05
#MIU05
Nakatulog si Zandra sa kakaiyak at pagod. Nagising nalang sya ng may tumatapik sa ulonan nya. Napamulat sya at napatingin dito. Mataman syang pinagmamasdan ng kanyang ina, napabalikwas sya at mabilis itong niyakap.
" Ma! Gising kana!" naiiyak nyang sabi.
Narinig nyang mahinang tumawa ang kanyang ina ngunit halata parin ang panghihina nito. Umalis sya sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay nito habang nakaupo sya.
"Ma, ano bang nangyari sayo? Pinag-alala mo kami.." mataman nyang sabi.
Ngumiti lang ang ina nya at hinawakan rin ang kamay nya bago luminga-linga sa paligid.
" Nasaan ang tita Oli mo? Napanaginipan ko sya at may nangyari na masama sa kanya?" mahinang sabi nito.
Umawang ang labi nya at hindi makasagot sa tanong ng ina. Anong sasabihin ko kay mama? Paano niyang sasabihin na nakulong ito? Ayaw na nyang dagdagan ang sakit na dinaranas nito ngayon, okay nang sya nalang.
"Uh..m-may..umuwi lang po saglit, kukuha daw po sya ng pamalit" nauutal na sabi nya.
Mataman syang tinignan ng ina at parang hindi na niniwala kaya ang ginawa nya nalang ay iniba ang usapan..
"Ma, ayos ka na ba talaga? Nagugutom ka po ba?" pag-iiba lang nya ng usapan dahil ayaw nyang pag-alalahanin ito sa kalagayan ng kanyang tiya Oli.
Ngumiti ang ina nya at tumango.
"Maayos na ang lagay ko. Konting sakit nalang ang nararamdaman ko sa bandang ulo ko...Kanina pa ba umalis ang tiya mo?" dagdag na tanong nito.
Parang naputol ang dila nya dahil hindi sya makasagot. Gustohin man nyang sabihin ang totoo ay ayaw nyang pag-alalahanin pa ito. Alam niyang malalaman ng ina nya na nakulong ang tita nya, pero sa ngayon ay kailangan nya munang ito isekreto para sa ikabubuti ng kalagayan nito. Ang ayaw pa naman ng kanyang ina ay nagsisinungaling ito sakanya at may itinatago pero sa ganitong kalagayan ng ina ay pipiliin nya nalang magsinungaling kesa lumala ang kalagayan nito, baka magpa-uwi ito agad at magtrabaho, matigas pa naman ang ulo ng kanyang ina.
Nginitian nya ito at pilit pinamukang hindi sya nagsisinungaling.
"Siguro..nakatulog na kasi ako kaya hindi ko namalayan pero baka hindi na rin iyon dumaretso dito dahil may trabaho pa sya sa club diba? Kanina naman ay siya ang nagbantay sayo habang wala ako.." pagsisinungaling nya.
Tumitig lang ang ina nya at tumango. Tumitig ito sakanya at napatingin sa suot nyang damit bago ilipat ang tingin sa orasan na naandon sa may malapit sa pinto.
"Teka..hindi ka pa umuuwi para maligo?" kunot noong tanong ng ina sakanya.
Umiling sya. "Hindi pa, dumaretso agad ako dito pagkatapos kong mabasa ang text ni tita na dinala ka daw sa ospital." sabi nya.
"Umuwi ka muna at maligo, kahapon mo pa suot iyan tapos ay nasa ospital ka pa baka makasagap ka ng sakit dito." mahina ang boses nito.
"Pero ma, walang magbabantay sayo dito.." alma niya.
Umiling ang ina nya. " Ayos lang ako, hindi na naman ako bata at malayo sa bituka ang sakit ko 'no,"
"At labitin mo pati ang natatabi kong pera sa may box sa kwarto ko, pang-tuition mo dapat 'yon, kaya lang ay alam ko naman na nahihirapan na kayo ng tiya mo sa paghahanap ng pera pambayad dito sa ospital. " dagdag nito.
Tumango lang sya at hindi na nagsalita pa. Alam nya naman na hindi sya mananalo sa ina. Nanglalagkit na pati sya, mamabilisin nya nalang ang pag-uwi para makabalik ng maaga dito. Tumayo na sya.
