14

#MIU14

MABILIS lumipas ang panahon at mabilis rin silang nagkalapit ng kanyang kapatid. Tinanggap sya nito bilang kapatid. Ang kwento nito ay grade 3 pa lang ito nang umalis sa puder ng ina sya naman ay sanggol pa lamang. Pumunta ito sa tunay na ama nito at doon tumira. Ang ama nito ay may sakit na sa mga panahong iyon at hindi na kinakayang magtrabaho ng mabibigat na gawain. Nakapag aral ito sa pamamagitan ng pagsali sa mga beauty contest at samu't saring trabaho ang pinasok. Napamaang sya doon at napabilib sa kapatid. Kahanga-hanga. Sa mura nitong edad ay marami nang dinanas sa buhay. Nasa kalagitnaan ito ng pagpasok sa kolehiyo nang mamatay ang ama nito. Sinubukan daw hanapin nito sila subalit hindi nito mahanap sa dating tinutuluyan nila.

Doon rin nya nalaman na wala na rin ang tunay nyang ama. Mali pero gumaan ng onti ang pakiramdam nya sa nalaman. Nagtanong rin sya sakanyang tiya, kung may alam sa nangyari at ang sabi nito ay totoo ang lahat ng kwento ni Rose, may isa pa nga itong anak. Tatlong taon sya nang isama ng ina sa pag luwas sa maynila. Hiniwalayan nito ang kinakasama at nagpakalayo layo. Wala na raw silang balita sa tunay nyang ama at noon rin lang daw nalaman ng ina nya na patay na ang tunay nyang ama. Wala rin balak ang kanyang ina na ipaalam pa sakanya ang nangyari dahil ayaw nitong kamuhian ang ina nya.

Tinulungan sya ni Rose na mag aral, sobrang bait nito sakanila ng kanyang tiyahin, pinalipat rin sila nito sa sariling bahay nito. Minsan ay nahihiya sya dito dahil hindi nya lubos na akalain na magiging mabait ito sakanya. Sino nga ba ang tatanggap sa anak ng demonyong nang bastos dito? Dugo ng ama nya ang nananalaytay sa katawan nya, pero hindi iyon naging daan para tratuhin sya ng masama ni Rose, pero kabaligtaran ang ginawa nito. Tinanggap sya bilang kapatid, pinag aral at kinupkop.

"Ihiga mo na 'yan sa kwarto mo, palitan mo na rin ng damit, kawawa naman amoy pawis na ang pamangkin ko." ani ni Rose at tumingin kay Kharille. "Magagamit nya na rin ang mga binibili mong damit para sakanya.."dagdag nito.

Napangiti sya at napatango.

Taon taon kase syang nabili ng mga damit at kung ano ano para sa anak, hindi nya nakakalimutan ito, kahit papaano ay gusto nya pa ring maging ina sa ganitong paraan. Taon taon ay naghihintay sya sa pag uwi nito at ngayon nandito na ang iniintay nya ay sisiguraduhin nyang gagawin nya ang lahat para lang makasama ang anak.

Tumayo sya at lumapit kay Kharille na mahimbing paring natutulog.

"Sige 'te, maiwan na kita dyan, ihihiga ko lang 'to sa kama.." binuhat nya ang bata.

Napatingin sya sa kanyang ate na kumukuha na pala ng litrato nilang mag ina, napatawa sya doon.

"Tignan mo oh, ang ganda nyong tignan mag ina." nakangiting pinakita nito ang litrato sakanya.

Tinignan nya iyon at nakita ang picture nya habang binubuhat si Kharille. Nangilid ang luha nya at napangiti. Ito ang unang litrato nilang mag ina simula nang magkahiwalay sila.

"Oh bat naiyak ka dyan?" nag aalalang tanong nito.

Ngumiti sya at umiling.

"Masaya lang ako ate, dahil sa wakas kasama ko na ang anak ko..."naiiyak nyang ani.

Ngumiti ang kanyang ate at pinahidan ang nahulog na luha.

"Masaya rin ako para sayo, alam ko kung anong pinagdaanan mo nang mawalay sayo ang anak mo.." hinaplos nito ang buhok ni Kharille. "Sya, ihiga mo na iyan sa kama, mag palit ka na rin, dadalhan ko pati kayo ng miryenda sa kwarto." nakangiting ani nito.

Ngumiti sya at tumango bago nagpasalamat. Pumasok sila sa kanyang kwarto at maingat na inihiga ang anak. Pinagmasdan nya muna ito bago tinalikuran bago kumuha ng damit pamalit nito. Binuksan nya ang cabinet na punong puno ng gamit ng anak, kada sweldo nya ay hindi nya nakakaligtaan na bilhan ito ng damit. Kumuha lang sya ng kulay pink na ternong pantulog. Pumasok sya sa banyo para kumuha ng bimpo pamunas dito.

