03

#MIU03

Kinakabahan at nanlalamig si Zandra sa nabasa. Walang ayos-ayos na tumayo sya at lumabas ng apartment, tulog pa rin ang dalawa. Dinampot n'ya nalang ang susi ng motor ni Diem at mimiya nalang n'ya balak na magpaalam. Sinara n'ya ang apartment at nag-iwan nalang ng sulat.

''Good morning! Nauna na'ko. Dinala si mama sa ospital, Diem hiniram ko muna ang motor mo'

Dinikit n'ya lang iyon sa lamesa at nagmamadaling umalis na. Nanlalamig at kinakabahan s'ya habang nagda-drive dahilan kung bakit muntik pa syang mabangga. Napahinga s'ya ng maluwag ng nakarating s'ya ng ligtas sa ospital, ng tinigil n'ya ang motor ay doon nya lang naramdaman ang pagsakit ng ulo dahil sa hangover na hindi nya naramdaman kanina.

Bumaba sya at agad nagtanong kung saan dinala ang kanyang ina. Ang MP Hospital ay isa sa mga pampublikong ospital dito sa lugar nila, habang hinahanap nya ang kwarto ng ina ay nadadaanan nya ang ibang pasyente na nasa labas. Sa sobrang dami kasi ng pasyente sa ospital na ito ay hindi na magkasya.

Nakita nya ang tita Oli nya sa tapat ng isang kwarto, gulo-gulo ang buhok nito at parang wala pang tulog. Mabilis nya itong nilapitan.

"T-Tita...nasaan po si mama?" naiiyak sa paga-alalang tanong nya.

Tumingin lang ito sakanya at agad ng iwas ng tingin.

"Nasa loob ang mama mo at nagpapahinga na, bakit ba ngayon ka lang? " naka kunot ang noo na tanong nito

Napatungo sya at kinakain ng guilt. Dapat pala ay hindi na ako umalis at sinamahan nalang si mama sa bahay.

"Sa mga kaibigan ko po.." nakatungong sagot nya

"..Bigla nalang nahimatay ang nanay mo habang nagtatable, nataranta kami kaya agad naming dinala sa ospital. Kaya ang mga tanga kong tauhan ay nagsamahan kaya walang natirang naiwan sa club, ayon nanakawan" sabi nito habang hinihilot ang sintido.

Lalo s'yang napatungo sa kahihiyan. Kasalanan ko 'to, kung hindi ako gumimik ay hindi lahat mangyayari 'to.

"Pasensya na po tita...Ano nga po pala ang sabi ng doktor, tungkol sa kalagayan ni mama?" tanong nya

Tumingin sakanya ito at parang ayaw pang ipaalam. Huminga ito ng malalim at nag-iwas ng tingin bago magsalita.

"M-May malalang sakit ang nanay mo. Sabi ng doktor kanina ay gawa daw ito ng paninigarilyo daw," nahihirapang sabi nito

Napatulala sya at tinignan ang kwarto kung nasaan ang kanyang ina.

"..At sabi pa ng doktor ay mahaba-habang gamutan daw iyon,Zandra.." dagdag nito

Lalo s'yang napatulala. Nag-aalala sya sa kanyang ina dahil alam nyang nahihirapan ito, walang problema ang pera dahil kaya nyang magtrabaho pero anong trabaho ang kanyang papasukan para kumita ng malaki pampagamot sa ina nya?

" Huwag ka pong mag-alala tita,gagawan ko po ng paraan may natitira pa naman akong pera at pwede naman po akong mangutang o magtrabaho" nakangiting sabi nya.

Ngumiti ang kanyang tita Oli at hinaplos ang kanyang buhok. Sa ganitong pagkakataon ay alam nyang makakaya nya. Makakaya nya. Marami na syang dinanas na problema ngayon pa ba sya susuko? Nanatili silang tahimik at nakasandal sya sakanyang tita habang hinahaplos ang kanyang buhok. Ilang sandali lang ay may lumapit na doctor sakanila. Medyo may edad na ito.

"Kayo ho ba ang pamilya ni Ms. Herandez?" Tanong nito habang nakatingin sakanyang tita.

Tumayo s'ya pati ang kanyang tiyahin.

"Kami nga.." sagot ng kanyang tiyahin.

