25

#MIU25

MASAMANG tingin ang binaling nya dito pagkalabas nya ng banyo. Saglit syang naligo pagkatapos nila. Sinuot nya ang huling butones at masama pa rin ang tingun nya dito.

Ngingisi ngisi lang naman ito na parang walang paki alam sa tingin nya. Mukang natutuwa pa ito na makita sya na ganon.

Humarap sya sa salamin at sinuklay ang buhok. Hindi nya ito pinansin kaya naman tumayo si Khalil sa pagkaka upo sa kama habang ang polong puti nito ay hindi pa naka ayos. Lumapit ito sakanya at kinagulat nya nang yakapin sya nito sa likod.

"Told you, wag na sabi tayong pumasok.." nakangising anito habang tinitignan sya sa repleksyon ng salamin.

Sinamaan nya ito ng tingin ngunit lalo lang itong ngumisi.

"Ka-a-absent ko lang Khalil...At mali naman na matagal akong lumiban  sa trabaho, hindi patas sa iba kong katrabaho,  " aniya at itinigil ang pagsusuklay.

Humigpit ang yakap nito sa bewang nya at sinubsob ang muka sa balikat nya.

"Fuck..Why do my name sound so hot everytime you say it? " sabi nito habang nakasubsob sakanya.

Mahina nya itong pinalo at natawa.

"Sa dami ng sinabi ko ayon lang ang napansin mo?" Natatawang aniya.

Tumingala ito at nakakalokong tumingin sakanya.

"Yes...Kaya wag na tayong pumasok. We'll just stay here and cuddle.." sabi nito at pinatakan ng halik ang leeg nya.

Mahina nya itong tinulak at namula kaagad. Natawa sya sa reaksyon nito.

"Baliw ka." Natatawang aniya. Lumapit sya dito at inayos ang gusot at natitirang butones. Napangiti  sya. "It's late, mauna ka nang kumain sa baba, aasikasuhin ko muna ang anak natin, " aniya at nang matapos sa pag aayos ay tumingala dito.

"You're not going to eat with me?" sabi nito na kinatawa nya.

Mahina nyang pinagpagan ang dibdib nito.

"Mauna ka na. Sabay naman tayong tatlo mimiya pag lunch, " nakangiting aniya.

Lumiwanag ang busangot nitong muka.

"Really?" tumango sya. "Okay, I'll wait for you two. Mag ha-half day na rin ako, " parang bali walang anito.

Hinampas nya nang mahina ang dibdib nito. Umungot ito na wariy nasaktan sa hampas nya.

"Sira ka. Ka a-absent mo palang mag ha-half day ka na agad?" nakangiwing aniya.

Ngumisi ito.

"Why not? I want to spend more time with you, " anito.

"Di ka pa ba nakuntento sa bakasyon natin?" natatawang aniya.

Nakangising umiling ito.

"No,"

Wala sa sariling umiling sya at napangiti. He's so adorable. Simula nang ligawan sya nito ay lagi nalang itong ganito. He's sweet and lovely towards her. Gustuhin man yang makasama rin ito nang mas matagal ay may trabaho syang dapat gampanan.

Pagkatapos ng mahabang diskusyunan nila ay napilit nya na rin itong pumasok. Napag usapan nilang manananghalian sa opisina nito. Sa una ay gusto pa nitong sa labas kumain pero mapilit sya na sa opisina nalang dahil masasayang ang niluto nya. Kaagad naman itong pumayag nang sabihin nya iyon.

Nauna na rin itong pumasok dahil sobrang late na nito sa trabaho. Sya naman ay nag asikaso sa kanyang anak. Pinag dala nya iti ng extra'ng damit na pamalit nito. Sinuotan nya muna ito ng simpleng damit dahil mimiya pa naman ito mag yuyuniporme dahil pang hapon pa ito.

"Finish your food na baby, malelate tayo," nakangiting sabi nya.

Tumango ito at sinubo ang natitirang pagkain at uminom.

