12 (2/2)


#MIU12

LUMIPAS ang ilang bwan at halatang halata na ang kanyang tyan. Nalaman na rin ng kanyang mga kaibigan na buntis sya, akala nya ay susumbatan sya ng mga ito ngunit katulad lang ng reaksyon ng kanyang tiyahin ay sobrang saya ng dalawa.

"Omy! May baby na tayo!" tiling sigaw ni Jasmine ng malaman buntis sya.

Hinawakan nito ang umbok sa tyan nya.

Napatingin sya kay Diem na nakatitig lang sakanya at nakangiting pinagmamasdan sila. Nilapitan nya ito at yumakap.

"Galit ka ba sakin dahil nagpabuntis ako ng maaga?" tanong nya.

Mabilis itong umiling.

"Hindi, masaya ako dahil may baby na tayo, pero nanghihinayang ako, ang bata mo pa para magbuntis..." mahinang ani nito.

Napatango sya. Totoo ang sinabi nito. Masyado pang maaga ang pagbubuntis nya. Masyado pa syang bata.

"Ayan rin ang naisip ko nung una, pero wala e, nandito na 'to,.." aniya.

Naramdaman nyang inakbayan sya nito.

"Wag kang mag alala, nandito lang kami, magtutulungan tayo.." ani nito.

Tumango si Jasmine at ngumiti sakanya.

"Yes. Basta kami lang ang ninang ng baby mo ah?" sabi nito kaya nagtawan sila.

"Lukaret ka talaga, malamang kayo lang naman ang kaibigan ko!" pabiro nyang hinila ang buhok nito.

"Excited na kami kay baby Zelis!" sigaw na naman ni Jasmine.

Napakunot ang noo nya. Zelis?

"Tanga. Anong Zelis? Sinong Zelis?" nakunot ang noo ni Diem

Imbis na makigulo ay natawa nalang sya sa dalawa.

"Si Zelis ang baby ni Zandra! Engot naman nito. " nakangusong ani ni Jasmine.

Mahina syang binatukan ni Diem.

"Kung makapag bigay ka agad ng pangalan ah, ikaw magpapakahirap manganak?" pang iinis ni Diem.

"Whatever!!" sigaw ni Jasmine dito.

Dahilan kung bakit malakas syang natawa. Hindi nya alam kung bakit, epekto lang ata ng pagbubuntis nya. Kung hindi lang sya buntis ngayon ay sinambunutan nya na ang dalawa dahil ang liit liit na bagay na pinagtatalunan ng mga ito.

"Tignan mo oh, tawang tawa ang buntis, baka maagang mapa anak yan?" narinig nyang bulong ng dalawa.

Wala syang paki alam sa mga ito dahil pinagpatuloy nya lang ang pagtawa.

****

Malapit na ang kanyang kabwanan at halos dito na tumira sakanila ang dalawa nyang kaibigan. Hindi sya iniwanan ng mga ito. Hal8s lahat ng check up ay sariling pera nila. Nahihiya na sya sa totoo lang. Ang kanyang tiyahin naman ay pumalit sakanya sa bar.

Napaigik sya ng humilab ang tiyan nya. Sobrang sakit. Parang pinupunit ang tiyan nya. Malakas syang sumigaw sa sakit. Nasa loob sya ng kwarto nya at nagcecellphone nang sumakit ang tiyan nya. Napahawak sya dito, manganganak na ata sya..

Dahan dahan syang tumayo at naglakad para buksan ang pinto. Sakto naman dahil paakyat sila Jasmine at nakita syang namimilipit sa sakit ng tyan. Agad sya nitong nilapita.

"Zandra! Ayos ka lang? Anong nangyari sayo?!" natatarantang tanong nito.

Napahawak na naman sya sa kanyang tiyan dahil humihilab na ata ito.

"M-Manganganak na ata ako..." nahihirapang aniya.

Nataranta ang mga kaibigan nya at nagsusumigaw. Mukang mapapa anak pa ata sya nang mas maaga dahil sa kalokohan ng dalawa.

"Ready the car Jasmine! Go!" sigaw ni Diem.

Kung wala syang iniinda ngayon ay baka tumatawa sya ngayon dahil sa muka nitong natataranta at naluluha. Ngayon nya lang nakita itong ganito. Pero wala syang panahon para pagtawanan ito dahil sa sakit ng tyan nya.

Inalalayan sya nito pababa. Nahihirapan pa syang humakbang dahil sa iniinda.

"Shh..malapit na tayo, konting hakbang pa.." alalay nito sakanya.

