16
#MIU16
WALANG salitang lumabas sya ng opisina ni Khalil. Agad syang sumakay ng kotse nya nang makalabas ng ospital. Binati pa sya ng isang nurse doon, ngumiti lang sya at nagpaalam. Pagkarating sa bahay ay parang lantang gulay syang napaupo sa sofa. Hinilig nya ang batok sa sofa at napahilamos ng muka.
Gosh! Naalala nya na naman ang nangyari kanina! Pinamulahan sya at may sumibol na pakiramdam. Hinawakan nya ang dalawang pisngi na nagiinit at pinisil iyon. Baka sakaling magising sya at hindi totoo ang nangyari kanina. Nakakahiya! Napahiya sya kanina dito at parang asong ulol na nahalikan lang ng isang beses ay nawala na sa sarili. Ganon na ba sya katigang? Sinmpal sampal nya ang sarili at muntik nang mapahiga sa sofa.
"Anong nangyayari sayo? Para kang teenager na kinikilig dyan"ani ng nagsalita.
Mabilis syang napabangon at pinamulahan.
"Sinong kinikilig? Walang kinikilig dito!" depensa nya.
Tinitigan sya nito at ngumisi ng mapang asar.
"Hmm. Mukang alam ko na ang nangyari.."ngising ani nito at uminom sa dala nitong juice.
"Wala ngang nangyari!" wala sa sariling sagot nya.
Agad nyang natakpan ang bibig sa nasabi.
"I-I mean, walang nangyari!" agad na dagdag nya.
Mas lalong ngumisi ito at mahinang napahalakhak.
"Sabi mo e..."ngisi nito. Lumapit ito sakanya. "E ano 'to?" hinawakan nito ang parte ng leeg nya.
Napahawak sya doon at pinamulahan.
Shit! Nakalimutan ko!
Agad nyang tinakpan ang tenga at lumayo dito.
"Wala! Kagat ng ipis!" depensang sagot nya.
Ngumisi ito.
"Bakit parang kinagat?" ngising tanong nito.
"Edi lamok! Kagat ng lamok!" sigaw nya.
Nang aasar itong humalakhak.
"Sabi mo ipis?" pang aasar pa rin nito.
"Ateee!"naaasar na nyang sigaw
Tumayo na sya at nanakbo sa kanyang kwarto. Narinig nya pa ang tawa nito at pang aasar sakanya.
Nang makapasok sa pinto ay patalon syang nahiga sa kama at nagpagulong gulong. Nakakahiya! Natauhan lang sya nang tumunog ang cellphone nya. Kinuha nya iyon at chineck. Unknown number.
Unknown number:
We'll pick you up at 1pm.
Nangunot ang noo nya sa text. Sino naman ito?
Nireplyan nya ito.
Sya:
Who are you?
Pagkasend na pagkasend nya ay tumunog agad ang cellphone nya.
Unknown:
Khalil.
Napatanga sya sa nabasa at napatitig doon. Khalil? As in Khalil Pangilinan?! Nanginginig ang kamay na pinulot nya ang cellphone na nalaglag sa kamay nya at pinapawisan ang kamay na nagtype ng irereply.
Sya:
Khalil Pangilinan?
Sya:
Okay. Magreready na ko.
Hindi na ito nagreply makalipas ang limang minuto, baka may pasyente na. Saan kaya nito nakuha ang number nya? Siguro sa school? Nagtataka pa rin sya kung saan lupalop nito nakuha ang kanyang number.
Binalik nya ang cellphone sa table at pabagsak na nahiga. Napabuntong hininga sya sa naalala. Ngayon araw ay makakasama nya na ang anak. Masaya sya doon. Kaso lang ay may konting kirot pa rin dahil hindi sya nito makikilala bilang ina. Wala kang karapatan magdrama Zandra, sumang ayon ka diba?
Ilang minuto pa ang nakalipas ay naisipan nyang lumabas para kumain. Anong oras na pala at ilang oras nalang ay dadating na ang susunod sakanya. Excited sya na kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Excited, dahil makakasama nya na ang anak at kinakabahan dahil sa presensya ni Khalil. Ewan nya ba, sa tuwing dadait sya kay Khalil ay may kung anong kaba at panlalamig syang nadarama. Para syang highschool student na kinakabahan kapag nasa paligid ang crush nila.
