02
#MIU02
Natapos ang mag-ina sa pinapanood at sa pagkain, pumunta naman si Zandra sa kusina upang mag-hugas ng pinagkainan nila ang mama nya naman ay nanatili sa sala habang nanonood ng tv at...humihithit na naman ng sigarilyo?
Napakunot ang noo nya at tinigil ang hinuhugasan.
"Ma!, bat naninigarilyo ka na naman? matanders kana baka maka apekto 'yan sa kalusugan mo" nakasimangot at matalim ang tingin sa inang sabi niya.
Binaba ng mama nya ang sigarilyong hawak at tumingin sakanya.
"Hayaan mo na 'ko, ngayon nalang uli ako makakahawak ng ganito," sabi nito.
Nagpakawala nalang sya ng buntong-hininga. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo. Naalala nya nga pala na magpapa-alam sya dahil pupunta sya kila Jasmine.
"Ma, oo nga pala, wala ako dito mimiya so, ikaw lang ang maiiwan dito" sabi nya.
Kumunot ang noo ng ina at tumingin sakanya.
"At saan ka naman pupunta? Makikipag-date ka?" kunot-noong tanong nito.
Napasimangot sya at natawa.
Aalis lang, makikipag-date agad?
" Hindi ah! Makikipag-date agad? Hindi ba pwedeng makikipag-kita lang kila Diem?" natatawang sagot nya.
Tinignan naman sya ng ina na parang hindi naniniwala.
"Siguraduhin mo lang. Anong oras ka uuwi? Nagtext ang tita Oli mo, pinapapasok ako, dami daw customer ngayon gabi, iiwan ko nalang sa ilalim ng paso yung susi ng bahay kapag dito ka matutulog" sabi nito at bumalik sa paghithit ng sigarilyo.
"Kala ko ba off ka today? Wag ka nalang pumasok, diba inu-ubo ka pa?" nag-aalalang tanong nya sa ina.
Napakamot nalang sa ulo ang ina nya dahil sa kakulitan nya.
" Ubo lang 'to, hindi naman makaka-epekto sa performance ko mimiya 'no. Maghugas ka na nga lang d'yan, dami mong alam" natawa sya sa huli nitong sinabi.
Bumalik na s'ya sa paghuhugas. Sunday ngayon at walang pasok, off ng nanay nya dapat ngayon kaya lang ay minsan tinatawag ito ng tita nya dahil kulang sa tauhan, mga bago kasi ang kinuha ng tita Oli nya sa bar kaya hindi ganon kagaling mag-entertain, maliit lang ang club na pagmamay-ari ng tita Oli nya at pipitchugin lang 'yon kung baga puro jeepney drivers lang ang napunta at mga may asawang gustong tumikim ng ibang putahe.
Wala rin syang pasok ngayon dahil nga Linggo ay wala silang pasok, bukas na ulit at half-day lang ang pinapasukan nyang school kaya minsan kapag may raket s'ya sa pagmo-model ay nasisingit nya sa paga-aral.
Natapos na sya sa paghuhugas at umakyat na sa taas para maghanda sa pag-alis. 7pm na at 20min mula sakanila ang apartment na tinutuluyan ni Jasmine. Wala s'yang sasakyan kaya kailangan n'yang mag-jeep. Ayaw nya naman pasundo dahil ayaw n'yang pag-usapan na naman ng mga kapit-bahay nilang walang magawa sa buhay, baka akalain ng mga ito ay lalaki nya at pagkamalan pa s'yang bayaran.
Bumaba ulit sya dala ang tuwalya para makaligo na, wala na roon ang ina siguro ay nasa sarili nitong kwarto. Nasa baba ang banyo nila, maliit lang ang bahay nila at sakto lang sa dalawang tao. Pumasok sya doon at naligo, lumabas sya ng matapos at umakyat na para magbihis. Kinuha nya ang black-halter top at white-short pinarisan n'ya ito ng white-shoes. Pinatuyo nya ang kanyang buhok bago itaas, naglagay lang sya ng cheek-tint at nude lipstick at cinurl ang pilik-mata bago lagyan ng mascara. Nang makontento sa itsura ay kinuha nya ang maliit na bag nya at nilagay ang wallet at cellphone nya. Kumatok s'ya sa kwarto ng ina.
