26
#MIU26
DALA ANG isiping iyon--ang sinabi ni Athiela ay lumipas ang isang linggo na ayon lamang ang kanyang iniisip. Nag isip sya ng posibleng mga tinatago sakanya ng mga Pangilinan ngunit wala. Sa pagkaka alam nya ay hindi nya mga kilala ang mga ito at wala syang maalala na naka salamuha nya ang mga ito noon..o nakalimutan nya lamang? Hindi nya alam.
Pagkatapos ang komprontasyon sakanya ni Athiela ay tulala syang lumabas ng banyo. Ang kanilang lunch ay naging matiwasay, ibang iba sa inasta nito sakanya noong nasa banyo sila.
Mabait ito sa kanyang anak kapag kaharap si Khalil, kaya umusbong ang galit sa loob nya nang matawag ang anak na bastarda.
Sa tuwing bibisita naman sila ng kanyang anak sa ospital kung saan nagtratrabaho si Khalil ay magugulat na lamang sya na makikita doon si Athiela. Aminin man nya o hindi ay nagseselos sya tuwing maglala-lapit ito kay Khallil. Hindi nya alam, wala naman sila ngunit bakit ganito sya magselos?
Mahal nya na ba ito?
Siguro nga ay oo. Mahal nya na ito, dahil hindi, hindi nya rin mararamdaman ang ganitong selos.
Sabado ng umaga, hindi na talaga kaya ng utak nyang mag isip tungkol sa sinabi ni Athiela kaya naman kahit may mga dapat syang gawin ay naisip nyang pumunta sa kanyang Ate Rose. Namimiss nya na ito at ang kanyang Tita. Tinatawagan nya naman ang mga ito at paminsan minsan ay dinadalaw ngunit malimit.
Dalawa ang pakay nya sa pagpunta sakanyang ate at tiya. Gusto nya itong maka bonding kahit saglit at gusto nyang magtanong sa mga ito tungkol sa mga Pangilinan.
Minaneho nya ang kanyang sasakyan papunta sa bahay ng kanyang ate Rose. Nasa tabi nya si Kharille at hawak na naman ang camera nya. Hindi tuloy maiwasan sumagi sa isipan nya ang mga dating kaibigan, aminin nya man o sa hindi ay miss na miss nya na ang dalawa, parang nabawasan ang malaking parte ng buhay nya ng mawala ang dalawa.
Gusto nyang makita ang mga ito at kausapin ngunit wala syang lakas. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin sya sa mga ito.
Napabuntong hininga nalang sya.
Nang makarating sa bahay ng kanyang ate ay agad silang lumabas ng kanyang anak. May bitbit syang pamalit ng damit nila dahil plano nyang magbake. Hawak kamay silang naglakad papuntang pinto at kumatok. Bukas ang gate kaya pumasok nalang sila para na rin masopresa ang mga ito.
Napapailing nalang sya. Si ate talaga, hindi marunong mag sara ng gate.
Ngumiti sya sa anak bago kumatok ng isang beses.
"Mommy, Are we gonna surprise tita rose?" Mahinang bulong ng kanyang anak.
Ngumiti sya at tumango bago kumatok.
"Yes baby. Let's just wait here till she open the door okay? I'm sure she will be happy to see you, " nakangiting sagot nya dito.
Ngumiti ang kanyang anak at tumango. Kumatok sya ng tatlong beses at wala pa ring nagbubukas ng pinto, tuloy ay kinabahan sya at napatingin sa bukas na gate. May nangyari kaya?
Dahan dahan nyang binuksan ang pinto. Hindi ito naka lock kaya madali nya itong nabuksan. Mahigpit rin ang hawak nya sa anak na nakatakip ng sariling bibig.
Pinihit nya ang serandura pabukas at nagulat sa nasaksihan.
Santisima!
Agad nyang tinakpan ang mata ng kanyang anak, buti nalang at sa iba ito nakatingin dahil kung hindi ay mawawala na yata sya sa katinuan!
Sabay na napatingin ang dalawa sa kanila. Gulat ang muka ng dalawa. Hindi nakagalaw ang kanyang Ate Rose mula sa pagkakaupo sa kandungan ng lalaki, wala itong pang itaas at tanging bra lang ang suot. Ang palda nito ay nakataas na rin kaya parang wala na halos mismo itong suot.
Dali dali naman inayos ng lalaki ang suot ng kanyang ate na tulala pa rin. Nagsuot na rin ito ng sariling damit at humihingi ng tawad na tumingin sakanya. Sa itsura naman ng kanyang ate ay parang nakakita ng multo.