Wait...may crush ako kay Khalil? No! Wala akong crush sa supladong 'yon! Hindi pwede!
Napapaililing sya sa naiisip at lumabas nalang sa silid at pumunta sa kusina. Nadaanan nya pa ang kanyang ate at tiya na nagkwekwentuhan. Lumapit sya dito at nagulat dahil naandyan na pala ang kanyang tiyahin.
"Tita, andito na pala kayo? Aga nyo ah?" aniya at naupo sa tabi nito.
Tumingin ito sakanya at tumango.
"Oo, iniwan ko muna yung restaurant, wala pa naman masyadong tao. " ani nito at humithit ng sigarilyo nito.
Napaubo sya sa usok na dulot nito.
"Tita naman! Yung usok ang baho!" nakasimangot nyang ani.
"At bakit naninigarilyo ka na naman? 'Di ba sinabihan ka na ng doctor na bawal sa iyo yan?"parang nanay na aniya.
Agad naman nitong binaba ang sigarilyo at pinatay.
"Sorry, stress lang" hingi nito ng paumanhin at ngumisi.
Sumimangot sya dito. May trauma na ata sya sa sigarilyo dahil sa sakit ng ina. Dahil sa paninigarilyo nito ay namatay ito. Ayaw na nyang mawalan ng isa pang mahal sa buhay. Masyado syang nadala sa dinanas. Ayaw na nyang maulit pa.
"Hayaan mo na stress lang yan kay Fredie..."nanunuyang saad ng kapatid nya.
Napataas ang isang kilay nya at tumingin sa kapatid na tumatawa bago ilipat ang tingin sa tyaheng sinasamaan ng tingin ang kapatid nya. Si Fredie ay kasalukuyang boyfriend ng tita nya. Kasintahan ito dati ng tiyahin nya bago pa pumasok at magtayo ng club ang tiyahin nya kaya nga lang ay nagkahiwalay ang dalawa. Hindi nya alam ang dahilan nito.
"Naks. Lakas ma-stress sa lovelife ah? Feeling bata?"asar nya.
Sinamaan sya ng tingin nito.
"Magtigil kayong dalawa. Anong stress kay Fredie? E ni hindi na nga makapag perform 'yon"pasinghal na ani nito.
Sabay silang napatawa ng kapatid.
"Hindi daw..pero bat blooming?"natatawang asar nya pa.
"Tigilan nyo ko. At ikaw, hindi mo naikwento kagabi na nagkita na pala kayo ng anak mo at ng tatay?"taas kilay na tanong nito sakanya.
"Hay nako tiya, hindi lang nagkita, nag ano pa.."natatawang sabat ng mapang asar nyang kapatid.
"Aba, aba, Zandra..."ang tita nya.
Pinamulahan sya at agad na umalma.
"Nag ano? Hindi ah! Nag usap lang kami!" depensa nya.
Mas lalo itong natawa na kinasimangot nya. Inaasar na naman sya nito.
"Aba, nagpagalaw ka agad? Ano dakota ba?"natatawang tanong naman ng tiyahin nya.
Mas lalo syang namula. Ano bang mga tanong nito?
"Kayo talaga! Nag usap lang kami kanina!" tumayo na sya para pumunta sa kusina. Sinundan naman sya ng mga ito.
"At anong pinag usapan nyo aber? Wag mong sabihin pinag bawalan kang kitain ang anak mo? Aba, sabihin mo karapatan mo 'yon!"sunod sunod na sabi nito.
Naghanda muna sya ng pagkain nya at nilagay sa island counter at doon kumain. Uminom muna sya bago sumagot sa mga ito.
"Pinayagan naman...ang kaso"tumigil sya at tumingin sa mga ito. "Doon ako sakanila tutuloy at papasok bilang personal tutor ng anak ko..."aniya.
Nagulat ang dalawa at mas lalong lumapit sakanya at naupo sa magkabilang tabi nya.
"Ano?! Bakit naman ganon?" alma ng kanyang tiyahin.
"Ibig sabihin, hindi ka pwedeng magpakilala bilang nanay ni Zelestine?"tanong ng kanyang ate.