"Uuwi na 'ko saglit, mag-text ka pag may kailangan ha ma?" paalala nya.
Tumawa lang ng bahagya ang ina sakanya. "Opo nay, lumakad ka na baka gabihin ka pa lalo" sabi nito.
Tumango sya at sinuot uli ang bag hinalungkat nya ito at nakitang may susi doon, na susi pala ng motor ni Diem na nakalimutan nyang ibalik kanina. Bukas nalang pupunta naman sila dito.
Nakalabas sya ng ospital at sumakay na sa motor, pinaandar nya iyon patungo sa bahay nila at ihahanda nya na ang tenga sa mga maririnig na chismis tungkol sakanya. Kahit hapon na ay dagsa pa rin ang sasakyan kaya medyo natagalan sya at nakarinig pa ng mga nagca-catcall, hindi nya iyon pinansin at hiniling na sana ay umusad na ang linya. Para naman may nakarinig sa munti nyang hiling dahil mabilis na umusad ang mga sasakyan kaya mabilis nyang pinaktakbo ang motor papunta sakanila. Nakarating na sya sakanila at pinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay. Kahit medyo hapon na ay marami paring naglalarong mga bata sa labas at hindi mawawala ang mga...chismosa.
"Nabalitaan nyo ba?"
"Alin?"
"Si Zenny daw dinala sa ospital..at eto pa" nagpabitin pa ito kaya napailing sya habang inaayos ang motor at nilolock, mahirap na dahil puro magnanakaw sa lugar nila.
"Ha? Anong nangyari kay Zenny?"
"Hinimatay daw at dinala sa ospital."
"At eto pa ang chika! Si Oli ay nakakulong daw ngayon! Nagbenta daw ng drugs!"
"Jusko, totoo ba iyan? Grabe na talaga ang mga tao ngayon kapit sa patalim, kung hindi lalaki ay droga naman ngayon?"
Napa-arko nalang ang kilay nya sa narinig, tinapos nya ang pag-aayos ng motor at pumasok na sa loob ng bahay gamit ang susing nasa ilalim ng paso.
At saan naman nila narinig ang chismis na 'yon? Magchichismis lang mali-mali pa.
Umiling nalang sya sa sarili. Kung sino man ang nagpakalat non ay siguradong may galit ito sakanila well, baka isa sa nga asawa ng customer ng nanay at tita nya. Hindi na siguro maiiwasan na hindi sila pagkwentuhan dito sa baranggay nila dahil sa estado ng trabaho ng ina ay tiyak na laging trending ang buhay nila. Parang mga artista nga sila e, araw-araw may update ang mga chismosa, puro nga lang pambabash.
Daming concern, wala naman naambag sa buhay namin.
Kaysa isipan ang mga walang kwentang bagay ay nagsimula na syang mag-ayos at maligo. Umakyat sya sa itaas para magbihis at mag-dala ng ibang pamalit nya kung sakali. Pinili nyang suotin ang sweater na pink at pinaresan ng isang itim na short saka sinuot ang flat shoes nya. Nilagay nya sa isang paper bag ang mga damit na dadalhin nya sa ospital at kinuha rin sa ilalim ng maliit nyang kama ang pinakatatago-tago nyang pera. Ipon nya ito sa pa raket-raket nya sa pagmomodelo, maliit lang ito dahil kasisimula nya lang pero makakatulong rin naman ito sa mga gamot na bibilin idagdag pa ang perang binigay nila Jasmine. Naisp nya ang dalawa, sa lahat ng problema nya ay kasama nya ang mga ito, financial problem, family problem miski ang school problem ay kasama nya ang dalawa at dinadamayan sya, biglan naman syang nahiya para sa sarili, sa kanilang tatlo ay sya nalang lagi ang nagkakaproblema. Someday, makakabawi rin ako sakanila.
Tinapos nya ang lahat ng gagawin para sa sarili at dumaretso kung nasaan ang kwarto ng ina, bukas ito kaya pumasok na sya, dumaretso sya sa nilalagyan ng pera kung saan sinabi ng ina, binilang nya iyon at nakitang five thousand iyon, napangiti sya, hindi talaga nakalimutan ng ina na maglaan ng pera para sa pag-aaral nya. Nilagay na nya iyon sa bag at kumuha ng ilang gamit ng ina at saka siniksik sa paper bag, malaki iyon kaya kakasya pa ang ibang gamit. Sinara nya na ang kwarto ng ina at bumaba na, naalala nya ang kanyang tita Oli hindi pa iyon kumakain, panigurado. Kaya naisipan nyang dumaretso muna sa prisinto bago pumuntang ospital. Lumabas na sya ng bahay bitbit ang mga gamit na dadalin.