Awang ang bibig na tinuro nya ang dalawa. Miya miya ay natawa sya dahil sa reaksyon ng dalawa.
"You..." natatawang sabi nya.
Namula ang pisngi ng kanyang ate at sinamaan sya ng tingin. Nakita nyang pasimpleng hinampas at kinurot nito ang lalaki. Natawa sya sa mga ito.
Napatingin sya sa anak nang hawakan nito ang kanyang kamay na nakatakip sa mata nito at nagsalita.
"Mommy? Why are you covering my eyes?" tanong nito.
Pinigilan nya ang sariling tawa bago alisin ang kamay nya ito. Kumurap kurap pa ito bago naguguluhan tumingin sakanya at nilipat ang paningin sa kanyang kapatid.
"Tita! I miss you! " tumakbo ito papunta sa tulala nya pa rin kapatid at yumakap sa bewang nito. " Oh! Hi mister! Are you my tita boyfie? Ayie, " baling naman nito sa kalapit na lalaki ng ate nya.
Napatawa sya at napa iling.
"Ate, sagutin mo ang pamangkin mo, " natatawang aniya.
Sinamaan sya ng tingin ng kanyang kapatid at binalingan ang kanyang anak.
"Baby, wait nyo ko sa room ni mommy mo okay? Susunod si tita, I miss you so much!" Sabi nito at pinugpog ng halik ang kanyang anak.
"What's your name sir? I'm Zandra by the way, Ate Rose's sister, " nilahad nya ang kamay sa lalaki.
Tumango ito sakanya bago kunin ang nya.
"Guilbert Salcedo. Rose's boyfriend. Nice to meet you, " bahagya itong ngumiti.
Malaki syang ngumiti dito at nang aasar na bumaling sa kapatid. Inirapan lang sya nito kaya natawa sya. Nag paalam na sya sa mga ito bago dalhin ang anak sa kanyang dating kwarto. Isang beses pa syang sumulyap sa mga ito at nakitang tinulak tulak ito ng kanyang ate at pilit na pinapaalis. Natawa nalang sya. Mukang masaya naman ang kanyang ate at ang cute tignan ng dalawa.
Masaya sya dahil sa masaya ang kanyang ate.
"Mommy, that gwapo man kanina, is he tita's boyfriend?" Tanong nito at umastang kinikilig.
Sinundot nya ang tagiliran nito kaya napatawa ito.
"Ikaw ha, saan mo natututunan yan? And I don't know. Ask your tita later and tease her okay?" Ngising sabi nya.
Agad na tumango ang anak at nag apir sila. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng kwarto nya at pumasok doon ang ate nya.
Lumapit ito sakanila kaya kaya nang aasar na ngumisi sya. Nakita ng ate nya iyon kaya agad sya nitong inirapan. Lumapit naman ang anak nya dito at nagpalambing.
"Namiss ba ako ng maganda kong pamangkin?" Tanong ng kanyang ate.
Tumango tango naman ang anak nya at ngumiti.
"Yes tita. I miss you so much!" Bibong sagot ng kayang anak.
Saglit silang nagkwentuhan sa kwarto at nagkamustahan. Di bale, mimiya nya nalang ito aasarin.
"Anyway, let's bake? Have you eaten?" Tanong ng kanyang ate.
Tumango sya at sumangot.
"Kumain na kami ate, nagpunta talaga kami dito para magbake at syempre na miss ka namin. Nasaan nga pala si tiya?" Sabi nya.
"Ayon, nasa jowa nya na naman, hayaan nalang natin, masaya sya doon e, " tumawa ito at nagkibit balikat.
Napataas ang kilay nya. Mukang mabulaklak ang mga lovelife ng dalawa ah?
"Halika na kayo sa baba at magbake na? What do you want to bake Zelestine? Cookies?" Tumayo na ang mga ito kaya sumunod sya sa paglabas.
Masayang tumango ang kanyang anak.
"Yes tita! Cookies!!" Masayang sabi ng kanyang anak.
Nauna itong nanakbo patungo sa kusina kaya pabiro nyang sinundot ang bewang ng kapatid at mapang asar na tinignan.
"Bitin ba ate?" Natatawang tanong nya.
Namula ang pisngi nito at hinampas sya.
Natawa sya at nanakbo sa anak para makaiwas sa hampas ng ate nya. Kaya ang pagbebake nila ay nahaluan ng asaran at landian. Nakikisabay lang ang kanyang anak sa harutan nilang dalawa ng kapatid.
