10

#MIU10

They say there's a rainbow after the rain. But why is this happening to her? Bakit sunod sunod na pasakit ang dumadating sa buhay nila  ngayon? Una ay nagkasakit ang ina, pangalawa ay nakulong ang kaniyang tita at pangatlo ooperahan naman ang kanyang ina, hanggang kailan ganito? Kailan matatapos ito?

Ilang minuto syang tulala sa labas habang naka upo bago makabawi. Inantay nya munang mailipat sa maayos na kwarto ang ina bago ito saglit na iwan. Nagtataka pa rin sya kung saan nito nalaman na nakakulong ang tita nya, tama nga ang kasabihan, walang lihim ang hindi maibubunyag. Mugto na ang mata nya kakaiyak, namomoblema sya sa gagastusin ng ina, idagdag pa ang pampa opera nito, ni hindi pa nga sila nakakabawi sa ginastos nang maospital ang ina ngayon ay may paparating na naman gastos.

Wala sa sariling dinala sya ng kanyang paa sa bar na pinagtratrabahuan nya. Hindi nya alam kung bakit dito nya naisipan magpunta imbis sa dalawang kaibigan. Nahihiya na kasi sya sa dalawa, sobrang dami na ng naitulong ng mga ito at ayaw nya ng idamay ang mga kaibigan nya sa problema nya, alam nyang may kanya kanya silang problema at ayaw nya nang dagdagan iyon.

Bukas ang bar na ipinagtaka nya, nakita nya si manong guard doon. Nilapitan nya ito upang magtanong.

"Kuya..nandyan ba si miss Rose?" tanong nya dito.

"Ah oo hija, kabubukas lang namin, nasa opisina sya pasok ka nalang" mabait na sabi ni kuya guard.

Tumango sya at tipid na ngumiti.

THE PEAK is also a restaurant, sa umaga lang ito hanganggang alas sinco ng hapon, hindi si miss Rose ang nagmamanage nito kundi ang katiwala nito dito. Kaya nagtataka sya kung bakit ang aga magbukas ngayon at nandito si miss Rose. Dumaretso sya sa opisina nito, nadaanan nya ang mga waitress na napapatingin sakanya, nakita nya ang ilang katrabaho nya sa gabi na nagseserve ng pagkain. Gusto nya rin sanang mag waitress rin sa umaga kaso lang ay nasa ospital pa ang ina nya ng mga panahong iyon, kaya wala syang pagpipilian kundi tumanggi sa trabaho, sayang rin iyon dagdag kita sana.

Nakarating sya sa opisina ni miss rose, nasa harapan nya sya ng pinto at kinakabahan hindi nya alam kung anong sasabihin at saan sisimulan. Kumatok sya at agad bumukas iyon at lumabas ang isang matipunong lalaki, napatingin ang lalaki sakanya at tumango lang at kumaripas ng alis, napatanga sya ng makita ito at may nabuong ideya. Napabalikwas sya nang bumungad sakanya si miss Rose na nagtatakang nakatingin sakanya.

"Oh Zandra, what are you doing here? Aga pa ah" ani nito.

Napakamot sya ng palad at hindi nakapagsalita.

"Halika pasok ka sa loob,"anyaya nito.

Tumango sya at tahimik na pumasok.

"What are you doing here? May kailangan ka ba?" malumanay na tanong nito.

Nahihiya syang tumango.

"Uhmm...kase po ay balak ko pong pumasok sa p-pagsasayaw, kailangan na kailangan ko po ng pera ngayon.."nahihiya nyang ani.

Tumango ito.

"I see..hmm, muka ngang kailangan na kailangan mo ng pera, saan mo ba gagamitin? Pwede naman kitang pahiramin.." sabi pa nito.

Mabilis syang umiling. Ayaw nya. Ayaw nyang mandamay pa ng iba.