Napatingin sya sa relong suot at dalawang oras na pala ang nilagi nya para sa pag-aayos kaya nagmadali syang inayos sa motor ang gamit na dadalin at sumakay na, hindi nya na pinakinggan ang mga parinig ng mga chismosa nyang kapit bahay at pinaandar nalang ang sasakyan papunta sa malapit na fastfood sakanila, mabilis syang umorder ng kanin at chicken at mabilis ring sumakay at pinaandar uli ang motor.
Nang makarating sa presinto at bumaba na sya at pumasok doon. Lumapit sya sa isang pulis para magtanong, tinuro naman nito.
"Nasaan po nakakulong si tita...Oliva Salve?" tanong nya sa pulis na kanina pa nakatulala sakanya.
Kanina pa ito nakatitig at parang tanggang nakatulala. Binata pa ito, nababagot nyang hinintay ang sagot.
"Hello? Nasaan po si Oliva Salve?" mas malakas nyang tanong sa una.
Para naman itong natauhan.
"A-Ah, Sino? Olinda Salve?" ulit nito.
Tumango lang sya.
"T-Teka, hahanapin ko" nagmamadali nitong binuklat ang isang notebook doon at hinanap.
"Eto nakita ko na! Halika sumunod ka sa'kin" sabi nito na hindi makatingin sakanya, sumunod sya dito at tinignan ang likuran ng pulis, maliit ito para sakanya dahil mas matangkad sya dito, maitim rin ito at medyo may katabaan. Umiling sya at inalis iyon sa isipan.
Lumalabas na naman ang pagiging laitera ko..
Dumaan sila sa mga selda at nauna ang mga selda ng mga kalalakihan dahilan kung bakit umingang dahil may nakitang bagong muka. Tumngo nalang sya at tahimik na sumunod sa pulis. Tumigil ito sa selda na pulos mga kababaihan lang, gamit ang baston ay pinanghampas nya iyon upang makatawag ng pansin.
"Salve may dalaw ka!" sigaw nito habang hinahampas ng baston ang pinto.
Nag-angat sya ng tingin at hinahanap ang tiyahin sa loob, nakita nya itong natutulog sa isang sulok habang nakaupo. Kumurot ang puso nya sa nakita, kahit kailan ay hindi nya naimagine na makukulong ang tita nya. Naging mabait ito sakanya at naging pangalawang ina. Napabalikwas ito ng gisingin ng kasama nito sa loob at tinuro kami. Tumingin sya samin at nanlaki ang mata saka lumapit. Lumapit rin sya at naupo doon.
"Maiwan ko na kayo," napatingin sya sa pulis ng magsalita ito.
Tumango sya at bahagyang ngumiti. "Salamat.." sabi nya at ngumiti rin ito pabalik bago tumalikod.
Hinarap nya ang kanyang tiya at ngumiti. Nilabas nya sa supot ang dakang pagkain at pinagkasya sa rehas. Sa prisintong ito kasi ay walang room para sa mga dadalaw, kumbaga ikaw mismo ang pupunta sa kulungan kung saan nakakulong ang dadalawin po at kung may pagkain ka man dala ay ilulusot mo kay iyon sa mga pagitan ng mga rehas.
"T-Tita, kumain ka muna, alam kong hindi ka pa nakain.."mataman nyang sabi.
Naiiyak sya sa kalagayan nito dahil hindi sya sanay na makita uto sa loob ng kulungan. Tinanggap iyon ng kanyang tiya at binuksan.
"Tita, a-ayos ka lang ba dito? Wala bang nang-aaway sa'yo? Hayaan mo at hahanap agad ako ng trabaho para mailabas kita dito.." naluluha nyang sabi.
Nakita nyang tumutulo ang luha ng kanyang tita habang sumusubo ito ng pagkain. Tinigil nito ang pagkain at hinawakan ang kamay nya.
