17

#MIU17

TATLONG araw. Tatlong araw walang pansinan at awkward sa lahat ng bagay. Tatlong araw na syang nandito sa bahay nito pero mukang iniiwasan rin sya ng binata. Its a good thing though, ayaw nya rin itong makasalamuha.

Naiilang sya.

O ilang lang ba itong nararamdaman nya?

Sa loob ng tatlong araw ay napansin nyang gabi na ito kung umuwi. Wala itong katulong kaya sya ang nagluluto, naglilinis at nag aalaga sa anak nya. Natutuwa naman sya kahit papaano ay sa ganoong paraan ay nakakabawi sya rito.

Ngayon ay silang dalawa uli ni Kharille ang magkasama habang nanonood ng TV sa kwarto nya. Tapos na silang maghapunan at nagpapa antok nalang.

"Teacher..."napatingin sya dito.

"Why baby?" tanong nya.

Tumingin ito sakanya at inihiga ang ulo sa hita nya. Napangiti sya at hinaplos ang buhok nito.

"Can I call you mommy?"ani nito.

Nabigla sya doon.

"Sorry, i just want a mommy .."malungkot na saad nito nang hindi sya nakasagot.

Pinangilidan sya ng luha at parang kinurot ang puso nya sa sinabi ng anak.

"O-Ofcourse, baby, you can call me mommy...from now on, i will be your mama okay?"naiiyak na aniya dito.

Nakangiting sinalubong sya nito at tumayo at niyakap sya.

"Really? Thank you, teache-- i mean mommy!"tumawa ito.

Napangiti sya at niyakap rin ito pabalik. Ang tagal nyang inintay 'to. Ang tagal nyang inasam na tawagin sya nitong mommy. At ngayon narinig nya na ay para syang nasa ulap at nakalutang.

Nagulat sya nang kumalas ito sa yakap nya.

"Wait, mommy...what's that?"lumapit ito sa may drawer doon.

May kinuha ito sa nakabukas na drawer at hinarap sakanya.

"Oh! A camera! Is this yours?"natutuwang kinalikot nito ang camera.

Tumango sya at ngumiti.

"Yes, baby. One of my special friend give that to me..."nakangiti nyang kwento.

Hindi ito sumagot at naupo sakanyang hita habang kinakalikot ang camera.

"There's a video! Oh! Its you, mommy, look!"masayang hinarap sakanya nito ang camera.

Nakangiti nyang kinuha iyon at tinignan. Ang huling video nya pala ito. Kuha pa ito nang nasa ospital pa ang ina. Hinaplos nya ito at pinanood. Para syang maiiyak nang makita sa video ang ina.

"Who's that mommy? She looks like you.."komento nito.

Ngumiti sya at tinuro ang video.

"This is my mom.."turo nya.

"Wow! She's beautiful! Where's she now?"nakangiting tanong nito sakanya.

Natigilan sya at kapukawan ay ngumiti dito.

"She's in heaven now.."hinaplos nya ang buhok nito.

"Oh, sorry mommy...wala ka na rin po palang mommy, just like me..."malungkot na saad nito.

Para syang nadala sa lungkot nito. Pinaharap nya ito.

"Baby, look at me. I'm your mom okay? Don't be sad na, I'm now here...."hinalikan nya ito sa noo.

Malungkot pa rin itong tumango.

"Don't leave me again, mommy..."narinig nyang bulong nito.

Tuluyan na syang naiyak sa sinabi nito.

"Shhh, baby mommy wont leave you again okay?" aniya.

Malungkot pa rin itong tumango sakanya.

"Wag ka nang malungkot okay? Hindi ako aalis, dito lang ako."siniksik nya ito ng yakap.

Tumawa ito nang naiipit na.

"Mommy! Stop!"tumatawang ani nito.

Tinigil nya iyon at nakangiting pinagmasdan ang anak. Tumingin ito sakanya bago pulutin uli ang camera.

Kinalikot nito iyon at hinarap sakanila.

"Mommy, smile!" sabi nito at bago pa sya makangiti ay tumunog na ang flash nito.