Umiiyak na sya sa sobrang sakit ng nararamdman. Nang nakababa ay agad silang tinulungan alalayan ni Jasmine. Ayon na naman ang mga tsismosang kapit bahay nya at nakikiusyoso. Sinakay sya ng mga ito sa kotse at mabilis na pina andar. Napa sigaw na sya sa sakit. Mabuti nalang ay hindi masyadong trapik dahil mabilis silang nakarating sa ospital. Inalalayan sya nila Jasmine para makalabas ng kotse. Agad na may umalalay sakanila sa Delivery room dahil nasa labas palang ng ospital ay pumutok na ang panubigan nya.

Hiniga sya ng mga nurse, at pinasok na sa delivery room. Napapasigaw sya sa sobrang sakit. Pinilit nyang tiisin iyon. Pina ire sya ng babaeng doktor, mahirap, napaka hirap umire, parang pinupunit ang pagkababae mo. Ilang beses syang umire nabg umire hanggang sa narinig nya ang isang iyak ng bata. Napahinga sya ng maluwag at napalupaypay sa pagod.

"Ire pa misis! May isa pang baby!" sigaw ng doktor.

Napamulat sya dahil don. Kambal ang anak ko? P-Paano? Hindi sya makapaniwala. Pero agad rin syang natauhan at umiri ng umiri hanggang sa naramdaman nyang nalabas nya na ang bata pero wala syang narinig na umiyak hanggang sa lamunin na sya ng antok at nakatulog.

Nagising sya nang may nagsasalita sa gilid nya. Dahan dahan syang dumilat at nakita ang dalawa nyang kaibigan na kalkng ang anak nya at nilalaro. Napangiti sya.

Anak nya.

Napatingin ang dalawa sakanya. May ngiti sa mga labi.

"Gising na si mommy mo Zeles! Say hi to mommy!" nilit ni Jasmine ang bata sakanya. Tuwang tuwa.

Inalalayan sya ni Diem para maka upo. Kinuha nya ang anak at nilagay sa kanyang bisig. Sobrang gaan nito at napakaganda. Hinaplos nya ang muka nito. Para itong isang anghel, maputi at baby palang ay napakatangos ng ilong. Hinaplos nya ang ilong nito at gumalaw ito sa haplos nya. Hinele nya ito para muling makatulog. Natatawa nyang pinagmamasdan ang anak at tumulo ang isang butil ng luha sa saya.

Napatingin sya sa mga kaibigan at ganon rin ang reaksyon ng mga ito, nakangiti at lumuluha. Binigay nya kay Jasmine ang anak. Luminga sya sa paligid, may hinahanap.

"Nasaan pa ang isang baby ko? Gusto ko syang makita. Babae rin ba sya?" natutuwa nyang tanong.

Natahimik ang dalawa at hindi nakapagsalita. Napatingin sya sa mga ito, nagtatanong ang mata.

"Zandra..." lapit ni Diem sakanya.

Napatingin sya dito at nakita nya itong umiiling habang lumuluha.

"Ano, nasaan na ang anak ko?" tanong nya.

Umiling lang ito at niyakap sya.

Pagak syang tumawa. Nagtataka sa kinikilos ng kaibigan.

"Ano ba Diem? Tinatanong ko kung nasaan ang anak ko, bakit naiyak ka dyan at yumayakap?" she laughed with no humor.

Tiniglan lang sya ni Diem. Like she was about to cry. Umiling sya nang maintindihan ang ibig sabihin non...but no..not again.

"Ano ba! Sumagot kayo! Nasaan ang anak ko?!" galit at umiiyak syang sumigaw.

Napaiyak na rin ang dalawa at hindi nagsalita.

"Sumagot kayo! Nasaan ang anak ko...please, nasaan ang anak ko..." humihikbi na sya.

Niyakap sya ni Diem nang mahigpit.

"W-Wala na sya, Zandra..." mahinang ani ni Jasmine.

Umiling sya at umiyak nang umiyak.

"Hindi! Hindi totoo yan! Nagsisinungaling kayo! Naramdaman ko! Nakita kong nilabas ko sya! Sagutin nyo ako nasaan ang anak ko!" lumuluhang sigaw nya.

Nanahimik lang ang dalawa habang umiiyak.

"Hindi...hindi totoo yan...hindi.." nahihirapang aniya.

Umiyak sya nang umiyak.

"I'm sorry..wala na ang anak mo, namatay sya nang maipanganak mo...Im sorry.." mahinang bulong ni Diem habang akap sya.

Umiling sya at umiyak. Hindi makapaniwala sa narinig. Nawalan na naman sya...nawalan na naman sya ng mahal sa buhay...

