20

#MIU20

NAGISING syang magaan ang loob. Ang ganda ganda ng gising nya ngayon. Matapos kasi ang pag uusap nila ni Khalil ay biglang may kung anong natanggal na mabigat sakanyang dibdib. Napatingin sya sa kalapit at nakitang wala na doon ang anak. Tiyak na tanghali na sa mga oras na ito dahil sikat na sikat na ang araw sa labas na tumatama sa puti nilang kurtina.

Masaya syang bumangon at nagpunta sa banyo para maligo.
Ginamit nya doon ang bagong selpiyo at nagsepilyo muna bago maligo. Napatingin sya sa repleksyon sa salamin at tumingin sa kamay.

Natagpuan nya ang sariling ngumingiti na parang baliw. Oo nga pala, nahawakan sya ni Khalil sa kamay ay ang talandi nyang puso ay kinikilig na naman sa simpleng ginawa nito.

Matapos nyang magsepilyo ay dumaretso na sya sa ilalim ng shower at naligo. May mga bagong gamit panligo doon kaya ayon ang ginamit nya. Natapos syang maligo at naghanap ng tuwalya. May nakita syang puting twalya na nakasampay doon, ngunit nang buklatin nya iyon ay gahita nya lang at kung yuyuko sya at konting galaw nyalang ay tiyak na masisilipan sya. Wala syang nagawa kundi gamitin iyon, alangan naman lumabas syang nakahubad di ba? Pinalibot nya iyon sa katawan at dahan dahan binuksan ang pinto ng banyo. Kapit ng mahigpit ang dulo ng twalya na pilit nyang binababa. Natigil sya sa ginagawa nang maramdaman na may nakatingin sakanya.

Agad syang dinalaw ng kaba at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit. Dahan dahan syang nag angat ng tingin at pinamulahan kung sino ang naandon.

Its freaking Khalil Pangilinan seating on her bed.

"A-Ahm..Uhm.."naisatinig nya.

Nagtaas ito ng kilay at pinasadahan sya ng tingin na agad nyang ikanapula. Sa kahihiyan ay agad syang tumalikod ngunit kung minamalas ka nga naman ay natalisod sya sa suot na tsinelas. Ang laki kasi non at halatang hindi pambabae.

Napapikit sya sa kahihiyan.

Tiyak ay nakita na nito ang dapat hindi makita. Geez, bakit ba sunod sunod ang kamalasan nya sa buhay. Natataranta nyang binalik ang pagkakapusod nito. Nanginginig pa ang mga kamay. Hindi sya nag angat ng tingin dito o nagbalak na tumingin pa sa harap dahil sa kahihiyan. Nakita nya sa gilid ng kanyang mata na naglalakad ito papalapit sakanya. Dinalaw ng kaba ang dibdib nya at mas lalong binilisan ang pagbubuhol ng tuwalya. Wala na syang paki alam kung anong makita nito sa pang ibaba nya basta ay maitali nya ng maayos itong bwisit na tuwalya na ito.

Tatayo na sana sya nang alalayan sya nito patayo. Ang isang kamay nito ay nakasuporta sa braso nya at ang isa ay nasa bewang nya. Ramdam nya sa pagtayo nya ang sakit ng dibdib nya. Shit. Mukang napalakas ang pag bagsak nya. Nang maitayo ay napapasong lumayo sya dito. Dahil ramdam nya ang init nitong dala at ramdam nya rin sa sarili na nagugustuhan iyon.

"S-Salamat.."nauutal nyang sabi.

Inayos nya uli ang maiksing tuwalya ng hindi tumitingin dito. Mahigpit ang kapit nya dito. Nagulat sya ng hawakan nito ang kanyang baba at inangat. Napadiin ang kapit nya sa tuwalya at pilit na nagpakatatag sa presensya nito. Lumayo ka please, marupok ako! Sigaw ng kanyang isip?

"You should look into my eyes when you are talking to me,hmm.." mas lalo nitong inilapit ang sarili kaya napaatras sya.

Napangisi ito at lumayo. Para syang nakahinga ng maluwag nang lumayo ito. Muntik na naman sumuko ang bataan nya.

Wala sa sariling tumango sya.

"Good. Now get dress, Pupunta tayo sa resort.." anito at pinasadahan sya ng tingin.

Oo nga pala, ngayon nga pala ang alis nila. Tumango sya at napatingin sa paligid. Hinahanap ang bag nya kung nasaan ang damit nya.

