21
#MIU21
PAGKATAPOS nilang kumain ay dumaretso sila sa maliit na waterfalls dito sa farm nila Khalil. Medyo may kalayuan ngunit kayang kaya lakarin. Pasan pasan ni Khalil ang kanyang anak na dala dala ang kulay pink na salbabida nito. Kwento nang kwento ang anak dito na syang ikinatawa nya habang naglalakad sila.
Nang makarating sa maliit na water falls ay agad nyang binaba ang maliit nilang bag sa maliit na kubo doon. Kapansin pansin na sila lang ang tao rito. Napatingin sya sa waterfalls at ganon nalang ang mangha nya nang makitang sobrang linaw ng tubig doon.
Agad nagpababa ang kanyang anak sa ama.
"Wow so beautiful! I wanna swim!" maligalig na sigaw ng anak.
Napangiti sya at lumapit dito. Nakita nyang lumapit si Khalil sa mga gamit nila.
"Okay baby. Pero mabilis lang ah? Masyadong malamig ang tubig baka magkasakit ka," paalala nya dito.
Lumungkot ang mata nito pero agad ring ngumiti.
"Got it, mommy. Let's swim na po!" masayang sabi nito.
Natawa sya at bumaling kay Khalil.
"Ahm..Pwede bang mag swimming na kami?" sabi nya dito.
Kita naman ang gulat nito nang sabihin nya iyon.
Tumango ito at napatingin sa anak.
"Of course, Wag kayong pupunta sa malalalim," sabi nito.
Tumango sya.
"I-Ikaw?" nahihiyang tanong nya.
Mataman sya nitong tinignan na ikina ilang nya. Bakit ba ganito makatingin 'to?
"Later, " maikling sabi nito.
Tumango nalang sya at kinuha ang salbabidang dala ni Zelestine. Hindi na sila nag abalang magpalit dahil doon na rin sila nagpalit sa bahay nila Khalil. Akmang sasagot na sana sya dito nang hilahin sya ng anak papunta sa mababaw na tubig. Nagdahan dahan sila dahil bukod sa mabato ay madulas rin.
Inalalayan nya ang anak hanggang sa paglublob nito.
"Careful baby, madulas,"pag iingat na sabi nya.
Tumango ito at ngumiti.
Sinuot nito ang salbabida sa katawan.
"Mommy, doon tayo please!" masayang sabi nito habang tinuturo ang hindi kalayuan sakanila.
Napatingin sya doon at alam nya na malalim doon. Napabuntong hininga sya. Marunong naman syang lumangoy pero iba pa rin kapag may kasama kang bata lalo na ang sarili mong anak.
"Baby, pwede bang dito nalang tayo? Medyo malalim don, delikado,"aniya.
Ngumuso ito at sumulyap pa ng isang beses doon.
"Daddy!" sigaw nito na nakatingin sa likod nya.
Tumingin rin sya doon at nakitang nasa likod nga nya si Khalil. Napatanga sya nang makitang hinubad nito ang pang itaas na damit kaya naman kitang kita nya ang maskuladong pangangatawan nito. Napalunok sya nang bumaba ang tingin nya sa katawan nito. Maganda ang katawan, specially ito. Kinagat nya ang labi dahil pilyang naiisip.
Nangunot ang noo nito kaya tinigil nya iyon.
"Like the view?" may ngisi sa mga labi nito.
Umiling sy at namula.
Pigil na pigil ang ngiti sa harap nito.
"Daddy, doon po tayo pleasee," nakangusong sabi ng anak.
Ngumiti ito at lumusong na. Hanggang bewang nya lang ang tubig sa kinatatayuan nya pero dito ay hanggang hita lang. Kapit pa rin nya ang salbabida ng anak hanggang makalapit ito.
"You want there? You're not scared? Malalim doon at malakas ang ragasa ng tubig," sabi ni Khalil nang makalapit sa anak.
Tumango ang anak at mas lumaki pa ang ngiti.
"Yes daddy! And I am not the one who scared here, Mommy is!" malakas na tumawa ito.
Napasimangot sya at lumapit dito.
"Scared huh?" nakangising sabi ni Khalil sakanya.
Inirapan nya ito.
Tumawa lang naman ito sa inasta nya.
"Daddy, let's go there!" nakangusong ani ng kanyang anak.