Tumango sya at tumingin sa mga ito. Nakitaan nya sa muka ng mga ito ang hindi pagsang ayon.
"Parang ganon..."tango nya. "Okay na rin 'yon, basta makakasama ko ang anak ko..."aniya.
Nangunot ang noo ng kanyang tiya sa sagot nya.
"Ang akala ko ba, may asawa itong lalaki?"tanong nito.
Natigilan sya sa tanong nito.
"Hindi ko alam..."kibit balikat nyang sagot.
"Ano ito, bahay bahayan kayo habang kasama ang asawa non?"tanong ng ate nya.
"Wag mong sabihin gagawain kang kabit ng lalaking yan? Ay na ko Zandra, ako makakaharap ng lalaking yan.."banta ng tiyahin nya.
"Hindi naman ako papayag na gawin nyang ganon tita, gusto ko lang makasama ang anak ko..."aniya.
Tumango ang dalawa.
"Kailan ka daw lilipat?"tanong ng ate nya.
Tumingin sya dito at nilunok ang nginunguya.
"Mimiya rin, susunduin nila ako."sagot nya.
"Ano ngayon agad?"gulat na tanong nito.
Tumango sya sa mga ito.
"Agad agad naman ata?"tanong na naman nito.
Nagkibit balikat lang sya.
"Mas okay na yon, mas matagal kong makakasama ang anak ko.."aniya.
Tumango lang ang dalawa at nagkibit balikat nalang.
Natapos syang kumain. Ilang sandali silang nagkwentuhan bago sya nagpaalam na babalik sa kwarto nya. Isang oras nalang ay dadating na ang mga ito. Nilabas nya ang isang maleta na hindi kalakihan at sinilid doon ang iilang damit. Konti lang ang dala nya baka sabihin nito ay doon nya na balak tumira. Nakakahiya naman sa asawa nito.
Naglagay rin sya ng tatlong pares na sapatos at personal kit. Hindi sinasadyang makita nya ang dating camera habang nag aayos ng damit. Kinuha nya ito at may naalala. Bigay nga pala ito ng matalik nyang kaibigang si Diem. Kamusta na kaya sila? Si Jasmine? Galit pa kaya ito sakanya?
Ilang taon na rin pala silang walang komunikasyon. Well, kasalanan nya naman, sya ang pumiling lumayo sa mga ito. Ayaw nya kasing magitgit si Diem sa away nilang dalawa ni Jasmine. Alam nyang mas kailangan ni Jasmine si Diem ng mga panahong iyon. Napabuntong hininga sya at binalik ang camera. Kung may kapangyarihan syang ibalik ang oras ay ibabalik nya ang dati nilang samahan. Miss na miss nya na ang mga ito.
Natapos sya sa pag aayos at hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya. Naalimpungatan sya ng may yumuyugyog sakanya.
"Teacher! Wake up! Omg! Teacher, wake up na!"gising sakanya ng makulit na bata.
Dahan dahan syang napamulat at napangiti. Si Zelestine, pala. Ito pala ang kanina pa gumigising sakanya. Hinigit nya ito at pina ibabaw sakanya sanhi para tumili ito ng pagka lakas lakas.
"AH! TEACHER!"tiling ani nito.
Malakas syang natawa at sinimulang kilitiin ito. Malakas itong tumatawa habang kinikilita nya.
"TEACHER STOP IT!"malakas itong tumawa habang sinasanggi ang kamay nya.
Tinigil nya iyon nang mapagod. Tumatawa silang bumagsak sa kama nya. Hinigit nya ito at niyakap. Ang bango bango nito. Amoy baby. Hindi nya alam kung bakit ginawa nya iyon kanina, pero gustong gusto nyang naririnig itong tumawa. Kung dati lang ay iyak lang nito ang naririnig nya, ngayon tumitili pa.
"Sinong kasama mo dito?"tanong nya dito.
Humarap ito sakanya ng naka ngiti.
"Si daddy! Is it true, teacher? Sa amin ka na titira? We're gonna be a family? Yah!"tumili na naman ito.
Nakangiti syang tumango sa bata. Hindi nya naman pwedeng sabihin na personal tutor lang sya nito.
