12 (1/2)


#MIU12

"GOOD MORNING TEACHER ZANDRA, GOODMORNING CLASSMATE! " bati ng kanyang istudyante.

Nakangiti nyang pinagmasdan ang mga ito.

"Seatdown class." sumenyas syang maupo.

"Kamusta ang weekend? Nag enjoy ba kayo kasama sila mommy at daddy?" pangangamusta nya sa mga ito.

Kanya kanya naman sigaw at sagot ang  ito.

"Yes po teacher! Nag mall po kami!"

"Kami nag swimming!"

"Namasyal kami ni daddy!"

Bibong sagot ng mga ito. Napangiti sya sa kabibuhan ng mga ito. Napa isip sya. Ganito ka na rin ba kakulit anak? Nag iinit ang sulok ng mata nya nang maalala nya na naman ang matagal nya nang binaon sa hukay.

****

Nakatulog sya sa pagbabantay sa kanyang ina. Nagising nalang sya nang tapikin sya ng isang nurse at may binigay na papel. Tinanggap nya iyon at binasa. Ang papel na 'yon ay para sa operasyon ng ina. Tama nga ang doktor, masyadong malaki ang gagastusin.

Napatingin sya sa perang nasa sobre. Labag man sa loob na gamitin iyon ay gagawin nya para maipagamot ang ina. Nangako sya sa sarili nya na ibabalik nya iyon. Oo ngat may nangyari sakanila ng lalaking iyon ngunit hindi sya bayarin, kusa syang sumama at nagpadala sa init ng katawan nilang dalawa.

Tumingin sya sa inang natutulog parin, tinitigan nya ito ng matagal hanggang sa nakita nya itong dumilat. Agad na nanlaki ang mata nya.

"Ma! Gising ka na! Pinag alala mo 'ko!" naiiyak nyang ani.

Tipid lang syang nginitian nito.

"A-Anong Nangyari?" mahinang boses na ani nito.

"Ma, wag ka munang magsalita kung hindi mo pa kaya, baka makasama sa iyon yan..." paalala nya.

"T-Totoo ba? Totoo bang n-nakakulong ang t-tita mo?" mahina ang boses nito.

Nagulat sya ngunit tumango na rin. Ayaw nya ng magsinungaling dito dahil baka makasama pa sa kalagayan nito kapag nagsinungaling sya lalo na, na mukang alam na nito ang totoo.

"O-Opo..sorry po kung nagsinungaling ako..." hingi nya ng tawad.

Naramdaman nyang kinapa ng ina nya ang kanyang kamay na nakapatong sa kama, kaya sya na mismo ang kumuha ng kamay nito at mahigpit na hinawakan.

"Bakit ka nagsinungaling Zandra?..dapat sinabi mo na agad sa'kin..."

"Ayaw ko lang po kayong mag alala.." aniya.

Narinig nyang bumuntong hininga ito.

"Pasensya ka na rin..." napatingin sya dito.

"Ma..."

"Matagal na akong may sakit Zandra...mas lalo lang lumala nang makalabas ako ng ospital, at pakiramdam ko mas lumalala lang kapag nagpapacheck up ako.."mahinang sabi nito.

Umiling sya at humigpit ang kapit dito.

"Matagal na akong tumigil sa pagpapacheck up...at yung perang binibigay mo ay iniipon ko.."

"Mama.." naiiyak na aniya.

Tumingin ito sakanya at tipid na ngumiti.

"Ilabas mo sa kulungan ang tita mo...mag iingat ka lagi, tuparin mo ang pangarap ko sayong maging guro...mamuhay ka ng malayo sa estado natin ngayon.." nakangiting ani nito.

Umiling sya nang umiling.

"Ma ano bang sinasabi mo?! " galit at naluluhang aniya.

Ngumiti lang ito.

"Pakiramdam ko ay hindi na 'ko magtatagal Zandra, kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na ang mga ito." umiling sya. " Gusto ko nang  magpahinga Zandra..." nakangiting ani nito.

