19

#MIU19

DUMATING ang hapunan at nanatili lang syang nakain at tahimik, sasagot lang kapag tinatanong. Ang ginang lang at ang anak nya ang nagpapaingay ng hapag. Ang dalawa naman lalaki ay may sariling usapan ukol sa trabaho ng mga ito sa ospital. Iniiwasan rin nyang mapadako ang tingin nya kay Khalil kahit na alam nya na paminsan minsan itong napapasulyap sakanya.

"Why don't you visit our farm, Zandra? Maganda doon at makakapagrelax kayong tatlo.."nagulat sya nang banggitin sya ni Mr Pangilinan.

Napasulyap sya dito at may tipid itong ngiti sa labi. Tumango sya at tipid rin ngumiti. Napasulyap sya kay Khalil na nakatingin rin pala sakanya. Mabilis nyang iniwas ang tingin at bumaling kay Mr. Pangilinan.

"Uhm..salamat po. Siguro po bukas ay pupunta kami ni Zelestine.."aniya.

Ngumiti ito at tumango.

"That's good. Maganda dito sa probinsya namin, tiyak na matutuwa ka.."

Ngumiti sya at tumango, akmang magpapasalamat sya nang magsalita si Khalil.

"Sasama ako.."

Gulat syang napaharap dito.

"O-Okay.."ayon nalang ang nasabi nya.

"Daddy, mommy, did you two fight?"inosenteng tanong ng kanyang anak.

Sabay silang napalingon dito. Agad syang umiling at hinarap ito.

"No baby, just..just a little misunderstanding.."sagot nya.

Seryosong tumingin ito sa ama.

"Daddy, mommy dont fight..please, daddy, dont fight with mom please, she might leave me again.."nakatungong ani ni Kharille.

Napatingin sya dito at labis na nasaktan sa nasaksihan. Parang may tumatapak sa puso nya sa nakikita. Nakatungo ito at alam nyang naluluha. Kinabig nya ito at mahigpit na niyakap.

"S-Shh, m-mommy wont leave you again. I love you. Mommy will not leave, I'm sorry..I'm sorry.."she whispered.

Hinigpitan lalo nya ang kanyang yakap nang marinig nya ang munting hikbi ng anak. Naiiyak sya sa bawat hikbi nito. Parang may isang malaking batong na may nakaharang sa lalamunan nya. Hindi sya makaiyak. Ayaw nyang makita sya ng mga ito na mahina. Masyado na syang nahihiya sa mga ito at ayaw nyang kaawaan.

Nag angat ng tingin si Zelestine.

"P-Promise m-mommy? You will not leave Z-Zelestine?"humihikbing sabi nito.

Tumango sya at pilit na ngumiti. Napatingin sya sa mga taong naandon. Kapwa tahimik at pinapanood lang sila. Nag iwas sya ng tingin nang mapadapo kay Khalil ang paningin nya. Pinaghalong sakit at galit na nakatingin ito sakanya. Hinarap nya uli ang anak at pinunasan ang munting luha nito.

"I promise, mommy will not leave Zelestine.."ngumiti sya dito.

Zelestine just smiled back. Kumawala ito sa yakap nya at dumaretso kay Khalil. Nabigla ito pero agad ring kinalong at nilagay sa kandungan ang anak.

"D-Daddy, say sorry to mommy,"hawak nito ang dalawang pisngi ni Khalil.

Mariin sya nitong tinignan kaya napaiwas sya ng tingin. Miski sya ay nabigla sa sinabi ng anak. Biglang umamo ang paningin nito nang humarap sa anak.

"Daddy.."ulit ng anak.

Bumuntong hininga si Khalil at tumingin sakanya. No reaction with no emotion. Napalunok sya at nagbaba ng tingin sa pinggan. Napasulyap sya kila Mrs at Mr Pangalinan, nakangiti at tahimik sila nitong pinagmamasdan na akalay mo ay tuwang tuwa sa nasasaksihan.

"Sorry.."mababang boses na ani Khalil.

Narinig nya pang bumuntong hininga ito. Napapalakpak ang kanyang anak at nakangiting tumingin sakanya pero agad ring nag seryoso. Doon nya lang napansin na may pagkakapareho si Khalil at Kharille kapag nakikita nya itong nagseseryoso. Walang reaksyon ang muka at parang nag uutos lagi na makinig ka sakanila.

