13

#MIU13

"TEACHER, bakit ka po naiyak?"

Napaigtad sya sa tanong na iyon. Tinignan nya ito, si Anna, isa sa students nya. Nginitian nya ito.

"Napuwing lang si teacher Zandra, baby.." aniya.

Tumingin lang ito sakanya at tumango bago bumalik sa ginagawa. Napahawak sya sa kanyang pisngi, basa na pala ito. Hindi nya na namalayan. For all those years, lagi nyang naiisip ang anak tuwing titingin sakanyang mga students, laging pumapasok sa isip nya, kamusta na kaya sya? Nag aaral na ba tulad ng mga istudyante ko?

Anim na taon na ang nakakalipas mula nang iwan nya ito sa ama . Kinder garden ang tinuturuan nya ngayon, Magdadalawang taon na syang nagtuturo at aaminin nya isa sa pagtuturo ang nagpapalibang sakanya. Naging isa ang mga ito para makabangon sya.

Hindi nya maiwasan isipin ang ina, sigurado na nakangiti sakanya ito habang pinapanood syang masayang nagtuturo. Ito ang may gustong mag teacher sya at..eto na sya, isa ng guro.

Pinagpatuloy nya ang pagtuturo, hawak ang stick habang nagpapabasa sya sa mga bata.

"A..Ang ba..ta, a..y na...da...pa.." basa ng mga ito.

Napangiti sya dahil lahat ay nagpaparticipate.

"Very good! Isa pa!" masaya nyang sabi.

"Ang bata ay nagbabasa" basa nya.

"Ang...ba..ta..ay...nag...ba...ba...sa" sigaw na basa ng mga ito.

Napapalakpak sya.

"Very good---" naputol ang sasabihin nya nang may kumatok sa pinto ng klase nya.

Napatigil sya sa pagtuturo at napatingin doon. Si Mrs Pambuan, ang head ng mga teachers. Pinatahimik nya ang mga bata.

"Kayo po pala ma'am, tuloy po kayo.." ngiting aniya.

Tumango rin ito at tumalikod saglit na pinagtaka nya. Parang may kinakausap sa labas. Pagbalik nito ay may bitbit itong batang babae na may bitbit na bag at nakasimangot. Napatagal ang titig nya don at bumilis ang tibok ng puso.

Parang si...NO! Imposible, nasa ibang bansa sila Zandra...

Pinilig nya ang ulo at napatingin uli sa bata, may simangot sa muka nito at nakanguso ang natural na pula ng labi nito. Ang kulot na buhok nito ay nakalugay at may clip sa panabi. Nagmuka itong binihisan na manika, muka rin itong kikay dahil sa dala nitong shoulder bag, na akala mo ay college student na. May tuwang humaplos sa puso nya hindi malaman kung saan nanggagaling.

Napabaling sya sa guro na kaharap nang umubo ito. Tinignan nya ito na nagtatanong ang mata.

"Ms. Hernandez, this is your new student, Zelestine Kharille Pangilinan, Kharille, this your new teacher, teacher Zandra.." pakilala nito.

Parang gusto nyang himatayin sa narinig! Tama ba ang narinig nya? Ito...itong kaharap nya ay ang anak nya! Napahawak sya sa kwintas nya. Nanlalaki ang matang napatingin sya sa bata na walang paki alam sa paligid, muntik na syang mapatakip ng bibig kung hindi lang nagsalita si Mrs. Pambuan.

"Say hi to your new teacher, Kharille." nakangiting ani ng principal.

Tinignan nya ito habang nangingilid ang luha bago ngitian. Gusto nya itong yakapin at pugpugin ng halik pero buti nalang at napigilan nya ang sarili.

"Hi.." tipid na ani nito habang nakayuko.

Tumingin sakanya ang guro at binigyan sya ng ngiti na nagpapaumanhin.

"Pasensya ka na, medyo ilag sa tao, hindi sanay kababalik lang kasing ibang bansa..." mahinang ank ng head.

Tumango sya at malamlam na tinignan ang bata. Nakatungo pa rin ito at nilalaro ang damit.

"Hi, Kharille, ako si mo--teacher Zandra.." napakagat sya ng labi.

Tinignan sya nito bago ngitian. Parang may humaplos sa puso nya nang makita ang ngiti nito. Napatingin sya sa head teacher at nakangiti nitong pinagmamasdan sila.

" O sya, ikaw na ang bahala kay Kharille," sabi nito at tumingin sa bata. " Kharille, hija, iwan na kita kay teacher Zandra ah? Behave" nakangiting ani nito sa bata.