"Magbihis ka na. Dinala ko na ang damit mo dito." may itinuro ito sa may bandang kama.

Naandon ang bag nyang dala. Tumingin sya dito at tumanga ulit.

"S-Salamat.."tipid syang ngumiti dito.

Tinignan pa sya nito at pinasadahan sya ng tingin. Nakita nyang napalunok ito nang dumako sa dibdib nya ang paningin nito.

"Lock the door. " ayon lang ang sinabi nito at mabilis na nilisan ang kwarto.

Napasapo sya ng dibdib sa kabang nararamdaman. Agad nyang tinungo ang pintong nilabasan at agad na sinara. Namumula ang pisngi nya sa tuwing maaalala kung paano ito tumingin sakanya.

Umiling sya para mawala ang naiisip.

Dumaretso sya sa dalang bag at hinalughog iyon. Kumuha sya ng isang mustard summer dress na hanggang tuhod nya. Sinuot nya iyon at napatingin sa salamin. Pa V-neck style iyon kaya naman ay kitang kita ang maputi nyang dibdib. Pinaresan nya iyon ng isang sandals na itim. Nag ayos rin sya ng sarili. Naglagay sya ng konting blush on sa pisngi at lipstick na pula sa labi. Tinaas nya lang ang buhok at natapos na sya sa pag aayos.

Kinuha nya na ang bag at lumabas na ng silid.

Dumaretso sya pababa at may iilang kasambahay na bumabayi sakanya. Tipid nya lang nginingitian ang mga ito at pagkatapos ay tutungo. Pagkababa ay naabutan nya si Khalil sa ibaba ng hagdan na parang may inaantay. Tumingin ito sakanya at ayon na naman ang tingin nitong mapanuri. Dumaan ang tingin nito sa leeg nya pababa sa dibdib nya.

Nag inting ang panga nito.

Kinabahan sya. Pangit ba ang suot ko?

"A-Ahm..Hi.."awkward nyang sabi.

Nag angat ito ng tingin sakanya at nakita nya ang masama nitong tingin sa damit nya. Napalunok sya.

"A-Ahm, may problema ba sa suot ko?" lakas loob nyang sabi.

Walang reaksyon na tumingin lang ito sakanya. Galit na naman?

"Let's go.."sabi nito at tinalikuran na sya.

Natahimik sya at sumunod nalang. Nakita nyang pinapanood sila ng mga kasambahay na agad naman tumalima nang makita sya. Dinala sya nito sa kusina. Ginala nya ang mata at hinanap si Zelestine. Tumingin sya dito at naglakas loob na nagtanong.

"Uh..Nasaan nga pala si Zelestine?" tanong niya.

Nag angat ito ng tingin sakanya at hinila ang bangko bago sumagot.

"She's with my mom and dad. Nauna na sila sa farm." sabi nito at nilahad ang bangko na para sakanya.

Mahina lang syang nagpasalamat at naupo na. Umupo ito sa kalapit nya. Agad na may umasikaso sakanila at pinaghain sila ng pagkain. Nahihiyang tinanggap nya nalang ang pagsisilbi sakanya ng mga ito at nagpasalamat.

Tumango sya kay Khalil at nagsimula ng kumain. Napansin nyang kape lang ang iniinom nito. Hindi ba ito magkakanin? Napatingin sya sa pinggan, may sinangag doon at bacon, hotdog, at egg.

"Hindi ka mag ra-rice?" usisa nya.

Umiling ito.

"I already eat.."sagot nito.

Tumango sya at hindi na nagsalita. May dismaya na dumaan sakanya na agad nyang tinaboy. Kumain na pala ito, pero bakit sumama pa sakanya dito?

Napailing nalang sya at tinapos na ang agahan.

Pinagmamasdan lang sya nito sa pagkain dahilan kung bakit naiilangan sya sa bawat subo. Nang matapos ay tumayo na sya, kukunin nya na dapat ang pinggan para hugasan nang pigilan sya ng isang dalagitang kasambahay

"M-Ma'am ako na po dyan.."nahihiyang sabi nito.

Ngumiti sya dito at umiling.

"Ako na, onti lang naman ito.."tipid syang ngumiti.

Nag aalinganan na tumingin ito sakanya bago kay Khalil.l

"A-Ako na po ma'am, baka pa mabasa pa po ang dress nyo.."sabi nito at tumingin sa suot nyang dress.