"Mommy I miss my classmates! I'm excited to meet them na!" Nakangiting anito.

Tumango sya at nakangiting pinunasan ang basa nito sa gilid ng labi.

"I'm sure they miss you too," nakangiting aniya.

"Really my? " tumango sya ay ngumiti.

Nang matapos ito sa pagkain ay nagmadali syang mag imis at inisikaso ang anak. Hindi nya ni lock ang bahay dahil may nagbabantay naman at may pupunta dito para maglinis. Bitbit ang gamit na dadalhin sa eskwelahan ay sumakay sila sa sariling sasakyan nya. Pinagbuksan sya ni Mang Relly ng gate para makalabas.

Tumigil sya para magpasalamat dito.

"Good morning Mang Relly, nag almusal na ho ba kayo? Kung hindi pa po ay may almusal sa loob, kumain nalang po kayo" ngiting aniya.

Ngumiti ito at tumango.

"Ay salamat ma'am, tapos na po akong mag almusal. " ngumiti ito.

Tumango sya.

"Sige Kuya, maunan na ho kami, late na e," ngiting aniya.

Tumango ito at nakangiting kumaway sakanila. Kinawayan rin ito ng anak nya. Nagpaalam ulit sila bago nya pina usad ang sasakyan paalis. Buti nalang walang gaanong sasakyan dahil agad silang nakarating sa paaralan.

Binati nya ang ka-close nyang gwardiya doon---si Nestor. Bumati rin ito pabalik at tipid na ngumiti. Hindi nya alam ngunit ramdam nya ang pag iwas nito simula nang malaman na may anak na sya. Hindi nya nga alam kung kanino nito nalaman dahil hindi nya pa pormal na ipinapa alam sa lahat na may anak na sya.

Naka hawak kamay sila ng kanyang anak na dumaretso sa silid na tunuturuan nya. Naroon na halos lahat ng pumasok sya. Binati nya ang mga magulang sa labas na nag iintay. Nang pumasok sya sa loob ay nagtakbuhan papalapit sakanya ang mga istudyante nya at niyakap sya.

May humaplos sakanyang puso at napangiti. Isa isa nyang niyakap ang mga ito. Napatingin sya sa kanyang anak na tahimik lang na naka upo sa kalapit ng table nya kaya nginitian nya ito.

"Sit down na, class, " sabi nya.

Sumunod naman ito sakanya at nagsi upuan na sa kanya kanyang silya. Nakangiting humarap sya sa mga ito.

"Kamusta? Na-miss nyo ba si teacher Zandra?" nakangiting aniya.

Nakangiting nagtanguan naman ito at sabay sabay na sumigaw ng "oo" Napangiti sya doon at nagsimula nang magturo. Isa ang mga ito sa dahilan kung bakit nya gustong magturo sa mga bata. Gusto nya ng ganitong pakiramdam. Ewan nya ba pero sayang saya sya kapag nakakapagturo sya at may natututunan ang mga bata. Para sakanya isang achievement na sakanya kapag may natutunan ang mga ito mula sakanya.

Dumaan ang uwian ng mga bata at lunch na rin nya. It's already 10 am. Maaga pa kaya, inayos nya muna ang gagamitin mimiya sa pagtuturo at binihisan ang anak.

Bitbit ang dala nyang pagkain kaninang umaga ay sumakay sila ng kotse papunta sa ospital kung saan nagtratrabaho si Kharill. Napatingin sya sa anak, kagigising lang nito dahil natulog ito kanina habang nagtuturo sya.

"Baby, do you want something? Ice cream?" Tanong nya.

Umiling ito at ngumiti.

"Pupunta tayo sa work ni daddy, dun tayo mag eeat ng lunch, are you sure wala kang gustong ipabili?" Tanong nya ulit.

Umiling ito.

"I'm fine my, busog pa naman po ako, " magalang nitong sagot.

Napangiti sya at hinaplos ang buhok nito.

