08


warning: sexual harassment and strong langguage.

READ AT YOUR OWN RISK

#MIU08

What do you think will come first to your mind if you are in a 'harassing' situation? Maiisipan mo bang saktan s'ya? Slap him? But Zandra didn't move, stunned with teary eyes. Gusto n'yang umiyak at magalit! Gusto nya itong sampalin! Pero nanatili s'yang nakatayo at gulat. Hindi makagalaw. Kitang-kita nya ang ngisi ng mga lalaki na nakatingin sakanya, parang tuwang-tuwa pa dahil sa reaksyon nya.

"Anong nangyayari dito?" napukaw ang pag-iisip nya sa nagsalita.

Tumingin sya dito at nakita si miss rose na nakatayo sa may bandang likod n'ya, pinagtitinginan na rin sila ng mga ibang naka-upo. Tumingin sakanya si ms. Rose nagtatanong ang mga mata nito.

Umiling sya dito at namuo ang luha sa mata pagkatapos ay pinilit n'yang ngumiti.

"S-Sorry po miss..." mahinang sabi n'ya.

Tinignan sya ng maitim ni miss Rose.

"ANONG NANGYARI DITO?" may diin ang bawat tanong nito at nilipat sa mga lalaki ang tingin.

"NABASTOS KA?" madiin nitong ani.

Hindi s'ya sumagot sa takot.

"Come on Rose, We're just having fun here, don't fire this lovely lady" nakangiti nitong ani saka kumindat sakanya ang lalaking nambastos sakanya.

Gusto nyang masuka sa pagkindat nito. Nandidiri sya. Nakita nyang nilapitan ito ni miss Rose na may ngisi sa labi, even though she did not see it completely she knew that was not a genuine smile of miss Rose.

Mas lalo syang kinabahan. She didn't know why.

Tumigil ito sa harap ng nangbastos sakanya. The man faced her and held out his arm with a smile on his face.

Miss Rose just smiled back.

She took the glass on the table and faced with again, the man look at her with full of confuse on his face. So the smile of miss Rose grew wider.

They all shouted when miss Rose slapped him using the glass causing the glass to break on his face. She saw the blood running on the man's face.

Pero hindi pa pala natatapos iyon nasundan pa. They shouted out of horror when miss Rose took the broken bottle of alcohol in the floor and mercilessly slapped it on the face of the man. She could clearly see the red liquids that kept on flowing. Mas maraming dugo ang dumadaloy ngayon. But miss Rose didn't stop she continue beating the man. Para itong wala sa sarili.

Walang may gustong lumapit o umawat. Kaya nagmadali syang lumapit dito para awatin dahil nag-aalala sya sa pwede pang susunod na mangyayari. Hinawakan nya ito sa bewang kahit pa ramdam nya ang lakas nito. Kumawag-kawag ito sakanya at nagtagumpay naman ito dahil nakawala at tinulak sya dahilan kung bakit napaupo sya sa sahig ng bar. Napaaray sya sa sakit ng pagkakatulak nito pero hindi sya susuko. Kailangan nya itong pigilan. Sa isa pang pagkakataon ay pinigilan nya ito at mas hinigpitan nya lalo, galit na galit ito. Niyakap nya ito ng tipong parang hindi na ito makakahinga sa higpit ng pagkakayakap nya.

"Tama na po...tama na miss.." lumuluhang aniya mula sa likod nito.

Unti-unti itong natigilan at nabitawan ang basag na bote, nakita nyang wala ng malay ang lalaki at ang mga kasama nito ay pawang nanonood lang ng teleserye, binalik nya ang tingin kay miss Rose na nakaharap na sakanya at walang buhay ang mga mata. Hinawakan nya ang balikat nito ng nakita nyang tumutulo ang luha nito.

"Miss, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong nya.

Hindi ito sumagot at nanatiling tahimik na umiiyak.

Nag-aalalang tumingin sya dito at napatingin sa paligid dumating na ang mga security at tinayo ang wala ng malay na lalaki, parang dumaan lang ang sandali dahil mistulang walang naganap na gulo kanina. Ang iba ay nakatingin pa rin sakanila at ang iba naman ay nagpatuloy sa pagsasaya, lalong lumakas ang ingay sa dance floor rinig na rinig nya mula sa kinatatayuan nya ngayon. Binalik nya ang tingin sa nakatulalang si miss Rose at nakatingin lang ito sa baba.