Binihisan at pinunasan nya ito. Nakakatawa dahil tulog mantika rin pala ito, manang mana sakanya. Iniwan nya muna ito saglit para asikasuhin ang sarili. Nagpalit lang sya ng pambahay na damit dahil mimiya nya pa balak maglinis ng katawan.

Nahiga sya sa tabi ng anak at hinaplos ang buhok nito at mahinang kumakanta. Napangiti sya nang yumakap ito sakanya at sumiksik.

"Miss na miss kita anak, akala ko hindi na kita makikita...Alam mo ba nung baby ka laging kang naiyak kapag iniiwan kitang mag isa..." natawa sya nang wala sa sarili. " Gustong gusto parati kang nakatabi sakin at kinakantahan, lagi mo kong pinupuyat.."biro nya. "Pasensya ka na ah? Mahina pa si mama kaya kita iniwan, gusto kong maging maayos ang buhay mo, gusto kong gumaling ka. Tatandaan mo lagi mahal na mahal ka ni mama, I love you anak ko..." mahina nyang ani bago napapikit.

NAGISING sya nang madilim na sa labas, wala na rin syang kalapit. Mabilis syang bumangon para hanapin ang anak, kinakabahan sya at napaparanoid. Ayaw nya nang mawalay sa anak. Ayaw nya nang mawala na naman ito sakanya.

Lumabas sya ng kwarto at dumaretso sa sala ngunit wala ito doon.

"Kharille? Ate? " tawag nya.

Lumabas sya papunta sa likod ng bahay nila kung nasaan ang maliit nilang pool ngunit wala ang mga ito doon. Napasabunot sya ng buhok at kinakain ng takot.

Nang makarinig ng boses sa loob ay dali dali syang pumasok loob, sinundan nya ang ingay at sa kusina pala nanggagaling iyon. Napahinga sya ng maluwag nang makita si Kharille na tinutulungan si Rose sa pag be-bake ng cake, kaya naman pala tahimik at hindi naririnig ang tawag nya. Lumapit sya doon.

"Teacher! You're awake! Look teacher, we're baking!" masigla nitong tinuro ang cake na ginagawa.

Lumapit sya dito at niyakap nang mahigpit.

"Akala ko umalis ka na..."mahina nyang sabi.

"Pasensya ka na Zandra, Nagising kase kanina nagi-iiyak, hindi ka naman magising, kaya dinala ko nalang dito sa kusina..." sabi ng ate nya.

Tumango sya dito at bumuka ang bibig para magpasalamat.

"Teacher, b-bakit ako nandito? Where's daddy?" tanong nito.

Napatanga sya at hindi nakasagot, napatingin sya sa kanyang kapatid para manghingi ng tulong. Sasagot na dapat ito nang nakarinig sila ng katok sa labas. Agad na lumabas ang kanyang ate ag tinungo ang pinto. Sya naman ay napatingin sa bata na nag iintay pa rin ng sagot nya.

"Teacher?" ani nito.

Napakagat labi sya. Hindi malaman kung anong sasabihin.

"Ahm..ano kasi..ano.." paghahanap nya ng tamang salita.

Bubuka sana ang labi nito nang mapatingin sa likod nya at kumaripas ng takbo. Nagtatakang tumingin sya doon at nagulat sa nakita.

"Daddy! Daddy you're here!" masayang sigaw ni Kharille.

Hindi sya nakagalaw agad. Napatunganga sya. She can feel his presence behind her. Mas lalo syang hindi nakagalaw. Amoy na amoy nya ang matapang ngunit hindi masakit sa ilong na pabango nito. Nag init ang pisngi nya nang maalala ang amoy nito nung una silang magkita. Its a same perfume.

"Daddy, why are you here? Uuwi na ba tayo? I dont want!" narinig nyang sabi ng bata.

Napanguso sya para pigilan ang ngiti. Natutuwa sya hindi dahil ayaw na nitong umuwi, natutuwa sya dahil masaya ito sakanila kahit sandaling oras palang silang nagkakalapit. Dahan-dahan syang humarap. Hindi pa rin tumitingin dito, kundi ay daretso ang mata nya sa bata na hawak ang laylayan ng damit ng ama.

Naramdaman nya ang titig nito sakanya pero hindi sya nag angat man lang ng paningin dito. 