"You too mommy, say sorry to daddy.."pautos na sabi nito.

Napalunok sya at napatingin sa nakangising Khalil. Tumagal ang titig nya doon na agad na napansin ng lalaki. Agad nitong pinalitan iyon ng seryosong muka. Tumingin sya sa mga naroon at mga pawang nag aantay ng sagot nya. Lumunok sya ng isang beses at nag salita.

"I'm s-sorry..."aniya at nag iwas ng tingin.

Napatingin sya sa anak at nakangiti na ito at pumapalakpak sa tuwa. Bumaba ito na agad na inalalayan ang anak. Nagpunta ito sakanya at yumakap bago humalik.

"Thank you mommy! I love you!" pinugpog sya ng halik nito.

Ngumiti sya at hinalikan ang noo nito.

"Mommy loves you too, baby.."ngiti nya.

Hindi nya alam kung bakit naiiyak sya. Ngumiti ang anak sakanya at mahigpit na niyakap sya uli.

"How about daddy baby? Come on, hug me too,"muntik na syang matawa sa itsura ni Khalil.

Naka pout ito at malungkot ang muka. Natawa ang dalawang matanda pero hindi nagsalita. Pinisil nya ang daliri para pigilan ang tawa nang umaktong parang napipigilan lang anak nya.

"O-Okay daddy..."kunwaring napipilitang lumapit ito.

Sumimangot si Khalil sa asar ng anak. Mahina syang natawa sa pinapanood. Kumandong si Kharille dito at niyakap ang ama.

Sumimangot lalo ito.

"Walang kiss baby?"nakasimangot na anito.

Napipilitang humalik si Zelestine sa ama. Napakunot lalo ang gwapong muka ni Khalil. Kinagat nya ang pang ibabang labi para pigilan ang munting tawa nya.

"One kiss lang? That's unfair.."himutok nito.

Ngingisi ngisi ang bulilit. Nang aasar.

"Joke lang daddy, I love you. I love you. I love you,"at bumigay na nga ang anak nya.

Pinugpog nito ng halik ang pisngi ni Khalil. Napapikit si Khalil dahil may kasamang laway ang halik nito. Tumawa ito sa ginagawa ng anak. Tumagal ang titig nya sa labi nitong nakangiti at tumatawa. Ibang iba sa Khalil na nakilala nya noon. Nakasimangot lagi at napakaseryoso. May tinatago rin pala itong bait at kasweetan pagdating sa anak.

Naalala nya ang sinabi nito dati sa party, tumanggi ito nang tangkain nyang lumapit dito dahil may fiancee na ito. Ganon rin kaya kasweet ito sa fiancee nito? Paano kaya ito magmahal? Maalaga kaya ito? Nakuryoso sya sa naiisip.

Hindi nya namalayan na tumatagal na pala ang titig nya dito. Muntik na syang magulat nang may bumulong sa tabi nya. Napatingin sya dito. Si Mrs. Pangilinan.

"Ang gwapo ng anak ko 'no?"ngising tanong nito.

Nagulat sya don at nailang sa tanong. Napipilitan nyang ngitian ito at napatingin sa mag ama. Nagkukulitan pa rin.

"P-Po? Ahm...Ano.."hindi nya masabi.

Lalong ngumiti ito na ikinapula ng muka nya. This is so embarassing. Pinisil pisil nya ang hinliliit na sa ganoong paraan ay mabawasan ang hiyang nararamdaman.

"Sabi ko ang gwapo ng anak ko,"tumawa ito ng mahina.

Narinig ata sila ni Mr Pangilinan dahilan kung bakit pinamulahan sya ng sobra.

"Ahm, ano po...Opo.."kagat labi nyang sagot.

Natawa ang ginang at napatingin sa anak.

"Ayan si Khalil ay minsan lang yan tumawa, manang mana sa ama, kaya naman kapag tumatawa ay mapapatulala ka nalang sa ganda ng ngiti,"sabi nito habang pinagmamasdan ang anak.

Humarap ito sakanya.

"Siguro ay dyaan ka rin nakuha ni Khalil ano?"ngiting tanong nito.

