01
#MIU01
"Ma, ayos ka lang ba? Noong isang araw pa kita naririnig na umu-uno ah, wala pang putukan, excited ka" natatawa pero nag-aalalang tanong ni Zandra.
Tumigil sa hinihawang gulay ang ina nya at inirapan sya. Luh, attitude si mamah oh,.
"Wala 'to, pagod lang 'to sa trabaho.." sabi nito at bumalik sa paghihiwa.
Napasimangot si Zandra at tinigil ang ginagawang assignment.
"Kase naman ma, matanders ka na, ocean deep na ang pekpek mo, kaya tumigil ka na sa pagtratrabaho" seryosong sabi nya.
Napa-arko ang manipis nitong kilay at binato sya ng hinihiwang patatas, napasigaw si Zandra ng matamaan sya nito.
"Maaa!"reklamo nya habang nakasimangot.
"At sino naman sa'tin ang magtratrabaho aber?! Ikaw? At anong trabaho naman? Pagsasayaw sa club? Pagtatable? At fyi, for your information, kahit ocean deep na ang pempem ko ay marami paring nabibingwit ito no! Magtigil ka nga dyan sa mga sinasabi mo, baka ipalamon ko sa'yo itong patatas ng buo!" bulyaw nito sa anak na si Zandra.
Natawa si Zandra sa inasta ng ina. Ang ina ni Zandra na si Zenny a.k.a Zelaine kung tawagin sa bar. Nagtratrabaho ang ina nya sa isang bar na pagmamay-ari ng kanyang tita. Bata palang sya ay alam nya na na ganon ang trabaho ng kanyang ina, pero kahit ganon ang trabaho nito ay ni minsan ay hindi ito naging walang kwentang ina sakanya. Kahit na minsan ay nagalit sya dito ng mga panahon binubully sya ng mga kaklase nya dahil sa trabaho ng ina, pero habang lumalaki sya ay narealiaze nyang, bakit sya magagalit sa ina nya? E, ang nanay nya ang nagpapakain at nagpapa-aral sakanya at pinalaki syang mabuti? Walang mali sa pagiging bayaran, ang mali ay ang pag-iisip ng tao na hindi matanggap na may ganon talagang trabaho. Malaki ang respeto nya sa kanyang ina at sa trabaho nito dahil ito ang tumayo bilang tatay at nanay nya kahit na isuka na sila ng mga kapit-bahay nila dahil sa trabaho ng ina.
Lumaki syang walang ama, ang kwento ng kanyang mama ay iniwan ng ama nya ang mama nya ng malaman na pinagbubuntis sya nito, bata pa daw sila at hindi sya kayang panagutan. Ano 'yon pagkatapos magpakasarap tatakbo sa responsibilidad? Kaya malaki ang respeto nya sa kanyang mama dahil kahit mag-isa ito ay tinaguyod sya nito at hindi pinalaglag. Kaya nga lang ay natigil ang mama nya sa pag-aaral at tinakwil ng pamilya nito, kaya naman ay nagpuntang maynila ang kanyang ina at doon nakilala ang tinuturing nyang tita na si tita Oli, ang amo ng kanyang ina na may-ari ng bar. Mabait ito sabi ng kanyang ina at pinatuloy sa kanyang tahanan si mama habang pinagbubuntis si Zandra, at pagkatapos daw syang ipanganak ay pumasok na ang kanyang ina sa club na pagmamay-ari ng tita Oli nya.
Lumapit sya sakanyang ina at niyakap ito patalikod. Naglalambing.
"Ma, wag ka ng magalit, ayaw ko lang naman na nagkakasakit ka dahil sa pagtratrabaho mo" malumanay nya nang sabi at pinatong ang baba nya sa balikat ng ina.
"Okay lang naman ako, kaya pa naman ng magandang nanay mo, teka nga, kanina ka pa naglalambing, may kailangan ka 'no?" nakasimangot na tanong nito sakanya.
Natawa sya dito.
"Hala, grabe sya oh, di ba pwedeng maglambing ang paborito mong anak?" nakangiti nyang sabi.
"Ulol, ikaw lang naman ang anak ko" natawa na rin ang ina nya bago bumalik sa hinihiwa nito.
Natawa sya kaya sa huli ay sabay silang nagtawanan ng kanyang ina, parang sira.
"Ma, akyat lang ako ha, mag-aaral pa pala ako" sabi nya saka dinampot ang libro at notebook nya sa sala.