"Ah! Daddy, this is my new teacher, teacher Zandra!" masayang tinuro sya nito. "And teacher Zandra, this is my dad," hinawakan nito ang kamay ng ama at nilapit sakanya.

Napatanga sya at nanigas. Ilang beses syang napalunok at kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Huminga muna sya ng malalim, napatingin sya sa kamay nito, maputi, mahahaba ang daliri sa kamay. Napalunok sya at napatingin sa kamay. Nagmistulang bata sya na nakikipagkamay nang tanggapin nya ang kamay nito. Parang kay bigat ng kamay nito habang nilalapit nya ang kamay dito. Parang ayaw syang kamayan.

Napalunok sya at dahan dahan nag angat ng tingin. Ramdam nya kanina pa lang ang mga titig nito sakanya. Napatingin sya sa kulay abo nitong mata, dito pala nagmana ang bata. Sing lamig ng yelo ang mga titig nito sakanya, na para bang kinikilala sya nito at sinusuri. Bumaba ang tingin nya mula sa mata nito papunta sa perpektong hugis nitong ilong pababa sa mapupula at may katamtaman laki na labi nito.

Napalunok sya at muntik nang mapakagat ng labi sa harap ng lalaki! Shit, pati adams apple ang gwapo!

"Like the view?" napa ayos sya ng tayo nang magsalita ito.

Tumingin sya dito at nakitang may ngisi ito sa labi ngunit ang mata nito ay wala pa rin pinagbago. Umuling sya at hindi nagsalita.

"Daddy, I don't want to go home pa, we're not yet done baking..." napatingin sya sa bata na nagsalita. Hinigit pa rin nito ang suot ng ama.

Tumingin pa muna ito sakanya ng masama bago harapin ang bata.

"No, princess. We're going home." matigas na sabi nito.

Napanguso ang bata at pinangilidan ng luha.

Napatanga sya at naawa. Gusto nyang aluin ito ngunit baka samain sa kaharap. Ayaw nyang mabadshot agad. May plano pa syang dapat gawin.

"B-But daddy..." mahinang ani ng bata at malapit ng umiyak.

Umiling lang ang ama at hinigit na ang bata.

"Get your things, uuwi tayo" malumay na ang boses nito ngayon.

Doon na tuluyan bumigay ang mga luha ng bata. Mabilis na namula ang muka nito kakaiyak. Sya naman ay nanonood lang at pigil na pigil ang sariling maki alam.

"No Daddy! No! I don't want to go home! No!" humihikbing sigaw nito.

Lalapitan sana ito ng ama ngunit mabilis itong napatakbo sakanya at yumakap. Parang may humaplos sa puso nya. Hinaplos nya ang buhok nito at kinalong. Siniksik nito ang muka sa leeg nya. Hinaplos nya ito at binulungan.

"Shh...don't cry, Shh..tahan na.." bulong nya dito.

Nag angat sya ng tingin sa kaharap at guni guni lang nya ata nang makita itong mapungay ang matang nakatitig sakanya. Nagbago ang tingin nito at napalitan ng masamang titig. Napalunok sya. Mukang galit ito sakanya.

"I d-dont want to go home t-teacher, w-want here..."sinisinok na ito kakaiyak.

Hinaplos nya ang likod nito. Tumingin pa muna sya sa kaharap na nakatitig pa rin sakanila. Hindi nya ito pinansin bagkus ay dumaretso sa lamesa at nagsalin ng tubig habang kalong pa rin ang bata. Binaba nya ito sa lamesa, mahigpit pa rin ang kapit nito sakanya kaya nginitian nya ito para ipakitang hindi sya aalis.

"Shh, inom ka muna..." inayos nya ang sabog nitong buhok sa muka.

Kinuha nya ang baso at tinulungan uminom ito. Hinawakan nya ang baso at pinagsalo ang isang kamay sa baba nito. Naubos nito ang sinalin nya. Pagkatapos ay hinigit sya nito at mahigpit na yumakap sa bewang nya.

"Teacher, dont wanna go home..." mahinang sabi nito.

Nilagay nya ang natitirang buhok nito sa likod ng tainga nito. Sasagot na sana sya nang narinig nya ang yapak ng kung sino at nagsalita.

"Princess...."tawag nito sa ama.

Napatingin sya dito at malambot na nakatingin sa anak. Sumulyap ang bata dito at humigpit ang kapit sa damit nya.

"Daddy, i want here..." ani ng bata.

"But this is not our home..." matigas na ani nito.

Parang may dumaan na sakit sa puso nya nang marinig iyon. Hindi nya maintindihan ang ganong pakiramdam. Tama naman ito, pero bakit nasasaktan sya?