Nag aalinlangan naman tumango ito bago humarap sakanya. Malaking ngiti ang binigay nya dito. Bago ilahad ang kamay.

"Lets go? " nakangiting aya nya.

Ilang segundo bago pa nito kunin. Tumingin sya kay Mrs. Pambuan at ngumiti lang ito at sumenyas na aalis na, tumango sya at nginitian ito pabalik. Inakay nya si Kharille papasok ng room kaya agad naman nag ingay ang kanyang mga istudyante.

"Teacher, who is she?" tanong ng isa nyang students.

Ngumiti sya kay Kharille bago ito iharap sa bago nyang kaklase.
Ngimiti sya sa mga istudyante nya at pinakilala si Kharille.

"Class, this is Kharille, your new classmate.." ngiti nyang pakilala.

Nag ingay ang mga istudyante nya.

"Class, silence!" aniya hinarap nya si Kharille. " Kharille, introduce yourself to your classmates.." nginitian nya ito.

Dahan dahan itong nag angat ng tingin sa lahat bago malalim na bumuntong hininga. Muntik na syang matawa dahil nakikita nya ang sarili kapag kinakabahan sya.

"Hi, my name is Zelestine Kharille, I am five years old, my friends call me ZK, and I want to be a doctor like my dad.." ani nito sa harap ng mga kaklase nito.

Napatahimik ang lahat dahil sa mabilis at malinaw na pagpapakilala nito. Namangha rin sya don dahil tuloy tuloy ang english nito at halatang sanay na sanay sa ganoong lenguwahe. Malakas syang pumalakpak na agad naman sinundan ng palakpak ng iba.

"Hi Kharille!"

"Sit beside me ZK!"

"OH NO!"

Ibat ibang reaksyon ng istudyante nya. Natawa nalang sya. Ang kukulit.

"Very good, Kharille!" palakpak nya. "Sit beside, Ella" turo nya sa bakanteng upuan.

Alanganin itong nagtungo doon bago naupo, tumingin pa muna ito kay Ella, na student nya. At nagulat sya nang irapan nito si Kharille. Susuwayin nya dapat nang tumingin si Ella sakanya habang nakasimangot.

"Teacher! I Dont want her beside me! Ahh, Kairita!" mataray na sabi nito sakanya.

Napabuntong hininga nalang sya sa inasal nito. Sa lahat ng students nya ay ito ang pinaka maarte at pinakamataray, pero mabait naman ito. Nilapitan nya ang dalawa, napatingin sya kay Kharille na masama na ang tingin kay Ella. Hinawakan nya ang balikat nito at kinuha ang bag bago paupuin. Narinig nya ang pagdadabog na padyak ni Ella ngunit hindi nya ito pinansin.

"Sorry, Ella but we dont have any vacant seat na e, don't worry, tommorow ay ililipat ko nalang kayo ng upuan" malumanay na sabi nya.

Tumingin sakanya si Ella at sinamangutan sya.

"I Don't want to! Gusto dito lang ako at walang katabi!" nakangusong ani nito.

"Sige, aalis si Kharille sa kalapit mo, pero saan naman sya uupo?" malumanay pa rin ang boses nya.

Natigilan ito sa pagpapadyak at tumingin sakanya.  Nginitian nya ito.

"But I don't want her beside me..." mahinang ani nito.

Napabuntong hininga sya.

"Baby., wala na kasing upuan, gusto mo bang paupuin ko si Kharille sa sahig?" malumanay na tanong nya dito.

Umiling it at pumiltikpiltik pa ang kamay na parang nangdidiri.

"Ewww! Mommy say its kadiri! Okay, I let her seat beside me, but in one condition..." humawak pa ito sa sintido na akala mo nag iisip.

Napangiti sya habang nakakunot ang noo. Natutuwa at nagtataka sa istudyante nya.

"What is it?" tanong nya.

Humarap ito sakanya bago ngumiti at may kinuha sa bag. Bago iharap sakanya.

"Everytime na lalapit sya sa'kin kailangan mag aalcohol muna sya! Mommy said...hmmm...what mommy said nga?" nag isip pa ito.

Hindi nya na napigilan matawa dahil sa kakulitan nito. Hinarap nya si Kharille at binigay ang alcohol.

"Okay baby.Kharille, mag aalcohol ka bago umupo ha?" natatawang paalala nya dito.

Ngumiti lang at kinuha ang alcohol bago naglagay. Napangiti sya, parang dalagang dalaga na ito kumilos. Muka rin mahinhin, pero pinagtataka nya kung bakit ansama tumingin nito kanina? Muka naman itong mabait, siguro ay nainis din kay Ella. Natapos ito sa paglalagay bago nakangiting iabot kay Ella ang alcohol. Gamit naman ang tissue ay inabot iyon ni Ella.