Tumingin sakanya ang ina at inirapan sya.
"Ako pa lolokohin mo e, nakita kita kanina na nilalabas ringlight mo, magv-vlog ka na naman" mataray na sagot nito.
Tumawa sya ng malakas. Mag-ina nga sila, walang matatago sa isat-isa.
" Hala, ang galing mo naman? Ma, pwede ka ng manghula! Sign na 'yan ma!" Tumatawa nyang sabi at dali-daling umakyat pataas dahil umambang babatuhin sya ng sandok ng kanyang ina.
Nakangiti nyang binuksan ang kwarto at binuksan ang ringlight na nando'n at nilabas ang camera na pinaglumaan ng kaibigan nyang si Diem. Nilabas nya ang make-ups nya na ang iba doon ay bigay ni Jasmine, isa nya pang kaibigan. Tatlo silang magkakaibigan na vloggers, si Diem na mukbangers, at si Jasmine naman na make-up vlogger and model slash celebrity.
Sinuot nya ang cute nyang headband bago pumwesto sa harap ng camera.
"Hi guys! Welcome back to my channel~~! So for today video, gagawa tayo ng panibagong video!" she did her intro and and did the 'V' sign in her finger.
"So for today vlog, gagawa tayo ng 'Aesthetic make-up looks tutorial', usong-uso 'to today lalo na sa instagram, kaya ito ang gagawin nating video!" she said.
"First is, kunin ang foundation, at maglagay sa muka, gamit ko ngayon ay Maybeline fit me foundation in the shade of 228, maglagay lang ng sapat para di masyadong makapal, maglagay tayo sa pisngi, dito sa ilong, sa noo, sa ibaba ng labi," aniya at kinuha ang brush na pang blend.
"Next is, iblend gamit ang brush or foam, pero brush itong hawak ko ngayon no, mas komportable kasi ako sa brush, is up to you naman kung saan ka komportable yun ang gamitin mo, pwede rin kamay, so blend, blend, blend, pagkatapos ay magbe-bake tayo using revolution powder foundation, ayan hayaan muna natin sya" pagkatapos maglagay ay kinuha nya ang pangkilay.
"Sunod ay kilay naman, sa pagkikilay ay need nyo lang ng concealer at pomade or yung pencil, gamit ko ngayon ay eyebrow pencil, sampung piso lang bili ko nito sa unitop" at tumawa sya.
" I-fill nyo lang sya gamit ang eyebrow pencil, kagaya nito" pinakita nya kung papaano. " Hanapin ang shape ng kilay bago ifill, at i-blend ito gamit ang eyebrow brush or kung tawagin ay spoolie" she blended it.
"Then tapos na tayong i-blend, ay gamitin natin ang concealer para matakpan ang excess hair sa eyebrows kung ayaw nyong mag-ahit, kung nakapag-ahit na naman kayo ng kilay ay para naman matakpan yung puti, eto o," pinakita nya iyon.
"Ilagay na natin ang concealer, sa baba ng kilay ay dapat medyo light ang shade at sa taas naman ay kapantay dapat ng balat mo, ayan tapos na tayo sa kilay, sunod naman natin ang contourrr" sabi nito at kinuha ang pang-contour.
"Gamitin natin itong contour ng everbilena, may kasama na syang highlighter at blusher, kaya makakatipid kayo"kumindat sya at kinuha ang contour brush.
" Gamit ang contour brush, kung walang kontour brush ay pwedeng foam kung marunong, ganito itsura ng contour brush oh" pinakita nya ito sa camera.
The contour blush is a large-flat-fluffy brush, ginagamit ito sa cheekbones, jaw-line,forehead at pwede rin syang gamitin sa ilong.
"Lagyan natin ng contour ang cheekbone natin, sa panga, at sa noo, ang paglalagay ng contour ay depende sa kung ano ang shape ng muka mo." she contoured her cheekbones, forehead and jawline.
"Sunod natin ang noseline! Gagamit ako ng maliit na brush na ginagamit ko rin sa paglalagay ng ating eyeshadow, pwede rin yung contour brush kaya lang ay nalalakihan ako do'n nabaliko yung noseline ko," wala sa sariling napatawa sya ng malakas ng maalala ang paglalagay nya dati ng noseline gamit ang contour brush, nagmuka kasi syang sinuntok sa ilong.
" Natapos na natin ang contour, next naman natin ay brush-in na ang ating binake, gamit ang foundation brush or foam ay i-blend or ibrush ang ating binake," then she started brushing with foundation brush.