"Naku! hindi na po, kahit ipasok nyo nalang po ako sa pagsasayaw malaking tulong na po iyon" nahihiyang sagot nya.

Tumango ito at tumitig sakanya.

"Sige. Muka naman hindi mo tatanggapin ang perang ipapahiram ko sayo e" ngumiti ito. " Anyway, Tonight, there will be a bachelors party in Pangilinan Condominium. And tayo ang kinuha nila para mag ayos ng foods, drinks, and dancers. Isasama kita sa mga dancers, malaki ang kikitain do'n dahil apat lang kayong magsasayaw ikaw, si Olivia, Katrina, at si Laleine. Is it okay to you?" dagdag nito.

Mabilis syang tumango. Aarte pa ba sya? Kailangan na kailangan nya ng pera ngayon. Kahit laman nya ay ipagbibili nya ngayon para lang maoperahan ang ina.

"Thank you po ma'am, ang laking tulong na po no'n sa'min.." nakangiti nyang ani.

Tumango lang ito at ngumiti rin pabalik. Tumayo na sya para magpaalam.

"Alis na po ako ma'am, thank you po ulit" paalam nya.

"Okay, ingat ka. Pwede ka pa ring pumasok mimiya kung gusto mo, ten pm pa naman ang alis natin.." sabi nito.

Ngumiti sya at tumango.

"Sige po ma'am. Maraming salamat po, alis na po ako.." aniya at nakita nya itong tumango kaya tumalikod na sya.

Lumabas sya ng opisina at napabuntong hininga. Naiisip nya palang na magsasayaw at halos hubad sa harap ng kalalakihan ay gusto nya ng mapaatras. Pero wala eh, wala syang choice kundi pasukin ang trabahong 'yon, dahil kung hindi ay mawawalan sya ng ina. Huminga sya ng malalim bago maglakad palabas.

Kaya mo 'yan Zandra! Ikaw pa ba?

Sumakay na sya ng jeep pabalik sa ospital, ni hindi nya nga napansin na pinagtitinginan na naman sya dahil sa suot nya ngayon. Oo nga pala, nakasuot lang pala sya ng pambahay na sando, at sa nipis nito ay kita na ang suot nyang panloob. Inilingan nalang nya ito at tahimik na naupo doon hanggang tumigil ang jeep, mabilis syang bumaba at pinuntahan ang ina.

Pumasok sya sa pribadong kwarto at umupo sa tabi nito, kung ano anong nakakabit dito. Naawa sya sa kinalalagyan ng ina. Hindi nya alam kung bakit umabot sa  ganito, ang alam nya lang ay may sakit ito sa baga, nagtataka sya kung bakit hinimatay at pinanikipan ng dibdib ito, linggo linggo nya itong binibigyan ng pera para pampacheck up.

May tinatago ba sakanya ang kanyang ina?

Hinawakan nya ang kamay nito at dinala sakanyang labi.

"M-Ma, magpagaling ka..wag kang mag alala, gagawa ako ng paraan para maoperahan kalang. Mahal na mahal kita please magpagaling ka.." aniya.

Pinunasan nya ang mga luhang tumutulo sakaniyang pisngi.
Nanatili sya sa gano'n sitwasyon ng may pumasok. Napatingin sya dito at nakita ang nag aalalang mga mata ng dalawang kaibigan nya. Lumapit ito sakanya at niyakap sya.

"Zanda..." bulong ng dalawa.

Bigla syang naiyak. Akala nya tapos na ang pagtulo ng luha nya pero hindi, may ibubuhos pa pala.

"Shh..we're just here for you..shh, tahan na" alo ni Jas.

Nanatiling tahimik naman ang kaibigan nyang si Diem habang hinihimas ang kanyang likod. Umalis sya sa pagkakayakap ng dalawa at pilit na ngumiti habang pinupunasan ang luha.

