09

#MIU09

MARAMING katanungan ang pumasok sa isip nya ng umuwi, nakatulala lang sya sa bintana ng sasakyan habang iniisip ang mga nangyari. Hindi pa rin nagsisink in sakanya ang mga nangyayari, mula umpisa sa pangbabastos sakanya hanggang sa narinig nyang kwento ni miss Rose at Cheska, masyadong mabigat iyon para sakanya kaya hindi mawala wala sa isipan nya.

Nakarating sya sa ospital ng ligtas, agad syang dumaretso sa kwarto kung nasaan ang ina, nakita nyang tulog na tulog na ito at sya nalang ata ang gising sa kwartong 'to. Napatingin sya sa orasan sa may pinto at nakitang alas onse na ng gabi, masyadong maaga kung titignan pero ganon talaga sa ospital.

Nilapag nya ang bag sa may maliit na lamesa doon at hinigit ang bangko sa tabi ng ina. Napangiti sya ng makitang sarap na sarap ito sa pagtulog. Pinagmasdan nya ito ng matagal, sa dami ng nangyari ngayon ay gusto nyang ikwento sa ina at magsumbong pero alam nyang makadadagdag lang sya sa stress ng ina. At ayaw nya non.

Nakangiti nyang pinagmamasdan ang ina saka dahan dahan kinuha ang kamay nitong nakapatong sa may bandang tyan nito. Lumapit pa sya ng onti at hiniga ang ulo sa gilid ng kama, nilagay nya ang kamay nito sa kaliwang pisngi nya. Hindi nya alam kung bakit nag uunahan sa pagtulo ang mga luha nya ng inihiga nya ang kanyang ulo. Sunod sunod itong pumapatak, nagtataka nga sya kung bakit kanina ay hindi sya maka iyak ng ganon, talagang sa ina nya lang. Ilang minuto syang tahimik na lumuluha saka mahinang nagkwento sa ina..

"Ma alam mo bang sobrang daming nangyari ngayon?" mahina syang natawa kahit wala naman nakakatawa. " Tapos ma, may nakilala akong babae, sobrang ganda nya at sobrang bait pero sa maamo nyang muka ay may nakatago palang lungkot, sa bawat ngiti at tawa pala nya may nakatagong hagulgol. Napakalas nya ma, hindi ko nga aakalain na sya ang magliligtas sa'kin kanina e," aniya. " N-Nabastos ako ma.." tunog na nagsusumbong nyang ani. " Pero buti nalang nandon si miss Rose! Ang lakas..lakas nya ma, hinampas nya ng bote yung lalaki, galit ang mata nya at walang buhay na nakatingin dito, natakot ako nung una ma, pero syempre tinatagan ko ang loob ko para pigilan sya pero daig nya pa lalaki sa lakas ng pagkakatulak sa akin ma, tinignan nya lang ako ng walang buhay.. daig ko pa pinanlamigan sa titig nya ma, pero sa likod pala non may malungkot na kwento..."naluluhang aniya.

Napangiti sya ng makitang tulog pa rin ang ina. Pinagpatuloy nya ang kwento.

"Hindi nga ako makapaniwala na kinaya nya yon, isipin mo ma napakabata nya pa sa panahon non tapos ay nakaranas na sya ng ganoong hagupit sa buhay?...Pero ang isang katanungan ko ay bakit walang ginawa ang ina nya para sa anak? B-Bakit mas pinili nya ang lalaking iyon? " nag uumpisa nang kainin ng galit ang puso nya.

"P-Pero kahit ganon ang nangyari ay nagawa nya pa ring lumaban sa buhay..imagine? Meron na syang sariling bar at successful" napangiti sya. "Ang swerte ko pala sayo ma, kahit anong hirap natin ay pinili mo pa rin ako at hindi pinalaglag..hindi kagaya ng nanay ni miss Rose, walang kwenta.." sumama ang tingin nya sa isang sulok nang maalala ang kwento nito.

"Kaya nga thankful ako kasi ikaw ang nanay ko, dahil sa panahong naghihirap ka nagawa mo pa rin akong piliin kaya sayo ako e" natawa sya ng mahina.

"Mahal kita ma, kung totoo man na mabubuhay tayo sa pangalawang buhay natin gusto ko ay ikaw pa rin ang nanay ko.." huling sabi nya bago kainin ng antok at pagod.