Nahagip ng mata nya si Cheska na tahimik na nakatingin lang sakanila, nakita nya itong tumango sakanya at binuka ang bibig saka sumenyas na dalin na si miss Rose sa opisina nito, tumango sya dito at tahimik na inakay ito, wala itong imik na sumama sakanya. Nang mapadaan sila sa may dance floor ay maingay pa rin at marami ang nagsasaya, maingat nyang tinabi si miss Rose sa mga nagsasayaw. Nakarating sila ng tahimik sa opisina nito, tahimik pa rin ito at tulala. Binuksan nya ang pintuan at pinasok ito saka pinaupo. Tahimik lang itong sumunod. May nakita syang first aid kit at tissue sa ibabaw ng mesa nito kaya kinuha nya iyon at hinarap si miss Rose.

"Ayos ka lang po ba? W-Wala bang masakit sayo?..." nahihiyang paumanhin nya at kinuha ang kamay nitong may mga sugat galing sa baso at talamsik ng dugo.

Hindi pa rin ito nagsalita at nakatitig lang sa kamay nitong ginagamot nya. Hindi na sya nagsalita at tinuon nalang ang pansin sa ginagawa. Pumasok sa isip nya ang nagyari kanina, nakakatakot, nakakagulat. Hindi nya akalaing magagawa iyon ni miss Rose, dahil muka itong mabait at mahinhin sa lahat pero ang nakita nya kanina ay parang ibang miss Rose, parang itong bata na tuwang-tuwa sa paglalaro habang hinahampas ang bote sa muka ng lalaki.

"N-Noong bata ako, n-nagkahiwalay ang mga magulang k-ko nakahanap ng iba si t-tatay kaya naiwan kami ni nanay.." napukaw ang naglalayag nyang isip ng magsalita ito kaya napatigil sya sa paggagamot sa mga sugat nito at napatingin dito.

Hindi sya nagsalit at tahimik na nakinig habang naghihintay ng susunod nitong sasabihin. Walang buhay ang mga mata nito habang nakatingin sa kamay nitong may dugo.

"Nagkaron ng karelasyon si n-nanay at d-doon na kami napatira...naging masaya kami nung una..ngunit lumipas ang mga taon at nagdalaga ako, napansin kong iba na ang trato sa'kin ng tataytatayan ko...nang gabing natutulog ako, naramdaman kong may pumasok ng kwarto ko at p-pumasok doon si u-uncle, bumangon ako para tanungin sya kung anong ginagawa nya sa kwarto ko, at tumawa lang s'ya at lumapit sa'kin habang hawak ang kutsilyo...kinabahan ako ng gabing iyon at sinubukang sumigaw ngunit..mabilis s'yang lumapit at tinutok ang kutsilyo sa leeg ko at tinakpan ang bibig ko..napaiyak nalang ako ng tahimik..ngumisi sya at naramdaman kong unting-unti nyang binababa ang pang-ibaba ko, tahimik akong umiiyak non..nagbanta s'yang papatayin nya si mama kapag sumigaw ako...sa takot para kay mama, hinayaan ko syang gawin ang gusto nya...natapos ang nakakadiring ginawa nya sa'kin ay nagbanta syang papatayin nya kami ni mama kapag nagsumbong ako...tahimik akong umiiyak hanggang sa umalis na sya...n-naulit ng n-naulit hanggang sa m-mahuli kami ni m-mama...at alam mo ang nangyari?.." ngumiti ito sakanya ng malungkot.

Hindi sya sumagot at patuloy na umaagos ang mga luha nya sa mga naririnig, she wanted to find him ang kill him! Lumuluhang tumingin sya dito at humigpit ang hawak sa bulak. Awa para kay miss rose at galit sa step dad nito ang nararamdaman nya ngayon.

"Miss Rose..." lumuluha nyang sabi.