Nang makarating sa ospital ay pinagbuksan nya ang anak. Suot nya pa rin ang yuniporme nya samantalang ang anak nya naman ay ang yuniporme nito. Hawak kamay silang pumasok. Sa isnag kamay nya ang pagkain nila at sa kabila naman ang kamay ni Kharille.

Nakangiting bumati sya sa nurse na naandon at nagtanong. Maraming bumati sakanya na nakilala sya. Ngumiti rin sya at bumati pabalik.

"Hi, may i know where is Doc Pangilinan?" tanong nya.

Nagtanong ito sa kalapit at tumingin muna sakanya bago sa anak nya. Kita ang gulat sa muka ng mga ito ng mapatingin kay Kharille at agad na bumaling sakanya.

"He's in the office ma'am, kayo po ba ang inaasahan nya? Are you his wife po?" kita pa rin ang gulat at ilang sa tanong nito

Hindi sya agad nakabawi sa sinabi nito. H-His wife? Ako ba yon? Nagtataka man ay pilit syang ngumiti dito at tumango.

"Y-Yes. " tipid nyang sagot.

Alinganin naman tumango ito at tumingin sa anak nya na amaze pa rin ang muka habang ginagala ang paningin sa paligid.

"Baby, lets go to your dad?" nakangiting tanong nya.

Bumaling ito sakanya at tumango tango.

"Let's go! Let's go to daddy! I'm so excited to see his office mommy! Is there a patient to his office?" Bibong sabi nito.

Natatawang umiling sya.

"Wala baby, bawal ang patient do'n" sagot nya.

Nagpout ito kaya hinila nya na ito papalapit sakanya at hinawakan ng mahjgpit ang kamay nito. Mahirap na baka makabitaw ito. Masyado pa naman malawak ang ospital at sobrang daming labas masok.

Humarao sya sa dalawang nurse na naandon at nagpaalam. Timid naman na ngumiti rin ang mga ito at parang hindi pa rin makapaniwala na may asawa na nga ang doktor nila kahit ang totoo ay wala naman talaga. Hindi nya nga alam kung bakit ganon ang sinabi ni Kharille sa mga ito pwede naman girlfried lamg.

Napa iling sya sa naiisip at mahinang napatawa.

Sumakay sila sa elevator papunta sa opisina nito. Hindi gaya ng una nyang pagpunta ay wala silang naging kasabay kaya solo nila ang elevator. Nang tumigil ito sa tamang palapag ay pareho silang nakangiti ng kanyang anak habang tinatahak ang opisina nito.

"Mommy, I really want to be a doctor like dad but sometimes I want to sleep a whole day" napatingin sya dito nang magsalit ito.

Napatawa sya at hinarap ito.

"Ganoon ba anak? Hayaan mo, bata ka pa naman kaya wag mo munang isipin ang pahdodoktor, " natatawang aniya.

Natigil sila nang nasa pinto na sila ng opisina ni Khallil. Kakatok na sana sya nang mabuksan na ito ng anak nya. Pipigilan na sana nya ito ngunit agad na nahigit na ang kamay nya. Natawa nalang sya. Wala naman masama di ba?

Natatawang sumunod sya sa anak.

"Tita Athiela!" Masayang sigaw ng anak nya kaya nag angat sya ng tingin.

Natulos sya ng tayo sa nakita. Isang babaeng hindi katangkaran at maputi ang kutis, halatang mayaman. Hula nya ay kararating lang nito ng bansa dahil nakapanlamig itong damit. Sopistikada ang dating nito. Napatingin sya sa sarili, bigla syang nanliit sa suot na yuniporme at medyo hindi sya nakapag ayos. Nawala ang pag iisip nya nang may isang kamay ang sumakop sa bewang nya. Napatingin sya dito at nakita ang nakataas na kilay ni Khalil na para bang binabasa kung ano ang nasa isip nya.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong nito.

Linunok nya ang bukol sakanyang lalamunan bago magsalita. Pilit nya itong nginitian.

"Y-Yeah, kain tayo?" Wala sa sariling sagot nya.