"Mommy, look! You look shock and stiffed!"tumatawang pinakita nito sakanya iyon.

Tinignan nya iyon at tama nga ang anak. Muka syang gulat na gulat sa camera. Hinarap nya ang anak at tumatawa pa rin ito sakanya.

"Ah, ganon?" nakangisi nyang hinawakan ito at kiniliti.

Agad naman nagtitili ito at nagpupumiglas habang malakas na tumatawa.

"Stop! Mommy, stop! Ayoko na!"tumatawang tili nito.

Tumawa sya at pinagpatuloy iyon hanggang sa mapagod. Mangiyak ngiyak naman ito sa kakatawa at nahiga sa hita nya.

"Ayaw mo na?"tumatawang tanong nya.

Umiling ito at tumawa.

"Yoko na mommy...tiring.."ani nito.

Natawa sya at hinaplos ang buhok ng anak.

"Ang gulo ng buhok mo..."hinaplos nya ang salasalabat na buhok nito.

"Hindi na ba ako maganda mommy?"nakangusong tanong nito.

Tumawa sya at umiling.

"Ofcourse not. You still beautiful..."nakangiting aniya.

Tumayo sya.

"Wait a second, kukunin ko lang yung brush ko..." lumapit sya sa drawer at kinuha ang pouch doon at dinala sa kama.

Binuksan nya iyon at pinaupo si Kharille.

"Come closer, susuklayan kita..."aniya.

Tumango ito at humarap sakanya. Binuksan nya ang pouch at kinuha doon ang di tiklop na hair brush. Nakita iyon ni Kharille at may nakita syang dinampot.

"Omg! Make ups! Can I use this, mommy?"malambing na tanong nito.

Ngumiti sya at umiling.

"No baby, hindi pa pwede sa'yo yan. Don't worry, bibili tayo ng make ups na pwede sayo okay?"nakangiting aniya dito habang sinusuklayan ang buhok nito.

Nakangiti itong tumango.

"Yehey! I wanna be a make up vlogger!"nakangiting sigaw nito habang nakataas ang kamay nitong may hawak na make up brush.

Nakangiti nyang pinanood ito.

"Really? Did you know that I'm aspiring make up vlogger before?" nakangiting kwento nya.

Parang nagningning naman ang mata nito at tinutok ang atensyon sakanya.

"Really mommy? I want to try too!"nakangiting saad nito.

Ngumiti sya dito.

"Do you want me to be your model?"nakangiti nyang sabi.

Mas lalo itong ngumiti ng mas malaki.

"Omg! Sure mommy!"tili nito.

Natawa sya sa inasta nito. Habang tumatagal na magkasama sila ay nagbabago ito. Wala na ang mahiyain at hindi palasalita na Kharille na una nyang nakilala. Bibo ito kapag kasama sila. Walang hiya at makulit na bata.

"Okay, listen to mommy first okay?" nakangiti nyang saad.

Sunod sunod itong tumango.

Tumayo sila at dinala nila ang gamit sa vanity table. Binuksan nya ang ilaw doon dahil wala naman silang ringlight kaya ayon muna. Kumuha sya ng mas mababang upuan para doon maupo at si Kharille ang sa mataas.

"Upo ka dito, baby.."binuhat nya ito at pinaharap sakanya. 

"First, you should introduce yourself first to your viewer...like this,"humarap sya sa camera. "Hi everyone! Its me Kharille! And for todays video, i'm gonna do my mom's make up!"nakangiting aniya.

"Kuha?"nakangiting tumango ito.

"Now, your turn.."ngumiti naman ito sakanya bago humarap sa camera.

"Hello, pochies! It's me Kharille! And today, I'm gonna do my mommy's make up!"nakangiting sabi nito.

Pumalakpak sya nang matapos ito. Ang galing na bata! Hindi mo aakalain na six years old ang nagsasalita! Ngitian nya ito at malakas na pinalakpakan.

"Ang galing naman ng baby ko! Pakiss nga!"pinugpog nya ito ng halik sa muka dahilan kung bakit tumatawa na naman itong punatigil sya.

"Mom stop! What's next na?" excited na tanong nito.