Ngumiti ang doktor at binigay ang maliit na papel. Kunot-noong tinanggap iyon ng kanyang tita. Nakita nyang nanlalaki ang mata nito at napatingin pa sakanya bago ibalik ang tingin sa doctor.

" Andyan ang kailangan na gamot ng pasyente, lahat yan ay kailangan nyang mainom from time to time, wag kayong mag-alala sa pagpapa-inom at may pupuntang nurse sainyo para maassist kayo." sabi ng doctor at tumango sakanila bago umalis.

Napatingin sya sakanyang tiyahin na hindi pa rin tapos tignan ang papel na binigay ng doctor. Kinuha nya iyon at binasa. Hindi man nya maintindihan ang sulat nito ay alam nyang maraming ang nakasulat na gamot na dapat bilin doon.

" T-Tita, mura lang naman ang mga gamot na 'to diba?" inosenteng tanong nya.

"Hindi ko alam Zandra. Pero sa palagay ko ay mahal ang mga 'yan. Wag kang mag-alala mangungutang ako kung sakaling kulangin ka. Magtutulungan tayo" sabi nito at ngumiti.

Napangiti rin sya at medyo gumaan ang pakiramdam. Tumayo ang tiyahin nya at kinuha ang papel na nasa kamay nya. Nagtaranong na tumingin sya dito.

"Itatanong ko lang kung magkano ang aabutin nito. Maiwan muna kita dyan at ipagtatanong ko lang 'to" sabi nito at kinuha ang bag nito sa upuan.

Tumango sya "Sige po. Salamat tita.." ngiti nya

Gumanti naman ito ng ngiti bago haplosin ang buhok nya. " Wala 'yon 'no, sino-sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo ring pamilya. O sya, tama na ang drama, aalis na ko"

Tumawa sya at tumango dito. Tumalikod na ito at umalis. Naiwan sya doon at naisipang pumasok sa loob ng kwarto. Binuksan nya iyon at nakita doon ang apat na pasyente kasama na doon ang ina nya. Ang mga bantay ay napatingin sakanyang pagpasok at nakaramdam sya ng hiya dahil sa itsura nya oo nga pala, hindi pa ako nakakapaghilamos man lang.

Naupo sya sa upuan nandoon sa tapat ng kama ng ina nya at pinagkatitigan ito. Maputla ito at kitang-kita ang panghihina sa muka. Awa at pag-aalala sa ina ang nararamdaman nya sa mga oras na ito. Hinawakan nya ang kamay nito ng mahigpit at hinalikan.

Ma, pasensya ka na ah? Kung hindi sana ako umalis ay nabantayan kita.

Ilang sandali syang nakatutok sa ina at naisipan kuwin ang cellphone sa bag na dala nya. Oo nga pala ang motor ni Diem.

Dinukot nya ang cellphone at binuksan ang data para ichat ang dalawa dahil panigurado ay nag-aalala na iyon. Nakita nya ang maraming text at tawag mula sa mga ito. Wala naman syang load pantawag para tawagan pabalik ang mga ito kaya naisipan nya nalang ichat.

Jasmine Alcas

Jasmine: hey, kamusta si tita? Is she okay? Nasaan hospital kayo?

Jasmine: are you okay?

Jasmine: I lend you money if you need

Napangiti si Zandra bago magreply.

Zandra: okay na si mama. Salamat sa pag-aalala nasa MP Hospital kami

Pagkatapos nyang magreply ay binuksan nya naman ang message ni Diem. Isa lang 'yon. Natawa si Zandra ng wala sa sarili. Kahit kailan talaga kuripot hanggang chat

Diem Balmaceda

Diem: hoy kamusta si tita? San hospital kayo? Ayos ka lang?

Zandra: ayos lang madam. Nasa MP Hospital kami. Dala kang foods pag pupunta kayo ha wala akong makain dito

Natatawa nyang reply. Ang sarap talaga kapag may mga kaibigan kang nandyan kapag may problema, hindi yun kapag masaya lang ay nandyan sila. May iilang mensahe pa syang natanggap sa group chat ng kanilang section. Oo nga pala bayaran na ng tuition. Bigla nalang sumakit ang ulo nya ng maalala iyon, ten thousand ang tuition fee ng school na pinapasukan nya kung tutuusin ay mura na iyon dahil iyon nalang ang school sakanila na mura. Minsan ay s'ya ang nagbabayad ng kalahati non at ang kalahati naman ang ina nya, kahit minsan ay kinakapos sila at minsan ay nangungutang sya kila Jasmine para lang makapag bayad at makapag-test. Iba ang school ng dalawa, si Diem ay sa sumunod na murang school sakanila at si Jasmine naman sa pinakamahal. Magkakaklase sila mula high school kaya nga lang ay nagkahiwalay-hiwalay nang nag-college.