Natawa naman ito at mas lalong linapit ang sarili. Nahihiyang napatingin sya sa harapan nang maramdaman na may ibang nakatingin sakanila. At hindi nga sya nagkamali. Si Athiela ang nakakamatay nitong tingin sakanya.

Eto na ba ang dating mapapangasawa dapat ni Khallil? Hindi mapigilan tanong nya sa sarili.

Tumikim sya at tumingin kay Khallil.

"M-May bisita ka pa pala...Sa labas muna kami?" sabi nya at napatingin sa anak na binubuksan ang isang paper bag.

"Uh no, dito lang kayo. Anyway, this is Athiela, an old family friends, and Athiela this is Zandra, Zelestine's mother.." pakilala nito sakanya.

Hindi nya alam ngunit parang may kumurot sa puso nya nang sabihin nito iyon. Siguro ay masyado lang syang nag assume na ipakilala bilang girlfriend nito? Sino nga ba naman sya diba? Nanay lang naman sya ng anak nito...

Pilit syang nagbigay ng ngiti dito at naglahat ng kamay. Ganoon rin naman ito.

"So youre Zelestine's mother huh? I'm Athiela...Ex fiancee of Khallil.." ngumiti ito.

Napakurap sya at napatitig dito.

"Athiela.." marahang bangit ni Khallil.

Lalo syang nasaktan.

"Why? Nagpapakilala lang naman ako, Wala naman masama doon right, Zandra?" nakangiting humarap ito sakanya.

Napatango sya ng wala sa sarili.

"See? You're too paranoid Khallil. Chill. " natatawang anito.

"Mommy, hindi pa ba tayo kakain? I'm hungry na po.."

Sabay sabay silang napatingin at naputol ang usapan nila nang magsalita ang anak nya. May bitbit na ito ngayon na manikang may suot na pang doktor.

Magsasalita na dapat sya nang maunahan sya ni Athiela. Napipilan sya at nanahimik na lamang. Bigla syang nakaramdaman ng guilt. Napaisip sya, kung hindi sana sya dumating sa buhay ni Khalil edi sana masaya na ang dalawa? Nasasaktan sya sa naiisip kasabay ng guilt na nararamdaman.

"You hungry baby? Should We eat to our favorite resto?" nakapantay ang muka nito sa muka ng anak nya. Nakangiti itong nagtanong.

Masayang tumango tango ang anak nya.

"Yes please tita! And thank you for your pasalubong, its so pretty just like me!" Nakangiting sabi ng anak nya.

Ngumiti naman ito at hinalikan sa pisngi ang anak nya. Hindi sya naging komportable doon at parang gusto nyang isigaw na 'Anak ko yan!' Pero agad nyang pinigilan ang sarili at napatingin sa dala nya. Napahigpit ang kapit nya doon.

"As you wish baby, let's go?" Napatingin ito sakanila.

May disgusto sa muka nito nang bumaling ang paningin nito sakanya. Napa iwas nalang sya ng tingin sa kahihiyan para sa sarili.

"No, We can't join you for lunch, Zandra brought food so...Next time maybe.." sabi ni Khalil kaya napatingin sa dito.

"Come on Khallil, kauuwi ko lang, kahit ngayon lang please? Please Zandra?" Tumingin ito sakanya at ngumiti.

Pilit syang ngumiti at tumango. Tumingin sya kay Khallil at tumango dito.

"O-Okay lang.. Next time nalang tayo kumain dito.." aniya at ngumiti.

Pinagmasdan lang sya nito na para bang binabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nya. Tinaasan nya ito ng kilay ay binika ang bibig para sabihin na 'okay lang'

"See? Payag naman si Zandra, kaya let's go? I'm hungry na rin kase, dito na ako una dumaretso pagkababa ko ng plane e," sabi nito.

"Let's go na daddy! Mommy!" sabi ng kanyang anak at lumapit sakanya at humawak sa kamay nya.

Napangiti sya at tumango dito. Tumingin sya kay Khalil at tumango.