"Maaa! Alis na 'ko ha?" paalam nya.
Bumukas ang pinto at lumabas doon ang kanyang ina na puno ng kolorete sa muka nakasuot ito ng red dress na kitang-kita ang mapuputi nitong dibdib, parang hindi tumatanda. Ang ina nya ang nagturo sakanya kung paano gumamit ng mga make-ups. Hilig nya naman ang arts kaya agad s'yang natuto at nakagawian na ring gawin.
"O, sige. Mag-iingat ka, maraming bastos sa labas. Kailangan mo ba ng pera?" tanong ng ina at tinignan ang sarili sa salamin.
"Hindi na ma, may natira pa naman sa'kin sa sinahod ko sa pagmomodel ng panty" iling nyang ani.
Tumango ang ina nya at tumingin sakanya.
"O sya, mag-iingat ka text mo 'ko pag nando'n ka na, miya-miya rin ay aalis na'ko" sabi nito.
Tumango sya at niyakap saglit ang ina bago bumaba. Kinuha nya ang cellphone para ichat sila Jasmine na papunta na s'ya. Nakita naman n'ya ang mensahe ng dalawang kaibigan.
BB VLOGGERS(GROUP CHAT)
Diem: papunta na 'ko.
Jasmine: okay ako rin papunta na do'n.
Diem: nasa inyo ka?
Jasmine: yeps. Pinatawag ako ni mommy.
Diem: ahh. Si Zandra kaya? Baka di pumunta off ni tita ngayon diba?
Jasmine: sabi nya g sya, pupunta 'yon. But its okay lang naman if she don't come.
Natawa s'ya do'n at nagtype ng irereply.
Zandra: Papunta na HAHAHA
Binaba nya na ang cellphone at nilagay ito sa kanyang maiit na bag bago lumabas ng bahay. Kilala nila Diem at Jasmine ang mama ni Zandra alam rin ng mga ito kung anong trabaho ang mayro'n ang nanay nya pero kahit kailan ay hindi s'ya hinusgahan ng mga ito. Nakalabas na s'ya ng bahay at buti madilim na dahil kung umaga ngayon ay maghahanay na naman ang mga chismosa sa kanila at pag-uusapan na naman sila. Pumara s'ya ng jeep papunta kila Jasmine, sumakay na sya at nakitang medyo puno na ang loob, umupo s'ya sa may dulo at katapat non ay mga kalalakihan. Inabot n'ya ang bayad sa babaeng katabi at sinabi kung saan sya bababa. Nakarinig sya ng kwentuhan galing sa katapat at ang isa doon ay sinupulan sya habang tinitignan ang dibdib nya pababa sa legs n'ya.
Pinagsawalang bahala nya 'yon.
"Ang puti ng legs tol" narinig nyang sabi ng isa.
Hindi nya iyon pinansin at tumingin nalang sa ibaba.
"Oo nga, pati tignan mo yung boobs, grabe ang laki" narinig nyang nagtawanan ang dalawa.
Naging balisa s'ya at hindi komportable kaya kinuha nya nalang ang cellphone na nakatago sa dala nyang bag at iyon ang pinagkaabalahan. Naririnig nya parin ang malalaswang usapan ng dalawa at ramdam rin nyang tinitignan rin s'ya nito. Kahit pa lagi s'yang nakakaranas ng ganito ay kahit kailan ay hindi sya nasanay, sino nga bang masasanay sa pambabastos? Wala. Sinasabi ng iba ay ayusin ang pananamit para hindi mabastos, mali. Stop telling people how to dress, start learning how to respect. Hindi naman natin hawak ang isip nila, kung gusto nila ng ganon kasuotan edi okay, irespeto natin. Hindi naman dahil nagsuot ka ng maiksi ay nang-aakit na. Kung bastos ka, bastos ka, wag mong isisi sa pananamit nung tao.