"Omg! Omg! May mommy na 'ko! Omg!"tumitiling ani nito at tumayo saka nagtatalon.
Bumangon sya at nakangiting pinagmamasdan ito. Mukang sayang saya ito sa nalaman. Sya rin ay masaya. Masayang masaya. Sa wakas ay makakasama nya na ito.Nang mapagod ito kakatalon ay umupo ito sakanyang kandungan. Hinaplos nya ang buhok nito at inayos.
"Baba ka muna, mag aayos lang ako okay? Baka naghihintay na si Kha---ang Daddy mo.."aya nya dito.
"Okay!"nakangiting sagot nito at lumabas na.
Sya naman ay dumaretso sa cabinet at nilabas na doon ang bag na inihanda. Nagpalit rin sya ng damit at naglagay ng lipstick at blush on...wait bakit ba ako nag aayos? Umuling nalang sya sa sumunod na naisip.
Nang matapos ay kinuha nya na ang bag at lumabas na ng kanyang silid. Mula sa entrada ng hagdanan ay rinig na rinig nya agad ang boses ng anak. Nang makababa ay nakita nya sa sala si Khalil na naka upo. Nakatupi ang longsleeve nito sa may siko at tuwid na tuwid ang pagkaka upo. Nagmukang maliit ang sofa nila sa laki nito. Nakita nyang kaharap nito ang ate nya na kinakausap ang kanyang anak.
Dumaretso sya sa sala at agad na napansin ng bata.
"Teacher, you're done na! Lets go!"masiglang ani nito.
Ngumiti sya dito at napatingin sa kaharap. Naramdaman nya kasing tinititigan sya nito. Tinignan nya ito at walang pinag bago.Malamig pa rin ito kung tumingin. Nag iwas sya ng tingin nang hindi na nakayanan pa. Nalipat ang tingin nya sa kanyang ate na nakangising aso sakanya bago sagutin ang makulit nyang anak.
"Tita, kailan uli tayo magbe-bake?" tanong nito.
Ngumiti naman ang kanyang ate.
"Anytime baby, pag wala kang pasok, pwede kang pumunta dito okay?"nakangiting sabi nito sa kanyang anak.
Masayang tumalon ito at lumapit sa ama.
"Daddy, okay lang po na pumunta ako dito?"malambing nitong tanong.
Natigilan sya doon at napatingin dito. Para naman itong hindi makasagot sa anak. Pero kalaunan ay napipilitang tumango ito at hindi na nagsalita.
"Yehey! Tita, pinayagan na ako ni daddy! Yehey!" masayang tumalon talon ito.
Tumayo na si Khalil kaya umayos na sya ng tayo. Aalis na yata sila.
"Lets go..."mababang boses na ani nito.
Tumango sya at tumingin sa kapatid. Tinanguan nya ito at saglit na niyakap.
"Mag iingat kayo. Text ka sakin pag kinakawawa ka nyan"mahinang bulong nito sa kanyang tenga.
Natawa sya at tumango nalang.
"Aalis na kami ate.."paalam nya.
"Wow. Mukang pabor na pabor sa iyo ah? Laki ng bag na dala ah? Wala ng uwian?" natatawang ani nito at mahinang kinurot ang gilid nya.
"Sira.."natatawang aniya.
"Osya, lumakad na kayo. Mag ingat kayo.."nakangiting ani nito sakanya at nilipat ang paningin sa lalaking malapit sakanya.
"Ingatan mo kapatid ko..."pabantang ani nito.
Gulat na napatingin sya dito at susuwayin nya dapat. Hindi naman sumagot ang binata at tinalikuran sila at hinablot na ang bag sakanya bago naunang lumabas.
"Ay, suplado."nausal ng kapatid.
Sya naman ay gulat pa rin sa pagkuha nito ng bag nya. Bakit nya ginawa yon? Napatingin sya sa nilabasan nito at napa iling. Sumulyap sya sa kanyang ate at muka ring nagulat sa inasal nito.
"Ate una na kami ah? Ingat ka dito.."paalam nya.
Ngumiti ito at tumango.
"Kayo rin. Bye, Zelestine!"paalam nito sa anak na may kinakalikot sa may sala nila.
Nakangiting nanakbo ito papalit sakanila.