Hindi sya nakasagot. Anong ibig sabihin nito? Nakuha saan? Hindi nya gets.

Ngumiti nalang sya dito at tumango. Mas lalong lumakas ang tawa nito may sasabihin sana nang magsalita ang kanyang anak.

"Lola, Why are you laughing po?"inosenteng tanong ng anak.

Natawa ang ginang at tumingin sakanya. Napa cross finger nalang sya at taimgim na nagdasal na sana wag nitong sabihin sa harap ni Khalil. Pero natraffic ata ang dasal nya.

"Kasi, your momma said, ang gwapo daw ng daddy mo,"natatawang sagot nito.

Napatungo sya sa hiya. Gusto nyang lamunin ng lupa sa hiya. Lalo na nang narinig nyang nagtawanan ang mga nasa mesa. Kinagat kagat nya ang lobo ng pisngi para bawasan ang hiyang nadarama.

"Mommy has a crush on daddy! Ayiee!"pang aasar ng kanyang anak.

Namula sya at napatungo. Nagtawanan at naandon kaya napatingala sya. Nakangiti at natatawa sakanya ang mga ito. Nalipat ang tingin nya kay Khalil na may ngisi sa labi.

"Really huh?"nakangising anito.

Nag iwas sya ng tingin at pinamulahan. Mas lalong nagtawanan ang naandon na kinapula nya lalo. Isa lang ang nararamdaman nya ngayon, hiya at saya.

NAGISING sya at napasapo ng sariling dibdib, hinihingal. Napatingin sya sa kama kung saan kalapit nyang matulog ang anak. Napahinga sya ng malalim nang makita itong mahimbing na natutulog.

Ang panaginip na iyon, parang totoo.

Naalimpungatan sya sa pagkakagulog dahil nakapanaginip sya ng masama. May kung sino daw na humihigit sa anak nya palayo sakanya. Mataman nyang pinagmasdan ang anak at hinaplos ang muka nito. Mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito. Bagsak matapos makipaglaro sa lolo't lola nya matapos ang hapunan kanina.

Hinalikan nya pa ito sa noo ng isang beses bago tumayo at itinali ang buhok at nagsuot ng tsinelas. Tinignan nya pa muna ang anak bago tuluyan lumabas ng silid. Tahimik syang lumabas papuntang kusina. Napadaan pa sya sa isang silid na bukas. Naalala nya ang silid na ito, dito sila nagtalo ni Khalil. Pasimple nya itong sinilip ngunit bukas lang ang ilaw non at walang tao.

Napabuntong hininga sya.

Matapos kasi ang hapunan ay hindi nya na ito nakita. Pabor iyon sakanya dahil sa nangyaring kahihiyan kanina. Pagkababa nya ay iilan nalang ang ilaw na bukas at wala na ring tao. Madaling araw na kasi, kaya tiyak ay nagpapahinga na ang ilang kasambahay. Dumaretso sya sa kunina para sana uminom nang makita nya ang isang bulto ng tao, madilim ang kusina at tanging maliit na ilaw lang ang bukas, tama lang para maaninang nya ang muka nito. Si Khalil. May hawak na baso at katabi nito ang isang bote ng alak.

Dumaretso sya sa kusina at dumaan sa likod nito. Hindi pa rin sya napapansin, nakatingin lang ito sa baso na hawak nito. Hindi nya rin ito pinansin at kumuha nalang ng baso at uminom. Humarap sya dito at muntik nang mabitawan ang baso nang nakatingin pala ito sakanya. Binaba nya ang basong hawak saka pinunasan ang basang labi.

Pinagmamasdan lang sya nito at parang humihingi ng tawad. Nangunot ang noo nya dito. Nagulat sya nang lumapit ito sakanya at biglang lumuhod. Muntik na syang mapalundag dahil doon.

"K-Khalil..Ano bang g-ginagawa mo? Tumayo ka nga riyan.."natatarantang aniya.

Hindi ito nakinig sakanya.

"K-Khalil.."

"I-Im sorry...I-Im sorry, Forgive me.."basag basag ang boses na anito.

Nangilid ang kanyang luha sa di malamang dahilan. Mahina nya itong itunalak ngunit ang pagkapit nito sakanyang kamay ay pinalitan ng pagyakap sa kanyang bewang. Naramdaman nya ang init ng hininga nito sa bandang puson nya dahil sa nipis ng pantulog na suot.