NAALIMPUNGATAN sya ng marinig ang ina nyang nagsasalita. Wala pa sya sarili dahil sa antok, hinayaan nya itong magsalita at nanatiling nakapikit.

"Maswerte rin ako dahil ikaw ang binigay sa'kin at ikaw rin ang pipiliin ko sa susunod na buhay..pero natatakot ako anak..na kapag nalaman mo ang tinatago ko ay baka iwan mo ako at kamuhian at ayaw kong mangyari iyon..."

NAGISING sya na parang may tumititig sakanya. Binuksan nya ang kanyang mata at nakitang nakangiting nakatitig sakanya ang ina. Hinahaplos nito ang kanyang buhok.

"Bangon na.." tapik nito sakanya.

Umungol lang sya at bumalik sa pagkakapikit.

"Five minutes..."ungot nya.

Narinig nyang tumawa ang ina.

"Bumangon ka na dyan, baka bumalik uli yung cute na doctor" may halong pang aasar ang boses nito.

Nakasimangot syang bumangon.

"Sino ba yang doctor na yan at parang botong boto ka?Akala ko ba ay ayaw mong magka jowa ako?" masungit nyang ani.

Tumawa lang ito at hinaplos ang buhok nya.

"Bumangon ka na kasi dyan, nagugutom na ako. Alam mo bang naabutan ka nya kanina na natutulog, sabi ko anak kita ilalakad sana kita kaso ang sabi ay hindi daw sya mahilig sa mapuputi, mukang hindi ka papatusin anak" tumawa ito ng nang aasar.

Umirap sya.

"Akala mo naman papatusin ko sya, naiimagine ko palang ang tanda ng muka nya at mukang nerd, ewww" umakto syang nangdidiri.

Mas lalong natawa ang ina.

"Cute kaya si dok muka pang single, kaso di ka type" tumawa uli oto.

"Hindi ko rin sya type no! Makabili na nga lang ng pagkain!" naiinis nyang ani kaya mas lalong natawa ang ina.

"O sya, magpalit ka na eto, hinanda ko na" inabot nito ang nakatiklop na damit.

Kinuha nya ito pati na rin ang bag nya.

"Alis na ko ma,."paalam nya.

Tumawa ang ina at tumango.

"Baka makasalubong mo si doc, sabihin mo hi!" pang aasar pa ng ina.

Umirap sya sa hangin at hindi na pinatulan ito.

Lumabas sya sa kwarto at pumunta sa pampublikong CR ng ospital. Mabuti naman at walang tao ng pumasok sya, malinis at makintab ang sahig mukang kalilinis lang. Pumasok muna sya sa isang cubicle doon para umihi at magpalit. Hinubad nya ang kagabi pang damit na suot. Binuklat nya ang bigay ng ina na nasa paper bag, oo nilagay pa talaga ng ina nya sa paper bag. Nakalagay doon ang isang black leggings at plain vneck shirt. Mabilis nyang ginawa iyon bago lumabas ng cubicle. Tiniklop nya ang pinaghubadan bago humarap sa salamin na nandoon para maghilamos. Wisik wisik lang sa muka at okay na sya. Pinangpunas nya nalang ang hinubad na damit nya.

Naglagay sya lang sya ng liptint dahil maputla syang tignan ngayin siguro ay dahil sa pagod. Ang pisngi nya naman ay natural nang mapula kaya hindi na sya nag abala pang lagyan ito. Sunuklay nyang hanggang ibabaw ng puwitan saka pinusod, hindi nya ito pinapagupitan sa iba dahil ang nanay at tita Oli nya ang nag aasikaso ng kanyang buhok, alagang alaga nito ang buhok nya kaya sobrang kintab nito. Nang maitali ay mas lalong nahulma ang kanyang muka, ang mataas nyang cheekbone ay mas lalong nabanat. Dumagdag sa kanyang ganda.

Bukod sa kanyang dibdib ay panlaban nya rin ang kanyang mata, kulay kagumanggi ito at kapag nasa araw ay mas lalong tumitingkad ang kulay nito. Matangkad rin sya katulad ng ina, mahahaba ang binti kaya nagmumuka syang model, nakasali na rin sya sa mga beauty contest pero hindi pinapalad dahil sa trabaho ng ina, lagi syang sinisiraan ng mga tsismosa nilang kapitbahay, akala mo naman ikayayaman nya ang pagsali nya sa contest no.