"B-Bakit kayo nandito? P-Paaano nyo n-nalaman nandito kami?" sumisinghot aniya.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Pupuntahan ka dapat namin sa trabaho mo, pero pagpunta namin don ay sabi nila wala naman daw nagtratrabahong Zandra Herandez do'n. Tell us, Zandra, nagsinungaling ka ba sa'min?" diretsang tanong ni Diem.

Unting unti syang tumango, hindi na nagsalita. Narinig nya ang mga malalakas na buntong hininga ng dalawa.

"W-Why?.." tanong ni Jasmine.

Unting-unti syang tumingin sa mga ito at tipid na ngumiti.

"I-Im sorry, hindi ko sinabi sainyo dahil alam kong kwekwestyunin nyo ang papasukan kong trabaho. Sa THE PEAK ako nagtratrabaho. " tumungo sya.

Napasinghap ang dalawa.

"W-What?"bulalas ni Jasmine.

Tumikhim naman si Diem bago magsalita.

"Anong trabaho mo do'n?" seryosong tanong nito.

Tumingin sya dito.

"Waitress." maikling sagot nya.

Para naman nakahinga ang mga ito.

Parang nabunutan ang mga ito ng tinik nang marinig na nagtratrabaho sya bilang waitress. Napipilan sya. Ano kayang magiging reaksyon ng dalawang ito kapag nalaman na magtratrabaho sya ngayon gabi bilang isang dancer? Stripper?

"Why didn't you tell us? We can help Zandra." malumanay na ani ni Jasmine.

Tumango sya sa sinabi nito.

"Dahil ayaw kong makadagdag pa sa problema nyo! Alam ko may kanya kanya kayong problema at ayaw ko ng makadagdag! A-Ayaw kong may madamay pa sa problema ko, tama ng ako nalang. " malungkot syang ngumiti.

"Ano mo ba kami? 'Di ba kaibigan mo kami? Anong silbi ng pagkakaibigan na'to!" inis na ani ni Diem.

"D-Diem.." pigil ni Jasmine.

Hindi sya sumagot. Hindi sya naiintindihan ng mga ito.

"Let us help, Zandra. Magkakaibigan tayo dito, para na tayong magkakapatid. Ang laban mo ay laban rin namin." malumanay na dagdag ni Diem.

Tumango lang sya at nginitian ang mga ito.

"Salamat.."aniya.

Pero buo na ang pasya nya. Ayaw nyang mamurhisyo ng iba. Gusto man nyang humingi ng tuling sa mga ito ay nangingibabaw ang ego nya. Sobra sobra na ang naitulong ng dalawa.

Nanatili silang tahimik ng ilang minuto. No one dare to talk, they just hug her. Napangiti sya sa kawalan. She love this two girl. Kahit kailan ay hindi sya iniwan ng mga ito, kahit ang magulang ng mga ito ay ayaw sakanya, pero ang dalawa ay nanatili pa rin bilang kaibigan nya. Sa dami ng dumaan na nakasalamuha nya, itong dalawang 'to lang ang naging totoo sakanya. She will cherish every moment with them.

Ilang sandali lang ay nagpaalam ang dalawa para bumili ng pagkain, hindi na sya sumama dahil walang maiiwan sa ina. Hindi rin nagtagal ang mga ito dahil mabilis ring bumalik dala ang supot ng pagkain at ilang prutas. Kahit walang gana ay pinilit nyang kumain, nahihiya sya sa mga ito kaya pinilit nyang inubos ang pagkain. Pumatak ang alas sinco trenta ng hapon ay kailangan nya ng pumasok sa trabaho. Hinabilin nya muna sa dalawa ang ina para sila muna ang magbantay habang wala sya.

"Uhm.., nakakahiya man pero, pwede bang pakibantayan muna si mama? Kailangan ko kasing pumasok na, sayang rin ang kita.." natawa sya ng bahagya.

Ngumiti lang ang dalawa at tumango.