"P-Pasensya ka na Zandra ha? Dinagdagan ko pa ang problema mo..." tumutulo ang luhang ani nito.
Hindi nya napigilan ang mga luhang kumawala sa mata nya. Naawa sya dito at hindi sya sanay na makita itong mahina at umiiyak, sa kanilang tatlo ay ito ang pinakamalas kaya hindi sya sanay na makita itong umiiyak sa harap nya. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay nito at nginitian.
"Wala yon tita ano ka ba.. basta gagawa ako ng paraan para mailabas kita dito,.."pilit ngiti ang binigay nya.
Ayaw nyang makita ng tiyahin na pati sya ay pinanghihinaan na ng loob dahil sya nalang ang kinakapitan ng dalawa, kaya wala syang choice kundi maging malakas.
"Pasensya ka na talaga..."nahihiyang sabi nito habang tumutulo ang luha.
Umiling sya dito para ipakitang wala lang iyon. Biglang pumasok sa isipan nya ang trabahong balak nyang pasukan, trabahong hindi nya kailanman pinangarap.
"Tama na ang drama tita hindi na bagay sa ating magaganda" natatawang biro nya kaya bahagyang natawa ang tiyahin habang sumusubo ng pagkain. " Oo nga pala tita, gising na si mama at hinahanap ka nya"
Tumigil sa pagsubo ito.
"Mabuti naman kung ganon. Anong sinabi mo? Wag na wag mong sasabihin na nandito ako, mag-aalala yon" sabi nito.
Umiling sya. "Wala naman po akong balak sabihin, pero ipapaalam po natin kapag nakalabas ka na po dyan" sabi nito
Tumango ang tita nya.
"Oo nga po pala tita, hindi po ba ay nabanggit ko sainyo na balak kong magtrabaho sa bar ng kaibigan nyo? Saan nga po pala iyon para makapagsimula na rin ako?" tanong nya.
Gusto nya ng magsimula ngayon sa pagtratrabaho dahil kailangan na kailangan nyang kumita lalo na't nakulong ang tiyahin nya.
Matagal itong tumitig sakanya bago nagsalita.
"Sigurado ka na ba dyan Zandra? Alam mong hindi madali ang trabaho namin at hindi maiiwasan ang mabastos. Pati ang nanay mo ay siguradong hindi ka papayagan.." seryosong ani nito.
Tumango sya. Desidito na talaga sya, ito nalang ang natitira nyang pag-asa para kumita ng mabilisang pera.
"Balak ko rin pong itago kay mama ang magiging trabaho ko dahil alam kong hindi ako non papayagan" nasabi nya nalang.
"At parehas tayong mayayari sa nanay mo. Sa The Peak Bar ang sinasabi kong papasukan mo, nabangit ko na iyon sakanya kanina bago ako mahuli at pumayag naman sya at sinabing pumunta ka nalang daw doon" dare-daretsong sabi nito bago sumubo ulit.
Tumango sya dito. "Wala daw bang dadalin?" tanong nya.
Umiling ang tita nya. " Wala, dahil hindi ka naman regular na papasok doon ang usapan natin ay isang linggo at sayaw lang ang gagawin mo.." ani nito.
Tumango sya at hindi na nagsalita. Naalala nyang wala nga palang bantay ang ina nya kaya tumayo na sya para makapag-paalam.
"Pupunta na akong ospital tita, walang bantay doon si mama at sinabi kong mabilis lang ako, mauna nako. Bibisitahin kita ulit bukas" sabi nya at naghandang umalis na.
Tumango naman ang tita nya, tumayo, mabilis syang niyakap sa pagitan ng mga rehas.
"Wag mo muna akong dalawin, magfocus ka muna sa pag-aalaga sa nanay mo, okay lang naman ako dito" sabi nito.
Umiling sya sa di pag sang-ayon. Hindi nya ata kakayanin na hindi mabisita ang kanyang mahal na tita.
"Aalis na ko tita, mag-ingat ka dyan.." sabi nya.
Tumango ito at ngumiti kaya nagsimula na syang tumalikod at lumabas ng presinto, tinanguan nya pa ang pulis at nagpasalamat uli. Sumakay na sya sa motor at isang beses pang pinasadahan ng tingin ang presinto.
Wag kang mag-alala tita, ilalabas kita dyan. Pangako.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:((
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top