Natapos sila at agad na kinain ang ginawang cookies. Sinamahan nila iyon ng gatas at doon sinawsaw ang cookies na ginawa. Paborito nila iyong dalawa ng kapatid at nagustuhan rin ni Zelestine ang lasa non.
Pagkatapos nilang kumain ay napagod ang kanyang anak kaya binihisan nya muna ito at nilapag sa kama para makapagpahinga. Agad naman itong nakatulog kaya sabay silang lumabas ng kanyang ate at nagpunta sa sala.
Naupo sila at humarap sa isat isa.
"How are you Zandra?" Pangangamusta nito.
Ngumiti sya at tumango.
"Okay lang naman ate, masaya." Ngiting sagot nya.
Tumango ito at ngumiti sakanya.
"I see, "
"Ikaw ate? Kamusta lovelife? Ikaw ha, di nagkwekwento, " nakangising sabi nya.
Umiling ito at natawa.
"I'm fine. Wag na natin pag usapan ang lovelife ko. At alam ko ang iniisip mo, hindi ko boyfriend si Guilbert, ilisyunado lang talaga ang lalaking iyon, " umirap ito.
Natawa sya at natahimik sila sandali.
"Bakit nga pala napadalaw kayo dito?" Tanong nito.
Tumingin sya dito at bahagyang lumapit.
"Ang totoo nyan ate kaya ako nagpunta dito para magtanong," sabi nya.
Kumumot ang noo nito.
"Magtanong? Tungkol saan?" Tanong rin nito.
"May kilala ka bang Pangilinan ate?" Tanong nya.
Umiling ito.
"Wala. Oh! Di ba Pangilinan si Khallil?" Sagot nito.
Tumango sya.
"Oo ate. Kilala mo ba ang pamilya nya? 'Di ba naging kliyente natin sya? " naalala nya.
"Oo pero hindi mismo si Khallil ang nag book sa atin, kundi yung kaibigan nya. Bakit mo nga pala natanong iyan? Ayos ka lang ba sa poder ng lalaking iyon? May ginawa ba syang masama? Ano?" Sunod sunod na tanong nito.
Umiling sya dito.
"Hindi ate, Mabait iyon sa amin at inaalagaan kami. Naalala mo yung kinuwento ko sa'yo na ex-fiancee ni Khallil?" Tumango ito. " Dumating na sya at nagka usap kami. Sabi nya ay lumayo kami ng anak ko kay Khallil.." nagsusumbong ang boses nya sa pagkakasabi doon.
"Aba! Ang kapal naman ng muka nya para sabihin yon! Desisyon sya ah!" Pasinghal na sabi ng ate nya at nakinig uli.
"At sabi nya pati ay may itinatago daw sa akin ang mga Pangilinan kaya hanggat maaga pa daw ay lumayo na ako sa mga ito, " sabi nya.
Kumunot ang noo ng kanyang ate at hinawakan ang kamay nya.
"Nasabi mo na ba iyan kay Khallil?" Nag aalalang tanong nito.
Umiling sya.
"Hindi pa ate...at wala akong balak sabihin, " aniya.
Tumango ang ate nya at hinaplos ang likuran nya.
"Hayaan mo, magtatanong tanong ako sa mga kakilala ko tungkol sa mga Pangilinan. Basta lagi mong tatandaan nandito lang si ate huh?" Sabi nito.
Tumango sya at ngumiti dito. Niyakap nya ito ng mahigpit.
GABI NA nang magpaalam sila sa kanyang ate na uuwi na sila. Nag text na kasi si Khallil sa kanya kung naka uwi na daw ba sya. Gusto daw nitong sabay sabay silang kumain ng hapunan ngayon. Um-oo naman sya at sinabing pauwi na rin sila.
Kumaway sila kay Ate Rose bago nya pinaandar ang sasakyan pauwi. Tahimik lang ang anak nya dahil busog sa kaka kain sa cookies na natira nila, halos lahat yata ay ito ang umubos.
Nang makarating sa bahay nila ay napansin nya ang ibang sasakyan na nasa labas. Nang makita sya ni Manong Rey ay agad syang pinagbukasan nito at bumati. Bumati din sya pabalik at tuluyan nang pinasok ang sasakyan.