"Sure Zands, kami ng bahala kay tita." ani ni Jasmine at hinawakana ang kanyang kamay.

Ngumiti sya dito at nalipat ang tingin kay Diem.

"Anong oras ka uuwi? Mag-ingat ka. Kami ng bahala dito" ani nito at bahagya syang niyakap.

Napangiti sya.

"Sweet naman! Isa pa nga" mapang asar nyang sabi.

Nandidiri naman itong lumayo.

"Ulol ka. Mukang okay ka na nga, nanggagago na e" nakasimangot na sabi nito kaya nagtawanan silang dalawa ni Jasmine.

"Alis na 'ko, bye!" paalam nya at tumalikod na.

Magaan na ang loob nya, hindi katulad ng nararamdaman kanina. Kung wala siguro ang dalawang kaibigan nya ay nagmumukmok pa rin sya ngayon. Hindi sya magsasawang pasalamatan ang dyos dahil binigay sakanya ang dalawa nyang kaibigan. Napakaswerte nya sa mga ito.

Sumakay syang jeep papunta sa kanilang bahay para magbihis. Nang makababa ay nasa bukana palang sya ng bahay nila ay nagkalat na ang chismosa. At syempre may say na naman ang mga ito sa buhay nya, napailing nalang sya at dinedma ang mga ito. Mga bwisit sila. Mabilis lang syang naligo at nagpalit ng damit. Napili nya ang isang itim na sando at pinaresan ng short, ganito lang naman lagi ang kanyang suot tuwing papasok sa trabaho, magpapalit rin naman sya kaya napili nyang suutin ay yung mabilis lang hubadin.

She put heavy make up on her face. A dark eyeshadow and a bloody red lipstick. Light lang talaga ang make up nya sa trabaho pero ngayon ay iba. She will need it later anyway.

Nahagip ng mata nya ang camera sa ibabaw ng mesa nya, now she miss filming. When she start doing her job, nakalimutan nya na ang pagv-vlog, ni ang cellphone nya nga ay hindi nya na nagagamit, nagdrop na rin sya, nagsinungaling sya sa kanyang ina at kaibigan na mag oonline class sya pero hindi nya tinuloy. Nakalimutan nya na ang pagiging dalaga simula ng maospital ang ina. Trabaho, alaga sa ina, bisita sa tita, dyan nalang umiikot ang araw nya. Minsan nga ay naiinggit sya sa mga nakikita sa social media ang mga kaklase nya na nag-aaral at nag oouting, nakatanggap rin sya ng mga mensahe sa mga ito at tinatanong kung kamusta na sya, kaya para makaiwas ay nagdeactivate sya ng lahat ng account.

Natapos sya sa pag aayos at niligpit ang mga pinaggamitan. Dala ang bag ay sinara nya ang pinto ng kanilang bahay. Sumakay sya ng jeep at agad naman nakarating doon. Pumasok sya at binati ang gwardiya pabalik. Naabutan nyang nag aayos na ang iba at mabilis syang pumasok sa dressing room para sa kanilang lahat at nagbihis, hindi nya pa nakikita si Cheska na pinagtataka nya, usually kasi ay maaga pumapasok 'yon.

She wear her usual uniform, a short skirt and revealing top. Nagre touch nalang sya ng kaniyang make up. Lumabas na sya at pumuntang bodega para kumuha ng walis. Nagwalis walis muna sya doon at ilang minuto lang ay dumating na rin si Cheska. Mabilis syang binati nito bago pumunta sa dressing room para magpalit. Kumuha muna sya ng ilang order. Lumapit sya sa table 3 at kinuha ang order ng mga ito. Mga lalaki ang nando'n at muka naman mga disente. Medyo may trauma na rin sya kapag kumukuha ng order lalo na kapag lalaki ang customer.

Bago pa sya magsalita para bumati at magtanong ay nagsalita na ang isa sa mga ito.

"One bottle of Jack Daniels please." sabi ng isa

She nodded.

