ina. Kagaya ng unang sakit ng ina nya ay ganon rin ang nakalagay sa pangalawang pahina. Unting unting bumaba ang mata nya sa dahilan ng pagkakamatay ng ina nya at nangunot ang noo nya nang mabasa ito. Magkaiba. Magkaiba ang dahilan ng pagkamaty ng ina nya at ang tunay na sakit ng ina nya. Heart attack? Pero wala naman sakit sa puso ang nanay nya? Paano nangyari yon?

Nangilid ang luha nya sa naiisip. Hindi...Hindi magagawa iyon ni Mr Pangilinan. Nakasama nya ito, at mabuti itong tao. Mabuti syang pinakisamahan ng mga ito. Imposible.

"See? Niloloko ka lang nila? You want to know the true? Minadali ang operasyon ng nanay mo dahil inatake sa puso ang asawa nya..Ang nanay ni Khallil kaya in the end, the operation failed. So unproffesional. Maliligtas pa sana ang nanay mo kung hindi nagmadali si Tito e, sa kagustuhan mapuntahan ang pinakamamahal na asawa, nagawang pumatay ng inosenteng tao. Tsk tsk, " sabi nito.

Napatulala sya at unting unting tumulo ang kanyang luha. Hindi..Hindi totoo ito. Niloloko lang sya nito. Nililinlang lang sya nito para maiwan si Khallil. Kuyom ang kamaong hinarap nya ito at ibinigay ang papel.

Ngumiti sya ng peke.

"See this papers? This is full of bull." Pinilas nya iyon.

Umawang ang bibig ni Athiela dahil sa ginawa nya at nagulat. Pero agad ring ngumisi na pinagtaka nya.

"Ikaw din, bahala ka, magagamit mo pa naman yan kapag naisipan mong kasuhan sila, but oh! Patay na nga pala ang nanay mo kaya balewala lang sayo right? At hindi mo naman hahayaan malungkot si Khallil dahil makukulong ang ama nya dahil mahal na mahal mo sya di ba?" Pahayag nito habang nakangisi.

Tumalim ang titig nya dito at kumuyom ang kamao.

"Tapos ka na ba? Kasi ako tapos na sa mga kabaliwan mo. Ano ba talagang gusto mo para tigilan mo na ako?" Seryoso nyang tanong.

Pumalakpak ito at ngumisi bago sumeryoso.

"I want you to leave. Kasama ng anak mo. Malayo sa amin ni Khallil. And for your first question, No, I still not yet finish until you leave Khallil to me, " sabi nito.

Tinitigan nya ito sa mata.

"Ayon lang ba? Kapag ba nagawa ko na yan ay titigilan mo na kami ng anak ko?" Seyosong tanong nya.

Ngumiti ito ng pagkakalaki laki at tumango.

"Ofcourse! Wala na naman akong paki alam sainyo kapag nakasal na kami ni Khallil. " sabi nito.

Kasal. Nasasaktan sya sa sinabi nito. Nagseselos. Unti unti syang tumango kaya lumaki lalo ang ngiti nito.

"Give me a week and I will leave him. " pinal nyang sabi.

Tumango ito at niyakap sya ngunit hindi sya man lang gumalaw.

"Sure! You're nice naman pala. Basta ang usapan natin. I will give you a week to be with him at pagkatapos non ay iiwan mo na sya at magpapakalayo layo. Wag mong subukan sirain ang usapan natin Zandra, dahil iba ako magalit.."bulong nito.

Tumango lang sya at dare daretsong lumabas ng silid na iyon. Napasandal sya sa pader nang makalabas. Ang kanina nya pang pinipigilan na luha ay naglabasan na. Napahagulgol sa sa isang sulok doon kung saan hindi madaling makita ng dadaan.

Parang may dalawang taong nagtatalo sa isip nya. Ang isa ay sinasabi sakanya na wag maniwala sa mga ito dahil hindi ito magagawa ng ama ni Khallil ang isa naman ay sinasabi aakanyang maniwala sya dahil para ito sakanyang ina.