Napatingin s'ya sa pintuan ng bumukas iyon at niluwa ang kanyang tiyahin. Muka itong mas namomoblema ngayon dahil sa lukot ng muka nito. Lumapit ito sakanya at binigay ang dalawang papel. Napatingin sya dito at nakitang reseta iyon.

reseta na naman.

"Zandra hija, binigay iyan uli sa'kin ng nurse kailangan na daw bilhin. At yung pinagtanong ko kanina ay 5k daw ang aabutin. At miya-miya ay dadaring na rin ang bill ng ospital, jusko nagkasabay-sabay na..saan tayo kukuha ng pera?" naiiyak nitong sabi at nanghihinang naupo sa tabi nya

Hinaplos nya ang likod nito para pagaanin ang loob, kung ito ay hindi na alam ang gagawin paano pa sya? Naluluhang tinignan nya ito. Hindi nya rin alam kung anong gagawin. Nag-aaral pa sya at wala pang trabaho, saan sya kukuha ng pera?

"Hayaan mo tita gagawa ako nang paraan, hahanap ako ng raket o kaya mangungutang muna ako, titigil rin muna ako sa pag-aaral" sabi niya

Napatingin ang tiya nya sakanya at umiling.

"Hindi..hindi ka titigil. Dalawang taon nalang ay gra-graduate ka na sayang kung titigil ka. Ako..ako ang magtratrabaho" matigas nitong pahayag

"T-Tita..." nasabi nya nalang

Alam nyang hindi papayag ito dahil bukod sa ina nya ay gusto rin ng kanyang tiyahin na makapagtapos sya. Ito rin kasi ang tinuring nyang pangalawang ina at tumutulong rin minsan sa martikula nya.

"Tita..baka pwedeng ipasok nyo muna ako sa club mo, kahit isang linggo lang, marunong naman akong sumayaw.."wala sa sariling aniya.

Napakunot ang noo ng kanyang tiyahin.

"Ano ba 'yan mga pinagsasabi Zandra? Alam na alam mong hindi papayag ang ina mo d'yan" umiiling na sabi nito

Hinawakan nya ang kamay ng tiyahin.

"Sige na tita..kahit magsasayaw lang ako. Payagan mo na 'ko tita, isang linggo lang naman, para na rin may pandagdag tayo sa mga bayarin sa ospital" pagkukumbinsi nyang paliwanag.

Nakakunot parin ang tita nyang tumingin sakanya at pinagmasdan sya.

"Jusko ka talagang bata ka, buti nalang hindi kita anak kung hindi kanina pa kita nahampas ng bag ko. O sige papayagan kita, pero hindi ka sa club ko magsasayaw dahil wala kang kikitain do'n. Ipapasok kita sa bar ng kaibigan ko, puro mga mayayaman ang nandon kaya malaki ang kikitain mo" sabi nito

Malaking ngiti ang binigay nya dito at niyakap.

"The best ka talaga tita! Hayaan mo kapag nakapasok ako doon at kumita ng malaki ay wala ka nang proproblemahin" nakangiti nyang sabi.

Sumimangot ito at miya-miya rin ay ngumiti.

"Ikaw talaga, mag-aral ka para wala na kong proproblemahin! At ikaw ha! Wag na wag kang magpapa-take out. Sayaw lang ang gagawin mo doon at mag-aalok ng alak.." istriktang sabi nito

Tumango sya at nginitian ito.

"Promise tita, sayaw lang ang gagawin ko doon. At magtatapos ako ng pag-aaral para sainyo ni mama" nakangiting sabi nya at niyakap ito

"Sabi mo 'yan ah? Magiging Teacher Zandra Hernandez ka pa" nakangiting ani nito at niyakap sya pabalik.

+++++++++++++++++++++++++++++:))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top