Wala na syang nagawa kundi pabayaan itong kunin ang pinggan sa kamay nya. Binigay nya iyon at agad naman itong yumuko at tumalikod. Ramdam nya ang ilang nito sakanya at sa taong nasa likuran nya.

Muntik na syang mapalundag nang may magsalita sa likod nya.

"Let's go. They're waiting.." sabi nito.

Agad syang tumango at tumalima.

Kinuha nya ang kanyang bag. Nauna ito sa kaya naman sumunod na sya. Napasulyap pa uli sya sa kanyang likuran at nahuli nya ang dalagita doon na nakasunod ang titig sakanila. Agad naman itong nag iwas ng tingin nang mapansin sya.

Naguguluhan man ay agad nyang binalewala. Baka may gusto kay Khalil at nagseselos sakanya? Napailing sya sa naiisip. Assumera ng taon ka, Zandra.

Lumabas sila ng bahay at agad na sumakay sa sasakyan ni Khalil. Ito mismo ang nagbukas sakanya na ikinapula ng pisngi nya.

"Thank you.."nahihiyang sabi at agad na pumasok.

Tumango ito at tipid na ngumiti bago isara ang pinto.

Improving huh!

Wala sa sariling napangiti sya. Mukang gumana ang pag uusap nila kagabi dahil mas maayos na ito makitungo sakanya. Agad nyang binura ang ngiti nang pumasok na ito sa sasakyan. Nag suot na rin sya ng seatbelt dahil baka ito na naman ang magkabit. Baka isipin nito namimihasa sya.

Natahimik sila sa loob ng sasakyan. Tumingin sya sa labas ng bintana, binuksan nya iyon at agad na nalanghap ang sariwang hangin. Ang sarap talaga kapag nasa probinsya nakatira. Masarap at sariwang hangin lagi ang malalanghap. Walang usok ng sasakyan at pabrika.

Mula sa sementong daan ay palapit lapit sila sa lubak lubak at maputik na daan. Napakapit sya sa inuupuan nang tumalbog sila dahil sa nadaang lubak.

Napatingin sya kay Khalil.

"Nasaan tayo?" di mapigilang tanong nya.

Tumingin ito sakanya at agad na tumingin sa daan.

"Malapit na tayo," imbes na sagutin sya ay ayon ang sinabi nito.

Tumango sya at tumingin uli sa labas.

"Parte na ba 'to ng farm nyo?"  tanong nya pa.

May nakita na kasi syang palayan mula sa malayo. Hindi na maputik sa dinadaan nila ngunit may onting lubak pa rin. May nakita syang mga kalabaw at kabayo. Marami rin syang napapansing mga puno ng mangga. Bigla syang nag laway nang makitang may mga hinog na doon.

"Wow! May puno ng mangga!" di mapigilang mamangha.

Para syang di nakalabas ng bahay dahil sa pagkakasabi nya doon. Akala mo kasi ay hindi nakakakita ng puno ng mangga. Napapahiyang napatingin sya kay Khalil na may ngisi na sa labi.

"You want one?" nakangiting tanong nito.

Nahihiyang umiling sya.

"W-Wag na..baka pagalitan tayo ng may ari, " nahihiyang tugon nya.

Bahagya itong natawa. Napatingin rin ito sa labas kung saan naroon ang mga puno ng mangga.

"You can get as long as you want." sabi nito.

Napatingin sya dito at nagulat.

"Talaga? Hindi magagalit ang may ari? Baka mimiya ipakulong ako ah?" sunod sunod na tanong nya.

Nakita nya itong ngumiti at napa iling sakanya.

Bakit parang sayang saya naman ito?

"Ofcourse not. I will not sue you, Baka pagalitan pa ako ni Zelestine,"natatawang sabi nito.

Nanlalaking matang napatingin sya dito.

Ibig sabihin...

"Kayo ang may ari ng lahat ng lupain dito?" gulat nyang tanong.

Ganoon nalang ang reaksyon nya dahil sobrang laki naman talaga ng lupaing ito.

Tumango lang ito at natawa sa reaksyon nya.

"Yeah, this is my father's land.," nakangiting sabi nito.

Napatingin uli sya sa paligid at hindi napigilang mamangha.

"Sobrang laki naman ata? Kakainin nyo ba ang lupa?"biro nya.

Narinig nyang tumawa ito.

"Nope. That's gross. I plan to build a house here,.."nakangiting sabi nito.