"Ma ano ba! Gagaling ka okay? Paano naman ako?! Paano kami ni tita?! Ma...please..."lumuluhang aniya.

"Mahal na mahal kita anak...mahal na mahal ko kayo.." nahihirapang ani nito at sa huling pagkakataon ay ngumiti sakanya.

"Ma hindi! Ma! Ma, gumising ka! Ma please! Please!" umiiyak na sigaw nya.

Agad syang tumakbo papalabas upang humingi ng tulong. Nagsisigaw sya doon habang umiiyak. Mabilis na pumasok ang mga nurses at isang doctor at kung ano anong ginawa sa ina nya. Ilang minuto pa ay kumalma na ang mga ito at sya naman ay nasa isang sulok lumuluha habang nakatitig sa mga ito.

"Ready the operating room!" sigaw ng doktor.

Naging mabilis ang pangyayari, mabilis na kumilos ang mga ito at inasikaso ang ina nya. Mabilis nailipat. Sya naman ay pinipigilan ng mga nurses na sumunod sa kanyang ina. Humahagulgol sya habang nakatitig sa kanyang ina.

Hinarap sya ng doktor.

"We will do everything to save your mom, magpakatatag ka hija" sabi nito at mabilis na pumasok .

Napaupo nalang sya sa harap ng pintuan iyon at napahagulgol. Kasalan nya...kasalan nya kung bakit nangyayari ang lahat ng ito! Kung hindi sana sya nagsinungaling...kung sinabi nya lang nang mas maaga...kung tinuon nya lang ang pansin sa ina ay hindi sana magiging ganito!

Malakas syang humagulgol sa isang sulok. Wala sya sa sarili nang maramdaman nyang inalalayan sya ng mga nurses palayo sa lugar na iyon dahil bawal doon. Inupo sya ng mga ito. Umiyak lang sya nang umiyak doon at nagdasal na iligtas ang ina. Hinding hindi nya ata mapapatawad ang sarili kung may mangyayari dito.

Ilang minuto..oras, syang nagiintah, umiiyak at sinisisi ang sarili hanggang sa maramdaman nyang may yumakap sakanya, napatingin sya dito. Ang mga kaibigan nya.

"S-Si mama.." lumuluhang aniya.

Naramdaman nyang mas humigpit pa ang yakap ng mga ito.

"Shhh...magiging okay si tita" ani ni Diem

Mas lalo syang napahagulgol.

"Kasalanan ko...kasalanan ko..." umiiyak na maninisi sa sarili.

"Shh, wala kang kasalan okay? Magiging okay si tita, shhh.." alo ni Jasmine.

Umiyak lang sya nang umiyak hanggang sa may lumapit sakanya. Doctor ito kanina, napatayo sya. Agad nya itong nilapitan. Punong puno ng pag asa sa muka.

"Doc, kamusta na po si mama? Okay na po si mama?" pinilit nyang maging tunog positibo ang boses.

Kitang kita sa muka nito ang awa sakanya. Nanlamig sya ng makita ang reaksyon nito. Hindi makatingin sakanya.

"Doc ano okay na ba si mama?!" naiinis nyang sigaw.

Naramdaman nyang hinawakan sya nila Jasmine. At pinakalma. Hindi pa rin tumitingin ang doctor sakanya. Naiiyak na naman sya at sunod sunod na tumulo ang kanyang mga luha nang makita nya itong umiling.

"I'm sorry.." ayun lang ang naiwika nito.

Umiling sya at feeling nya ay anytime matutumba sya. Napahagulgol sya. Bakit...bakit ngayon pa?

"Hindi totoo yan! Sinungaling ka! Hindi totoo yan! Nangako kayo na magiging okay si mama! Hindi totoo yang sinasabi mo!" lumuluhang aniya.

Umiling ang doktor sakanya. "I'm sorry, pero wala na ang pasyente.."

At doon na sya napaupo at napahagulgol. Naramdaman nya nalang na kinain na sya ng kadiliman.