Dahil nga mahaba ang mga binti ay mas lalong bumagay ang suot nyang leggings, mas lalo tuloy syang nagmukang matangkad. Ang suot nya naman vneck ay hapit sa may bandang dibdib nya tuloy ay mas lalong nadepina ang kanyang katawan, mas konting awang sa kanyang dibdib at lumalabas ang kaunting parte nito ngunit hindi naman kabastos bastos kung titignan.

Nang makontento sa kanyang ayos ay lumabas na sya ng banyo para bumili ng makakain ng ina. Naglalakad sya ng may biglang bumundol ng balikad nya dahilan kung bakit muntik na syang matumba.

"Aray ko naman! Ano ba! Hoy!" sigaw nya sa bumundol sakanya.

Pero sa halip na tumigil at harapin sya ay nagdareretso lang ito na parang walang naririnig. Sumama ang tingin nya dito at napatingin sa likuran nito.

Shit ang sexy ng likod!

Umiling sya para matabunan ang kalandiang iniisip. Naiwan nalang syang nakatingin sa dinaanan nito at naalala nya pa ang mabangong amoy nito ng mabunggo sya ng lalaki. Sa palagay nya ay dito ito nagtratrabaho dahil bukod sa nakasuot itong pang doktor ay parang siga itong dumadaan.

Ang lalaking iyon! Walang modo! Doktor pa naman! Well, kung doktor nga. Argh! Nevermind!

Umiling nalang sya at nagpatuloy nalang sa paglalakad. May araw rin sakanya ang lalaking iyon. Inalis nya iyon sa kanyang isipan at dumaretso nalang sa malapit na grocery store. Bumili lang sya ng loaf bread at gatas ng ina, kumuha rin sya ng mga biscuit, binayaran nya iyon at pumunta sa bilihan ng almusal nilang mag ina. Bumili lang sya ng lugaw nito na may nilagang itlog, bumili rin sya ng dalawang order ng tapsilog, para na rin may pagpilian ang ina. Matapos nyang bayaran iyon ay dumaretso na sya sa kwarto nito. Naabutan nyang naka upo lang ito na para bang inaantay sya.

Lumapit sya dito at nilapag ang mga pinamili.

"Oh, bat ang dami naman nan? Ang tagal mo pati di mo tuloy naabutan si doc cutie" ngisi nitong pang aasar.

Ngumuwi sya. Hindi pa pala tapos ang ina nya sa pang aasar.

"Alam mo ma, gutom lang yan. Kumain ka na. Anong gusto mo, tapsilog o lugaw?" sabi nya.

" Lugaw nalang, wala akong masyadong panlasa. " sabi nito kaya binigay nya ang nasa tasang lugaw na may itlog.

Walang panlasa?

"Buti nalang binili kitang lugaw, ayos ka lang ba ma?" nag aalala sya.

Tumango ang ina.

"Oo. Medyo masakit lang ang ulo dahil siguro kakatitig ko sa cellphone." ani nito.

Ngumunot ang noo nya.

"Bakit naman kasi nagcecellphone ka? Bawal yan sayo" parang nanay nyang paalala.

Napabuntong hininga ito.

"Inaantay ko kasi ang text ng tita Oli mo, hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag o nagtetext man lang" malungkot na ani nito.

Natigilan sya at nakagat ang dila.

Ngumiti sya sa ina.

"Hayaan mo na, kapag tumawag sya sakin ay sasabihin ko na dumalaw sya. " nakangiti nyang sabi dito.

"Nag aalala ako, pakiramdam ko ay nasa kapahamakan ang tita mo, alam mo namang sya nalang ang pamilya natin, baka may nangyaring masama na doon" napabuntong hininga ito.

Umiling sya at inalo ang ina.

"Wala yon ma, malakas si tita at 'di ba sabi nya ay nagtratrabaho sya? Baka busy lang, hayaan mo kapag may time ako ay bibisitahin ko sya.." nakagat nya ang dila sa pagsisinungaling nya.

Tumango ang ina at bumuntong hininga.

"Nag aalala ako.." sabi na naman nito.

Hinaplos nya ang likod nito at inalo.

