15
#MIU15
UMAGANG-umaga palang ay gising na sya at naghahanda. Ni hindi nya alam kung paano sya nakatulog kagabi. Puyat na puyat sya kakaisip sa gagawing ito. Aabsent sya ngayon sa klase. Tumawag na sya sa school para magpaalam at pumayag naman, may teacher naman daw na magtuturo pansamantala sa mga istudyante nya.
9am na at nakakain na sya ng almusal. Alas sais sya nagising at nag ayos at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakaka alis, paano ba naman, kanina pa sya kinakabahan. Huminga sya ng malalim at lumakad na. Nagtanong sya sa kanyang ate kung saan ang trabaho nito dahil dito rin sya nagtanong ng impormasyon dati tungkol sa lalaki. Ang sabi nito ay sa MP HOSPITAL ito nagtratrabaho. Doctor ito doon at isa sa namamahala ng ospital. Ayaw nya na dapat pumunta doon dahil sa masasamang alala sa ina at sa anak ngunit gagawin nya ulit para sa anak.
Sumakay sya sa kanyang kotse at pinaandar papunta sa ospital. Suot ang short red dress at black stilleto ay bumaba sya ng kanyang sasakyan. Lumapit sya sa nurse na naandon at nagtanong.
"Hi. Excuse me, Where's Dr. Kharille Pangilinan? " tanong nya sa babaeng nurse na naandon.
Tinignan sya nito mula ulo hanggang paa. Napataas sya ng kilay dito.
"Kayo po ba ang asawa nya?" tanong nito.
Naglapitan naman ang iba nitong mga kasama.
Umiling sya at nagulat sa tanong nito. Hindi ba dinadala ng lalaking iyon ang asawa nya dito?
"Ayy, akala ko kayo na, kamuka kasi kayo ni Zelestine..." nginitian sya nito.
Kimi syang ngumiti lang.
"Why are you here?" may malamig na boses ang nagsalita sa likod nya.
Iyon na naman ang ibang pakiramdam. Parang tinutunaw ang likod nya sa titig nito. Humarap sya dito. Sa gitna ng amoy gamot ng ospital ay nangunguna ang mabangong pabango nito. Lumunok sya bago nagsalita.
"Hi. Can we talk?" mahina nyang sabi at napakagat labi.
Tinaasan sya ng kilay nito at umangat ang gilid ng labi.
"We already talking..." mapaglaro nitong ani.
Napalunok sya.
"I mean, in private..." aniya.
Tumango ito at tumalikod na. Sumunod sya dito at tumango sa mga ngingiti ngiting mga nurse. Tahimik lang sila. Sya ay nasa likod nito at natatakpan sya sa laki nito. Naka yunipormeng pang doktor ito at nakasoot ng puting longsleeve sa loob. Inamoy nya ito at napangiti sya sa bango. Natanggal ang ngiti nya nang nasa tapat na sila ng elevator at tinitignan pala sya nito sa salamin ng elevator. Nakita ba sya nitong inaamoy sya at nakangiti?
Muntik nya nang mabatukan ang sarili.
Pumasok sila sa loob ng elevator. Sila lang ang tao doon maliban sa dalawang babaeng nurse na pasulyap sulyap sa doktor.
"Good morning doc..."sabay na bati ng dalawa.
Tumango naman ito at ngumiti sa dalawa.
"Morning..."nakangiting ani nito.
Napatingin sya dito at sa labi nitong nakangiti. Pansin nya lang, ang sungit nito sakanya pero sa iba ay ang bait nito? Napahalukipkip sya sa isang sulok at nanahimik. Ilang sandali pa ay narinig nyang nag uusap ang dalawang babae sa harapan nya. Mahina lang ito ngunit rinig na rinig nya. Masamang makinig sa usapan ng iba pero narinig nya ang pinaguusapan ng dalawa...
"Sino kaya yang kasama nya?" bulong ng isa.
Sya ba ang tinutukoy nito?