Napatanga sya at napa iwas ng tingin. Siguro lalagay na ito sa tahimik. Siguro itutuloy nito ang naudlot nilang kasal ng fiancee nya. Naalala nya ang ngiti nito kanina habang sinasabi iyon. Mukang naiimagine na nito ang future nilang dalawa.

May kumurot sa puso nya sa isipang iyon.

Natahimik sya at hindi na nagsalita. Binaling nya nalang ang mata sa tanawin sa labas. Hindi rin na naman ito nagsalita hanggang itigil na nito ang sinasakyan nila. Nag angat sya ng tingin at may nakitang isang hindi kalakihan at hindi rin kaliiting bahay. Puti ang kulay ng bahay. Sa labas ay mayroong kubo sa kanan nito at sa kaliwa naman ay may poso.

Napatingin sya sa paligid.

"Let's go, nasa likod ata sila," nauna itong bumaba.

Kaya bumaba na rin sya at hindi na inintay na pagbuksan sya nito. Nakakahiya. Sumunod naman ito sakanya. Ito na mismo ang nagsara ng pintuan ng sasakyan. Pinauna sya nito ng lakad. Nagulat sya nang ilagay nito ang kamay nito sa taas ng ulo nya.

"Mainit.."sagot nito nang napatingin sya dito.

Namula sya at napaiwas ng tingin. Mainit talaga, dahil ang sikat ng araw ay tutok na tutok sakanila habang naglakakad. Pakiramdam nya ang init na agad ng braso nya. Inakay sya nito papasok sa loob ng bahay. May nakita syang papalabas doon na may katandaan na lalaki. Agad itong napatingin sakanila at malaking ngumiti.

"Sir Khalil!" nakangiting na tawag nito kay Khalil at lumapit sakanila.

Tumango si Khalil at tipid na ngumiti.

"Mang Karding.."nakangiting bati nito.

Ngumiti rin sakanila si Mang Karding at nilahad ang loob.

"Hala Sir, pasok kayo. Nasa likod ng bahay ho sila ma'am at sir saka ang anak nyo, nagpapakain ho ng mga baboy. Gusto ho nyo bang kumain muna?" masiglang sabi nito.

Umiling lang si Khalil at napatingin sakanya. Nagtatanong. Umiling sya nang makuha iyon.

"Kakakain lang namin Mang Karding, Salamat." sagot nito.

Tumango lang si Mang Kardinga at napatingin sakanya at napangiti.

"Ito na ho ba si ma'am Athiela sir? Aba'y kay ganda, bagay na bagay kayo. Kailan ba ang kasal Sir?" nakangiting sabi nito.

Natigilan sya. Who's Athiela? Ito ba ang fiancee nito? Bakit nasasaktan sya ngayon? Napatingin sya kay Khalil na bahagyang natigilan rin.

"Hindi Mang Karding. Sya si Zandra, ang nanay ng anak ko,"mariin ang pagkakasabi nito.

Natahimik si Mang Karding. Tumingin ito sakanya, humihingi ng tawad. Ngumiti lang sya at tumango.

"Nako ma'am, pasensya na,"nahihiyang sabi ng matanda.

Ngumiti lang sya at bahagyang tumango.

"Aalis na kami Mang Karding.,"tumango ito at inalalayan sya patalikod.

Nagulat sya at agad ring sumunod. Mukang badtrip ito base sa kilos nito ngayon. Tinignan sya nito, naninimbang. Bumuka ang bibig nito na para bang may gustong sabihin ngunit agad ring tinikom ang bibig. Lumakad sila papunta sa likod bahay. Dumaan sila sa kaliwa kung nasaan ang poso. Sa likod non ay nakita nya ang mas malawak pang lupain. Napaka ganda dito dahil hindi kasing init gaya sa harapan ng bahay. Damang dama nya ang hangin na tumatama sa muka nya. Nilibot nya ang lugar at napatingin sa hindi kalayuan sakanila. May sumisigaw sakanila.

Napatawa sya nang maaninag iyon. Si Kharille na naka summer dress rin at may malak pang sumbrelo sa ulo nito. Sa likod nito ang dalawang mag asawa. Napatawa sya nang nanakbo ito sakanila. Nagulat sya nang makitang sumusunod ang tatlong bibe dito. Hinahabol ng mga ito ang laylayan ng damit ng anak. Napansin iyon ng kanyang anak kaya agad na binilisan pa ang pagtakbo.