Sinulat nya iyon sa dalang maliit na notebook. Nag intay sya ng sandali dahil baka may idagdag pa nga mga ito pero ilang segundo syang naroon ay hindi na muling nilingon sya kaya mabilis na syang umalis doon at pumunta kay Cheska para ikuha ang order ng mga ito.

"Ches, One bottle of JD" aniya dito.

Tulala nitong binaghahalo halo ang mga alak, nagulat pa ito nang magsalita sya.

"H-Ha?" anas nito.

Napakunot ang noo nya.

"Ha?" gaya nya. "Sabi ko isang bote ng Jack Daniels. Tulala ka girl"

Tumawa ito at kinuha ang sinabi nya.

"Oh ito na. Arti" irap nito.

"Tulala ka dyan" sabi nya.

Narinig nya ang buntong hininga nito.

"Lovelife girl" buntong hiningang ani nito.

Napairap nalang sya sa hangin. Lovelife lang pala ang problema akala mo binagsakan ng langit at lupa.

"Hay nako, para kang bestfriend ko" sabi nya ng naalala si Jasmine dito. Ganitong ganito si Jasmine tuwing nag aaway sila ni Theo.

Hindi ito sumagot at tulalang bumalik sa sariling trabaho. Kaya kumuha na sya ng apat na baso at yelo, nilagay nya iyon sa tray kasama ang alak saka nilapag iyon sa table ng mga ito. Tahimik ang mga itong nagpasalamat sakanya. Lumipas ang ilang oras at dumagsa ang mga tao. Napatingin sya sa malaking orasan na nandon. 9:30 na pala, napansin nyang hindi pala pumasok ang ibang kasamahan nya including Olivia. Nakita nyang papalapit si miss Rose sakanya, wearing a short red dress and light make up. Ang maputi nitong balat ay kumikinang habang naglalakad tuloy ay napapatingin ang iba dito.

Nakalapit na ito sakanya at ngumiti.

"Aalis na tayo Zandra, ready?" ngiti nito.

Dahan-dahan syang tumango at sumibol ang kaba.

"Yes, miss." aniya.

Ngumiti ito.

"Get ready, isasabay kita papunta do'n, nandon na ang ibang kasamahan mo" ani nito.

Sinabi nitong maghintay sya sa parking lot kaya dumaretso sya sa dressing room nila at binitbit ang maliit na bag nya. Nagpaalam na sya kay Cheska.

"Ches, uwi na'ko" ani niya dito.

Wala na naman sa sariling tumango ito. Lutang. Bumuntong hininga sya saka tumalikod na, good thing ang pagiging tulala nito ngayon dahil hindi sya tinanong nito. Lumabas na sya ng bar at habang naglalakad papunta sa parking lot ay kinuha nya ang cellphone para tawagan si Diem, nakita nya kasi na may text si jasmine at sinabing si Diem ang natirang nagbantay sa mama nya. Ilang sandali syang nagintay bago sagutin nito.

"Ano.." maliit ang boses nito.

Natawa sya.

"Kamusta si mama? Sabi ni Jas, ikaw ang natira dyan. Naks bait" biro nya.

"Hmm. Okay naman mama mo, di pa rin nagigising, may pumuntang doctor dito at tinanong ka, sabi ko ay nasa work ka" ani nito.

Napahinga sya ng maluwag.

"Oo nga pala, sabi ng doctor ay...ooperahan daw si tita?" dagdag nito kaya natahimik sya at hindi nakapagsalita.

"D-Diem.."anas nya.

Narinig nyang bumuntong hininga ito.

"Zandra,..pwede ka namang humingi ng tulong sa'min, mangungutang ako kay mommy.." sabi nito.

Huminga sya nang malalim at napangiti.

"Hindi na, may nahiraman na'ko ng pera, wag na kayong mag alala"pagsisinungaling nya dito.