Natawa sya sa nasaksihan.

"Thank you Ella, for letting Kharille sit beside you.." nginitian sya nito.

"No problem teacher"

Nginitian nya ito bago ibalik ang tingin kay Kharille. Nginingitian nito ang mga kaklaseng tumatawag sakanya. Hindi nya napigilan mapangiti.

"Kharille, okay ka na ba sa seat mo?" tanong nya.

Ngumiti ito at tumango.

"Yes, ma'am.." ani nito.

"Just call me Teacher, okay?" tango nya at ngumiti.

Dahan dahan itong tumango.

"Okay, T-Teacher.." nahihiyang sambit nito.

Ngumiti lang sya at hinaplos ang buhok nito.

Bumalim sya sa harapan, at kinuha ang stick.

"Okay class, lets continue our lesson..." pagpapatuloy nya.

Habang nagkaklase ay hindi nya maiwasan pagmasdan ng matagal si Kharille, meron parte sakanya na gustong itigil ang pagtuturo at kausapin magdamag ang bata. Naging maganda ang pagtuturo nya sa mga bata, kapansin pansin na aktibo rin si Kharille sa pakikinig. Natapos ang klase ng mapayapa at mayasa.

"Good bye, teacher Zandra. Good bye classmate, see you tomorrow.." paalam ng mga students nya habang isa isang kinakawayan ang bawat isa.

Napangiti sya sa napapanood.

"Babye! Ingat sa pag uwi!" kumaway sya sa mga ito.

Kinawayan rin naman sya pabalik ng mga students nya at tinanguan naman sya ng mga sundo nito. Bumalik sya sa kanyang table para mag ayos na ng gamit at maka uwi na rin. Pagkatapos ay lalabas na sana sya nang mapansin ang isang bata, si Kharille. Nakatungo ito at humihikbi. Kumirot ang puso nya sa nasaksihan. Nakita nya ito na lumabas na kanina, susundan nya sana ito kaya lang ay hinarang sya ng isa sa mga nanay ng kanyang istudyante.

Nilapitan nya ito at nilapag ang bag sa lamesa. Lumuhod sya para magpantay ang tingin nila. Hinawakan nya ang baba nito para matignan nya ang muka nito, at totoo nga, umiiyak ito.

"Baby what's wrong? Bakit hindi ka pa umu-uwi?" tanong nya dito.

Tumingin ito sakanya at nag iwas ng tingin. Mapula ang ilong nito dahil sa kakaiyak. Ang buhok naman nito ay nakasabog na.

"Daddy...I want my daddy...I want to go home..." humihikbing ani nito.

Hinaplos nya ang buhok nito at inayos ang magulo nitong buhok. Sigurado na sya. Ito ang anak nya. Ngayon malapit na malapit ang muka nila sa isat isa ay nakikita nya ang bata nyang itsura dito.

"Shhh...don't cry. Uuwi na tayo okay? Wag ka nang umiyak.." nahahabag nyang ani dito.

Tumango ito at yumakap sakanya. Nagulat sya doon. Ilang segundo rin syang natigilan bago mapangiti, naiiyak sya sa yakap ng anak. Niyakap nya ito pabalik, matagal. Pagkatapos ng ilang minutong yakapan ay napansin nyang tahimik ito, sinilip nya ito at napatawa sya ng mahina nang makita na nakatulog ito.

Binuhat nya ito at tumayo. Kinuha nya na ang kanyang bag at maingat na lumabas buhat ang bata. Medyo mabigat ito pero kaya naman. Sinarado nya ang classroom at pinatay ang ilaw. Medyo wala na rin tao sa school, pang umaga't hapon ang turo nya, dalawa kasing section ang hinahandle nya. Bitbit ang bata ay naglakad sya palabas ng school.

"Aalis ka na miss Zandra? Aba, sino yang dala mo?" tanong ni Nestor, ang guard ng school nila.

Matagal na syang pinopormahan nito. Binata ito at masasabi nyang may itsura pero ewan ba nya ni wala syang nararamdaman para dito.

Nginitian nya ito at napatingin kay Kharille na mahimbing pa rin na natutulog.

"Si Kharille, ana--bagong istudyante ko.." aniya.

Tumango ito at para bang sinusuri sya bago napatingin uli sa bata.

"Ah. Akala ko anak mo na e.." tumawa ito. " Sige, miss ingat. Tulungan na kita dyan" ani nito at sinubukang kunin ang bata.

Ngumiti lang sya at umiling.

