23

#MIU23

MATAPOS NILANG mag-usap ay nanatili pa sila doon ng ilang minuto hanggang makaramdam sila ng antok. Kapwa tahimik at nakamasid lang sa tanawin. Binigyan s'ya nito ng katahimikan at oras para umiyak. Nanatili lang ito sa tabi nya at pahaplos haplos ng buhok nya. Para tuloy syang hine-hele kapag ginagawa nito iyon.

Magkatabi rin silang natulog sa kama, sya ay nakatalikod dito habang ito naman ay nakayapos sa likod nya. Ang kamay nito ay nakapalibot sa buong bewang nya na para bang ano mang oras ay aalis sya. Napangiti sya at pinikit na ang mata. Magaan na ang pakiramdam nya at sumisibol ang saya sa dibdib nya. She felt at peace when she's with him.

Nakatulog sya ng maayos at nagising na maliwanag na sa labas. Tirik na tirik na rin ang araw. Nagtataka sya sa pagbabago ng katawan. Kung dati ay kahit pagod sa trabaho ay maaga pa rin syang nagigising, ngunit ngayon ay wala naman syang ginawa ay parang pagod na pagod ang katawan nya.

Napangiti sya sa magaan na pakiramdam. Napatingin sya sa katabi at wala na ito roon. Napa iling nalang sya at tumayo na. Napaka gaan ng pakiramdaman nya ngayon. Tumalon talon pa sya at malaking binuksan ang kurtina sa bintana. Dumaretso sya sa banyo pagkatapos nyang ginawa iyon. Naghanda muna sya ng damit na naroon. Isang bistida na para talaga sakanya. Naligo na sya ng mabilisan at hinayaan lang na nakalugay ang buhok. Medyo basa pa kasi iyon. Kinuha nya ang dalang bag kahapon na nandito lang pala. Nakita nya ang bitbit nyang lip and cheek tint at naglagay ng kaonti sa labi't pisngi. Dinala nya talaga ito para hindi sya magmukang namumutla. Nang makita na maayos na ang sarili ay lumabas na sya ng silid.

Tahimik ang bahay. Bumaba na sya at hinanap si Khalil. Nang makita ito sa kusina ay agad nya itong pinuntahan. Napangiti sya habang pinagmamasdan ang lantad na likod nito. Sexy. Napa iling nalang sya sa naiisip na kapilyahan. Lumakad sya papunta doon at sakto naman na humarap ito sakanya. At kung maganda ang likod nito ay mas maganda naman sa harap.

"Good morning.."

Napalunok sya. Tenga nya ata ang may problema dahil nasexy-han sya sa pagkakasabi nito.

"M-Morning.." nauutal na aniya.

Nilapag na nito ang niluto at sinenyasan syang maupo. Agad naman kumulo ang tiyan nya nang makita ang niluto nito. Sinangag, itlog, hotdog. Naupo na rin ito sa tabi nya at eto mismo ang nagsandok ng kanin nya.

"Let's eat.." sabi nito pagkatapos syang sandukan.

Tumango sya at nagsimulang kumain na. Masarap ang pagkakaluto ng sinangag nito at ang ulam naman ay may sunog sa gilid. Hindi nalang sya nagsalita dahil masarap naman.

"Uuwi na ba tayo pagkatapos nito?" tanong nya sa kalagitnaan ng pagkain.

Tumingin ito sakanya at tumango.

"Yes. We'll go after this. Susunduin natin si Zelestine at mamasyal." Sabi nito.

Napatango sya.

"Saan?" tanong nya.

"Its a suprise," ngising sabi nito.

Napataas nalang sya ng kilay. Ano na naman kayang binabalak ng isang to. Natapos silang kumain at busog na naman sya. Nahiya tuloy sya nang makitang may kaonting umbok sa tiyan nya. Sya ang naghugas ng mga pinagkainan nila. Nakipagtalo pa sya dito ngunit sa huli ay bumigay rin ito. Sila lang dalawa ang tao rito dahil umalis na daw sila Manang at mimiya pa ang balik ng magbabantay ng bahay.

Saglit lang syang natapos sa paghuhugas at hinintay si Khalil sa sala. Hindi rin naman sya nagtagal sa paghihintay dahil agad itong natapos sa pag aayos. Bumaba ito suot ang stripe polo shirt at nakapantalon. Para tuloy hindi ito isang doktor kapag nagbibihis ito ng ganito. Mas hot kasi ito kapag naka yuniporme.

Tumayo na sya, handa na sa pag alis.

"Let's go?" Aniya.