"Let's go? May bukas pa naman. Pwede pa tayong kumain dito" aniya.

Tumango ito at parang hindi pa rin payag. Napatingin sya kay Athiela na mataman na nakatingin sakanila at hindi nya maiwasan pansinin ang iba nitong tingin habang nakatingin sakanila. Nababasa nya doon ang ingit? Selos? Lungkot? Hindi nya alam. Pero kung ano man yon, gusto nyang humingi ng tawad dito, dahil kung hindi dahil sakanya eto na dapat ang nasa kinatatayuan nya ngayon.

Nabago ang reaksyon nito at napalitan ng ngiti bago tumingin sakanila.

"Tara na? Hindi na ako sasabay sainyo dahil may dala naman akong sasakyan, I'll just go first?" Nakangiting anito.

Tumango si Khallil.

"Okay then..." tipid na sagot nito.

Sabay sabay silang lumabas ng ospital. Nung una ay pinagtitinginan sila at ang ilan mga nagtratrabaho doon ay bumabati kay Khallil at nagtatakang magtanong kung sino sila. Tipid lang tumango si Khalil at tatawa.

Nasa unahan nila si Athiela at silang tatlo naman ay nasa likuran nito. Hawak ni Khallil ang kamay nya at hawak naman nya ang kamay ni Zelestine. Iniwan nya sa opisina ang dala nyang pagkain at dinala na lamang ang bag nya.

Nang makarating sa parking lot ay nasunod ang napagkasunduan. Gamit nila ang sasakyan nya dahil ayon nalang daw sabi ni Khallil para hindi na sya maabala mimiya kapag uuwi na sa trabaho.

Tahimik lang nilang tinahak ang daan habang sinusundan ang sasakyan ni Athiela. Wala rin syang imik kaya nagulat sya nang hawakan ni Khalil ang kamay nya. Napatingin sya sa anak nyang nilalaro ang bago nitong laruan.

"B-Bakit?" Utal nyang tanong.

Lumamlam ang titig nito sakanya.

"Are you okay? Are we okay?" Tanong nito.

Nagulat sya doon at agad hindi nakasagot.

Tumikim sya.

"O-Oo naman...bakit hindi tayo magiging okay?" Sabi nya at sinamahan iyon ng tawa.

"Kanina ka pa tahimik.." sabi pa nito.

Pilit syang tumawa at hinampas ng mahina ang braso nito.

"Ano ka ba, nagugutom lang ako kaya ako tahimik.." aniya.

Tumango naman ito at ngumiti.

"Is that so? Dapat kasi doon na tayo sa opisina kumain, sayang namana ng niluto mo.." sabi nito.

Ngumiti sya para sabihing okay lang. Hinawakan nya ang kamay nito at pinisil. Narating nila ang sinasabing resto ni Athiela nang tumigil ang sasakyan nito. Naunang bumaba si Khallil para pagbuksan sila ng pinto. Nakita nyang bumaba na rin ng sasakyan si Athiela. 

Lumapit sila dito.

Napansin nya na may iba sa mata nito. Namumula.

Nang mapansin nitong nakatingin sya ay napatingin ito sakanya at tumingin ng masama, miya miya ay ngumisi.

Nagulat sya doon at agad ring binalewala.

Pumasok sila sa nasabing resto at humanap ng mauupuan. Nang makahanap ay naupo sila sa tapat ni Athiela. Nakangiti pa rin ang muka nito at ngunit kapansin pansin ang hilam nitong titig sakanila.

Bigla syang nakaramdaman ng awkwardness.

"So how's life Khalil? It's been a long time.." ngumiti ito ng kakaiba kay Khallil.

Hindi nya alam pero nagseselos sya. Sa ngiti nito ay alam na alam nyang gusto nitong makipagbalikan sa dating kasintahan. Nasasaktan sya sa naiisip. Paano nalang sya kapag nakapagbalikan nga ito?

Napatungo sya nang sumagot si Khallil.