Tumigil ang jeep sa saktong bababaan ni Zandra, mabilis s'yang bumaba dahil kanina pa s'ya hindi komportable sa loob ng jeep. Ang mga lalaking 'yon parang walang mga nanay, mga bastos. Sabi ni Zandra sakanyang isip. Dumaretso s'ya sa apartment ni Jasmine at nakita doon ang sasakyan nito. Nandon rin ang motor na pink ni Diem. Kumatok s'ya at agad naman pinagbuksan ni Diem, may suot itong apron
"Tagal mo naman, pasok" masungit na sabi nito.
Natawa si Zandra sa inasta nito, Natural na nga pala kay Diem ang pagiging masungit.
Pumasok na s'ya. "Oh bakit ka na naman nagsusungit d'yan? Araw-araw ka nalang may regla" natatawang sabi nya.
Hinanap ng mata n'ya si Jasmine at nakitang nanonood ito ng Netflix.
"Kase naman, may isa dyan nagpapunta-papunta wala naman palang pagkain," parinig ni Diem kay Jasmine.
"May foods naman ah? Hindi nga lang luto" ani ni Jasmine at tumawa.
" Ha-ha. May bayad 'to 'no" sagot ni Diem kaya nagtawanan silang dalawa.
Sa kanilang magkakaibigan ay si Diem ang magaling magluto, nakakapagluto rin naman s'ya kaya lang ay iilan putahe lang, si Jasmine naman ay magaling sa drinks. Sumunod sila kay Diem na papunta sa kusina at pinagpatuloy ang ginagawa. Studio type itong apartment, maliit lang ito at kasya lang sa tatlo hanggang apat na tao, ayaw nito ng condo dahil may gusto itong bilhin na sasakyan. Sa kanilang magkakaibigan ay si Jasmine ang hindi nakadepende sa magulang, kahit mayaman ang pamilya nito ay ayaw nitong dumedepende sa magulang at ang gusto ay tumayo sa sariling mga paa.
Tumulong sila kay Diem sa kusina, siya ang gumawa ng fries and nachos at si Jasmine naman sa soju with yacult, lemon, at sprite. Dinala nila iyon sa sala at binuksan ang speaker para makapakinig habang nagkwekwentuhan.
"Lakas maka pang broken ng kanta ah" natatawang sabi ni Zandra.
Naupo na silang lahat sa sofa.
"Broken naman talaga" natatawa ring sabi ni Diem.
"Sana all broken. Ako kasi broke lang" malakas na tumawa sya.
Napatingin s'ya kay Jasmine na biglang natulala sa basong iniinuman. Mukang may naalala.
" Ano ba talagang nangyari? Bakit na naman nagloko ang gago mong ex? O boyfriend uli?" masungit na tanong ni Diem.
Tumango rin s'ya dahil balak nya ring itanong 'yon.
Binaba ni Jasmine ang hawak na baso at tumingin sa kanila.
" Ayon nga, nahuli ko sila sa condo ni Theo parehas nakahubad, galing akong ilo-ilo dahil may shoot kami do'n then pagka-uwi ko ay nagpunta agad akong condo nya, tapos ayon na nga naabutan ko silang magkapatong" kwento ni Jasmine.
"Eh gago naman pala 'yang ex mo e! Buti nakipaghiwalay ka na ng tuluyan?" tanong ni nya. Tahimik at nakikinig lamang si Diem sa sasabihin ni Jasmine.
Tumango si Jasmine at kinuha uli ang baso.
"Oo. Sobrang tanga ko naman kung magii-stay pa 'ko sakanya 'no" matapang na sabi ni Jasmine.
Nagkatingin si Zandra at si Diem at sabay na lumapit kay Jasmine at kinapa ang leeg at noo.