"Next naman ay maglagay tayo ng blusher, gamit parin ang everbilena, kunin natin itong blush brush, lagay lang tayo ng konti sa pisngi then konti sa ilong, you know guys, gandang-ganda ako pag naglalagay ako sa ilong ng blusher feeling ko ang cold-cold kong tignan, wala lang, share ko lang," she pose like a ice queen and laugh.
"Ayan natapos na tayo sa paglalagay ng blush, sunod naman natin ang eye-shadow, maglalagay tayo ng concealer para lumitaw lalo yung ganda ng ating eyeshadow, then gagamit tayo ng light or nuetral color para sa base, tapos ay blend, blend, and then dark color for the crease, gamitin natin itong color dark brown,"nilapit nya ito sa camera. " Iblend gamit ang eyeshadow fluffy brush, and pagkatapos i-blend ay maglagay ng highlighter sa taas ng crease, dito" nilapit nya ang kanyang muka at pinakita iyon. "Next is maglagay ng highlighter or light color sa tear duct o ang tinatawag na daluyan ng luha," naglagay sya do'n.
"Sa'n nadaloy luha nyo? Sa'kin kase ay dito sa dulo ng mata" tinuro nya iyon. " Anyways! Ang last step is maglalagay tayo ng dark color sa lower lashline natin, at pagkatapos maglagay ay kunin ang eyeliner, nabili ko lang rin sya sa unitop" pinakita nya iyon at tumawa.
She paused the camera para makapaglagay ng maayos, sa lahat kasi ng pagmemake-up ay pinaka-komplikado ang paglalagay ng eye-liner, dahil kapag nagkamali ka ay uulitin mo uli ang eyeshadow mo. Natapos na sya at sa paglalagay kaya pinagpatuloy nya na ang pagv-vlog.
" So ayun natapos na natin ang paglalagay ng eye-liner, ginawa ko nalang sya offline dahil ang hirap sa on-cam muka akong tanga pagnaglalagay" tumawa sya at kinuha ang false eye.
"Sunod naman ay maglagay tayo ng false eye, lagyan ng glue, paste, o pag wala kanin o laway, charrr," tumawa ito. " Ayan langyan lang natin, kailangan ay sukat sa iyong mata, at idikit, unahin sa gitna pagkatapos ay ilapat, ganto oh, see," pinakita nya iyon.
"Nadikit na natin ang dalawang false eye, and last nalang is the lipstick! Kunin natin itong everbilena, nude lipstick, ang ganda nya sa lips, favorite ko to skl, pagkatapos maglagay ay lipgloss dahil 'Aesthetic look' ang gagawin natin." natapos ito sa paglalagay ng lipgloss.
"And para 'aesthetic na aesthetic' na ang look natin ay maglakagay tayo ng mga freckle 'freckles, gamitin natin ang brown eyeshadow, itong tyane ang gagamitin kong panlagay para maliliit lang, and then charan! Meron na tayon 'Aesthetic make-up look!" masaya nyang sabi at nilapit sa camera ang muka para mapakita ang ginawang make-up.
"Thank you for watching my vlog for today! Please click the like, and subscribe to my chanel, and don't forget to click the notification bell, thank you! Ba-byeee!" after that she off the cam.
Nakangiti nyang binalik ang mga gamit at nilagay uli sa dati nitong lalagyan. Isa ito sa mga pangarap nya, ang maging vlogger, bukod sa pagiging teacher. Masaya sya kahit 3k+ palang ang subscribers nya, well, ganon naman talaga kasisimula nya lang at bago lang sya dito. Nagsimula syang mag-vlog ng magsimula rin si Diem sakanyang mukbang vlog, matagal na itong nagv-vlog at puro kanta lang ang vine-video nito at nitong nakaraan lang nagsimulang mag-mukbang, at masaya sya sa achievements nito dahil kasisimula lang nitong mag-mukbang ay 200k+ na agad ang subscribers nito. Sa kanilang magkakainigan ay si Jasmine ang maraming subscribers at followers, dahil bukod sa artista ito ay magaling rin itong mag-model ng mga products, sa instagram, facebook at twitter maraming followers si Zandra, dahil maraming humahanga sa ganda at katawan nya kaya nga minsan ay nakakakuha sya ng raket sa pagmo-model. Si Diem naman ay mailap pagdating sa social media, sa youtube lang ito nagu-upload ng mga videos nya. Alam naman nila kung bakit...