Tumawa sya sa kabibohan nito.

"Eto na ma'am..."tumawa sya. "Next is, kuha ka nito,"pinakita nya dito ang foundation. "And using this foam, apply this to me okay? Pagkatapos ay show this to them"tinapat nya ang foundation sa camera.

Seryoso naman itong tumango na kinatawa nya. Mukang seryoso ito na gustong matuto.

"Then, pagkatapos mo akong lagyan ng foundation ay eto naman, this is called blush on..."pinakita nya iyon. "Lagyan mo ako sa cheeks ko okay? And pagkatapos ay lagyan mo ako ng lipstick, this is the lipstick.."pakita nya. "And for the last, brush my eyebrows and We're done!"nakangiti paliwanag nya.

"Kuha?"naka thumbs up na tanong nya.

Ngumiti ito at tumango tango.

"Lets do it! Lets do it!"pakanta nitong sagot.

Natawa sya. At pinanood itong mag vlog. Ayon lang ang tinuro nya dahil bata pa naman ito at dapat ay magsimula muna sa madali. Nag simula itong make upan sya at para syang nasunod sa matanda. Seryosong seryoso ito sa ginagawa, pinapagalitan pa sya nito kapag na huhuli syang tumatawa. Nagugulo daw ang make up nya. Agad nya nalang kinakagat ang dila para pigilan ang tawa nya.

Mukang may alam ito sa ginagawa dahil mukang maalam ito sa paglalagay. Biruin mo, six years old palang marunong ng magblend? Natapos ito at pinaharap sya sa salamin.

"Look mommy! Omg! Omg! You look so beautiful!!"nagtitiling sabi nito.

Nakangiti syang humarap sa salamin at tinignan ang sarili. Medyo napakapal ang lagay nito ng foundation at blush on. Natawa sya sa kanyang itsura at agad na pinigil para hindi mabwisit ang anak.

"Wow! Ang galing naman ng baby ko! Maganda na ba si mommy?"nakangiti nyang tanong.

Ngumiti ito at tumango tango.

"Yes! And I'm the one who do that! Omy, i'm so galing!"pinaypayan pa nito ang sarili at kunwaring nagpupunas ng luha.

Natawa sya at napatingin sa orasan.

"Ow, late na pala. Let's sleep? Bawal magpuyat, papanget" sabi nya.

Nakangiti naman itong tumango at nagpa alalay bumaba. Tinulungan nya ito at binuhat at pinahiga sa kama. Hinele nya ito at pinatagilid habang mahinang kinakantahan. Muka naman napagod ito dahil mabilis na nakatulog. Ilang minuto syang tumabi dito bago dahan dahan tumayo. Nauuhaw sya.

Lumabas sya ng silid at bumaba sa hagdan. Pumunta sya ng kusina para uminom ngunit may nakita syang tao sa kusina. Si Khalil. Nakauwi na pala ito? Medyo maaga aga pa at mimiya pa dapat ang uwi nito.

Wow, Zandra, alam na alam ah? Parang misis lang na nag aantay na umuwi ang asawa galing trabaho.

Umiling sya sa pumasok sa kanyang isip at tumigil. Nasa may bukana sya ng kusina dahilan para mapatingin ito sakanya. Umiinom ito ng tubig habang nakatayo malapit sa refrigirator. Soot  nito ang white longsleeveat halatang kauuwi lang.

Agad syang nag iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Lumapit sya doon.

"Excuse me..."nakaharang kasi ito sa pinto ng ref.

Mataman muna sya nitong tinignan bago umusod. Binuksan nya ang ref at kumuha ng tubig doon. Nilabas nya ang maliit na container at naghanap ng baso.

"Here..."nagulat sya nang ito mismo ang nag abot.

Alinganin tinanggap nya ito at parang may karera sa loob ng puso nya dahil naghuhumarentado iyon sa hindi nya malamang dahilan, tuloy ay nagkatapon tapon ang tubig na sinasalin nya. Mahina syang napamura.

"Sorry.."hingi nya ng paumanhin.

Hindi ito nagsalita at kumuha ng tissue paper at binigay sakanya.