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ng bata at hinarap ito sakanya. Pinantay nya ang titig nya dito at ngumiti.

"Baby, magkikita pa naman tayo sa school, tomorrow. Sama ka muna kay daddy ha? I promise, isasama uli kita dito at itutuloy nagin ang pagbabake ni tita Rose..." malumanay na sabi nya dito.

"Talaga teacher? Promise?" nakangiti na ito ngayon.

Ngumiti sya at tumango.

"Promise.." sabi nya.

"Okay, I'll go with daddy but pinky promise first!" masayang tinaas nito ang maliit na daliri.

Tumawa sya at ginaya ang ginawa ng bata.

"Yey!"

Ngumiti sya dito at binuhat ito pababa. Napatingin sya sa lalaki at nakita nyang tinititigan sya nito. Napalunok sya at nag iwas ng tingin.

"Lets go daddy! Bye teacher! Bye Tita!" kaway nito sakanila.

Nasa likod nya na pala ang kapatid ni hindi nya namalayan. Kumay ang kapatid nya dito. Sya naman ay tipid na ngumiti at mabilis na kumaway. Tatalikod na sana ito ngunit tumakbo ito papalapit sakanya at yumakap ng mahigpit. Napangiti sya at gumaan ang pakiramdam.

"Si tita walang yakap?" kunwaring nagtatampong sabi ng kapatid.

Muntik nya na itong sikuhin sa sinabi. Napatingin sya sa lalaki at nakatingin lang igo sakanila at nakataas ang isang kilay. Tumingin ito sakanya ngunit sya ang unang nag iwas ng tingin.

Lumapit ang bata sa kapatid nya at madali itong yinakap. Mukang napalapit agad ito sakanila.

"Bye po! See you tomorrow!" tumakbo ito palapit sa amang nasa  hamba ng kusina.

"Bye pamangkin!" mahinang sigaw na biro ng kapatid.

Buti nalang ay naka alis na ang dalawa. Siniko nya nito.

"Ate!" saway nya dito bago lumabas ng kusina.

Lumapit sya sa may pinto at nakitang papasakay na ang bata. Nang makita sya nito ay masayang kumaway ito sakanya bago sundin ang kung ano mang sinabi ng ama. Sinara nito ang pintuan bago tumalikod at napatingin pa sakanya. Walang emosyon iyon, tumalikod na ito sakanya at sumakay na sa itim na sasakyan nito bago pinaandar.

Nang maka alis ang sasakyan nito ay para syang kinuhaan ng hangin sa katawan. Napahawak pa sya dibdib. Tatalikod na sana sya nang makita sa likod nya ang kapatid. Nakatingin ito sakanya at nakangisi.

"A-Anong ngisi yan?" utal nyang tanong dito.

Ngunit mas lalo lang lumaki ang pagkakangisi nito.

"Gwapo ano? Throwback ba?" natatawang tanong nito.

Sumimangot sya at dumaretso sa sofa at sumalampak.

"Ate ang tanga ko, hindi ko nasabi. Sa tingin mo naaalala nya pa ako?" wala sa sariling tanong nya.

Naupo rin ito sa harap nya.

"Sa titig nya sa'yo kanina? Malamang oo. Kung makatingin akala mo gusto pang maka isa" natatawang sabi pa nito.

Napa simangot nalang sya. Minsan talaga walang kwento itong kausap.

"Ate naman! Seryoso kasi ako!" nakasimangot nyang ani.

Tumawa pa muna ito ng isa bago nagseryoso.

"Aba seryoso naman ako sa sinabi ko ah?" maang nito. "At kung naalala ka nga nya, ano namang gagawin mo?" ani nito.

Napa maang sya at hindi nakapagsalita. Oo nga naman, anong gagawin nya? Wala pa syang naiisip kung paano ito kakausapin tungkol sa anak.

"At ano sa tingin mo, tatanggapin ka nya ng ganon ganon nalang? Instant mommy na agad ni Kharille, ganon ba? Baka nalilimutan mo, may asawa na yung tao.." seryosong ani nito.

Mas lalo syang napatanga. Muntik nya nang makalimutan. Sigurado sya na may asawana ito ngayon dahil ilang taon na ang nakalipas, wag mong sabihin hindi pa nakakasal iyon? Napabuntong hininga sya at napahinga ng malalim.

"Gusto ko lang naman makasama ang anak ko ate..."mahina nyang ani.

Narinig nyang bumuntong hininga ito.

"Nandon na nga tayo, pero paano mo gagawin yon? " tanong nito.

"Bukas na bukas, pupuntahan ko sya.." 



++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top