"Its good so far.. How about you?" Nakita nya sa ngiti ni Khallil na komportable ito sa kausap.

Nakinig lang sya habang nilalaro ang daliri sa table. Naramdaman nya ang kamay ni Khalil na pumalibot sa bewang nya kaya napatingin sya dito. Nasa harap pa rin ang mata nito ngunit ang kamay ay pumipisil pisil sa bewang nya. Hindi nya tuloy maiwasan isipin ang nararamdaman ni Athiela habang nakatingin sakanila.

"I-I'm okay..still fighthing with depression..but I'm okay now.." ngumiti ito.

Depression?

Nanlamig sya sa naiisip. Kinakain ng guilt ang katawan nya.

"That's good. You're improving. I hope you will finally fine soon.." nakangiting sabi ni Khalil dito.

Ngumiti lang ang dalaga at nang dumating na ang pagkain ay tahimik lang syang sumasabay sa tatlo. Hindi rin naman kasi nagtangkang kausapin sya ni Athiela. Nakaramdaman sya na hindi sya gusto nito. Well, sino nga bang makikipag kaibigan pa sa taong sumira ng relasyon nila diba?

Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay tumayo sya dahil nakaramdaman sya ng tawag ng kalikasan. Naiihi na sya. Napatingin ang dalawang nag uusap sakaniya.

"Where are you going?" tanong ni Khallil.

Tumingin muna sya kay Athiela na umirap bago bumaling kay Khallil at tumikim.

"Uhm..Sa banyo lang, " aniya.

Tumango ito bago bitawan sya. Tumungo sya bago umalis. Pumunta sya sa banyo at agad na umihi. Nang matapos ay lumapas na sya ng cubicle at pumunta sa salamin at nagulat kung sino ang naandon. Si Athiela.

Tumikhim muna sya bago kinuha ang lipstick at nagpahid sa labi. Naramdaman nya ang tingin ni Athiela sakanya. Hindi nya alam ngunit kinabahan sya.

"So, Zandra huh? " ngumisi ito.

Nanatili syang tahimik.

Nagsalita ulit ito.

"Ikaw pala ang ina ng batang yon? Nakakatawa, sa isa pang pokpok nagkaron ng anak si Khallil, hindi na ako magtataka kung saan magmamana si Zelestine.." tumawa ito.

Humigpit ang kapit nya sa lipstick at marahang binaba iyon.

Hinarap nya iyon.

"Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo, pero wag na wag mong idadamay ang anak ko!" Galit na aniya.

Ngumisi pa ito dahil sa nakitang reaksyon nya.

"O bakit? Totoo naman di ba? Pokpok ka. Bayaran. Katulad ng nanay mo. Paano kaya kapag nalaman sa school na pinapasukan mo na pokpok ka? " ngumisi lalo ito.

Kuyom ang kamao nya at pigil na pigil na samplain ito matapos mabanggit ang nanay nya. Oo alam nyang naging bayaran sya, pero hindi sya pokpok! At oo pokpok ang nanay nya pero patay na yon! Igalang nya naman kahit papaano!

"Anong kailangan mo sakin?" galit na tanong nya.

Ngumisi ito at marahang lumapit sakanya.

"Smart girl. I like you, straght to the point." Tinapik tapik pa nito ang ulo nya na mabilis nyang hinawi at sinamaan ito ng tingin. " Well, gusto ko lang naman na lumayo kayo ng bastarda mong anak sa fiance ko. Oh, wait? Magagawa mo pa bang lumapit sa mga Pangilinan kapag nalaman mo ang tinatago nila mula sayo? I bet not. Isa itong babala at inuutusan kita, kaya habang maaga pa ay lumayo ka na, " ngumisi ito at tinapik ang balikat nya bago nakangising umalis.

Sya naman ay naiwang nakatayo doon at natulala. Sa dami ng sinabi nito ay isang tanong lang ang nasa isipan nya.

Anong tinatago ng mga Pangilinan sa akin? May dapat ba akong malaman?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top