"T-Thanks.."pasasalamat nya.

Hindi pa rin ito kumibo at pinapanood lang sya.

Kinakabahan sya sa presensya nito. Nararamdaman nya ang titig nito sakanya. Mabilis nyang tinapos ang pagpupunas at ininom ng isang lagukan ang tubig at binalik sa ref ang container bago tumalikod. Ang bilis bilis ng tibok ng puso nya. Nakakapanibago.

"Wait...."napatigil sya nang magsalita ito.

Humarap sya dito.

"B-Bakit ? "nauutal na tanong nya.

Tumingin ito sakanya at pinagmasdan ang muka nya dahilan kung bakit nakaramdaman sya ng pagkailang. Shit! Oo nga pala. Naka make up sya at medyo hindi maayos ito.

"M-Minake-up-an ako ni Kharille..."inunahan nya na ito.

Tumango ito at hindi pinansin iyon.

"Tomorrow, aalis tayo. Bring some cloths, pang isang linggo."ani nito.

Napatanga sya. Pang isang linggo? Saan naman sila pupunta?

"P-Pero, hindi pa ako nagpapa alam sa school..."mahinang aniya.

"I already do that. Kinausap ko na ang head.."ani nito.

Tumango sya. Ganon kabilis? Ang alam nya ay hindi basta basta nagpapa absent ng teacher ang school nila dahil bago palang ang school at medyo kulang sa mga guro.

"Okay...Anong oras?"tanong nya.

Tumingin ito sakanya. Nahiya tuloy sya sa itsura nya ngayon.

"Before lunch.."sabi nito.

"Okay...ahm, papanik na ako.."awkward nyang sabi dito.

Tumango ito at mariin syang tinignan. Naninimbang. Mukang may sasabihin pa ito ngunit tinikom rin ang bibig.

Agad na syang tumalikod at pumanik. Hindi naman nagising ang anak nya nang hindi sinasadyang napalakas ang sara nya ng pintuan. Dumaretso sya sa banyo para maghilamos at matulog na. Pumasok sya doon at naghilamos at nagtoothbrush. Pagkatapos ay lumapit sya sa cabinet at inayos na sa isang hindi kalakihang bag ang mga dadalhin bukas. Sapat na damit para sa isang linggo lang ang dinala nya at ilang personal na gamit.

Nang matapos ay pabagsak syang nahiga at tinabihan ang anak. Hinaplos haplos nya ang buhok nito nang lumikot itong matulog at napayakap sakanya.

Napangiti sya bago ipikit ang mata at lamunin ng antok.

NAGISING sya sa init ng araw na tumatama sa muka nya. Nakabukas na pala ang kurtina. Napatingin sya at nilibot ang paningin sa kwarto. Nakita nya ang anak nya na nasa harap ng salamin at bihis na bihis na ito at sinusuklayan ang sarili.

Napangiti sya at miya miya ay napasapo ng noo. Shit! Nakalimutan nya! Aalis pala sila ngayon! Napatingin sya sa orasan at tanghali na pala sya nagising. Ganon kasarap ang tulog nya? Napatayo sya at sinuot ang tsinelas.

Napatingin sakanya ang anak at binaba ang hawak na suklay. Nginitian sya nito.

"Teach--I mean mommy, you're awake na! Did I disturb your sleep?"nag aalangan tanong nito.

Umiling sya at ngumiti. Lumapit sya dito at hinaplos ang medyo basa pa nitong buhok. Nakalugay ito at may suot na pulang headband.

"No baby. Kanina pa ako gising. "ngiting aniya.

Ngumiti ito at tumango.

"Great! Daddy said kasi don't wake you up if you're still sleeping. Anyway, get ready na mommy! We're going to Daddy's province and visit lolo's house, yehey!" pumalakpak na sabi nito.

Wala sa sariling napatango sya. Sinabi nito iyon? Sandaling may tumamang kakaibang pakiramdam sakanya na agad nyang winaski. At isa pa, tama ba ang pagkakarinig nya? Pupunta sila sa probinsya nito? Anong ibig sabihin non? Come on, Zandra. Wag mong nang bigyan ng kahulugan ang ganoong kaliit na bagay, Zandra, baka ikasakit lang ng damdamin mo.