Tumungo ito papalapit sakanya at nabigla sa ginawa nito. Nilagay nito ang isang kamay sa bewang nya at inakay palabas. Hindi agad sya nakagalaw dahil sa pagkabigla. Ngumisi lang ito na kinapula ng pisngi nya. Bwisit.

Nagtungo na sila sa sasakyan at inalalayan sya nito pasakay ng kotse. Ito rin mismo ang nagkabit ng seatbelt nya. Medyo nailang sya sa inaasta nito. Sumobra naman ata ang kasweet-an nito ngayon. May kilig na namutawi sa malandi nyang puso. Kinikilig sya sa lahat ng gagawin nito sakanya.

Naalala nya ang napag usapan kagabi. At kagabi rin ay napag desisyonan nya na pagbibigyan nya ng kaligayahan ang puso. May takot at pangamba ngunit susubukan nya. Hindi naman masama sumugal at magmahal. Kung masasaktan man sya edi masasaktan, atlease nagtry syang sumubok na magmahal.

Tahimik sila sa sasakyan hanggang maka uwi. Bumaba ito at bababa na dapat sya ngunit naunahan sya nito sa pag bukas ng pinto.

"Thank you," hingi nya ng pasasalamat.

Tipid itong ngumiti.

"Anything. I'm courting you remember?" naka ngising sabi nito.

Pinamulahan sya at napatigil. Nangunot ang noo.

"Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" takang tanong nya.

"Shit sabi ko na nga ba," rinig nyang bulong nito.

Lalong nangunot ang noo nya.

"Minumura mo ba ako?" inis na tanong nya.

Agad itong umiling.

"No, ofcourse not." agad na sagot nito.

Lumapit ito sakanya.

"I told you last night na manliligaw ako, but you're to tired to hear that." sabi nito.

Mas lalo syang namula.

Kinunot nya ang kanyang noo para itago ang kilig.

"Weh? Parang wala naman akong narinig, " pang aasar nya.

"I asked last night and you just hmm. I thought is a yes," parang naiinis na anito.

Natawa sya na ikinakunot ng noo nito.

" Ulitin mo," matapang na aniya.

"Ang alin?" Kunot noong tanong nito.

"Yung tanong mo kagabi," aniya.

Ngumiti ito na kinalundag ng puso nya. Shit. Ang ganda talaga ng ngiti nito. Napatingin sya sa kamay nya nang hawakan nito at dinala sa labi at hinalikan. Namula sya ng sobra.

"Again, Zandra Hernandez the mother of my child and my future wife, Can i court you? Please say yes," sabi nito.

Nangilid ang luha nya at pinamulahan.

"Ye---" Sasagot na sana sya nang may sumigaw sa harap nila.

"Ayie! Say yes mommy!" irit nito.

Gulat na napatingin sya at sabay silang napatawa. Nilagay nito ang kamay sa balikat nya at inakbayan sya. Lumapit sila sa anak nila. Nakangiti ito at kinikilig. Nasa likod ng anak nila ang mga magulang ni Khalil. Namula sya nang naisip na kanina pa pala nanonood ang mga ito.

"Did you say yes mommy?" nakangiting sabi nito at tumili.

Nakangiti nya itong kinalong at hinarap.

"Should I?" ngiting tanong nya.

Tumango tango ito habang nakangiting pumapalakpak.

"Yes mommy! Say yes please! Daddy ask her again!" bumaling ito kay Khalil.

Pare-pareho silang natawa sa inasta nito. Napatingin sya kay Khalil na saktong nakatingin sakanya. Ngumiti sya dito at tumango. Nakitaan nya ng gulat ang muka at mata nito.

"Is it mean yes?" di makapaniwalang sabi nito.

Ngumiti sya at unti unting tumango dito.

"Y-Yes," namumulang sagot nya.

Imbis na ito ang mag react ay ang anak nila ang tumili nang tumili. Nagpakalong ito sakanyang Daddy at pinugpog ng halik. Napangiti sya at natawa. Napatingin sya sa magulang ni Khalil na nakangiti ring pinapanood sila.

"Sa loob nyo na ipagpatuloy iyan, pumasok muna tayo sa loob at mainit," singit ni Mrs Pangilinan.

Sabay sabay silang tumango at sumunod sa mga ito. Nagulat sha ng kunin ni Khalil ang kamay nya, napatingin sya doon at napangiti. Kapwa silang naka ngiti sa isat-isa. Pinisil nya ang kamay nito na ginantihan rin nito. Sana lagi silang ganito...Sana.

IMBIS NA isang linggo lang silang naroon ay nag extend pa ng ilang araw. Ngayon ay nage-empake na sya ng mga damit na dinala. Last day na nila ngayon at medyo nabitin sya pero sulit na sulit naman.

