00


#MIU00

MALALIM na ang gabi nang tinahak ni Zandra ang condominium na pagmamay-ari ng mga Pangilinan. Bitbit ang basket kung saan nakalagay ang isang sanggol na natutulog at balot na balot ng kumot at natatakpan ng panibagong kumot para maitago ito. Sumakay sila sa trycycle at nang makababa ay dumaretso sila sa harapan ng condominuim.

Nag-init ang sulok ng mata nya nang maalala kung bakit sya, sila, narito. Iiwan nya ang sanggol...iiwan nya ang anak nya..

Suot ang balabal sa kanyang ulo upang takpan ng bahagya ang kanyang muka ay lumapit sya sa guwardiya. Muntik pa itong mapasigaw ng makita sya at bumaba ang tingin nitong basket.

Pilit syang ngumiti bago magsalita.

"Pinadadala lang po ni sir Khalil, isa po ako sa mga katulong nila sa kanilang mansyon, sa'n po ang tinutuluyan nya?" nakangiting tanong ni Zandra.

Parang inaantok pang tinignan sya ng guwardiya at saka may binigay na papel. Agad nya itong kinuha at tinignan. Nakasulat dito kung anong floor at kung saan ang tinutuluyan ng lalaki.

Tinalikuran nya ito at nagsimulang maglakad papunta sa elevator. Maingat nyang binuhat ang basket na may laman sanggol, dahil ayaw nyang masaktan ito at magising. Tumunog ito hudyat na nasa tamang palapag na sila. Hinahanap nya ang tinutuluyan nito at nang makita ay tumigil muna sya ilan metro mula roon.

Gusto nya pang tignan ang iiwan nyang anak.. Maingat nya itong binaba sa isang sulok at inalis ang nakatakip na kumot. Masarap pa rin ang tulog nito at balot na balot ng kumot. Nang masilayan ang muka ay tuluyan na syang napaluha.

Napakaganda, manang-mana sa ina..

Mamimiss nya ang maliit nitong muka at ang ilong nitong sobrang tangos, at ang mga labi nitong hugis puso.. hinaplos nya ang muka nito at hinalikan sa noo. Napagalaw ito sa ginawa nyang paghalik kaya tinapik nya ng konti at bumalik na uli ito sa pag-tulog.

Binalik nya na uli ang kumot dito bago pa man nya bawiin ang kanyang desisyon. Lumakad na sya sa pinto kung saan tinutuluyan ng lalaki. Maingat nya itong nilapag at isang beses pang hinalikan. Nilagay nya ang isang papel sa gilid ng basket kung saan nakalagay ang pangalan nito at kapanganakan. Naalimpungatan ito at umiyak ng malakas kaya dali-dali syang nagtago sa isang sulok doon bago pa man may makakita sakanya.

Sumilip sya ng marinig na bumukas ang pinto, nakita nyang hubad ang pang-itaas na binuksan ng lalaki ang pinto na parang kagigising lang dahil papungas-pungas pa ito. Muntik na syang lumabas sa pinagtataguan nya ng makitang muntik ng maapakan ang bata...jusko.

Para itong nahulasan ng may madanggi ang paa nito, nakita ni Zandra kung paano manlaki ang mata nito ng makita ang sanggo na nasa basket. Lumuhod ito at kinarga ang sanggol, para naman may humaplos ng puso nya ng makitang magkasama ang dalawa.
Hinele nito iyon at kinuha ang papel na nasa gilid ng basket.

"Zelestine Kharille Pangilinan. September 20, 2020. Anak mo sya." narinig nyang basa nito sa sulat.

Para na naman may bago ng marinig nya ang malamig nitong boses. Nakita nyang naglalakad ito bitbit ang sanggol malapit sa pinagtataguan nya kaya dali-dali syang lumabas doon at nanakbo sa elevator.

"Excuse me, miss! Hey, stop! Hey!" narinig nyang sigaw nito.

Napahawak sya sa dibdib ng tuluyan na syang nakapasok sa elevator at nakasara. Muntik na sya don..

Natulala sya sa elevator. Nagawa nya..nagawa nyang iwan ang anak nya.. Magkakasunod na tumulo ang luha nya at hindi na napigilang humagulgol sa iyak..wala na...wala na ang anak nya..

Napahawak sya sa kwintas na nasa loob ng damit nya, naroon ang pendant na may lamang abo ng isa nya pang anak...ang kakambal nito.

"Pasensya na kayo anak ha? Mahina ang nanay.." hingi nya ng tawad sa kanyang isip at humagulgol habang nakaupo sa sahig ng elevator.

Napangiti sya ng maalala ang eksena kanina, nasa mabuting kamay ang anak ko, mapapagamot na sya at magkakaron ng magandang buhay na hindi ko kayang ibigay.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa ibaba na sya. Tumayo sya at pinunasan ang sipon at luha na dala ng pag-iyak nya kanina. Lumabas sya ng elevator at lumabas ng building. Hindi nya na pinansin ang guwardiya na tinatawag sya at tuloy-tuloy na naglakad palabas.

Nasa malayo na sya ng tumigil sya sa paglalakad at tinanaw ang mataas na building.

"Someday..someday, babawiin kita sakanya. Mahal na mahal kita anak, hanggang sa muli" aniya at tuluyan ng umuwi.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++:((

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top