"Wag na kaya ko na, sige na aalis na kami, ihahatid ko pa ito sakanila.." ngiti nya dito.

"Iba ka talaga miss! Teacher na taga sundo pa!" tumawa ito.

Natawa rin sya. Minsan kasi ay walang sundo abg istudyante nya kaya sya minsan ang naghahatid pauwi sa mga ito. Nagpaalam na sya dito at pumunta na sa sasakyan nya. Binuksan nya ang pinto ng kanyang kotse at maingat na nilapag don si Kharille.
Inayos nya ng higa ito at kinuha ang bag nito, nilagay nya iyon sa backseat. Pinagmasdan nya ang bata at wala sa sariling napangiti sya at nangilid ang luha. Nilabas nya ang kwintas na suot at hinawakan ito. May isang butil ng luha ang pumatak sakanya hanggang sa magsunod sunod iyon. Ilang sandali syang tahimik na lumuluha dahil ayaw nyang magising ang bata. Natawa sya nang marinig ang mahina nitong hilik, mukang pagod na pagod.

Gigisingin nya dapat ito para itanong kung saan ang bahay nito, ngunit nakonsensya naman sya, mukang sarap na sarap kasi ito sa pagtulog, ayaw nya naman istobohin. Napabuntong hininga sya at nag isip. Hindi pa sya handa. Hindi pa sya handang harapin ang ama nito. Nandon ang pangamba, kahihiyan at takot. Natatakot syang sumbatan sya nito at ipamuka sakanya na wala syang kwentang ina.

Naalala nya na naman ang sinabi ng kaibigan, anim na taon na ang nakakalipas. Masakit pa rin, pero alam nyang totoo iyon. Tama naman ito, anong klase syang ina para ipamigay ang anak nya? Hanggang ngayon ay sinisisi nya ang sarili nya kung bakit nagkanda letse letse ang buhay nya, nawalan sya ng ina dahil sakanya, nawalan sya ng anak dahil sa pagiging mahina nya at nawalan sya ng kaibigan dahil sa kapabayaan nya. Napakawalang kwenta nya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkaka ayos ng kaibigan nya. Nakikita nya si Jasmine pa minsan-minsan pero ni hindi sya pinapansin o tinitignan man lang. Naiintindihan nya yon. Kasalanan nya kung bakit umabot sila sa ganto. Si Diem naman ay hindi sya nakalimutang dalawin at kamustahin na kinasaya nya. Paminsan minsan ay nagkwekwento ito tungkol sa buhay ni Jasmine na kinalungkot nya, ngayon ay naiintindihan nya na kung bakit galit na galit ito sakanya. Gusto nya itong damayan ngunit nahihiya sya sa sarili kaya minabuti nya nalang lumayo sa dalawa. Ilang taon nya ring hindi nakikita ang dalawa, puro sa tv at social media nya lang nakikita ang mga ito. Pinangungunahan sya ng hiya tuwing susubukan nyang kamustahin ang mga kaibigan, naging busy na rin sya sa pag aaral at pagtratrabaho, doon nya tinuon lahat ng oras nya.

Bumuntong hininga sya at umiling sa naalala. Napatingin sya kay Kharille at hinawakan na ang manibela. Bahala na. Sabi ng isang bahagi sa kanyang isip. Pinaandar nya na ang sasakyan at pinausad pauwi sa bahay nila. Hindi rin naman nagtagal ang byahe dahil malapit lapit lang ang school na pinagtratrabahuan nya sa kanila. Nakarating na sila sa bahay nila, isang simpleng modernong bahay na ang tinitiran nila ng kanyang tiyahin ngayon, wala na sila sa dating tinitirahan Binuksan nya ang pinto ng sasakyan at lumabas. Kinuha nya muna ang bag nilang dalawa bago buhatin ang bata.

Maingat nya itong binuhat at dinala sa loob ng bahay. Nilapag nya ang bag nilang dalawa sa sofa bago ihiga doon ang bata. Inayos nya ng higa ito, tulog pa rin at mukang masarap nga ang tulog.

"Naka uwi ka na pala?" Ani ng nasa likod nya. "OMY sino ang batang yan?" sigaw nito.

Mabilis nyang hinarap ito at sumenyas na tumahimik. Tumango naman ito at lumapit sa bata at tinignan.

"Sya si Kharille ate Rose.." mahinang aniya.

Nanlalaking matang napaharap ito sakanya.

"W-Wag mong sabihin ito ang a-anak mo?" gulat nitong tanong.

Dahan dahan syang tumango. Nanlalaking mata at gulat na nilapitan nito ang batang natutulog at pinagmasdan.
Pagkatapos nitong pagmasdan ang bata ay seryosong hinarap sya nito.