Nagising sya nang mabigat ang pakiramdam. Napatingin sya sa paligid. Nasa ospital pa rin sya. Lumipat ang mata nya sa dalawang nakatinginmsakanya. Nakatingin ito sakanya at pugto ang mga mata. At doon nagsink in sakanya ang nangyari..

Wala na...wala na ang ina nya...

Napaiyak na naman sya..nilapitan sya ng dalawa at niyakap, wala syang lakas para yumakap pabalik. Nanatili syang tahimik at umiiyak.

"I'm sorry Zandra..." ani ni Jas.

"Nandito lang kami Zands.." humigpit ang yakap ni Diem

Lalo syang napahagulgol.

"S-Si mama..wala na sya..si mama..." umiiyak na bulalas nya.

Hinaplos ng mga ito ang buhok at likod nya. Humigpit ang pagkakayap sakanya. Ilang minuto syang umiiyak. Hinayaan lang sya ng dalawa at sinamahan.

"Gusto kong makiga si mama..." aniya.

Tumigil na rin ang luha nya, pinahid nya ito at matapang na tumingin sa dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at nag aalinlangan kung sino ang sasagot.

"Inasikaso na namin Zandra...halika puntahan natin.." ani ni Diem

Tumango sya at tahimik na sumunod. Sumakay sila sa kotse ni Jasmine at pinausod ang sasakyan patungong bahay nila. Nang makababa ay pinagtitinginan at pinagbubulungan sya ng mga tao sa kanila ngunit wala syang pinansin maski isa. Maliwanag ang buong kabahayan nila nang dumating sya, puno rin ng tao ang harapan ng bahay nila at sumisilip kung anong meron sa loob pero nang makita sya ng mga ito ay nagbigay daan sakanya. Tahimik lang syang pumasok.

Tama ang sinabi ni Diem, maayos na nga. Ang maliit nilang bahay ay tanging kabaong at ilang bangkuan lang ang nakalagay. Tumitig sya sa kabaong na naandon. Unting unting tumulo ang mga luha nya na kanina nya pa pinipigilan. Naramdaman nyang may umalalay sakanya habang lumalapit sya sa kabaong ng ina. Para lang itong natutulog, napakaganda nito. Hinaplos nya ang salamin nito.

'Napakadaya mo ma, sabi mo panunuorin mo pa ako sa pagtatapos ko? Diba sabay natin kukunin ang deploma ko? Bakit ang aga mo naman ng iwan? Diba ikaw pa nga ang maghahanda ng susuotin ko sa unang klase ng pagtuturo ko? Bakit iniwan mo ko? Ang daya mo naman e...napakadaya mo.'  Pero wag kang mag alala ma, tutupadin ko ang pangako ko sayo..magiging guro ako kagaya ng gusto mo..tutuparin ko lahat ng gusto mo para sakin...mahal na mahal kita ma..

Lumipas ang dalawang araw ng burol ng kanyang ina ay wala syang ganang mabuhay, tulala at binabantayan lang ang ina. Nanatili lang mga kaibigan nya sa tabi nya na pinagpapasalamatan nya. Isang araw ay pumunta sya sa prisinto at gamit ang perang natira sakanya ay ginamit nya iyon pampyansa ng tita nya.

Umiiyak na kinuwento nya ang nangyari sa kanyang ina. Agad itong nag ayang umuwi at umiyak sa harapan ng kanyang ina. Natapos ang burol at libing ng kanyang ina ah mas lalo syang nawalan ng gana, nagkukulong sa kwarto, tulala at hindi kumakain.

Binibisita sya araw araw nila Jasmine at Diem para kamustahin abg lagay. Ang kanyang tita naman ay ang nag aasikaso sakanya. Nagmistula syang patay na humihinga pa.