****

Nakalabas na sya ng ospital pero ganon pa rin sya. Tulala at hindi mahawakan ang anak. Natatakot na mawala rin ito kapag napalapit sya. Buti nalang at nandyan ang kanyang tiyahin at mga kaibigan para umalalay sakanya. Binacrimate nya ang katawan ng namayapang anak nya at ginawang pendant sa kanyang kwintas.

Isang linggo at hindi nakakabisita ang mga kaibigan at nasa trabaho ang tiya nang nag iiyak ang kanyang anak, hindi nya alam ang kanyang gagawin, nanginginig ang kamay na dinampot ang anak mula sa crib na regalo ni Diem.

Dinidilahit ng iyak ito at inaapoy ng lagnat. Hindi nya alam ang gagawin. Kinarga nya ito at nilagay sa bisig at pinadede ngunit hindi pa rin tumitigil ito kakaiyak.

"Shhh..anong problema ng Zelestine namin na yan? Anong gusto ng baby namin?" pagpapatahan nya ngunit hindi umapekto iyon at nagpaguloy lang ito sa pag iyak.

Natataranta sya. Binaba nya muna ito saglit at natatarantang kinuha ang cellphone para matawagan ang kaibigan o tiyahin nya. Una nyang tinawagan si Jasmine ngunit nakapatay ang phone nito, ganon rin ang kanyang tiyahin. Sunod nyang tinawagan si Diem at buti nalang ay sinagot nito ang tawag.

"Oh, Zandra, napatawag ka ano yon? Kamusta si baby?" tanong nito.

"Diem..pwede bang pumunta ka saglit dito? Nag iiiyak si Zelestine...hindi ko alam ang gagawin ko, nilalagnat rin sya.." naiiyak nyang ani.

Narinig nyang huminga ito ng malalim at nakarinig sya ng inangay, mukang nagmamadali ito.

"Wait lang, papunta nako dyan.." ani nito at pinatay na ang tawag.

Binaba nya ang cellphone at agad na kinalong ang anak na si Zelestine. Pinatahan nya iyon dahil iyak ng iyak. Mainit ito at parang nahihirapan sa pag iyak, nadadala sya sa pag iyak nito. Naawa sya sa anak.

Ilang minuto pa ay dumating na si Diem, naka uniform pa ito. Agad na lumapit ito sakanila at tinignan ang lagay ni Zelestine.

"Mainit sya Zandra! Halika na dalin na natin sya sa ospital!" natatarantang sabi nito.

Tumango sya at kinuha ang bag nya. Sumakay sila sa motor nito at agad na pina andar ito. Mahigpit nyang kapit ang anak, mainit la rin ito at iyak pa rin ng iyak. Nanginginig na sya sa takot.

Nakarating sila sa ospital at agad pinatingin ang anak. Nanginginig sya sa takot sa magiging resulta. Kasama nya si Diem na naghintay at natatakot na rin. Sabay silang napatayo nabg lumabas ang doktor. Nilapitan nila ito at tinanong.

"Kamusta na po ang lagay ng baby ko?" naluluhang aniya.

Masyado na syang natrauma kapag magtatanong sya at sasagutin ng doctor. Ayaw na nyang makarinig ng masamang balita. Pero doon nalang sya labis na nanghina nang sabihin nitong may sakit ang anak nya. Masyado daw itong delikado at kailangan ng mabilisang gamutan.

Sa mga panahon iyon ay nagka sabay sabay ang problema nilang magkakaibigan, ubos na rin ang pera nila at nabaon sa utang. Ilang libo kada linggo ang nalalabas nya para sa gamot ng anak. Pinasok nya na pati ang pagkakatulong, pagwawaitress, at iba pang trabaho na pwedeng pasukan. Sabay silang nagtrabaho ng kanyang tiya. Pero hindi naging sapat. Kulang na kulang para sa gamot ng anak.

Isang gabi ay nawalan na talaga sya ng pag asa at isa nalang ang solusyonang naiisip nya. Ina atake na naman ang kanyang anak. Hindi nya ito madala sa ospital dahil wala na naman syang pera na. Ang kanyang tiyahin ay nasa trabaho pa. Ang mga kaibigan ay may sari sariling problema rin na kinakaharap ngayon.

Kinabukasan nang gabi ay natira syang binabantayan ang anak. Hindi pa rin ito napapacheck up, buti nalang ay bumuti buti na ang pakiramdam nito dahil mahimbing ito na natutulog hindi kagaya kagabi ay pumapalayaw ito nang iyak at hindi nakakatulog, pinainom nya ito ng gamot sa lagnat dahil mainit ito, buti nalang ay bumaba baba ang lagnat nito kinabukasan.