"Bye tita! See you!"yumakap pa ito dito.
Nakangiting pinagmasdan nya ito bago tinanguan ng kanyang ate at nginitian sya.
"Halika na Kharille..."tawag nya dito.
Bumitas naman ito at lumapit sakanya at kumapit sa kamay nya.
Tumalikod na sila at sumulyap uli sa kanyang ate nang nasa pintuan na sila. Nginitian lang sya nito at kumaway pabalik. Nang makalabas ay dumaretso sya sa kotseng nakaparada doon at binuksan ang backseat. Napatingin naman sakanya si Kharille na nasa driver seat. Tumingin sya dito.
"Dadalin ko ang sasakyan ko..."sabi nya.
Tumingin ito sakanya at marahan umiling.
"No. Kunin mo nalang bukas. Sasabay ka sa'min.."pinal na sabi nito.
"Pero---"alma nya na agad na pinutol nito.
"Sakay."sabi nito.
Wala syang nagawa kundi sumakay sa backseat kalapit ni Kharille. Umandar na ang kotse at parepareho silang nanahimik hanggang sa nagsalita si Kharille..
"Teacher, sa'min ka na talaga titira? "tanong na naman nito habang nasa byahe sila.
Tumingin sya dito at ngumiti.
"Yes, baby."nakangiting sagot nya.
"Talaga po? Yehey! You're now my new mommy! Yehey!" masayang ani nito.
Natahimik sya at napatingin sa nagmamaneho. Nakita nyang nag iinting ang panga nito. Mukang galit na naman.
"Daddy said my mommy is in far away, and i think she doesn't want me.."malungkot na ani nito. "But now, i have my new mommy yehey!" bumalik ang sigla nito.
Namasa ang gilid ng mata nya at pinagmasdan ang anak. Hinila nya ito papalapit sakanya.
"Mommy loves you...."bulong nya dito.
Tumingin ito sakanya at ngumiti.
"I love you too, mommy!" sagot nito sakanya dahilan kung bakit bumagsak ang luha nya sa saya.
Niyakap nya ito at hindi na nagsalita. Baka pag nagsalita sya ay tuluyan na syang humagulgol. Tumingin ang bata sakanya ng nagtataka ngunit pinabayaan sya nitong yakapin sya. Hindi sinasadyang napatingin sya sa salamin at nagulat nang nakitang nakatingin si Khalil sakanya. Malamig pa rin pero kapansin pansin ang malambot nitong tingin sakanila. Bigla nalang itong umiwas ng tingin sakanya at binalik sa daan ang mata.
Tahimik sila sa byahe at trapik. Nakatulog rin si Kharille sa braso nya nang tumigil sila. Bumaba ito at pinagbuksan sila ng pinto. Nang buksan nito ang pinto ay nagkatinginan sila saglit ngunit sabay rin nag iwas ng tingin. Bumaba na sya at maingat na binuhat ang anak.
"Ako na.."ani nito at kinuha mula sakanya ang bata.
Tahimik lang sya at hindi nagsalita. Kinuha nya nalang ang bag nya. Napatingin sya sa harap ng bahay. Maganda ang bahay, modern style. Sa labas ay may gate na itim at puti naman sa loob. Pinagbuksan sila ng guard at pamilyar ang muka nito sakanya, hindi nya alam kung saan nya ito nakita.
Nakangiting sinalubong sila nito.
"Magandang araw, sir. Magandang araw, ma'am..."nakangiting bati nito nang makapasok sila
Ngumiti sya dito at tumango. Mas lalong gumanda ang bahay sa malapitan. Naunang pumasok ito doon at binuksan ang pinto ng bahay. Sya ay tahimik na sumusunod lamg dito. Nang makapasok ay nilapag nito sa mahabang sofa ang bata at napatingin sakanya. Umayos sya ng tayo at hindi makatingin dito.
"Follow me..."ani nito at lumakad paakyat sa hagdan.
Kinabahan sya ngunit sumunod rin.
Tumigil ito sa may brown na pinto at binuksan iyon. Sumilip sya at nakitang kwarto ito at maaliwalas.
"This is your room..."tumango sya.