Tumingin ito sa anak at tumango.
Tumingin ito sakanya.
Nagtatanong ang mata.
Tumango sya. At napatingin sa anak. Nag aalala.
"Baka mapahamak si Zelestine, malakas ang agos ng tubig," nakatingin sa anak na aniya.
Tumingin ito sakanya.
"Wala ka bang tiwala sa pagiging ama ko?" kunot noong tanong nito.
Umiling sya.
"H-Hindi naman sa ganon, Nag aalala lang ako," napatungo sya.
Hindi ito sumagot.
Ilang saglit pa ang nakalipas ngunit wala syang ni isang salita nakuha dito. Mukang nagalit ito. Nanatili sya sa posisyon nang maligo na ang dalawa sa malalim na parte. Tili nang tili ang kanyang anak dahil sa paglalaro ng tubig. Malakas ang agos mula sa falls at kada babagsak ang malalakas na agos ay napapatili ito. Si khalil naman ay nilalaro lang ang anak at kapit na kapit dito.
Napabuntong hininga sya.
Hindi ganon ang intensyon nya nang sabihin nya iyon. Nag aalala lang talaga sya sa anak at sa kaligtasan nito. Paranoid na kung paranoid. Ayaw nya lang malagasan pa ng isa sa mga mahal nya sa buhay. Nadala na sya sa mga naunang nangyari at ayaw nya nang maulit iyon.
Lumusong sya sa tubig at lumangoy. Pagkakataon nya na dapat ito para bumawi subalit sinira nya ito. Ginalit nya si Khalil. Lumangoy pa sya nang lumangoy at sa hindi inaasahan ay napatama ang kaliwang tuhod nya sa malaking bato. Napaaray sya sa kirot na iyon at nahirapan sa paglangoy. Medyo malalim na sa parteng ito at malayo layo kila Khalil kaya tiyak ay hindi nitk maririnig kung sisigaw sya. Ramdam nya ang kirot sa buto ng tuhod nya.
Pinilit nyang makalangoy ngunit bumibigat talaga ang kaliwa nyang tuhod hanggang sa marinig nyang sumisigaw ang kanyang anak at hinahanap sya. Nang mawalan ng pag asa ay isang kamay ang sumikop sa bewang nya. Naramdaman nyang inangat sya nito.
"Fuck!" sunod sunod na mura nito nang maibaba sya sa may kubo.
Napa ubo sya dahil sa kawalan ng hangin at sa nainom na tubig.
"M-Mommy..."narinig nya ang munting iyak ng kanyang anak.
Naluluhang minulat nya ang mata at tumingin dito. Umiiyak ito. Mabilis na lumapit ito sakanya at niyakap sya. Napatingin sya kay Khalil na nakakunot ang noo at masama ang tingin sakanya. Napa iwas sya ng tingin sa mga mata nito. Hindi nya masabi kung anong tingin iyon ngunit dalawa ang lumalabas doon. Galit at pag aalala.
"I'm okay..I'm okay..shh, I am sorry..I'm sorry.." mahinang bulong nya sa anak.
Tumingala sakanya ang anak at lumuluha pa rin. Pinunasan nya ito at tipid na ngunitian.
"Magbihis na kayo. Uuwi na tayo. " malamig na sabi ni Khalil.
Gulat na napatingin sya dito. Walang emosyon ang muka nito at hawak hawak ang dalawang tuwalya na dala nila.
"P-Pero..maaga pa.." alangan na aniya.
Mas lalong lumamig ang titig nito sakanya.
"Sa tingin mo makakapag enjoy pa tayo matapos ang nangyari?" may halong galit ang tinig nito.
Napalunok sya at napatungo.
"I-I'm sorry..."mahinang utas nya.
Hindi ito nag salita at kinuha mula sakanya ang anak, napatingin sya dito at nakitang pinupunasan na nito ang anak. Hindi sya nakagalaw sa kinauupuan at nanatiling nanonood sa dalawa. Nagulat sya nang kinuha nito ang isa pang tuwalya at walang salitang binalot iyon sakanya. Naramdaman nya ang init na dala nito.
"S-Salamat.." nahihiyang aniya.
Tiningnan lang sya nito at tinanguan.