Isang solusyon ang naiisip nya para sa kapakanan ng anak pero nandon ang pagdadalawang isip. Ayaw nya..pero may sumisigaw sa isip nya na gawin dahil para rin to sa anak nya. Napatingin sya sa papel na hawak nya, nang gabing dinala sa ospital ang anak nya ay nagtanong sya kay miss Rose tungkol sa ama ng anak nya balak nyang humingi ng tulong dito. Ayon nalang ang naiisip nyang solusyon nang gabing iyon ngunit may pumipigil sakanya, kaya hindi nya naituloy. Nalaman ni miss Rose na nasa ospital ang anak nya kaya pina utang sya nito ng pera, ganon nalang ang pasasalamat nya dito.

****

MALALIM na ang gabi nang tinahak ni Zandra ang condominium na pagmamay-ari ng mga pangilinan. Bitbit ang basket kung saan nakalagay ang isang sanggol na natutulog at balot na balot ng kumot at natatakpan ng panibagong kumot para maitago ito. Sumakay sila sa trycycle at nang makababa ay dumaretso sila sa harapan ng condominuim.

Nag-init ang sulok ng mata nya nang maalala kung bakit sya, sila, narito. Iiwan nya ang sanggol...iiwan nya ang anak nya..

Suot ang balabal sa kanyang ulo upang takpan ng bahagya ang kanyang muka ay lumapit sya sa guwardiya. Muntik pa itong mapasigaw ng makita sya at bumaba ang tingin nitong basket.

Pilit syang ngumiti bago magsalita.

"Pinadadala lang po ni sir Khalil, isa po ako sa mga katulong nila sa kanilang mansyon, sa'n po ang tinutuluyan nya?" nakangiting tanong ni Zandra.

Parang inaantok pang tinignan sya ng guwardiya at saka may binigay na papel. Agad nya itong kinuha at tinignan. Nakasulat dito kung anong floor at kung saan ang tinutuluyan ng lalaki.

Tinalikuran nya ito at nagsimulang maglakad papunta sa elevator. Maingat nyang binuhat ang basket na may laman sanggol, dahil ayaw nyang masaktan ito at magising. Tumunog ito hudyat na nasa tamang palapag na sila. Hinahanap nya ang tinutuluyan nito at nang makita ay tumigil muna sya ilan metro mula roon.

Gusto nya pang tignan ang iiwan nyang anak.. Maingat nya itong binaba sa isang sulok at inalis ang nakatakip na kumot. Masarap pa rin ang tulog nito at balot na balot ng kumot. Nang masilayan ang muka ay tuluyan na syang napaluha.

Napakaganda, manang-mana sa ina..

Mamimiss nya ang maliit nitong muka at ang ilong nitong sobrang tangos, at ang mga labi nitong hugis puso.. hinaplos nya ang muka nito at hinalikan sa noo. Napagalaw ito sa ginawa nyang paghalik kaya tinapik nya ng konti at bumalik na uli ito sa pag-tulog.

Binalik nya na uli ang kumot dito bago pa man nya bawiin ang kanyang desisyon. Lumakad na sya sa pinto kung saan tinutuluyan ng lalaki. Maingat nya itong nilapag at isang beses pang hinalikan. Nilagay nya ang isang papel sa gilid ng basket kung saan nakalagay ang pangalan nito at kapanganakan. Naalimpungatan ito at umiyak ng malakas kaya dali-dali syang nagtago sa isang sulok doon bago pa man may makakita sakanya.

Sumilip sya ng marinig na bumukas ang pinto, nakita nyang hubad ang pang-itaas na binuksan ng lalaki ang pinto na parang kagigising lang dahil papungas-pungas pa ito. Muntik na syang lumabas sa pinagtataguan nya ng makitang muntik ng maapakan ang bata...jusko.

Para itong nahulasan ng may madanggi ang paa nito, nakita ni Zandra kung paano manlaki ang mata nito ng makita ang sanggo na nasa basket. Lumuhod ito at kinarga ang sanggol, para naman may humaplos ng puso nya ng makitang magkasama ang dalawa.
Hinele nito iyon at kinuha ang papel na nasa gilid ng basket.

"Zelestine Kharille Pangilinan. September 20, 2020. Alagaan mo s'yang mabuti, pakiusap. Anak mo sya." narinig nyang basa nito sa sulat.

Para na naman may bago ng marinig nya ang malamig nitong boses. Nakita nyang naglalakad ito bitbit ang sanggol malapit sa pinagtataguan nya kaya dali-dali syang lumabas doon at nanakbo sa elevator.