"Teka, nilalagnat ka yata? Ayos kalang? " natatawang sabi nya.
"Nasasaniban ata Zands, kung sino ka man, ilabas mo ang kaibigan namin! Ilabas mo si Jasmine!" tumatawang dagdag ni Diem.
Natatawang tinulak ni Jasmine ang mga kamay ng dalawa.
"Oo nga. Promise,nakipag-break na 'ko" tumatawang dagdag nito.
Pumalakpak ang dalawa at sabay silang tatlong nagtawanan.
"Magbunyi! Graduate na s'ya sa katangahan!" tumatawang aniya at tinaas pa ang baso.
Nagtatawanang nakipagcheers ang dalawa sakanya. Nagpatuloy ang kwentuhan at inuman. Hanggang sa mga salita si Diem.
"Teka nga, may naalala ako, hindi ba sinabi mo sa gc na errr you lost your v-virginity?" parang nahihirapan pang ani nito.
"Oo nga, Jas muntik ko ng makalimutan, ano masarap?" tumatawang sabi nya at napatingin kay Diem na namumula na ang mataba nitong pisngi.
Binato sya ni Diem ng lemon "Zandra! Ang bastos mo!" namumula nitong sabi na tinawanan lang ni Zandra.
"Ano ba talagang nangyari? Paanong nakuha?" usisa pa ni Diem.
"Edi nagsex sila! Pinasok at nilabas!" at malakas na tumatawang dagdag nya.
Nakikinig lang sakanila si Jasmine at natatawa sa dalawa. Sya naman ay ligayang-ligaya sa pang-iinis kay Diem. Pulang-pula na ang pisngi nito.
" Zandra! Errr may innocent ears!!" sigaw nito sakanya at hinawakan pa ang dalawang tainga.
Oa talaga kahit kailan ampt.
"Tama na yan hahaha, ganito kasi yon" awat ni Jasmine. Napatingin sila dito at nag-antay ng susunod na sasabihin nito. Kinuwento nito mula sa eksena sa condo ni Theo hanggang sa nangyari sa bar at hotel.
" Hindi mo talaga kilala yung lalaki?" tanong ni Diem
Umiling si Jasmine.
"Hinde e. Lasing na lasing ako ng gabing 'yon, pero naaalala ko naman 'yung muka nya" sabi nito at napahawak pa sa ulo na parang inaalala ang nangyari.
" Gwapo ba? " may ngisi sa labing tanong nya.
Tumango si Jasmine. " Oo, kahit naman lasing ako 'no, may taste parin. "
Natawa sya. " Masarap?" natatawang tanong nya.
Binato uli s'ya ni Diem ng lemon.
"Ano ba 'yang mga tanong mo Zandra! Kanina ka pa ah!" namumulang reklamo nito kaya lumakas ang tawa nya.
Tumingin s'ya kay Jasmine na napatulala at unting-unting tumango kaya naman ay napa-tili sya at hinampas-hampas ito.
Tumatawang naglaban si Jasmine sa kanya na nauwi sa tawanan nakisali si Diem ng idamay nya ito. Kaya ang inuman nila ay napuno ng tawanan at masayang kwentuhan.
Natapos sila sa iniinom bandang madaling araw na dahil kumuha pa ng alak si Jasmine, sa sala na sila nakatulog dahil sa kalasingan.
Nagising s'ya na maliwanag na sa labas at tulog na tulog pa ang dalawa. Kinapa nya ang bag upang mai-text ang mama nya, oo nga pala nakalimutan nya itong itext kagabi. Kinuha nya ang cellphone at binuksan 'yon, inaantok nya pang tinignan maiigi 'yon at ilang message at tawag ang natanggap na hindi nya nasagot. Pero isang mensahe ang nagpagising at nagpakaba sakanya.
Tita Oli:
'Pumunta ka sa MP Hospital, nandito kami, sinugod ang mama mo. Dalian mo'
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:((
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top