Kinuha nya ang cellphone para kumuha ng pictures for her vlog, sya na rin ang nage-edit kapag may time at kung wala naman ay pinapasabay nya nalang sa editor ni Jasmine, rk 'yon e, may sariling editor. Pagkatapos nyang kumuha ng picture ay binuksan nya ang gc (group chat) nilang tatlo, si Diem, Jasmine, at sya. The name of their group chat is "BB VLOGGERS" BB is stands for baby boobies, their boobs is their best assets, biniyayaan ng sobra ,hindi manlang namigay sa iba, and vlogger because they are all vlogger.
Binuksan ni Zandra ang group chat nila at nakita ang chat ni Jasmine.
BB VLOGGERS (GROUP CHAT)
Jasmine: hey guys, i have a bad news :((
Diem: Ano 'yon?
Zandra: hulaan ko.
Diem: Sige nga.
Zandra: Pag nahulaan ko loloadan nyo ko.?
Jasmine: G ako
Zandra: G ka diem? Kuripot talaga nito.
Diem: Sige pero pag mali ang hula mo, ako loload mo.
Natawa si Zandra sa sinabi ni Diem, napaka kuripot talaga! Rich kid e!
Zandra: game.
Diem: ano na.
Jasmine: LOADING....
Napangisi si Zandra, alam nya na ito dahil kakaita nya lang nito kagabi, buraot kayo sa'kin ngayon.
Zandra: Break
Diem: ano?¿
Zandra: na
Jasmine: ha?
Pigil ni Zandra ang kanyang tawa at hindi makapagtype ng maayos.
Zandra: si
Diem: parang tanga ka Zandra, buuin mo nga.
Jasmine: Nangtri-trip lang yan HAHAHAHA
Tignan mo itong dalawang 'to di makapagintay.
Zandra: Jasmine
Jasmine: what?
Zandra: at
Diem: Jasmine at??
Zandra: Theo
Jasmine: Ano daw?
Diem: what?--
Diem: ah
Diem: break na si jasmine at theo
Nag-react ng 'haha' si Zandra, sa wakas nakuha rin.
Diem: A what?! @jasmine is it true?! Na naman?!
Jasmine: OMG KA ZANDS!!! HDUK??
HDUK MEANS HOW DID YOU KNOW
So, tama talaga si Zandra. Napangisi si Zandra, oh diba! Eh di hindi na sya magpapaload, nakalibre na naman ang bruha.
Zandra: told yah, give me my loads HAHAHAHA
Diem: daya mo, bat alam mo ha
Zandra: sikretong malupet.
Diem: why'd you two broke up?...again?
Napailing nalang si Zandra, alam nya ang dahilan, nambabae. Nakita nya kasi accidentally na nagcocomment si Theo sa isang co-model ni Jasmine, ayaw nya naman maki-alam sa dalawa kaya nanatili syang tahimik and knowing Jasmine, mahal non si Theo kaya kahit anong sabihin o ipakita ay hindi naniniwala in short T.A.N.G.A.
Kaya isa sa mga dahilan ni Zandra kung bakit hindi sya nagboboyfriend, fling-fling lang, MU, ayaw nyang maging katulad ni Jasmine na magpapakatanga sa pag-ibig. Nakita nya kung paano umiyak si Jasmine tuwing mahuhuling nambababae si Theo, hindi nya alam kung bakit ayaw pang hiwalayan, pero may hula sya pero sasarilihin nya muna.
Jasmine: Nahuli ko sila ni Aubrey.
Si Aubrey ay isa sa co-model ni Jasmine na kanilang sa nilalandi ni Theo
Diem: na?
Zandra: ZEX, DIEM. ZEX
Diem: oh. Please, jas, kung ikwekwento mo ng buo, ay ngayon palang wag mo ng ituloy, omg my innocent eyes!!
Zandra: OA KA
Jasmine: OA KA (2) HAHAHAHA
Diem: Ang saya mo ata ngayon, jas? Di ba dapat broken ka?
Kung si Zandra rin ay nagtataka, hmm bakit kaya? Napangisi sya ng may pumasok sa isip nya, mukang...
Zandra: Gusto mo hulaan ko uli Diem?
Diem: wag na buraot ka. Bwisit.
Napatawa ng malakas si Zandra, kuripot talaga.
Diem: ano na jas
Jasmine: eh kasi, after ko silang mahuli, i went to the bar and dance with a stranger and omg! I lost my precious!!!