"A-Ano bang sinasabi mo dyan? Tumayo ka na please.."aniya.

Binaon nito ang muka sa tyan nya at naramdaman nyang nabasa iyon. Umiiyak ba ito? Parang may tumatarak na kung ano sa puso nya dahil narinig nya ang munting iyak nito. Bakit ganon? Ang sakit makakita ng lalaking umiiyak sa harapan mo.

Mahina nya itong itunulak at dahan dahan ring pumantay ng pagkakaluhod dito. Wala itong imik at nagpaubaya sa tulak nya. Nakatungo ito at hindi kayang salubungin ang mga mata nya.

"A-Ayos ka lang?" alanganin nyang tanong.

Nag angat ito ng tingin sakanya at nagulat sya sa pula ng mata nito. Para bang isang balde ng luha ang iniyak nito kanina.
Bakit ba ito umiiyak at humihingi ng tawad? Dahil ba sa pagtatalo kanina? O may kasalanan ba ito sakanya?

Hindi sya nito sinagot.

Tumayo na sya at nilahad ang kamay dito. Muka naman itong nagulat kaya sya na mismo ang kumuha sa kamay nito at hinila paupo. Muntik pa syang madapa sa bigat nito. Lasing ito kaya mas lalong nagpabigat. Pagkatapos nyang paupuin ito ay nagsalin sya ng isa pang tubig sa baso at nilapag sa harap nito.

Hindi naman ito ginalaw ang tubig na nilapag nya.

"I-I'm sorry..."mahinang sabi nito ngunit narinig nya.

Bumuntong hininga sya at nangilid ang luha. Nagtataka sya sa sarili kung bakit sya naluluha ng ganon.

"A-Ano bang sinasabi mo?" naiiyak na aniya.

Tumingin ito sakanya ngunit binalik uli ang tingin sa harapan.

Huminga sya nang malalim. Mukang alam nya na kung bakit ito humihingi ng tawad.

"Tell me, Bakit hindi ka nagpakita sa'kin?" nagulat sya nang magsalita ito matapos ang ilang minuto.

Pagak syang natawa at tumingin rin sa harap.

"Ayon ba ang iniiyak mo?" biro nya. Hindi naman ito sumagot.

Nagsalita syang muli.

"Ang tinutukoy mo ba kung bakit hindi ako nagpakita sa'yo nang iwan ko sa'yo si Kharille?" nababasag ang boses nya sa huling sinabi.

Tahimik lang itong tumango.

"Y-Yes. And before that...Why didn't you told me that you are pregnant?" sabi nito.

Tumango sya at tumingin dito.

"Wala naman akong alam tungkol sa'yo..Hindi rin naman kita kilala para ipaalam sa'yo..Ilang linggo rin, o buwan bago ko malaman na buntis ako, hindi ko na matandaan..Sa dami nang nangyari ay hindi ko na naisip na buntis pala ako.."natatawang aniya at nangilid ang luha.

Hanggat maari ay pinanatili nyang matatag ang boses ngunit hindi marunong makisama ngayon ang katawan nya.

Natahimik ito kaya pinagpatuloy nya ang pagkwekwento.

"P-Patay na si mama pagkatapos kong malaman na buntis pala ako.."natigil sya sa pagsasalita dahil may bumukol sa lalamunan nya.

Nangingilid ang luha nya at tumingala para hindi iyon tumulo. Ngayon nya lang bubuksan uli ang topic na iyon. Ilang taon na ang lumipas pero masakit pa rin para sakanya ang nangyari sa ina. Parang isang bangungot ang nanyari sa mga taong iyon.

"I-I'm s-sorry.." hingi nito ng tawad.

Tumingin sya dito at tipid na ngumiti. Parang gusto pa syang pigilan nito sa pagkwekwento ngunit tipid lang syang umiling at nagpatuloy.

"A-Ayos lang..Ayon na nga, matapos kong malaman na buntis ako ay isinantabi ko muna ang nararamdaman para maalagaan mabuti ang pinagbubuntis ko..Mahirap sa una pero kinaya naman..Nagpapasalamat nga ako dahil na riyan ang mga kaibigan ko para tumulong sa pagbubuntis ko.." mapait syang natawa sya nang maalala ang mga panahong iyon.