"Okay, basta kapag may kailangan magsabi ka ha? Hindi naman nakakabawas ng ganda ang paghingi ng tulong"

Natawa sya dito. Umi-ere na naman ang pagiging ate nito.

"Ope ate." natatawa nyang sagot.

Narinig nya rin itong natawa.

"Ulol."

Sagot nito sakanya bago patayin ang tawag. Nilagay nya ang cellphone sa bag. Natanaw nya na si miss Rose. Nang nakalapit ay pinatunog nito ang sasakyan.

"Lets go?" ani nito.

Tumango sya at binuksan ang pinto. Naging tahimik ang byahe papunta sa condominium ng mga Pangilinan. Habang papunta doon ay nanlalamig sya. Parang gusto nyang umatras na, pero naisip nya ang ina, hindi pwedeng ngayon pa sya magpapabebe. Nakarating sila sa Condominium at pumasok na roon, nagtanong si miss Rose sa may guard at agad naman tinuro nito ang floor at room kung saan ang party. Pumasok sila sa elevator.

"Are you okay?  Namumutla ka" pansin nito sakanya sa gitna ng katahimikan.

Tumango sya at tipid na ngumiti.

"Okay lang miss, kulang lang po sa tulog" aniya.

Sinuri sya nito.

"Saan mo ba kasi kakailanganin ang malaking halaga at bakit naisipan mong sumama sa ganitong trabaho" tanong nito.

Napakagat sya ng dila at hindi nagsalita.

Sasagot sana sya ngunit bumukas na ang elevator. Lumabas sila at tinungo ang room na para sakanila. Binuksan nito ang pinto gamit ang card. Pagpasok nila ay nakita nya ang mga kasamahan nya na nag aayos at ang iba ay nagbibihis, may ilang sumigaw ng pumasok nila. Nagulat dahil sa pagbukas ng pinto.

"Hi ma'am!" pabibong bati ni Olivia.

Tipid syang nginitian nito at bumaling sakanya.

"Go, magbihis ka na" sabi nito at tinuro ang naka hanger na damit.

"Ay miss, kasama sya?" tanong ni Laleine habang hawak ang lipstick.

Hinarap ito ni miss Rose.

"Yes, any problem with that?" ngiti nito.

Umiling si Laleine parang napahiya at bumalik nalang sa ginagawa. Sya naman ay tinungo na ang damit at pumasok sa banyo, hinubad nya ang suot nyang damit. Pagkahubad ay kinuha nya ang damit o kung damit bang matatawag yon. Parang gusto nya tuloy umatras ng makita iyon. Oo sanay syang magsuot ng maiikling damit pero hindi naman ganitong kaikli. Silver ang kulay non, ang pang itaas ay style bra, ang pang ibaba naman ay paldang maikli at hanggang hita nya lang, may kasamang panty na iyon sa loob, ang slit ng palda ay nasa dalawang gilid ng hita nya dahilan kung bakit nakikita ang nude color na panty'ng kasama.

Labag sa loob na sinuot nya iyon. Inuna nya ang pang itaas at medyo masikip iyon sa kanyang dibdib dahilan kung bakit mas lalong lumaking tignan ang hinaharap nya. Pinilit nya pa 'yung inangat ngunit narinig nyang parang mapupunit iyon kaya hindi nya nalang pinilit. Sunod nyang sinuot ang palda, dahil nga matangkad ay mas lalong umikling tignan sakanya, tuloy ay nakita ang papuputi nyang mga hita, napatingin sya doon at napansing tumataba na talaga sya.

Gamit ang pinaghubadan ay pinangtakip nya iyon sa kanyang dibdib habang lumalabas, napatingin sakanya ang mga ito nang lumabas sya. Narinig nya ang malutong na palakpak ni miss Rose kaya napatingin sya sa mga ito, nakita nyang umirap sila Olivia. Nagtataka sya kung bakit naiiba ang kulay ng damit nya, ginto kasi ang kulay ng damit ng mga ito at sya naman ay pilak.
Nahihiyang lumapit sya sa mga ito.