"Magiging maayos rin ang lahat ma.."

****

LUMIPAS ang dalawang linggo ay ganon lagi ang eksena, sa umaga pagkagaling nyang trabaho ay aalagaan nya ang ina, sa gabi ay magtratrabaho sya, nagpapasalamat naman sya dahil hindi na naulit ang nangyari sa unang araw nya sa trabaho. Si Olivia lang ang priblema sa trabaho nya dahil lagi syang pinagiinitan nito. Ang tita nya naman ay dalawang beses nyang dinalaw ang huling pagbisita nya ay puro pasa ito at parang napapabayaan. Tinanong nya ito ngunit ang sabi lang ay..

"Tita ayos lang po ba kayo dito? Anong nangyari po sa pisngi nyo? Bakit kayo may pasa? May nang aaway ba sayo dito?" sunod sunod nyang tanong

Nag aalala sya dito.

Iniwan nya muna saglit ang ina para madalaw ang kanyang tita. Pero ang naabutan nya ay puro pasa ito sa katawan, at ang buhok ay parang ginupit. Mas tumanda rin itong tignan ngayon at halatang halata ang pagod sa maputi nitong katawan. Naawa sya sa sitwasyon nito, kung may pera sana sya para mapalabas ito dito ay hindi na sana nya ito pinatagal ito.

Ngumiti ito.

"Ayos lang ako dito, medyo hindi lang nakakatulog...kamusta ang nanay mo?" nakangiting ani nito habang hawak ang kamay nya.

Umiling sya. Alam nyang hindi ito nagsasabi ng totoo. Alam nyang hindi lang dahil sa kulang lang ito sa tulog.

"Ayos lang po si mama, medyo mabuti buti na rin po ang katawan nya...Ayos lang po ba talaga kayo dito?" ulit nyang tanong kaya napatawa ang kaharap.

"Ayos lang nga ako ano ba, wag mo akong intindihin. " natatawang ani nito. "Teka kamusta naman ang pinasukan mong trabaho? Mag iisang linggo na ah?" tanong nito.

"Hindi nya po ako pinagsayaw, nagdadala lang po ako ng mga drinks sa customer at naglilinis, ang bait nya po tita.." nakangiti nyang kinuwento ang nangyari sa trabaho except sa unang nangyari sa unang araw nya.

Ngumiti ang tita nya.

"Mabuti naman, ang sabi ko lang don ay isang linggo ka lang magsasayaw, tignan mo nga talaga ang batang iyon napakabait, " nakangiti ito.

Tumango sya. Sumasang ayon.

"Tama ka tita, mabait si miss kaya sobrang lapit ng loob ko sakanya, para nga syang naging ate ko sa trabaho e" nakangiti nyang sabi.

Natigilan ang kaharap pagkatapos ay ngumiti.

"Ganon ba? Mabuti naman at nagkakasundo kayo..mabait iyon...parang ikaw" natatawang ani nito.

Sumimangot sya. " Parang napipilitan pa kayong bangitin ang ikaw ah?"

Tumawa lang ito.

"Lakad na bumalik ka na sa ospital at walang kasama ang nanay mo, ayos lang ako dito wag mo 'kong alalahanin.." nakangiti nitong sabi.

Tumango sya at maayos na nagpaalam.

"Huy, Zandra. Kanina ka pa tulala dyan girl, dalin mo na itong order" untag sa naglalakbay nyang isip ni Cheska.

Kinuha nya ito.

"Saan?" tanong nya.

"VVIP room 507, ingat ka puro mean girls ang naroon baka pagtripan ka" paalala nito.

Ngmiti sya.

"Meron naman ako nito oh" pakita nya sa kwintas.

Simula ng pambabastos sakanya ay binigyan sila ni miss Rose ng necklace kung saan matretrace kung nasaan ka at ang pendant doon ay bilog na gold na may nakatagong pindutan sa likod no'n kung saan pipindutin mo iyon kapag nasa panganib ka o may nangugulo. Tutunog iyon at magiging pula ang bilog kapag may nakaalam na nasa panganib ka.