Nakalipas ang dalawang linggo na puro pagdadalamhati. Nagising sya sa kalagitnaan ng tulog sa kanilang sala. Agad syang tumakbo sa lababo dahil parang hinuhukay ang kanyang tyan. Sumuka sya ng sumuka hanggang sa tubig na ang kanyang sinusuka. Napahawak sya sa kanyang tyan.

"Zandra..ayos ka lang?" naabutan syang ganoon ang kalagayan ng kanyang tita.

Napatulala sya at hindi nakasagot.

'Hindi kaya?...Hindi,..hindi pwede!'

"Halika rito at maupo, nagsusuka ka? Aba isang linggo na yan ah? Magpacheck up ka na kaya?" nag aalalang tumingin ito sakanya.

Naupo sya at natulala.

"Tita..." napahagulgol sya sa naiisip.

Niyakap sya nito at hinagod ang likod.

"Shh...ano yon?"

"H-Hindi pa 'ko nagkakaron t-tita.." nauutal na aniya.

Tumahimik ito saglit bago nya narinig na natawa.

"Sinasabi mo bang buntis ka? Zandra wala kang boyfriend paano ka mabubuntis?" natatawang ani nito.

Hindi sya sumagot. Nanatili lang tahimik. Paano nga kung totoong buntis sya? Paano nya itataguyod ang batang ito?

"W-Wag mong sabihin totoo nga? Buntis ka? P-Paano? " nauutal na tanong ng kanyang tiyahin nang hindi sya nakasagot.

Naluluhang napatingin sya dito.

"H-Hindi pa naman tayo sigurado ta.." naiiyak nyang ani.

Napakunot ang noo nito at napasapo ng bibig.

"May iba ka pa bang pinasukan bukod sa bar? Ang sabi mo ay waitress ka lang don? Paanong nangyari.." hindi na nito natuloy ang sasabihin sa gulat.

Sasagot pa sana sya nang mapasapo sya ng bibig dahil naduduwal na naman sya. Dali dali syang nanakbo sa lababo at doon sumuka. Hindi ata nauubos ang tubig na sinusuka nya. Nahimasmasan sya nang masuka nya na ang lahat. Inalalayan uli sya ng kanyang tiyahin paupo. Malamlam sya nitong tinignan.

"D-D'yan ka lang, pupunta akong botika, bibili akong pregnancy test para makasigurado.." ani nito.

Naiiyak sya sa hindi nya malaman dahilan..

"Tita..." nasaiwika nya nalang.

Umiling lang ito at ngumiti. Iniwan sya nito. Naiwan syang tulala at nakahawak sya tyan. Alam nya sa sarili nyang hindi pa sya handa, kaya paano nya itataguyod ang batang ito kung sakali ngang buntis sya? At ang ama nito...maniniwala kaya sakanya kung sakali ngang totoo na buntis sya?

Napaiyak sya sa kanyang iniisip. Hindi pa sya siguradong buntis sya, pero kung totoo nga ngayon pa lang ay nararamdaman nyang mamahalin nya nang sobra ang anak nya. Napangiti sya sa isipan na iyon.

Ilang minuto syang nag antay sa kanyang tiyahin bago ito dumating. Nanginginig ang kamay na inabot nito sakanya ang pregnancy test, tinanggap nya iyon at tahimik na pumasok sa loob ng CR. Binasa nya ang instruction at ginawa. 2 red lines. Ang una nyang try. Naluluha agad sya. Nag try pa sya ng isa pa, 2 red lines uli. Doon na sya napaiyak ng sobra.

Nanginginig ang mga tuhod na binuksan nya ang pinto ng cr at inabot sa tiyahin ang pregnancy test.

"B-Buntis ako tita..."naiiyak nyang ani.

Tinignan iyon ng kanyang tiyahin ng mamasa masa ang mata. Akala nya ay sisigawan sya nito at kwekwestyunin pero sa halip ay niyakap sya nito at umiyak sa balikat nya dahilan kung bakit napaiyak na rin sya.

"Magiging mabuti kang ina Zandra..kung nandito lang sana ang mama mo, tiyak na matutuwa iyon..."

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top