"Anong plano mo ngayon?" seryosong tanong nito.

Napa iling sya at umupo sa sofang nandon.

"Plano saan?" tanong nya.

"Sa inyo ng anak mo! Pati ang tatay nan, alam ba nyang nasayo ang anak nya?" nilakihan pa sya ng mata nito.

Umiling sya at napahawak nalang sa sintido. Ang totoo ay wala pa syang naiisip na plano. Ni hindi pa nga nag sisink in sakanya na nandito na ang anak nya.

"H-Hindi ko pa alam ate..." aniya.

Narinig nyang bumuntong hininga ito. Lumapit ito sakanya at inakbayan sya.

"Hindi ako mangingi alam sa disisyon mo, ang gusto ko lamg ay maging masaya kayo, ikaw at ang mapangkin ko. Basta lagi mong tatandaan, nandito lang si ate. " sabi nito.

Napangiti sya at hinilig ang ulo sa balikat nito. Napakasarap pala ng may ate, may karamay ka lagi kahit sa dagok ng buhay mo. Minsan na syang nangarap na magkaron ng kapatid, at ngayon ay nandito na, masaya sya. Dalawang taon ang nakalipas nang malaman nyang magkapatid sila. Nang araw na malaman nyang magkapatid sila ay naglilinis sya sa silid ng ina, nakagawian nya na iyon. Nag aayos sya ng ilang gamit nang makita ang isang box sa ibabaw ng aparator ng ina, nacurious sya atkinuha iyon. Maalikabok na ito kaya nagkanda ubo ubo sya. Binuksan nya iyon at nakita doon ang isang maliit na photo album, binuklat nya iyon at nagulat sa nakita, picture ng ina at may kasamang bata. Hindi sya iyon,alam nya. Hindi ganito ang itsura nya sa picture na pinakita ng ina noong bata pa sya. Sa picture ay mukang masayang pamilya ang tatlo. Pero sino ang lalaki? Ama nya kaya ito? Lalo pa syang nacurious, binuklat nya ang sumunod na pahina ng photo album at nakita doon ang maraming picture ng batang kasama nito sa unang picture. Sino ang batang ito? 

Napansin nya ang ilang mga papel sa loob ng box at binasa iyon. Nagulat sya sa nakita at nabasa. ROSEANNE SAN JUAN, pamilyar sakanya ang pangalan na iyon, parang narinig o nakita nya na iyon. Kaya dali dali nyang kinuha ang cellphone at nag search, pagkatype ay agad na nag labasan ang maraming account at ibat ibang tao, pero may isang napukaw ng atensyon nya. Ang dating post na picture ni miss Rose, nandon ang diploma nito ng highschool at picture nito ng nakatoga. Binaba nya ang phone, baka nagkakamali lang sya. Imposibleng ito yon. Binalik nya ang atensyon sa box, meron doon isang sobre. Binuksan nya ito at nakitang may sulat at isang picture ni...miss Rose? Pinunasan nya pa ang picture para makita ng malinaw, at hindi nga sya nagkamali, ito ang batang miss Rose. Binuklat nya ang sulat at binasa.

'Hi ma! Graduate na po ako ng highschool! Sana po masaya kayo para sa'kin, kase po ako masaya. Alam nyo po, pinaghanda ako ni papa ng spaghetti at chicken, tuwang tuwa po ako! Masaya po kami ni papa dahil nakatapos ako, pero mas masaya sana  kung nandito kayo. Pero wag kang mag alala ma, tatapusin ko po ang pangarap ko, magtatapos po ako ng pag aaral. Miss na kita ma. Mahal na mahal kita.

Rosseanne

M-Mama?

Tama ba sya ng nabasa? Tinawag nitong mama ang nanay nya? Binuklat pa nya ang ilang laman ng kahon at mas tumibay pa ang ebidensya na magkapatid nga sila. Nagsinungaling ba sakanya ang kanyang ina? Naalala nya ang kwento ni miss Rose, paano kung magkapatid nga sila? Maniniwala kaya sya na nagawa iyon ng kanyang ina?

Wala sa sariling niligpit nya ang laman ng box at dinala ang sobre papunta sa The peak, day off nya ngayon at mimiya pa ang kanyang pasok.  Nagdaredaretso sya papunta sa opisina nito at saktong naandon ito. Nagulat pa ito sa nang makita sya at tinanong kung anong ginagawa nya doon. Pinakita nya ang nakuha nya at doon nya nalaman ang lahat.

Na lahat ng sinabi ng kanyang ina ay puro kasinungalingan.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top