Namamangha sya nung una dahil para lang itong accesories, lahat sila binigyan ni miss Rose pati na rin ang mga security guard, ayaw nya na daw maulit uli ang nangyari. Humigpit na rin ng todo ang THE PEAK kung dati ay basta basta ka nalang makakapasok ay ngayon ay dapat wala kang dalang makakasakit ng kung sino. Meron na rin silang membership ng bar, dapat ay may requirements na, akala nya ay oonti nalang ang pupunta sa kanilang bar dahil sa paghihigpit pero nagulat sya ng mas marami pa ang dumating. Simula non ay mas dumami pa ang tip na nakukuha nya dahilan kung bakit pinag iinitan sya dito ng ibang katrabaho, thanks to Cheska at ito lang yata ang matino dito.

Dinala nya na ang drinks sa VVIP room kung saan mas malaki ang room na ito, may sariling stage, malaking sofa, CR, at may maliit na room. Minsan na syang naghatid ng order sa VVIP room at mga lalaki ang nandoon, natatakot pa rin sya sa kung ano man mangyayari pero nagpapasalamat syang hindi sya nakakuha ng kung ano man pangbabastos. Kumatok muna sya sa VVIP room bago buksan ito. Dala ang apat na cocktail drinks at finger foods ay pumasok sya. Tama nga si Cheska dahil mukang mga mean ang mga ito.

"Here's your order ma'am. If you need something just press the button. Thank you. " magalang nyang sabi.

Umirap lang ang mga ito at nagbalik sa kanilang usapan.

Sya naman ay umalis na dahil bukod sa wala syang balak makinig sa pinaguusapan ng mga ito ay baka mainis pa sakanya ang customer. Bumalik nalang sya kay Cheska na naghahalo ng kung anong alak, parang ang saya saya nito sa ginagawa. Effortless nitong pinaghahalo ang ibat ibang kulay ng alak at makakabuo ng isang makulay na alak. Pinagmasdan nya iyon at namamangha, parang gusto nyang matuto.

"Oh? Gusto mong tikman? Light drink lang 'to" alok nito sakanya.

Umiling sya. Gustuhin man nya pero mahina talaga sya pagdating sa alak.

"Sige na parang juice lang to" pilit nito.

"Sige na nga.." napipilitang kinuha nya ito.

Napapalakpak si Cheska

"Ano okay ba?" nakapalumbabang tanong nito.

Nakangiwing tumango sya. Masarap sya. Mapait sa una pero tumatamis sa huli at umiinit pababa sa lalamunan nya. May nalasahan syang lemon, apple, and strawberry parang juice nga pero mapait sa una.

"Anong alak naman 'to?" tanong nya.

Tama nga ito, hindi masyadong matapang.

"I call it VD" nakangising ani nito at kumuha rin ng kanya.

"VD?" takang tanong nya.

May ganon bang klaseng name ng alak?

"Oo. Virgin Drink. VD. V for virgin and D for drink, diba ang bongga?" natatawang sabi nito.

Umiling sya at natawa nalang. Corny.

"Bakit naman virgin drink ang pinangalan mo?" natatawang tanong nya.

"E diba, nalasahan mo ang pait, tamis at init? E hindi ba ganon rin ang first sex? Masakit sa una, tas sasarap pagkatapos ay mag iinit ka.." parang tanggang sabi nito at tumawa ng malakas.

Nag init ng todo ang pisngi nya. Kahit naman may pagka landi sya minsan ay naiilang pa rin sya sa bulgar na sabi nito.

"Oh bat ka namumula? Wag mong sabihin virgin ka pa at hindi mo pa nararanasan yon?" natatawang tanong nito.

Hindi sya sumagot at mas lalong namula.

"Teka, VIRGIN KA PA?" napalakas ang pagkakasabi nito kaya napatingin sakanya ang mga customer malapit sakanila. May ilan syang lalaking nakitang nakatingin sakanya at parang mga agilang sinusundan ang katawan nya.

"Hoy ano ka ba! Wag ka ngang maingay nakakahiya!" namumulang aniya.

Tumawa ito at nag peace sign.

"Sorry naman nabigla lang. Pero seryoso? Virgin ka pa?" tanong ulit nito.

Tumatawa syang tumango.

"OMG! So tayo nalang palang dalawa ang na nanatiling virgin dito! " parang batang ani nito.