"Geez! You're so beautiful Zandra! Come here!" pinalapit sya nito.

Nahihiyang lumapit sya dito. May kinuha ito na balabal? Parang kulambo ito na puti, nilagay ni miss Rose iyon sa ulo nya at nilagyan ng clip sa panabi.

"You're so beautiful tonight Zandra. Are you alright?" nag aalalang tanong nito nang mapansing pagkabalisa nya.

Tumango sya?

"Kinakabahan lang po.." aniya.

"Wag kang kabahan. You are beautiful tonight. Galingan mo.." bulong nito at tinapik ang braso nya.

Tumango lang sya at hindi na nagsalita. Kinakabahan talaga sya. Parang gustong umurong ng paa nya at umuwi.

"Alam nyo naman ang gagawin nyo diba? Aalis na'ko. Good luck, Galingan nyo.." ani nito bago tumalikod.

Naiwan sila do'n, tumahimik lang sya kahit naririnig nyang binagbubulungan sya ng mga ito. Wala syang pake, ayaw nya ng gulo.

"Shot muna Zandra! Pampatibay loob!" tumawa si Katrina.

May dala itong bote ng alak at baso. Matagal nya iyong tinignan at hindi alam kung tatanggapin ba o hindi. Ayaw nyang inumin dahil medyo weak sya sa alak, at meron naman isang boses sa isip nya na tanggapin iyon.

"Shot na! Shot! Shot na!" sigaw ng mga ito habang tumatawa.

Wala syang nagawa kundi tanggapin iyon at inumin. Ramdam nya na dumaloy ang init sa lalamunan nya. Mapait. Sobrang pait. Nagpalakpakan ang mga ito at tumawa.

"Tara na! Naghihintay na ang mga papabols sa kabilang kwarto!" sigaw ni Olivia at naglagay pa ng lipstick.

Lumabas sila at pumunta sa kabilang kwarto kung saan katabi lang ng kanila. Mula sa pinto ay narinig nya ang malakas na tugtugin. Nanlalamig sya. Kinakabahan. Nagtatawanang kumatok doon sila Olivia sya naman ay nanatiling tahimik. Namamawis ang kamay nya sa lamig. Bumukas ang pinto at niluwa non ang isang makisig at maputing lalaking chinito, hubad ang pang itaas nito at may ngisi sa labi.

"Hey, girls! Kayo ba ang pinadala ni Rose?" ngising tanong nito.

Naunang sumagot si Olivia at kumapit pa sa braso nito.

"Yes baby,.." mapang akit na sagot nito.

Tumawa lang ang lalaki saka nilakihan ng bukas ang pinto. Agad na pumasok ang mga ito at si Olivia naman ay nakakapit na agad sa braso ng lalaki. Dinala sila nito sa isang kwarto, madilim, maingay, tanging ang kikisap kisap na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag. Malaki ang kwarto, tila mini bar, sa harapan non ay may mini stage, nakaharap ang sofang mahaba at katabi non ang mga bangkong may mga lalaking nakaupo. Giniya sila ng lalaki sa stage, pumanik sila doon at pumwesto. Unting unting nag iba ang tugtugin, napalitan ng mabagal. Nasa gitna sya at may kanya kanya silang pole, nagsimulang sumayaw ang mga katrabaho nya kaya wala syang nagawa kundi makisabay. Narinig nya ang sigawan ng mga ito.

"Whats with the vail? Take it off!" sigaw ng kung sino.

Unting-unti nya itong tinanggal habang nagsasayaw, walang na ngayon ang kabang nararamdaman kanina. Nang matanggal ay narinig nya ang malakas na sigawan ng mga ito. Dahan dahan nyang hinagod ang dibdib pababa hanggang bewang, humawak sya sa posteng nandon at tumuwad. Mas lalong lumakas ang sigawan, parang lalo tuloy syang nabuhayan.