"Girlfriend ata..."ani ng kasama nito.
"Eh paano yung pumupunta ditong babae? Diba sabi fiancee daw?" rinig nya.
Nakita nyang nagkibit balikat ang isa.
"Ewan. Bahala sila sa buhay nila"natatawang ani nito.
"Wala kang kwentang kachismisan"natawa na rin ang kausap.
Natapos ang usapan ng dalawa nang tumunog ang elevator. Lumabas ang dalawang babae kaya naiwan silang dalawa. Tumikhim sya at nanahimik sa isang tabi. Ramdam na ramdam nya ang presensya nito sa tabi nya at mas lalo nyang naamoy ang pabango nito. Tahimik nyang sinisinghot ito.
"What are you doing?"tanong nito.
Natigil sya sa ginagawa at umayos ng tayo.
Umiling sya dito at kiming ngumiti. Nakakahiya ka Zandra!!
Buti nalang ay tumunog ang elevator at inunahan nya ito lumabas. Nag iinit ang pisngi nya sa kahihiyan. Lumabas na ito at nauna sakanya. Pumasok sila sa isang pinto at hula nya ay opisina nito. Dumaretso ito sa may table at hinubad ang coat nito. Wala sa sariling napalunok sya sa nakita. Ang puti nitong longsleeve ay hapit na hapit sa katawan nito. Ang matitipuno nitong mga braso ay mas lalong nahulma ngayon.
Umuling sya at namula. Ano ba, Zandra! Usap muna bago landi!
Naupo ito sa swivel chair na itim nito at pinaglapat ang mga kamay at mataman syang tinignan mula taas paibaba. Napalunok sya at nag iwas ng tingin dito.
"Sitdown.." iminuwestra nito ang katapat nito.
Dahan dahan syang umupo at umayos.
Tinaasan sya ng kilay nito at tinignan.
"What are you doing here?" malamig ang boses nito.
Napa kagat labi sya at hindi agad naka sagot.
Tumikim sya.
"Ahm, a-ano...I-I'm Zandra.."nauutal na aniya.
Nakita nyang ngumisi ito.
"Yeah, i know you. You are my daughter's teacher.."diin na ani nito.
Mas lalo syang napalunok. So hindi nito ako naaalala?
Para may tumusok na kung ano sa puso nya. Akala nya naalala sya nito. Right! Sino nga bang makaka alala sakanya? Isa lang naman syang ex stripper. Kinama at binayaran,tapos. Kinurot nya ang hinliliit na nakapatong sa harapan nya bago magsalita.
"Ako..Ako ang babaeng 'yon..."mahina nyang bigkas.
Sapat lang para marinig nito ang sinabi nya. Tumigas ang titig nito kapukawan ay nginisian sya.
"What are you talking about miss?" kunwaring naguguluhang ani nito.
Nakakunot ang noo nito at malapit nang magkadikit ang mga kilay.
"A-Ako ang babae nang gabing iyon..."ulit nya.
Hindi ito nagsalita at nakatitig lang sakanya.
"S-Sa party...sa condo.."pahina nang pahina ang boses nya.
She didnt see any reaction of him. He just stared at her like she's talking nonesense.
"And then? What party?" tanong nito.
Napadiin ang hawak nya sa kamay nya.
"Bachelor's..." aniya.
Mas lalong tumigas ang titig nito at may halong galit pero agad ring nawala.
"Bachelor's? " mahinang bulong nito.
Napatingin sya dito at nakatitig pala ito sakanya. Sinusuri sya nito na parang may dumi sya sa katawan. Napakagat dila sya at iniwasan bumuka ang bibig.
"Tell me who you really are?" matigas na tanong nito.
Hirap syang napalunok dahil sa nakitaan nya ito ng galit, pandidiri, hindi nya alam. Halo halo.
"A-Ako, ang n-nanay ni Zelestine..."matapang nyang sabi kahit nagkakanda utal sya.
Tinignan sya nito nang may galit at unti unting ngumisi.