Namasyal at pumunta sila sa mga sikat na turismo dito sa probinsya ni Khalil. Wala ring araw na hindi pinakita nito ang pagka gusto sakanya. Araw-araw ay binibigyan sya nito ng bulaklak at tsokolate na anak nya ang nakain. Medyo natawa pa sya sa una sa kadahilanan na hindi pala ito marunong manligaw. Nagtaka tuloy sya kung paano naging si Khalil at ang fiancee nito kung hindi ito marunong manligaw.

Napa iling sya. Kahapon ay nagpumilit syang pumunta sa isang sikat na resort dito sa probinsya nila Khalil ngunit agad na umalma ang lalaki. Natatakot daw ito na maulit ang nangyari sa falls kaya napagdesisyonan nalang nilang mamasyal sa walang tubig.

"Daddy, I want to be a super hero like her!" Turo nito sa pinapanood.

Napatigil sya sa pagtitiklop at napatingin sa mag ama. Nakaupo ang dalawa sa sofa rito sa kwartong inu ukupa nila. Nakasandal ang anak nya dito at nakataas pa ang paa habang kumakain ng fries. Napatawa sya dahil komportable na komportable ito kasama ang ama.

"You're already a super hero baby." nakangiting sagot ng ama nito.

Napangiti sya at tinapos ang pagtitiklop at tahimik na nakinig sa mga ito.

Kunot noong tumingin ang anak nya dito. Nagtatanong at nagtataka.

"Po? But why? Why don't I have a power like her po? " nakangusong tanong nito.

Mahina syang napatawa at nanatiling nakikinig.

" You don't have super power, yes. But for us you are a super hero because you overcame your illness. You are a fighter baby just like a super hero." ngiting sabi nito kaya napangiti rin sya.

Nangilid ang luha nya nang ngumiti ang anak. Hinaplos naman ni Khalil ang buhok nito at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Napatingin ito sakanya kaya agad syang ngumiti kahit nanlalabo ang mga mata.

Ngumiti rin ito sakanya at sinenyasan syang lumapit. Ngumiti sya at tumayo papalapit dito. Umupo sya sa tabi nito na agad naman umusod at hinapit ang bewang nya. Nagawa pa ring mag react ng katawan nya kahit araw araw na nitong ginagawa iyon.

Nginitian muna sya nito bago hinarap ang anak.

"Zelestine baby.."tawag pansin nito sa anak.

Nabaling ang atensyon ng bata dito mula sa pinapanood. Ngumiti ito sakanya at pumagitna sakanila ni Khalil. Napatawa sya nang yumakap ito sa leeg nya. Nakita nyang napa simangot si Khalil at walang nagawa kundi umusod ng upo.

"Zelestine, I have to tell you something.." sabi ni Khalil.

Napatingin sya dito at nakitang nakatingin rin ito sakanila.

"Ano po 'yon?" tanong ng kanyang anak.

Ngumiti si Khalil.

"Remember when I told you that someday I will formally introduce you to your mom?" sabi nito.

Gulat na napatingin sya kay Khalil na ngumiti lang sakanya at tumango. Tumingin sya sa anak at nakitang nakatingin sakanya.

"Well, this is your real mom, Zelestine." nilahad nito ang kamay patungo sakanya.

Pinangilidan sya ng luha nang tumingin sya sa anak.

"M-Mommy..." umiiyak na sabi nito.

Umiiyak na tumango sya at niyakap ito.

"Y-Yes baby, i am your real mom...shh, don't cry," hinaplos haplos nya ang likuran nito.

"M-Mommy...Mommy k-ko.." umiiyak na anito.

Napaiyak na rin sya at pinatahan ito. Nakangiting pinagmamasdan lang sila ni Khalil. She smiled at him and mouthed 'thank you'

Ilang minuto silang ganoon hanggang sa tumahan ang bata at namumula ang mata na humarap sakanya. Nanlambot ang puso nya ng makita ang mata nito na may luha pa at namumula. Pinunasan nya ito at hinalikan sa ulo.

"M-Mommy..don't leave me again okay? Don't leave Zelestine again.." mahinang bulong nito sa dibdib nya.

Ngumiti sya at tumango kahit hindi nito nakikita at paulit ulit na hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

"Mommy won't leave you again...I'm sorry..I'm sorry..Patawarin mo ako anak ko.." bulong nya dito.

"P-Promise me mommy, you won't leave Zelestine again.." humarap ito sakanya.

Tumango sya at tinaas pa ang kamay.

"I promise that I will not  and never leave Zelestine.... again,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top