Biglang sumaglit sa isip nya ang muka ng ina. Lalo syang kinakain ng guilt habang inaalala ang masayang muka nito. Gusto nyang malaman kung ano ba talaga ang totoo. Pero paano? Paano kung tama si Athiela? Magagawa kaya nyang iwan si Khallil para sa katarungan ng pagkamatay ng ina nya? O mananatili sya sa tabi nito dahil mahal nya na ito at hindi nya kayang iwan.

Napaiyak sya at gulong gulo na. Ambilis ng panahon at oras. Para syang pinaparusahan, kinakarma na yata sya dahil kung kanina lang ay sayang saya sya dahil sa pag amin ni Khallil sakanya at ngayon ay bigla nyang malalaman ang ganoong bagay.

Nang makabawi sa pag iyak ay tumayo sya at pumasok sa kwarto ng anak. Nakita nyang nakahiga ito habang nanonood at nang makita sya ay ngumiti pero agad ring binalik ang paningin sa pinapanood. Lumapit sya dito at nahiga sa katabi nito. Niyakap nya ang bewang nito at binaon ang muka sa tuktok ng ulo nito.

Dahil nagpapaantok nalang ang kanyang anak ay tahimik silang nanonood. Tumingin sya sa pinapanood nito dahil narinig nyang tumatawa ito. Bigla syang nalungkot nang makita ang pinapanood nito. Isang pamilya iyon na nasa hapag at nagtatawanan.

Kung titignan ay parang kay dali lang gumawa ng pamilya pero ang totoo ay ang hirap hirap. Gustuhin man yang bigyan ng buong pamilya si Kharille ngunit ang hirap. Ang hirap hirap tumaya. Sobrang gulo pa ng isip nya ngayon at natatakot sya na kapag nagdesisyon sya ay masasaktan lang sya sa huli. At ang mas kinatatakot nya ay madamay pa ang anak nya.

"Mommy? Why are you crying?" Tanong ng anak nya.

Agad nyang pinunasan ang mga luha nya na hindi nya alam na naiyak na pala sya. Ngumiti sya ng pilit dito at hinalikan ito sa noo.

"Wala anak, naiiyak lang si mommy sa palabas, " sabi nya dito at ngumiti.

Sumimangot ito at nangunot ang noo.

"Bat po kayo nagcr-cry? Hindi naman po nakakaiyak yung palabas. Look po oh, nagtatawanan naman sila, " gulong sabi nito.

Natawa sya at napatingin sa tv. Tama nga naman ang anak nya. Masaya ang eksena pero naiyak sya.

" Tears of joy anak, tulog na tayo?" Sabi nya.

Bigla itong humikab pagkabanggit nya nito at tumango. Pinatay nya ang tv at tinapik ang kanyang anak. Ilang minuto nya ring tinatapik ito hanggang sa tuluyan na nga itong makatulog.

Hindi nya na rin namalayan na nakatulog sya sa tabi ng kanyang anak hanggang sa may bumuhat sa kanya at naramdaman nalang nya ay naka angat na sya. Napamulat sya ng mata at nakitang nasa may pintuan sila ng silid ni Khallil. Tumingin sya dito.

"B-Bakit mo pa ako binuhat?" Inaantok nyang sabi.

Inilapag sya nito sakanilang kama bago sya sinagot.

"I want to sleep with you, " sabi nito at inayos ang kumot sakanya.

Tumabi ito ng higa sakanya at nilagay ang ulo nya sa braso nito para gawing unan. Niyakap sya nito patagilid. Tinignan nya ito at nakitang nakapikit na rin ito habang akap sya. Nang mapansin ang mabibigat nitong hininga ay hinaplos nya ang muka nito.

" May alam ka bang hindi sinasabi sa akin? Mahal na mahal kita pero hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko.." bulong nya at pumatak ang luha sa mata.

Hinalikan nya ito sa labi at saka nya pinikit ang mata. Bago sya lamunin ng antok ay pinagdasal nya na sana lahat ng iyon ay hindi totoo. Sana...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top