Umiling nalang sya at hinarap ang anak.

"Wait for me okay? Liligo lang ako..."ngiti nya.

Nakangiting tumango ito sakanya kaya tumalikod na sya at lumapit sa cabinet na naandon at kumuha ng damit na isosoot. Pagkatapos ay dumaretso na sya sa banyo upang maligo. Mabilis nyang tinapos ang pagligo at agad na nagbihis. Wearing a short sleeve black bodycon dress and a ankle strap heels ay binagayan nya iyon ng light make up. Hinayaan nyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Habang ginagawa iyon ay nanonood lang ang kanyang anak at tumawang tuwa. Hindi nya namalayan na hawak na nito ang dating camera at kinukuhanan sya ng video. Tinawanan nya lang yon.

Mukang may magmamana na ng camera ko.

"I'm done. Let's go downstair?" nakangiting tanong nya nang matapos.

Tumango ito at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kalapit nya.

"You are so pretty mommy!"nakangiting papuri.

Nginitian nya ito at hinalikan sa pisngi.

"Thank you baby. You too, you are so beautiful in your red dress, kamukang kamuka talaga kita.."nakangiting pinisil nya ang pisngi nito.

"Thank you mommy! Lets go downstair! Baka naiinip na si daddy.."hinila na sya nito palabas.

Kinuha nya ang inihandang bag at isang maliit na shoulder bag na nakalagay sa ibabaw ng kama bago tuluyang magpahatak kay Kharille pababa. Dumaretso sila sa sala kung nasaan si Khalil. Bukas ang tv at nanonood ito. Napansin sila nito kaya napatingin ito sakanila.

"Daddy! We're ready! Lets go! Lets go! I'm excited to see lolo and mamita!"pakantang ani ni Kharille at hinatak hatak sya papalapit dito.

Napatingin sya kay Khalil at nagulat sya nang makitang nakatingin ito sakanya. Preskong presko ang itsura nito ngayon. Suot ang white vneck shirt at ang cross necklace nito ay nagmuka itong college student, gone the formal attire he usually wear. Madalang nyang makitang ganito ang suot nito dahil puro sando at formal attire nya lang nakikitang suot nito.

Umiwas sya ng tingin nang pasadahan sya nito ng titig pababa. Bigla tuloy syang nahiya at napamura sa isip.

"Hello, daddy. Hello, I'm here. Why are staring at mommy's face? Do you find her beatiful?"nakangising winagayway nito ang kamay sa harap ng ama.

Napakurap ito at inilipat ang atensyon sa anak.

"Mommy's face?" tumingin ito sakanya. Nagiwas sya ng tingin. Oo nga pala, lumampas sya sa linya. Lumabag sya sa usapan nila.

"Yes. Your mom is beautiful like you."sabi nito sa anak.

Gulat na napatingin sya dito. Ayon na naman ang puso nyang nagwawala sa sobrang lakas ng kabog. Mahigpit syang napakapit sa bag na dala. Nmumulang nag iwas sya ng tingin dito nang hindi nakayanan ang mapanuring tingin nito.

"Ofcourse! We are beautiful! All women are beautiful! Girl power!" tinaas pa nito ang kaliwang kamay.

Mahina silang natawa. Mahina syang napamura nang tumunog ang tyan nya. Napatingin ang dalawa sakanya at bumaba ang tingin ni Khalil sa tyan nya.

"Eat first. May pagkain na sa lamesa. Iintayin ka nalang namin dito.."ani nito.

Nahihiyang tumingin sya dito.

"K-Kayo?"tanong nya. Baka kasi hindi pa kumakain ang mga ito.

"We already eat. Go, eat first. We're fine here. "pinal na sagot nito.

Tumango sya at binaba na ang bag at gamit sa sofa bago tumalikod sa mag ama. Pumunta sya sa dining area at kumain na. Hindi sya kumain ng madami dahil hindi na sya sanay na kumakain ng madami sa umaga. Dinaan nya nalang sa tubig para mabusog. Nang matapos ay agad syang bumalik sa salas at ganon pa rin ang sitwasyon ng dalawa. Tumingin ito sakanya.