Bumaba sya at agad umikot papunta sa anak. Pinagbuksan nya ito at kapit kamay silang naglakad papasok ng bahay. Nang makapasok ay nakarinig sya ng ingay sa kusina kaya doon sila dumaretso sa pag aakalang naandon si Khallil. Hawak nya ang kamay ng anak na tinungo nila ang kusina.
Nakita nya doon si Khallil at Athiela na nag aayos ng mga platito at pinggan. Natigil ang dalawa sa ginagawa at napatingin sakanila. Agad na iniwan ni Khallil ang ginagawa at nakangiting lumapit sakanila. Naka suot na ito ng pambahay. Napatingin sya kay Athiela na nakasuot ng pulang at maikling dress.
"Hey, babe." Humalik ito sa pisngi nya. Tumingin sya saglit dito at bumaling uli kay Athiela na malaki ang ngisi sakanya.
"Hey sweetie. Are you hungry? Naghanda na ako ng dinner natin, let's eat?" Bati nito sa anak at bumaling sakanya.
Tahimik lang syang tumango at tumingin kay Athiela. Lumapit ito sa harapan nila at binati pa ang anak nya. Gusto nya tuloy itulak ito at itago ang anak sakanya pero pinigilan nya ang sarili.
Pagkatapos nitong bumati sa anak nya ay may ngisi itong humarap sakanya.
"Hi Zandra, good evening. Anyway, napadaan lang ako dito, nasiraan kasi yung sasakyan ko, sakto naman at nakita ko ang bahay na ito kaya humingi ako ng tulong and hindi ko alam na bahay pala ito ni Khallil! " kwento nito. Hindi sya nagsaita.
"Anyway, kakapalan ko na ang muka ko, Can I join for a dinner? I'm so hungry na kasi, and sira yung car ko. Please Zandra?" Sabi nito sakanya.
Mataman nya itong tinignan at napatingin kay Khallil na nagiintay rin ng sagot nya. Ayaw nya man maging bastos kaya tumango sya dito. Nagulat pa sya ng yakapin sya nito.
Naupo na silang lahat at nagsimula ng kumain. Kagaya ng pwesto sa restauran ay mag isa lang sa harapan nila si Athiela sa malaking dining table.
Nagsimulang mag usap ang dalawa at sya naman ay tahimik lamg at nakikinig. Pinaghahain nya ang anak kaya nakita iyon ni Khallil kaya habang nagsasalita ay pinaghahain rin sya.
Narinig nya na doktor rin pala si Athiela. Nagulat sya doon dahil hindi halata. Napapansin nya rin na kapag may pinapaabot itong pagkain kay Khallil ay malisosyo nitong hahawakan ang kamay nito. Patago nalang syang napapairap dito.
"Daddy nagbake po kami nila Mommy at tita!" singit ng anak nya sa usapan ng dalawa.
Kita nya ang pag irap ni Athiela sa kanyang anak. Napahawak tuloy sya sa sariling baso. Parang gusto nyang buhusan ng malamig na tubig ito sa muka. Irapan ba naman ang anak nya at sa mismong harapan pa nya!
Nakangiting bumaling si Khallil sa anak.
"Really baby? Masarap ba ang bake ni mommy? " nakangiting tanong nito at tumingin sakanya.
Tinaasan nya ito ng kilay dahil sa kakaiba nitong tingin.
"Yes daddy! The best! Dami ko nga pong na eat e! Sayang po ubos na" nakangusong sabi ng anak nya.
Natawa silang dalawa ni Khallil.
"It's okay baby, next time ako naman ang ipag be-bake ni mommy. Right mommy?" Tumingin ito sakanya.
"Really mommy? You'll bake for us again? Yehey!" Sabi ng kanyang anak bago pa sya makasagot.
Napatango nalang sya at ngumiti dito. Napatingin sya kay Athiela na masama na ang tingin sa sariling baso at nang makitang nakatingin sya ay inirapan sya nito. Nagulat sya doon ngunit hindi nalang pinansin. Baliw ba ang babaeng to? Bigla bigla nalang nang iirap hindi naman ina-ano.
"You also can bake Zandra? Me too! I remember, lagi kong pinagbebake si Khallil tuwing monthsarry namin, " singit ni Athiela.
Napatingin sya dito. Hindi sya sumagot at tinignan lang ito.
"Athiela.." seryosong sabi ni Khallil.
Tinaasan lang ito ng kilay ni Athiela at ngumisi.
"Why? Don't you miss it? We were happy together and then you...Sinayang mo ang lahat, " mahinang sabi nito pero rinig na rinig nila.