Dahan dahan nyang inangat ang tingin at doon nagtama ang mata nila. Isang malamig na mata ang nakatitig sakanya, naglalaro ang mata nito ngunit nanatiling seryoso. Tutok ang mata nya rito habang mabagal na sumasayaw, naglalabanan sila ng titig, hindi nya inalis ang titig dito.

"She's looking at you bro! Gago! Swerte!" narinig nyang sigaw rito ng isa.

Pero hindi nya man lang iyon tinignan at ganon rin ito. Tumagal ang titigan nila hanggang sa may mag abot ng kamay sakanya kaya napatigil sya sa pagsasayaw. Isang matipunong moreno iyon, may ngisi sa labi at sinenyasan syang abutin ang kamay. Nag alinlangan na kinuha nya iyon, inalalayan sya nito pababa ng mini stage. Nagsigawan ang mga ito ng ilapit sya nito sa lalaking may malamig na titig. Nanlalambot ang mga tuhod nya ng makaharap ito ng malapitan.

"Goodluck bro" sabi ng nagdala sakanya dito at tinapik pa ang lalaki.

Tumawa ito at umiling. Kay sarap pakinggan ng halakhak nito. Malamig. Nakakapanlambot..

"Come on man, I have a fiancee." tumatawang sagot nito.

Parang may gumuho sakanya nang marinig na may fiancee na ito, so siya pala ang ikakasal?

"Whatever Khalil, just enjoy your night! Miss, ikaw ng bahala sa kaibigan ko, galingan mo ah?" sabi nito at kumindat bago umalis.

Naiwan syang tulala roon at nakatayo. Bumalik lang sya sa reyalidad nang lumakas ang sigawan. Chinicheer sya ng mga ito. Wala syang magawa kundi ipagpatuloy ang nasimulan nya.

Mapang akit syang ngumiti dito kaya nagtaas ito ng isang kilay at ngumisi, mapaglaro ang mata nito habang nakatitig sakanya at may hawak na kopita na naglalaman ng alak. Dahan dahan syang lumapit dito, naririnig nya ang mga tawa at sigaw ng kasama nito ngunit wala syang paki alam, na kay Khalil lang ang mata nya.

Lumapit sya dito at walang takot na umupo sa kandungan nito. Wala itong reklamo at mas lalong naging mapaglaro ang mata at umangat ang gilid ng labi nito. Sumayaw sya sa ibabaw nito at damang dama ang init na hindi nya kailanman naramdaman sa iba, dito lang at wala ng iba. Humawak ito sa magkabila nyang bewang matapos ilapag ang basong hawak. Mas lalo syang nag init nang diinan pa lalo nito ang sarili. Lumapit ang muka nito sa bandang leeg nya at mula doon ay naamoy nya ang mabangong hininga nito.

"Ah. So beautiful..." nakakalasing ang boses nito.

Mas lalo nyang diniinan ang sarili nya habang nagsasayaw sa ibabaw nito. Giniya sya ng lalaki habang gumigiling sya. Amoy na amoy nya ang pinaghalong amoy mentol at alak dahil sa lapit ng muka nila sa isat isa. May sumibol na banyagang pakiramdam syang naramdaman. Unting unti syang lumapit dito at nilapat ang labi sa mapula nitong labi. Mababaw na halik ang nauna na naging mas mapusok, mas matagal. Ang kamay nitong naglalakbay sa likod nya. Bumaba ang halik nito sa leeg nya, maliliit na halik ang ginawad nito sa leeg nya, muntik na syang mapasigaw sa kiliting hatid non. Tumigil ito at bumulong sa tainga nya.

"Let's go, somewhere..." paos na ani nito.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))

so ayun po medyo napahaba na naman,,hirap mag cut bi :((

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top