"Done?" tanong nito nang makita sya.

Tumango sya.

"That fast?"takang tanong nito at bumaba ang tingin sa kanyang tyan.

Nahiya sya kaya medyo tinago ang tyan.

"Yes.."sagot nya at tumango.

Kinuha nya na ang bag sa sofa at binuhat. Tumayo ang dalawa at lumapit sakanya. Nagulat sya nang agawin nito sakanya ang dala nyang bag at ito mismo ang nagbuhat. Magsasalita sana sya nang unahan sya nito.

"Ako na. Hawakan mo nalang si Kharille.."ani nito.

Wala syang nagawa at hinawakan nalang ang kamay ni Kharille papalabas. Doon nya lang naalala ang gamit ng dalawa.

"W-Wala ba kayong dadalhing gamit?"tanong nya dito.

Lumingon sakanya si Khalil ay umiling.

"May gamit kami sa tutuluyan natin."sagot nito.

Tumango sya at hindi na nagsalita. Nang makarating sa sasakyan ay pinagbuksan sila nito ng sasakyan. Inalalayan nya si Kharille na makapasok doon at susunod na sana sya sa pagpasok nang pigilan sya nito.

Nagtatakang napatingin sya dito.

"Bakit?"takang tanong nya.

Binuksan nito ang front seat at inilahad sakanya. Napakunot ang noo nya.

"Get in.."sabi nito.

Nagulat sya at kinunot pa lalo ang noo.

"Bakit? Walang kasama sa likod si Kharille" sabi nya.

"No mommy, i'm fine here, tabihan nyo nalang po si daddy, baka po antukin, pagod po kasi si daddy sa work.."sagot nito.

Napabuntong hininga sya at wala nang nagawa. Napatingin sya kay Khalil at may ngisi ito sa labi.

"Okay..."usal nya nalang.

Sinarado nya ang pinto ng kotse at pumasok at naupo sa unahan. Tahimik lang itong pumasok at nilagay sa backseat ang gamit nya. Tumingin ito kay Kharille at chineck ang ayos nito, ganon rin sya. Nang maayos naman ay daretso ang tingin nya lang. Muntik na syang mapatalon nang naramdaman ang hininga nito malapit sakanya.

"Seatbelt.."ito mismo ang nagkabit nito sakanya.

Mahina syang napamura nang lumayo ito. Pinamulahan at kinabahan. Shit! Baka isipin nito na sinadya nyang hindi maglagay ng seatbelt. Wait lang Zandra, bakit nya naman iisipin yon? Anong gusto mong iparating? Napailing sya at tinigilan na ang pagiisip. Napatingin sya sa likod nang makarinig ng munting halakhak ng anak.

Tumaas ang kilay nya nang nakitang may tinitignan ito sa hawak na camera nya at mahinang tumatawa. Napansin sya nitong nakatingin kaya nakangising hinarap sya nito.

"Look mommy! You and daddy look so sweet!" nakangiting hinarap nito sakanila ang camera.

Kuha ito kanina. Malapit na malapit ang muka nila at syay mukang gulat na gulat sa paglapit nito. Napa iwas sya ng tingin at pilit na nakitawa sa anak. Bumalik ito sa pagtingin sa camera at nagkaron ng sariling mundo.

Umandar ang sasakyan kaya napatingin sya dito at nakitang may nakapaskil na ngisi ito sa labi ngunit agad ring nawala ng sulyapan sya. Umiwas sya ng tingin dito at tumingin nalang sa bintana.

Bukas na ang gate nang makalabas sila. Nagpaalam ito kay manong Rey kaya nakangiting nagpaalam rin sya dito. May katandaan na ito at matagal na daw nagsisilbi sa pamilya ni Khalil.

Umandar na ang sasakyan palayo sa lugar nila. Naging tahimik sila. Si Kharille ay busy sa kanyang camera at nagvivideo, paminsan minsan ay pinapakita nito sakanya ang nakuhaan at babalik na naman sa pagkuha. Nasa kalagitnaan sila ng byahe nang makatulog ito.