"Omg.."bulalas nya.

Napatingin rin si Khalil kaya agad na sinaklolohan ang anak. Binugaw nito ang mga bibe at binuhat ang anak. Nakita nyang papalapit na rin ang mag asawa sakanila.

"Ayos ka lang anak?" nag aalalang tanong nya.

Tumango ito at ngumitin sakanya.

"I'm okay mommy! Anyway, let's swim na mommy! Let's swim!" maligalig na sabi nito.

Napatingin sya kay Khalil bago ilipat ang tingin sa anak.

"Okay baby. Teka, may paliguan ba dito?" nilipat nya ang tingin kay Khalil.

Tumango ito at tinuro kung nasaan kanina ang anak nila.

"Meron. Mini falls, malayo layo ng konti dito." anito.

Namamanghang napalibot sya ng tingin sa lugar. Wow. Hindi nya aakalaing meron water falls sa lugar na ito.

"Sainyo pa rin yon?" manghang usisa nya.

Tumango ito at nilapitan na ang magulang. Napatingin sya sa mga suot nito. Terno ang kulay ng preskong mga damit ng mga ito. Napangiti sya. Lumapit sakanya si Mrs Pangilinan.

Nginitian nya ito at si Mr Pangilinan.

"Welcome to our farm Zandra, hope you enjoy staying here," nakangiting sabi nito.

Ngumiti sya at tumango dito.

"I will for sure ma'am, ang ganda po ng farm nyo at ang lawak," hindi nya na napigilang puriin ang lugar.

Napatawa ito at lumapit sa asawa.

"Alam mo bang dito namin unang ginawa si Khalil?" natatawang sabi nito.

Pinamulahan sya at natawa na rin.

Narinig nya ang singhal at reklamo ni Khalil dito.

"Halika na kayo, kumain na muna tayo bago kayo mamasyal." inakay sila nito papunta sa ilalim ng punong naandon kung saan may isang mahabang lamesa doon na puno ng pagkain. Hindi ko yon napansin kanina ah? Sumunod sila sa mag asawa at naupo na.

Naupo sa tabi nya si Kharille at sa tabi naman nito ang ama. Bali  nasa iisang bangkuang mahaba sila at sa tapat nila ang mag asawa at nasa gitna ng lamesa ang mga pagkain. Napatingin sya sa lamesa na wala kahit anong pinggan, ngunit may dahon.

"Kumakain ka ba nang naka kamay Zandra?" nakangiting tanong ng ginang.

Ngumiti sya at tumango.

"Opo, ang nanay ko po ang nagturo sa'kin ng bagay na iyan,"nakangiting kwento nya.

Natahimik ang mga ito ngunit agad rin syang nginitian ng ginang.

"That's good. O, sya magkainan na tayo. Hon, paabot ng tubig," turo nito ng tabo.

Agad naman tumayo ang asawa nito at pinagsalok ang asawa ng tubig mula sa balde at ito mismo ang naghugas sa kamay ng asawa at sa sarili. Napangiti sya sa ka sweetan ng dalawa.

Tatayo na dapat sya para hugasan rin ang kamay ni Kharille at ang sarili nang tumayo si Kharille. Nagulat sya nang ito ang sumalok ng tubig at hinugasan ang kamay ng anak. Pagkatapos ay sakanya naman tinapat ang tabo kaya agad nya itong kinuha.

"A-Ako na.."naiilang nyang sabi.

Tumingin ito sakanya at binalewala ang sinabi nya dahil ito mismo ang kumuha ng kamay nya at hinugasan. Namumulang tinignan nya ang kamay habang hinuhugasan nito. Pagkatapos syang hugasan nito ay sarili naman nito ang inintindi bago naupo.

Sya na ang nagsalok ng kanin nilang tatlo. Tinignan nya ang anak at tinanong.

"Baby, Anong gusto mong ulam?" nakangiting tanong nya sa anak.

Tumingin sakanya ang anak bago ituro ang inihaw na manok. Kinuha nya ito at nilagay sa kanin ng anak. Napatingin sya kay Khalil na nakatingin lang sakanya.

"I-Ikaw..?" nauutal na tanong nya.

May naglaro na kung ano sa mata nito.

"I want some crabs" sagot nito.

Tumango sya at pinagkuha ito ng ulam. Kumuha na rin dya ng kanya at paminsan minsan ay sinusubuan ang anak. Hindi nya mapigilang mapangiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top