Napatingin tuloy sya sa anak na walang paki alam sa paligid at kumakain pa rin. Hindi nya tuloy maiwasan isipin na nakikinig ito sakanila o talagang gutom lang.
Sumeryoso ang muka ni Khallil at tumingin sakanya. Lumambot ang titig nito kaya nag iwas sya ng tingin. Pagkatapos noon ay tahimik silang natapos sa pagkain. Nagpaalam na rin na aalis na si Athiela. Wala naman pumigil dito at sinabi ni Khallil na ipapahatid nalang ito kay Manong pero tumanggi ito at sinabing iintayin nalang ang sundo.
Naghuhugas sya ngayon ng mga pinagkainan nila. Naisip nya ang sinabi ni Athiela, nilamon na naman sya ng guilty. Siguro nga, sya talaga ang nakasira sa relasyon ng dalawa.
Nawala ang iniisip nya nang pumasok sa kusina si Khallil. Hindi nya ito kinibo at nagpatuloy sa paghuhugas. Nagulat sya nang tumulong ito sa paghuhugas. Hinayaan nya nalang ito at hindi pinansin. Natapos sila nang walang imikan.
Nagpupunas sya nang kamay nang yakapin sya nito patalikod at inilagay ang ulo sa leeg nya at doon sumiksik. Nanatili syang tahimik.
"I miss you..." malambing na anito.
Hindi pa rin sya nagsasalita.
"Do we have a problem?" Tanong nito.
Hindi pa rin sya sumagot. Nagulat sya nang paharapin sya nito tuloy ay muntik na syang mapatili at napakapit sa balikat nito na agad nyang tinanggal. Sinamaan nya ito ng tingin.
"Come on babe, pansinin mo ako, i miss you, " sabi nito.
"Bakit ba?" malamig na tanong nya.
Siguro ay naramdaman nito ang panlalamig nya kaya mas lalong humigpit ang hawak nito sa bewang nya at malambot syang tinignan.
"Do we have problem? May nagawa ba ako? " nag aalalang tanong nito.
Umiling sya. " May dapat ba tayo ika-problema Khallil?"
"Oh, you're mad. Are you jealous?" tanong nito.
Napamaang sya at tinulak ito ngunit hindi man lang ito gumalaw.
Kinunot nya ang mata nya at patago itong inirapan.
Lalong kumunot ang noo nya nang nakita nya itong ngumisi.
May nakakatawa ba?
" Bakit naman ako magseselos? At saan? Meron ba dapat," sunod sunod na tanong nya.
Ngumisi lang ito at pinalibot ang braso sa bewang nya.
"Okay, forgive me for making you jealous, " seryosong anito.
Tinulak nya ito at masamang tinignan.
"Hindi nga ako nagseselos! " galit na aniya.
"Okay, you're not jealous. I'm sorry. Bati na tayo hmm? I miss you" sabi nito sakanya.
Sinamaan nya ito ng tingin.
"Parang sayang saya ka ah? Ah, oo nga pala, Bumalik na. " matabang na aniya.
Lumuwag ang kapit nito sakanya na kinakurot ng dibdib nya. Seryoso sya nitong iniharap. Tinitigan nya ito sa mata.
"What are you talking about? I'm happy because you're jealous not because of Athiela. Listen baby, Athiela is nothing okay? She's just part of my past and she will stay that one. Don't be jealous of her. I like you, no, I love you. I love you Zandra, so please, Don't overthink okay baby?" Seryosong anito.
Hindi nya alam ngunit pinangilidan sya ng luha sa sinabi nito. Mahal sya nito. At ganon rin sya. Masaya sya dahil doon pero bakit may parte sakanya na natatakot sya?
Hindi nya nalamayan na may isang butil na pala na tumutulo sa pisngi nya, agad naman itong pinunasan ni Khallil at hinalikan sya sa noo. Yumakap ito sa kanya at paulit ulit na hinahalikan ang buhok nya. Yumakap rin sya pabalik dito at siniksik ang muka sa dibdib nito.
"I love you..." bulong nito.
Napangiti sya at tumingala dito.
"I love you too..." ngiting ganti nyang sagot.
Ngumiti ito sakanyan bago halikan ang noo nya at niyakap uli. Isang mahabang yakap ay naging kampante sya. Parang nawala ang isipin nya at stress sa trabaho. Hindi kaya nag ooverthink lang sya? Posibleng nagsisinungaling lang si Athiela para tuluyan nya nang iwanan si Khallil diba?
****
Unedited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top