Napatingin sya kay Khalil. Tahimik ito at sasagot lang kapag kinakausap ng anak.

"Matagal pa ba tayo?" tanong nya.

Tumingin ito sakanya at binalik sa kalsada ang tingin.

"Malapit na. Mga dalawang oras nalang naandon na tayo."sagot nito at tumingin sa relo.

Tumango sya.

"Okay.."aniya.

Tumingin ito sakanya saglit.

"Why? Are you bored? You can sleep or do whatever you want.."ani nito.

Umiling sya at napahawak sa tyan.

"Nagugutom na kasi ako, konti lang ang kinain ko kanina..."mahina nyang ani sa kahihiyan.

Tumingin ito sakanya at sa kamay nyang nasa tyan. Hindi ito sumagot at tinigil ang sasakyan sa nadaanan nilang drive thru.

Humarap ito sakanya.

"What do you want to eat?" tanong nito.

Nahihiyang sumagot sya.

"Ahm, cheese burger nalang at spaghetti."pagkasabi nya non ay sakto naman nagising sa pagkakaidlip ang anak nya.

Napatingin sila dito.

"Are you hungry baby?"tanong ni Khalil.

Tumangong inaantok pa ang anak.

"What do you want to have?" tanong ng ama.

"Fries and sundae..."sagot nito

Tumango si Khalil at humarap na sa crew.Nakangiting humarap ito kay Khalil at tinanong nito kung anong order. Wala sa sariling kumunot ang noo nya.

"One cheese burger and spaghetti, one large fries and sundae. And three bottle of water please.."ani nito.

Nakangiting tumango ang babae at agad inasikaso ang order nila. Nang matapos ito ay agad nitong nilagay sa supot na agad naman kinuha ni Khalil. Kinuha nya ang wallet para kumuha ng pera.

"Bayad ko.."abot nya ng pera.

Tinignan lang nito iyon at dumukot ng sariling pera.

"No need.."sagot nito at nagbayad.

Naiwan sa ere ang kamay nyang may hawak na pera. Itinabi nya iyon at nagkibit balikat. Inabot nito sakanya ang supot na naglalaman ng pagkain at pinausad na muli ang sasakyan. Binigay nya kay Kharille ang pagkain nito at magana naman nitong tinanggap at kinain. Napatingin sya kay Khalil na seryosong nagmamaneho at napatigil sya sa pagsubo ng spaghetti at napatingin sa burger na wala pang kagat. Nakalimutan nya pala itong alukin kanina, gutom na kasi sya.

"Ahm...gusto mo?"nahihiyang alok nya.

Luh, asa ka.

Tumingin ito sakanya at umiling.

"Later..."sagot nito.

Napatingin sya dito. Mukang nagugutom na rin ito. Medyo matagal ang byahe nila at miski syang kakakain lang ay gutom na paano pa kaya ito? Inalis nya sa pagkakabalot ang burger at tinaas papunta sa labi nito. May kaunting gulat sa mata nito nang mapatingin sakanya.

"Sige na, baka nagugutom ka na rin..."alok nya.

Wala itong nagawa at kumagat sa burger habang nagmamaneho. Lihim syang napangiti. Nginuya nito ang kinagat, wala sa sariling kinuha nya ang tubig at inabot dito. Miski sya nagulat sa ginawa ngunit nainuman na nito iyon kaya awkward nyang binalik at sinarado ang bote.

"Thanks.."ani nito.

Gusto nyang iuntog ang ulo sa kahihiyan. Ang feeling nya sa part na yon. Umakto syang parang walang nangyari at tumango. Napatingin sya sa anak na busy sa pagkain. Naging tahimik uli ang byahe at hindi sya nakatulog. Lumipat ng upo ang anak nya sa kandungan nya kaya binagalan ni Khalil ang pagmamaneho.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumigil ang sinasakyan nila sa isang malaking puting bahay. Bumaba ito at pinagbuksan sila ng pinto. Pinauna nyang bumaba si Kharille at saka sya sumunod.

"We're here.."

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top