"M-Maayos akong naka anak, masaya ako dahil don. Pero hindi pa rin pala doon natatapos ang bangungot..N-Namatay ang kakambal ni Zelestine.."napatigil sya sa pagsasalita at napahagulgol.

Napahawak sya sa suot na kwintas. I am sorry anak..please forgive me. Naramdaman nya ang kamay ni Khalil sa palikat nya at pinahilig ang kanyang ulo sa dibdib nito. Nanigas sya.

"I-I'm sorry..Please stop.." parang nahihirapang anito.

Umiling sya at nagpakatatag.

"M-Masakit..Sobrang sakit na mawalan ng anak..G-Gusto ko na ngang sumuko sa mga panahong iyon, pero, may isa pa akong anak, kailangan kong magpakatatag para sa anak ko..Pero wala e, Malas yata ako sa buhay pati anak ko ay nadamay ko pa sa kamalasan ko.."pagak syang natawa. "S-Sinugod namin sa ospital si Zelestine dahil ang taas ng lagnat nito at doon na nga namin nalaman na may sakit pala sya." pinunasan nya ang luha at mapait na ngumiti sa kawalan.

"Sa mga panahong iyon ay gustong gusto nang sumuko ng katawan ko, trabaho dito, trabaho doon, kung ano ano nang trabaho ang pinapasukan ko pero hindi pa rin pala naging sapat. Kulang pa rin. Kulang na kulang para sa pampagamot ni Zelestine. Kaya naman, naisipan ko nang lumapit sa'yo, hiningi ko ang information mo sa boss ko, binigay nya naman."

"L-Labag man sa kalooban kong ibigay sa'yo ang anak ko ay ginawa ko pa rin..gustong gusto kong mapagamot ang anak ko at lumaking maayos at walang iniisip na problema. Hindi ako nagpakita dahil ayoko nang gulo. Ikakasal na na nang mga panahong iyon at ayokong makasira ng relasyon.." mahina nyang ani.

Narinig nya ang mabibigat na buntong hininga nito.

"H-Hindi natuloy ang kasal.."sabi nito.

Nagulat sya doon at tumango na lamang. Umalis sya sa pagkakasandal dito at umayos ng upo. Bahagyang nahiya sa paraan ng pagsandal dito. Pinunasan nya na pati ang kanyang luha.

"S-Sorry..dahil sa akin ay hindi natuloy ang kasal nyo.."paumanhin nya at tumungo sa kahihiyan.

Umilhng ito at hinawakan ang kamay nya. Nagulat sya doon at aalisin na sana ang kamay nang mas higpitan nito ang akap.

"No..its not your fault..Ako, Ako ang may kasalanan..at hinding hindi ko pinagsisisihan ang gabing iyon..Patawarin mo ako dahil wala ako sa tabi mo noong mga panahong iyon.."

Napalunok sya para ibsan ang nararamdaman. Nakatungo ito habang sinasabi iyon. Nagulat sya at napatingin sa kamay na hawak nito nang maramdaman na may tumutulo doon. Umiiyak na naman ba ito? Nag angat ito ng tingin sakanya at ngumit. Napatulala sya sa ngiting iyon. Malungkot. Galit.? Hindi nya alam. Hindi nya maexplain. Pero sigurado sya na ibang iba ang ngiti nito kanina at sa ngiti nito ngayon.

Ngumiti rin sya at hinigpitan rin ang pagkakahawak sa kamay nito.

"M-Matagal na iyon..Wala kang kasalanan..Pareho lang tayong nasaktan..Ang mahalaga ngayon ay ang kapakanan ni Zelestine.." malungkot syang ngumiti dito.

Tumingin ito sa maa nya na may paghanga at nabigla sa sinabi nya. Kung sya rin ay nabigla sa sinabi, ewan nya ba kusa nalang iyon lumabas sa bibig nya matapos nyang makita ang lungkot sa mga mata ngayon. Sa totoo lang ay gusto nyang magalit dito, pero ano bang magagawa ng galit nya? Baka tuluyan na nitong ilayo sakanya ang kanyang anak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top