"H-Hinila ni m-mama 'yung buhok ko at pinagsasampal ako, galit na galit sya sakin, tinanong nya si uncle at sabi ni uncle ay i-inakit ko daw sya, PUTANGINA! Hinding-hindi ko kayang gawin 'yon! Nandidiri ako! Mas lalong nagalit si mama sa'kin at patuloy akong sinasaktan, sinampal, sinuntok, binugbog, si uncle ay nakatingin lang sa'min habang nakangising nanonood, putangina nya! Hayop sya! Demonyo! Satanas! Nang araw na 'yon naging malamig ang trato sa'kin ni mama at halos araw-araw nya akong sinasaktan at ganon rin si uncle sa'kin, gustong-gusto kong umalis sa bahay na 'yon! Pero si mama! Si mama! A-ayaw ko syang iwan sa demonyong lalaking 'yon! Minsan tinatanong ko ang sarili ko, a-anong kasalanan ko? M-May nagawa ba a-akong mali? B-Bakit a-ako pa? B-Bakit a-ako pa?!..." humagulgol na ito sa iyak.

Lumuluhang mabilis nya itong niyakap ng mahigpit, patuloy lang ito sa pag-iyak.

"A-At kanina, n-nakita ko ang nangyari..k-kung paano ka binastos ng demonyong iyon,..pasensya ka na ah? Nakita mo pa iyon." sabi nito sakanya at pinunasan ang mga luha sa mata.

Umiling sya at patuloy pa rin umaagos ang luha nya. Ngumiti sakanya ito, how can she smile like that? Like there's nothing bad happened in her past? Hinaplos nito ang pisngi nya at pinunasan ang mga luha nya.

"Alam kong malakas kang babae, pero bakit hindi ka lumaban kanina Zandra?" tanong nito.

Umiling sya.

"Ayaw ko lang po ng gulo" humihikbing sabi nya.

Umiling ito at hinaplos ang pisngi nya.

"Maling manahimik ka nalang pag binabastos ka, paano kung mas malala pa 'yung mangyari? Gugustuhin mo pa ring manahimik? Pasensya ka na Zandra.., kung nagkakaganto ako, pero ayaw ko lang matulad kayo sa...sinapit ko, alam mo naman na dahil sa pananahimik ko, nangyari ang..." hindi na nito natuloy ang sasabihin.

"S-Sorry po..."nakatungo nyang ani.

"Pasensya ka na ah? Kung nagiging OA ako sa paningin mo...pero sa susunod na may mangyayaring ganon ay humingi ka ng tulong o lumaban ka okay?" tumango sya sa sinabi nito.

"Osya, umuwi ka na muna, alam kong natrauma ka sa napanood mo kanina, pasensya ka na at nakita mo pa iyon ah? " sabi nito.

Umiling sya at ngumiti.

"Okay lang po..pero maaga pa po at baka magtaka ang mga kasamahan ko sa trabaho.." aniya.

"Ako ng bahala magpaliwag, lakad na at umuwi ka na.." ngiting ani nito.

Tumango sa at alinganin tumalikod. Nang maisara ang pinto ay muntik na syang mapasigaw sa gulat ng makita na may nakatayo sa gilid non, si Olivia. Nakatingin ito sakanya at nakangisi. Nag-iwas sya ng tingin at magpapatuloy dapat sa paglalakad nang magsalita ito--

"I bet, nasisante ka? Ikaw naman kasi..ang OA mo masyado girl, kung makaiyak ka kanina akala mo naman ginagahasa na, ayan tuloy, first day na first day tanggal agad" nakangisi nitong sabi.

Tumalim ang tingin nya at hinarap ito. OA? TANGINA. Dapat ba kalma lang kapag nababastos? Anong katangahan ang sinasabi nito? Ngumisi sya dito at unti-unting nilapitan.

"Nasisante? Ako? Bakit naman ako masisisante e wala naman akong ginagawang masama? At isa pa..." lumapit sya sa may bandang tainga nito. "Ingatan mo ang lumalabas dyan sa basurang bibig mo dahil...baka makagaya ka do'n sa lalaki" bulong nya dito at nginisian.