"Nanay? Nagpapatawa ka ba? Matagal nang walang nanay ang anak ko." mapakla itong natawa.
Hindi nya alam kung bakit nangilid ang luha nya.
"Please...maniwala ka naman, ako ang nanay ni Zelestine..."naiiyak na aniya.
Tumawa ito at tumingin sakanya.
"At ano naman kung ikaw nga ang nanay nya? She doesnt need a mother like you" tumalim ang mata nito.
Humarap sya dito at nagmakaawa.
"Please...kahit ngayon lang, makasama ko naman ang anak ko.."naiiyak nyang ani.
"Makasama? Anong karapatan mo dyan?" tanong nito.
Masakit. Masakit palang marinig nya ito mula dito kahit na inaasahan nya na itong marinig. Masakit pa rin.
"P-Pero ako pa rin ang nanay nya.."kinapalan nya na ang muka para sabihin iyon.
"Nanay? Kailan ka naging ina sakanya?"tumawa ito.
Bumuhos na ang luhang pinipigilan nya. Stop the drama Zandra, please!
"Please..g-gagawin ko ang lahat para lang makasama ko ang anak ko...please, nagmamakaawa ako..."pagmamakaawa nya dito.
Lumamig ang titig nito sakanya habang pinagmamasdan sya. Mukang wala itong paki alam kahit pa lumuha sya ng dugo sa harap nito.
"Leave."malamig na sambit nito.
"Please...gusto ko lang naman mapalapit sa anak ko...please..."umiiyak nyang sambit.
"I said leave! Wala kang anak dito! Umalis ka na!" galit na sigaw nito sakanya.
Mas lalo syang napaiyak. Ayaw nyang mawalan ng pag asa kaya gagawin nya ang lahat kahit pa lumuhod pa sya sa harap nito.
"Please, parang awa mo na...gusto ko lang naman makasama ang anak ko..."umiiyak nyang sambit.
Umiling ito at matalim pa rin ang mata.
"Wala kang anak dito. At kung meron man, napaka walang kwenta mong ina." matigas na ani nito.
Wala sya nagawa kundi tanggapin ang sinabi nito. Totoo naman bakit sya masasaktan? Nagulat ito nang tumayo sya, akala yata ay aalis sya ngunit dahan-dahan syang lumuhod sa harap nito. Umiiyak at nagmamaka awa.
"Nagmamaka awa ako...p-please, kailangan ko ang anak ko...gagawin ko ang lahat ng gusto mo, makasama lang ang anak ko..."umiiyak na aniya.
Mas lalong tumalim ang titig nito sakanya kapukawan ay tumayo. Nagulat sya dito nang lumapit ito sakanya at pumantay ng titig sakanya. Hinawi nito ang buhok na nakatabing sa muka nya at marahang hinaplos ang pisngi nyang punong puno ng luha.
"Really? You'll do everything? Hmmm.."mahinang bulong nito sa tenga nya habang hinahaplos ang pisngi nya.
Mabilis syang tumango. Ngumisi ito sa sunod sunod na tango nya.
"Hmm. Then simulan mo na ngayon, make me happy..."napapaos na bulong nito.
Nanginig sya sa kaba at tinignan ito.
"H-Huh?" kinakabahan aniya.
"Do I need to repeat myself?" mariing bulong na naman nito.
Nagtataasan ang balahibo nya sa muka tuwing dadampi ang mainit na hininga nito sa balat nya.
"A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal na tanong nya.
Parang napigtas naman ang pasensya nito sa sinabi nya. Tinignan sya nito na parang naiinis na. Nagulat nalang sya ng may mainit na labing dumampi sa labi nya. Napasapo sya ng hangin nang subukan nitong buksan ang bibig nya at paglaruan ang dila nya.
She moaned loudly.