"Excuse me, miss! Hey, stop! Hey!" narinig nyang sigaw nito.

Napahawak sya sa dibdib ng tuluyan na syang nakapasok sa elevator at nakasara. Muntik na sya don..

Natulala sya sa elevator. Nagawa nya..nagawa nyang iwan ang anak nya.. Magkakasunod na tumulo ang luha nya at hindi na napigilang humagulgol sa iyak..wala na...wala na ang anak nya..

Napahawak sya sa kwintas na nasa loob ng damit nya, naroon ang pendant na may lamang abo ng isa nya pang anak...ang kakambal nito.

"Pasensya na kayo anak ha? Mahina ang nanay.." hingi nya ng tawad sa kanyang isip at humagulgol habang nakaupo sa sahig ng elevator.

Napangiti sya ng maalala ang eksena kanina, nasa mabuting kamay ang anak ko, mapapagamot na sya at magkakaron ng magandang buhay na hindi ko kayang ibigay.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa ibaba na sya. Tumayo sya at pinunasan ang sipon at luha na dala ng pag-iyak nya kanina. Lumabas sya ng elevator at lumabas ng building. Hindi nya na pinansin ang guwardiya na tinatawag sya at tuloy-tuloy na naglakad palabas.

Nasa malayo na sya ng tumigil sya sa paglalakad at tinanaw ang mataas na building.

"Someday..someday, babawiin kita sakanya. Mahal na mahal kita anak, hanggang sa muli"

****

Naka uwi sya nang ligtas, tulala at nag iisa. Nang umuwi sya ay wala pa ring tao sakanila. Nakatulog syang umiiyak at nangungulila sa anak. Miss nya na agad ito. Nagising sya, tanghaling tapat na. Nakarinig sya ng ingay sa sala kaya agad syang bumaba. Ang anak nya!

Dali dali syang bumaba at nandatnan doon ang mga kaibigan at tiyahin nya. Doon pumasok sa kukote nya ang ginawa nya...wala na wala na ang anak nya, iniwan nya...

"Zandra! Nasaan si Zelestine?! Kanina ko pa sya hinahanap! Pati sa kwafto nyong mag ina ay wala!" naiiyak na sigaw ng tita nya.

Napatungo sya at umiyak. Hindi makasagot. Nilapitan sya nito.

"Saan mo dinala ang anak mo?!" mariing tanong nito.

Umiiyak syang umiling.

"S-Sorry po..." umiiyak na sabi nya.

"Zandra..." narinig nyang tawag sakanya ng mga kaibigan.

"Gusto ko lang naman na maging maayos ang lagay ng anak ko...sorry po" humihikbing sabi nya.

"Saan mo dinala si Zelestine?! Zandra! Nasaan si Zelestine?!" umiiyak na tanong ng kanyang tiyahin.

Umiling sya at humahagulgol.

"B-Binigay ko sya sa ama nya...doon mas maipapagamot sya..sorry po.." humihikbing aniya.

Narinig nya ang malalakas na pagsinghap ng mga ito at narinig nyang umiiyak. Isang lagapak na sampal ang tumama sa pisngi nya. Napaiyak sya sa sakit na yon.

" Ang bobo mo Zandra! Napakatanga mo! Ang dami...daming naghahangad na magka anak...tapos ikaw! Ikaw na binayayaan, pinamigay mo! Napakawalang kwenta mong ina!" galit at umiiyak na sigaw ni Jasmine sakanya.

Isa pang lagapak na sampal ang tumama sa pisngi nya. Hindi sya lumaban. Alam nyang deserve nya yon. Totoo naman ang sinabi nito, wala syang kwentang ina. Napakatangat bobo nya. Inangat nya ang tingin at nakitang pinipigilan ni Diem si Jasmine sa pagsugod sakanya. Nakita nya itong galit na nakatingin sakanya at punong puno ng luha ang mata.

"Hindi ko sya pinamigay! Gusto ko lang na maging maayos ang lagay ng anak ko!" umiiyak na sigaw nya.

Nakita nya itong umiling habang galit na nakatitig sakanya.

"Wala kang kwentang ina...sana patulugin ka nang konsensya mo.." ani nito at tumalikod na sakanila.

Nagdalalawang isip na tumingin sakanya si Diem at binalik ang tingin kay Jasmine. Tinignan sya nito na parang humihingi ngnpasensya bago tumalikod at sinundan si Jasmine. Sya naman ay naiwang umiiyak at humahagulgol.

'Tama sya..napakawalang kwenta kong ina...'

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top