Tumawa nalang sya at hindi na kumibo. Bumalik na sila sa kanikanilang trabaho, kuha ng order, bigay ng order, punas ng table, mop ng natapon drinks, ayan ang paulit ulit nyang ginagawa hanggang sa mag umaga na at wala ng tao ang bar, grabe pagod na pagod sya sa araw na ito. Nililinis na nila ngayon ang bar, may tiga linis naman pero ayaw ni miss Rose na hindi sabay sabay uuwi kaya imbes na tumunganga sila sa paghihintay matapos ay tumutulong na rin sila para mapabilis ang gawain. Sunday ngayon kaya bago sila umuwi ay kukuha muna sila ng sahod. Masaya nyang tinggap ang sahod nong isang linggo, oo nga pala linggo linggo ang sahod nila at minsan ay sobra pa ang binibigay ni miss Rose sakanila idagdag pa ang tip na nakukuha nya.

Natapos ang lahat sa paglilinis at pagkuha ng sahod kaya nagsi uwian na sila, soot ang jacket at maikling short ay dumaretso sya sa bahay para matulog, Oo nga pala ay nakalabas na ang ina nya sa ospital kahapon dahil okay na daw ito, kaya lahat ng ipon at sweldo nya ay napunta sa pinangbayad ng bill ng ospital, idagdag pa ang mga gamot nito. Ngayon naman ay nagsisipag pa rin sya para sa gamot na iniinom ng ina, kahit kasi anong trabaho nya ay kulang parin.

Nadatnan nya doon ang ina na nasa sala na at nanonood ito ng balita. Lumapit sya dito.

"Ma, kumain ka na?" tanong nya.

Napalingon ang mama nya at tumango.

"Oo, meron dyan sinangag saka itlog, kumain ka na" alok nito at ngumiti.

Umiling sya.

"Hindi na ma, inaantok ako, mimiya nalang. Akyat na ko" aniya.

Tumango ang mama nya kaya pumanik na sya sa taas. Binuksan nya ang pinto ng kwarto nya saka nahiga doon, ramdam na ramdam nya ang pagod ng nakahiga na. Lantutay na rin ang mga binti nya dahil sa palakad lakad sa bar, feeling nya na nga may muscle na sya. Pumikit na sya at nakatulog. Nagising sya ng tanghalian na at kumakatok na ang ina.

"Zandra anak, bangon na dyan kakain na.." malumanay na sabi nito.

Napangiti sya. Nakakapanibago pa rin ang boses nito dahil hindi na masyado itong bungangera kagaya ng dati. Malumanay at mahina ang boses kapag nagsasalita. Hula nya dahil sa sakit nito sa baga, napapansin nya rin minsan na nahawak ito sa dibdib at madalas sumasakit ang ulo, sinabihan nya naman itong magpacheck up pero dahil nga may trabaho sya au hindi nya masamahan, kaya binibigyan nya nalang itong pera pampacheck up nito.

"Babangon na po!" sigaw nya.

"Bumaba ka na at baka lumamig ang ulam! Nilagang baboy pa naman ang ulam!" sigaw nito.

"Pababa na!"

Nagmadali syang kumilos nang marinig nya kung anong ulam, favorite nya yon e. Hinubad nya ang suot na jacket at kumuha lang ng sandong itim, sinoot nya na rin ang pambahay nyang tsinelas at tumatakbong bumaba muntik pa syang madapa.

"Ano ba yan, ang ingay mong bumaba, nalagitik na ang kahoy nagin hagdan dahil sayo" umirap ang maldita nyang ina.

Ngumiti sya at natawa.

"Gutom na kasi ako e," tawa nya.

Hindi sumagot ang ina. Muka lang itony seryoso.

"Kumain ka na. Sa taas muna ako" ayon lang ang sabi nito saka tumalikod na.

Sya naman ay naiwan mag isa. Nagtataka sa inasta ng ina. Wala syang nagawa kundi kumain, mimiya nya nalang kakausapin ito. Magana syang kumain dahil na rin sa gutom, feeling nya ngayon ay tumaba sya, siguro ay dahil sa puyat at pagod kaya ang ending ay nakakakain sya ng doble. Tinapos nya ang kinakain, nakatatlong sandok pa sya ng kanin bago tigilan ng pagkain sa hapag.

Tumayo na sya at nilagay ang pinagkainan sa lababo at hinugasan ito. Pagkatapos maghugas ay dumaretso sya sa kwarto ng ina para kamustahin ito. Kumatok sya bago pumasok.