Nilibot nya ang tingin. Malaki ang kwartong ito kumpara ng kwarto nya sa bahay nila. Puti ang paligid at may malaking kama. May isa pang pinto doon na sa palagay nya ay banyo.
"Lalabas muna ako. Tumawag ka nalang kung may kailangan."tinuro nito ang intercom.
Natigil sya sa pagtitingin at tumingin dito. Lalabas na sana ito nang pigilan nya ang siko nito.
"Wait..."pigil nya dito.
Tumingin ito sakanya ng nagtataka.
Huminga sya nang malalim bago nagsalita.
"P-Pwede ba tayong mag usap?" nauutal na tanong nya.
Tumingin ito sa kamay nyang nasa siko nito kaya dali dali nyang
Inalis iyon. Parang napapaso.
"Follow me at my office.."ani nito.
Nagtataka syang tumingin dito. Bakit hindi nalang dito?
"Hindi ba pwedeng dito nalang?"tanong nya.
Ngumisi ito at tumingin sakanya.
"Woman, hindi tayo makakapag usap ng maayos kapag nasa iisang kwarto tayo. Baka hindi lang usap ang magawa natin..."mapaglarong ani nito.
Natigilan sya at napa iwas ng tingin. Pakiramdam nya ay pulang pula na sya ngayon.
"Tss. Follow me.."miyang sabi nito ng hindi sya nakapagsalita.
Lumabas sila ng silid na iyon at pumasok sa kalapit ng magiging silid nya. Umupo ito sa swivel chair at nakataas kilay na nakatingin sakanya. Umupo sya sa katapat nito.
"What do you want to talk about?"taas kilay na tanong nito.
Pinilit nyang magsalita at matapang na tumingin dito.
"Ahm..k-kailangan ba talaga na dito ako tumira?"nahihirapan syang nagsalita.
Tumaas ang kilay nito at ngumisi.
"Woman, baka nakakalimutan mo pumayag ka.."ani nito.
"Hindi woman ang pangalan ko. Zandra." mataray nyang sabi.
Hindi ito nagsalita at nakangising tumingin lang sakanya.
"At hindi ka pa pagbabawalan ng asawa mo na magsama ng ibang babae dito?"tuloy tuloy nyang tanong.
Nakagat nya ang dila sa nasabi. Mali! Mali!
Kaya naman tumaas lalo ang kilay nito at lumaki lalo ang ngisi.
"Asawa? Hindi naman siguro..."nakangising sagot nito.
Napayukom ang palad nya. Pinaglalaruan sya nito!
"You're here because of Kharille. Not for me, unless..."ngumisi ito.
Agad syang umiling at namula.
"Gusto ko lang linawin...ayokong maging kabit no.."umirap sya.
"Good. Now, lets talk about our arragement in this house..."ani nito.
Napatingin sya dito at naghintay ng susunod na sasabihin nito.
"First, hindi ka pwedeng magpakilala bilang ina kay Kharille hanggat hindi pa ako nakakasigurado na ikaw ang tunay nyang ina." sabi nito.
May dumaan sakit sa puso nya na agad nyang pinawi.
"Ako ang nanay ni Zelestine..."matapang nyang sagot dito.
Hindi sya nito pinansin at nagpatuloy.
"Second, lahat ng pupuntahan nyo ng anak ko ay ipapa alam mo sakin. And last, susundin mo lahat ng gusto ko.."malamig na sabi nito sakanya.
Nagugulat na napatingin sya dito at kinabahan.
"S-Susundin lahat ng gusto mo? A-At bakit ko naman gagawin yon?"marahan nyang tanong dito.
Ngumisi lang ito at nilapit ang muka sakanya.
"Simple because you're in my house, at di ba gusto mong makasama si Kharille?"ani nito at bumaba ang tingin sa labi nya.
Isang daliri nalang ang layo nila sa isat isa at nararamdaman nya ang mainit at mabango nitong hininga.
"P-Paano kung hindi kita sundin?"matapang nyang tanong.
Mas lalo itong ngumisi at nilapit pa ang muka.
"Its for you to find out..." nakatingin sa matang sagot nito bago mabilis na dampian ng halik ang labi nya at iwan syang gulat sa loob ng silid na iyon.
Napahawak sya sa labi. Oh god help me.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top