Nanlaki ang mata ni Zandra ng mabasa iyon, sabi na e, nadiligan ang tanga.
Diem: what?!
Zandra: U know the name?
Jasmine: uhm, no. But i remember his face!
Jasmine: i'm soooo problematic right now, i need to chill. Let's go to my apartment!
Diem: G ako basta wag lang iinom.
Zandra: G rin. Itagay na 'yan HAHAHAHA
Jasmine: u r so kj, Diem. So tonight then?
Diem: G
Zandra: g(2)
And the conversation ended. Nakangiti nyang pinatay ang cellphone. Ngayon lang uli sila nagchat ng ganito dahil sobrang busy sa studies ay hindi rin sila masyadong nagkikita kita, minsan kasi ay busy ang sched ni Jasmine dahil nga artista at si Diem naman ay abalang-abala sa pag-aaral. Sya naman ay abala rin sa pag-aaral at paghahanap ng raket sa pagmomodel. Wala rin naman syang kinikita sa pagv-vlog , unang sahod nya ay nung nirecomend ni Jasmine at Diem ang vlog nya at pagkatapos non ay wala na, ginawa nya nalang libangan ang pagv-vlog.
Bumaba sya ng makaramdam ng gutom, grabe naman isang oras ata syang nag-vlog, at nakipag-chat. Ngayon lang nya napansin ang sikmura nyang kumukulo. Nang makababa ay nakita nyang tapos na rin magluto ang mama nya at nanonood ito sa tv ng korean drama. Lumapit sya dito.
"Maaaa! Kain na tayo" sabi nya at naupo sa kalapit nito.
Parang wala naman itong narinig at tutok na tutok sa pinapanood. Napatingin rin sya sa pinapanood nito, nakita nya ang dalawang tao, babae't lalaki na nasa loob ng elevator at naghahalikan, nalipat ang eksena sa babaeng nasa control room at pinapanood ang dalawang naghahalikan habang unting-unting tumulo ang luha ng babaeng nanonood.
Nakakalungkot naman 'to, asawa nya kaya 'yon? O boyfriend? Pinagtataksilan sya? Tanong nya sa kanyang sarili.
Napatingin sya sa mama nya na umiiyak at mahigpit ang kapit sa sapin ng kahoy namin na upuan, hala sya, apektadong-apektado si mameh?
Naawa naman sya kaya inabot nya ang basahan para punasan ang luha nito.
" Ma, wag ka nang umiyak, palabas lang 'yan" natatawang sabi nya dahil hindi nito napansin na basahan ang pinangpupunas nya sa luha nito.
" E, bwisit na lalaking 'yan e! May asawang tao, nakikipaghalikan sa iba! Mga hudas!" nanggigigil na sabi nito.
Natawa si Zandra sa inasta ng ina miya-miya ay napaisip sya.
Ganon rin kaya ang nararamdaman ng mga asawa na inaano ni mama?
Napailing sya at inalis sa isipan iyon.
"Ma, kalma. Palabas lang 'yan. Dito nalang tayo kumain sa sala?" nakangiti nyang sabi.
Tumango ang ina nya ng hindi sya tinitignan dahil tapos na ang commercial at nagpatuloy ang palabas. Sya naman ay pumunta sa kusina at naghain ng kanin at ang niluto nitong ulam, kaldereta. Dinala nya ito sa sala at hinain, tutok parin sa pinapanood ang ina, bumalik uli sya sa kusina at kumuha ng tubig at baso.
"Ma kain na tayo, baka lumamig" aya ni Zandra sa kanyang ina.
Tumango ito at kinuha ang kanin na nasa pinggan at sumandok ng kanyang ulam. Mabagal itong kumain at sya naman ay tinitignan ang bawat kilos ng ina.
"Ma, kumain ka nga ng maayos, ako nahihirapan sa'yo e" reklamo nya.
Hindi sya pinansin ng kanyang ina at tutok parin ang mata sa pinapanood. Nagbalik lang ito uli sa pagkain ng magcommercial.
"Mak bakit ba gandang-ganda ka dyan sa pinapanood mo?" Usisa nya.
Tumingin ang ina nya sakanya at ngumiti. Nilapag nito ang pinggan at tumitig sa tv bago sumagot.
" Dahil dyan pinapakita kung anong kaya mong gawin para lang sa pag-ibig" nakatitig sa kawalan sagot nito.
Napaisip si Zandra, Ano kayang magagawa ko para lang sa pag-ibig?
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top