"Ma, may problema ba?"nag aalala nyang tanong.

Ngunit nanatiling seryoso ito. Nakatitig lang sakanya.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" malamig na ani nito.

Nanlamig sya sa pagkakabigkas ng ina. Walang itong halong galit pero ramdam mo ang otoridad.

"W-Wala po.." nauutal nyang sabi.

Tungkol ba ito kay tita? O sa trabaho ko?

Tinignan syang maigi nito.

"Hindi kita pinalaking sinungaling Zandra!" madiin ang boses nito kaya napapikit sya.

Madalang silang magkasagutan ng ina kaya iba pa rin kapag galit ito.

"B-Bakit...B..bakit hindi mo sinabi saking..n..nasa ku..lungan.." hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil kita nyang nakahawak na ito sa dibdib at parang nahihirapang huminga.

Dali dali nyang nilapitan ito at inakay. Namumutla na ito. Naiiyak syang tinulungan itong makababa.

"Ma, ayos lang ba kayo? M-Ma.." naiiyak nyang sabi.

Hindi sumagot ang ina at mas lalong humigpit ang hawak sa kanyang dibdib. Lalo syang nataranta at natakot. Pinanlalamigan na sya.

Dali dali nya itong inakay palabas ng bahay, kung kaya nga nya itong buhatin ay kanina nya na ito binuhat dahil kitang kita nya ang paghihirap sa mata nito. Nakatingin lang ang mga kapit bahay nila sakanya, pero miski isa ay walang nag nais tumulong, mga nakatingin lang ang mga ito. Wala sya sa kanyang isip dahil iniisip nya lang ay madala sa ospital ang ina. Kahit pinagpapawisan at naghalo na ang luha ay pinilit nya pa rin mailabas ito hanggang sakayan. Mabuti na nga lang ay mabilis syang nakakuha ng trycycle. Hawak hawak ang kamay nito at hinaplos haplos nya ang pinagpapawisqn noo nito.

"M-Ma, magpakatatag ka, malapit na tayo.." umiiyak na sabi nya.

Umungol lang ito na parang nahihirapan.

Lalo syang nataranta at nanlamig.

"Kuya wala na bang ibibilis yan?!" naiiyak nya ng sigaw.

Tumango lang ang driver at naramdamn nya na bumilis ang sinasakyan nila.

Nakarating sila sa ospital at agad naman syang tinulungan ng driver para madala ito sa emergency room.
Natataranda at hindi sya mapakali. Wala sa sariling nagbayad sya sa driver at hindi na nakapagpasalamat. Palakad lakad na sya sa labas ng emergency room, kung pwede lang pumasok ay ginawa nya na pero pinigilan sya ng mga nurse doon. Wala syang nagawa kundi tumunganga doon sa labas habang humahagulgol sa iyak. Taimtim syang nagdasal na sana maging ligtas ang kanyang ina.

Mahigit isang oras syang tulala doon habang nag aantay, wala syang ni isang dala kundi ang baryang nasa bulsa nya, ni cellphone ay wala sya. Napatayo sya ng lumabas ang doktor doon at hinarap sya.

"Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?" tanong ng matandang doktor.

Tumango sya at hindi nagsalita.

"Stable na ang kalagayan nya.." napahinga sya ng maluwag. "Pero, kailangan nyang maoperahan dahil malala na pala ang sakit nya. Alam mo ba na may cancer ang nanay mo? Kakailanganin na nyang maoperajan sa lalong madaling panahon." ayon lang ang sinabi nito bago tumalikod paalis.

Sya naman ay nanghihing umupo ulit at sabay sabay na tumulo ang luha.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:((

4k+ words. Hahatiin ko dapat sya sa dalawang chapter kaya lang ay nawala yung sinulat ko, nabura ko yata. Anyway kung nagtataka kayo kung bakit ang bilis ng story ay dahil pinabilis ko iyon hehehe balak ko lang kasi talaga ay 20 chaps lang ito pero di pa ako sure dyan, tignan nalang natin hahahaha.

Hello. About sa sakit ng mommy ni Zandra ay sa ibang chapter ko babanggitin. Sobrang daming errors ng story na ito, but dont worry, ieedit ko ito kapag natapos na. Ayun lang salamat sa pag intindi! <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top