Kitang-kita nyang natigilan ito at may bakas ng takot sa mata. Iniwan nya itong tulala at dumaretso sa pinagdalahan sakanya ni miss Rose kanina para magpalit ng damit at maka-uwi na rin. Pumasok sya sa kwarto at sinuot uli ang damit na hinubad kanina, lumapit sya sa harap ng salamin at kinuha ang wipes para burahin ang make-up nya, habang binubura ay pumasok na naman sa isip nya ang kwento ni miss Rose kanina. Parang may sariling buhay ang mata nya dahil may pumapatak na luha dito, naawa sya sa sinapit ng amo nya, sa murang edad nito ay nakaranas na ng ganon karahasan, kaya ba galit na galit ito kanina sa lalaking iyon? Bakit parang wala ito sa sarili kanina?

Umiling nalang sya at tinapos ang pagtatangal ng make-up, naglagay lang sya ng pulbos at inayos ang buhok, wala na ang bunny headband. Kinuha nya ang cellphone sa bag para icheck kung may text at tawag ang ina, pero wala siguro ay tulog na 'yon. Nilagay nya ulit iyon sa kanyang bag at saka lumabas na ng kwartong iyon, pupunta dapat uli sya sa opisina ni miss Rose para magpaalam ng may tumawag sakanya.

"Huy, Zandra!" sitsit ni Cheska saka sinenyasan syang lumapit dito.

Lumapit sya doon at naupo sa isang stool do'n

"Ano?" tanong nya dito.

"Nasisante ka nga?" tanong nito.

Umiling sya.

"Hindi. Sinong may sabi?"

Umirap ito.

"Edi sino pa, ang hadhad na si Olivia, pinagkwekwentuhan nila kanina. Teka nga, bakit may dala kang bag at nakabihis kung hindi ka nasisante?" takang tanong nito.

"Uh..pinauwi muna ako ni miss e, bukas na lang daw ako bumalik.." sabi nya.

Tumango ito. "Pero grabe yung nangyari kanina ano? Ayos ka lang ba?"

Tumango sya at hindi nagsalita.

"Nakita mo ba si miss kanina? Grabe muntik ng mabawian yung lalaki sa galit nya, ngayon ko nalang ulit iyon makitang magalit uli.." parang wala sa sariling ani nito.

"Ulit? Ibig sabihin ay hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaganon si miss?" takang tanong nya.

Tumingin ito sakanya at umiling.

"Oo nga pala wala ka non hehe, Oo hindi ito ang una, meron pang nauna dahil binastos ang isa pang kasamahan namin katulad rin ng nagyari sa'yo kaya lang ay mas malala yung dati dahil si Yunis, yung kasamahan namin dati ay nabastos at muntik ng ma-r*pe sa CR nitong bar, tas ayon si miss ang nakakita, alam mo kung anong ginawa nya?" ngising tanong nito.

Umiling sya. Wala sa sarili.

"Ayon! Pinagsisipa sa bayag yung lalaki at hinampas yung ulo sa pader, takot na takot kami non dahil kitang-kita kung paano umagos yung mga dugo nung lalaki, hindi pa nakuntento si miss at himpas pa ng bakal na upuan, pagkatapos ay sumigaw sya ng 'WALANG NI ISA SAINYO ANG MAY KARAPTAN MAMBASTOS! WALA!' tapos ay patuloy nya itong hinampas ng bangko, Buti nalang at napigilan si miss kung hindi baka napatay nya iyong lalaki. Grabe galit na galit si miss non." kwento nito at parang takot dahil naalala ang nangyari.

"Wala ngang may alam dito kung bakit ganon ang reaksyon ni miss e, hanga nga ako kay miss non dahil ang tapang nya, akalain mong napatumba nya yung lalaki?" ngisi nito.

Tumango sya at hindi na nakapagsalita. Gulat na gulat sya sa nalaman at alam nya ang dahilan kung bakit ganon ang reaksyon nito. Tinikom nya nalang ang bibig nya para pigilan ang bibig sa pagsasalita. Tumayo na sya sa pagkakaupo at hinarap ito para makapagpaalam.

"Oh? Aalis ka na?"

Tumango sya.

"Ingat sa pag-uwi" nakangiting sabi nito.

Tumango sya at ngumiti bago tumalikod.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:((

Short update. Sorry

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top