"Magbihis kana." ayon lang ang sinabi nito at umalis na sa harap nya para asikasuhin ang sariling anak.
Mabilis nyang ginawa ang pagbibihis at dumaretso sa katabi ng kubo kung saan naroon ang tabing na tela na pwedeng pagbihisan. Natapos sya at lumabas suot ang sleeveless top at short. Nilagay nya ang tuwalya sa kanyang balikat bago pumunta kila Khalil. Bihis na rin ang mga ito. Napatingin sya sa anak na naka kalong sa ama at tulog na.
Nahihiyang lumapit sya dito. Tumayo na ito hawak ang bag nila.
"A-Ako na dyan..." akmang kukunin nya ang bag nang ilayo nito.
"Ako na." anito at lumakad na.
Napatitig sya sa likod nito.
Galit nga.
Tahimik na syang sumunod sa mga ito. Wala silang imikan habang naglalakad. Naalala nya ang muka nito nang dumilat sya kanina pagkatapos ang pagkalunod. Tumutulo pa ang tunig sa muka nito at dali dali syang binaba. Bakas sa muka nito ang pag aalala. Ngingiti na dapag sya nang maalala na galit nga pala ito.
Naisip nyang bumawe. Hindi pa nga nya nakukuha ang loob nito para mapalapit sa anak ngunit eto na naman sya at gumagawa ng paraan para mismo mapalayo sa anak. Napabuntong hininga sya. Bakit ba kasi ang malas malas nya?
Hindi nya na namalayan na nakarating na pala sila ng bahay. Napatingin sya sa mga ito. Tulog pa rin ang anak nya. Dumaan sila sa likod ng bahay at pumasok doon. Hindi nya nakita ang dalawang matanda sa loob ngunit na andon si manang Nelly.
Nang makita sila nito ay dumaretso ito sa bitbit na bag ni Khalil at kinuha iyon.
Nginitian sya nito nang makita sya sa likuran.
Tipid lang sya ngumiti pabalik.
"Tulog na ang bata. Ako na dyan at kumain muna kayo ni Zandra." anito
Binigay naman ni Khalil ang bata dito. Kinuha iyon ni manang at binuhat papasok sa isa sa mga kwarto sa ibaba. Natahimik sila nang matira nalang silang dalawa.
Napatikim sya at nag aalangan na tumingin dito.
"Ahm, kakain ka ba?"
Gusto nyang kutusan ang sarili dahil sa tanong. Napakagat sa ng dila at nahihiyang tumingin dito. Tumingin ito sakanya at umiling bago pumanik sa taas.
Napatungo sya at lumunok. Pinangilidan ng luha. Muka ngang nagalit ito sakanya. Ilang minuto muna sya nanatili doon hanggang maisipan sundan ito sa taas. Tatlo ang kwartong naandon, binuksan nya iyon isa isa hanggang sa matagpuan ang tamang kwarto.
Hindi nya alam kung bakit sya sumunod ngunit may parte sakanya na gustong mag sorry dito. Walang tao sa silid na iyon aalis na sana sya nang marinig nya ang lagasgas ng tubig sa banyo. Ilang minuto syang nanatili doon at nag antay. Naupo sya sa vanity mirror doon at tinignan ang sarili.
Sa nakalipas na taon ay wala man lang nagbago sa itsura nya kung meron man ay ang katawan nya. Nakikita nya ngayon ang sarili sa namayapang ina. Ganitong ganito ang itsura nito nang dalaga. Wala man lang syang nakuha sa tunay na ama. May konting pagkakahawig rin sya sa kanyang ate, pareho sila ng korte ng muka at labi.
Natigil ang pagtitingin nya sa sarili nang narinig nya ang pagbukas ng pinto ng banyo.
Napatingin sya doon. At agad napa iwas ng tingin nang makitang maliit na towel lang ang suot nito sa pang ibaba. Napalunok sya at napatayo.
Napatingin sya sa muka nito. Tumutulo pa ang tubig sa muka nito. Lumapit sya dito ngunit malaki ang espasyo sa pagitan nila.
Napapisil sya ng hinliliit bago magsalita.
"I-I just want to say sorry..I'm sorry.." mahinang aniya.
Hindi ito nagsalita. Naramdaman nyang lumapit ito sakanya at inangat ang kanyang baba. Tinignan sya sa mata nito.