He carry her to sit on the table. Mariin syang hinalikan nito at walang pag aalinlangan nyang tinugon. Ang totoo nyan ay alam nya kung anong tinutukoy nito kanina. Masyado na syang matanda para hindi ma gets ang bagay na iyon pero hindi nya masabi sabi dito. Nagtataka sya dito, kung kanina lang ay galit na galit sakanya at halos duraan na sya pero ano itong nangyayari? Bigla nalang syang hinalikan nito at ngayon ay gumagala na ang malikod nitong kamay sa hita nya.
Hindi nya na mapigilang dumaing habang naglalakbay ang kamay nito. In a blink, she's already naked infront of him. Naramdaman nya ang lamig sa loob ng kwarto. Its funny because in the middle of coldness, heat enveloped her. She arc her neck when he's now kissing her neck. Bumaba ang kamay nito at malikot na gumagapang sa ibaba nya. Doon palang, she lost all her sanity. Nagulat sya nang bigla itong tumigil. Napalunok sya at napatingin dito.
"There. Still the same..."bulong nito at inayos ang damit na nagusot.
Napatanga sya at napatigil. Ang kaninang init na nadarama ay napalitan ng hiya. Napatungo sya at pinagmasdan ang hubad na katawan.
"Get dress,and we will talk again.."ani nito at pumasok sa isang pintuan doon, banyo ata.
Pagkapasok na pasok nito ay napatanga sya habang tumutulo ang mga butil na luha. Para syang napahiya sa maraming tao. Nainsulto sya. Ganon ba kadumi ang tingin nito sakanya? Ganon ba sya kaliit? Oo nga naman pala, sinong gugustuhin hawakan ang isang dating stripper?
Mapait syang napangiti.
Pinunasan nya na ang luha nya at wala sa sariling dinampot ang underwear nya at sinoot. Pagkatapos ay hinila nya pataas ang suot na dress. Lukot lukot na tuloy ito. Inayos nya na rin ang buhok na nagulo at pinang suklay ang daliri. Napatapat sya sa isang bahagi ng opisina. Naandon nakatapat sakanya ang isang salamin. Kitang kita ang pamumula ng balat nya dahil sa mga halik nito. Napansin nya ang isang bagay sa leeg nya. Napahawak sya doon, namumula iyon at medyo malaki. Sa gitna ng hiyang kaninang nadarama ay pinamulahan sya. Ngayon nya lang uli mararamdaman ang ganoong bagay. Natakot syang sumubok. Nawalan ng gana. Hindi mahanap sa iba ang ganitong pakiramdam.
Napaayos sya ng tayo nang bumukas ang pinto. Napalunok sya at napaiwas ng tingin dito. Mataman syang tinignan nito muna bago dumaretso sa upuan katapat nya.
"We will talk about our arragement.."panimula nito.
Tumango sya at hindi nagsalita.
"I will give you the rights to be with my child,.."gulat na napatingin sya dito. Totoo ba ito?
"But..in one condition,"napatingin sya dito.
Condition? Ano naman?
"Kahit ano, gagawin ko makasama lang ang anak ko" matapang nyang saad.
Tumingin ito sakanya at umangat ang gilid ng labi.
"Hmm. Feisty."bulalas nito.
"You'll stay with us as my daughter's tutor, hindi mo pwedeng ipakilala ang sarili mo bilang ina sakanya.."ani nito.
Gulat syang napatingin dito at hindi nakapagsalita. Gusto nyang umapila pero alam nyang wala syang karapatan at baka umayaw pa ito.
"Ayaw mo?"mataman tanong nito.
Mabilis syang umiling at nagsusumamong tumingin dito.
"N-No..."iling nya.
Tumango ito at ngumisi.
"Good. Now pack your things and do your job. Leave."matigas na ani nito at kinuha ang papel na naroon at inabala ang sarili.
Sya naman ay napatanga at hindi agad nakagalaw sa gulat. Ayaw pa rin mag sink in sa utak nya ang lahat ng nangyayari.
Kanina lang ayaw pumayag nitong makasama ang anak nya pero now?
I'll be my daughter's personal tutor?
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top