"Your sorry isn't enough.." nakatingin sa matang sabi nito at bumama sa labi nya ang tingin nito.
Napalunok sya at napatingin rin sa labi nito.
Para syang hinihigop papalapit dito.
"H-Huh? Ano bang gusto mong gawin ko?" nakatingin pa rin sa labing nito na aniya.
Napangisi ito. Huli na nang mapagtanto nya ang sinabi. Pinamulahan sya at nag iwas na ng tingin sa mga labi nito. Gusto nyang kurutin ang sarili dahil sa dinagdag na naman kahihiyan sa buhay nya. Shit lang! Para syang teenager na patay na patay sa kaharap.
Hinagilap uli nito ang kanyang mata ngunit nagmatigas sya. Nahihiya sya! Pakiramdam nya ay pinagtatawanan na sya nito.
"Do you want to know what I really want?" ramdam nya ang ngisi sa pagkakasabi nito.
Hindi pa rin sya humaharap dito
"A-Ano.." nahihirang aniya.
Mahina itong natawa at nabigla sya nang hapitin nito ang kanyang bewang. Tuloy ay sobrang lapit na ng muka nila sa isat isa. Napalunok sya nang dumako ang paningin sa mamula mulang labi nito.
Hindi nya alam kung anong nagtulak sakanya nang dahan dahan nyang ilapit ang sariling labi at hinalikan ito. Nalasahan nya ang ginamit nitong toothpaste. Matamis at may halong menthol ang lasa ng bibig nito. Hindi nya alam kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam nya habang hinahalikan ito. Parang nagbalik ang ala ala nya nang una silang magkita.
Humigpit ang kapit nito sa kanyang bewang nang gumanti ito sa halik nya at gamit ang isang kamay ay kinuha nito ang kanyang kamay na nakalagay sa dibdib nito saka pinalupot sa leeg nya. Mas halong naging agrisibo ang halikan nila. Gamit ang sariling dila nito ay naramdaman nyang pinapasadahan nito ang bawat sulok ng labi nya. Napaungol sya nang kagatin nito ang kanyang dila. Pagkatapos non ay unting unti naging mahinhin ang halikan nila. Napamulat sya nang itigil nito ang halik.
Parang may kung anong dumaan na sakit sa dibdib nya.
Pilit nya itong nginitian bago ialis ang mga nakakapit na kamay sa leeg nito. Kita naman sa muka nito ang pagkagulat. Doon lang sya tinubuan ng hiya. Bakit nya nga ba ginawa iyon? Wala silang relasyon. Ang anak lang nila ang namamagitan sakanila. Kaya bakit nya hinalikan ito.
Parang napapaso syang lumayo.
Napatungo.
"I-I'am sorry..Hindi ko dapat ginawa iyon.."mahinang aniya.
Narinig nya ang buntong hininga nito bago iniangat ang tingin nya. Nakita nyang naka kunot ang noo nito na tila ba hindi nagustuhan ang narinig mula sakanya.
"Why are you saying sorry huh? Nagsisisi ka ba na halikan ako?" kunot noong tanong nito.
Hindi sya nakasagot.
"M-Mali 'to..May fiancee ka..Wala tayong relasyon.." naiiyak na aniya.
"Too late. Sa una pa lang ay sa mali na tayo nagsimula, bakit hindi nalang natin ituloy?" may ngisi sa mga labi nito ngunit ramdam nya ang panlalamig nito.
Hindi sya nakasagot. Nasasaktan sya,Oo. Nasasaktan sya sa narinig mula dito. Hindi ayon ang inaasahan nyang sagot mula dito. Assuming na kung assuming ngunit gusto nyang marinig mula dito na may pag asa ang relasyon nilang ito. Gusto nyang mag improve ang relasyon nilang ito dahil sa anak...at oo para na rin sakanya dahil may nararamdaman sya dito at gusto nya ring mabigyan ng kumpletong pamilya ang anak.
Natigil ang pag iisip nyang bigla nalang nitong hapitin ang kanyang bewang at madiin na halikan sa mga labi. Mahina nya itong tinutulak palayo ngunit tinaksil sya ng katatawan at nararamdaman. Namalayan nya nalang ay humahalik na sya pabalik at sinusuklian ang init na dala nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top