Chapter 30
You've reached the last chapter of MHMOI50D. Please patiently wait for the Epilogue. Thank you!
-----
Chapter 30
Strong
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ng aking anak ngunit hindi ko siya nakita roon.
I pouted and got my phone to dial Kiel's number. Maybe they went outside.
Hello?" Kiel casually answered my call.
"What? No!" he almost exclaimed and my heart started beating so fast. "I just got home from your house. Kailangan ko lang umuwi muna. I told him to stay there and wait for you."
"He is not in his room, Kiel," giit ko.
"Check the other rooms first, Xy. Babalik ako diyan," sabi niya at bago pa ako makasagot pabalik ay naibaba na niya ang tawag.
Patakbo akong bumaba patungo sa garden dahil baka naglalaro lang siya ng basketball ngunit wala. He's not also in the kitchen.
Muli naman akong umakyat sa second floor at napansing nakaawang ang pintuan ng aking kwarto. Agad naman akong pumasok doon at napatingin sa walk-in closet ko na nakabukas din.
Please let this be my son.
Pumasok ako sa aking walk-in closet at nakahingi ng maluwag nang makita ko si Brayden na nakaupo sa cushion doon habang may tinitignan na photo album.
My eyes suddenly widened when I realized what photo album is that.
"Brayden!" I called his attention and he immediately looked at me.
"Mommy, you're home!" he cheerfully said and smiled at me before averting his gaze on me, back to the photo album.
He turned the page and there's a picture of me and Brendt. It was our picture in Davao where he is kissing my forehead while my eyes our closed. I printed this one a day before our wedding. When I decided to give him space.
"Uhm... Brayden, don't look at that. Mommy is shy," sabi ko naman at mabilis kong hinablot ang photo album sa kaniya at tinago sa isang drawer na malapit sa akin.
Nagtatakang mukha ang pinakita sa akin ng anak ko nang dahil sa pagkataranta ko.
"Who's that guy, Mom?" kuryosong tanong niya sa akin.
I was suddenly taken aback from his curiousness, but I managed to remain my composure and tried to think of an alibi.
"I-Is he Daddy?" pumiyok ang boses ng anak ko sa kaniyang tanong.
Sa sobrang pagkabigla ay agad akong napailing at saka lumapit sa kaniya bago lumuhod upang maglebel ang aming tingin. Mangiyak-ngiyak na ang kaniyang ekspresyon na dahilan nang pagkadama ko ng konsensya.
"No, B-Bray..." hindi mawaring sagot ko dito at pinasadahan ng kamay ko ang kaniyang buhok saka sinaling ang kaniyang pisngi. "He was just Mom's past lover. You know? Like in movies. He's my ex-boyfriend," pagdadahilan ko.
"Why break up, 'Mmy?" pag-uusisa niya sa akin.
Napabuntong hininga naman ako dahil sa kaniyang mga tanong. "The only reason is we're not meant for each other. Sadyang hindi lang kami ang para sa isa't isa. That's why we broke-up," sabi ko naman. "One day, when you grow up and have a girlfriend, you will realize what I'm talking about if you will not treat a girl right. And same goes with her, if she will not treat you well. You may not be able to understand what I'm saying right now, but you will... soon."
Ngumuso naman ang anak ko na parang nag-iisip pa ng maitatanong. "Do you still love him, Mom?"
I bit my lower lip, trying to control my feelings before I shook my head. "Not anymore," I lied. "And besides, that was way, way back. I'm already old now."
"'Mmy, you're not old. You're twenty-nine," sabi naman ni Brayden sa akin. "And still pretty," dagdag niya.
I chuckled and kissed those little hands of my son which smelled like a baby powder. "And you're a very handsome boy," sabi ko nalang.
Mabuti nalang at tumigil na nang pagtatanong si Brayden. Lumabas na kami ng aking kwarto upang tumungo sa kusina. He wants me to make him some waffles.
"Mommy, let's go to the mall today, please," pag-aya niya naman sa akin habang nilalagyan ko ng whipped cream ang ibabaw ng kaniyang waffle.
"We will go after you finish your waffles," pagpayag ko naman para malibang siya ngayong araw.
"Call Tito Kiel, Mommy!" he ordered me as he poured chocolate syrup on his waffles.
"Bray, your Tito Kiel has his own life too. He's been going here for consecutive days since we got here. Let him meet his friends and a time for himself," marahang pangaral ko sa anak ko dahil masiyado na siyang nasasanay na kasama si Kiel.
It's not that I don't want Brayden to get closer to Kiel, but I realized something when he finally asked about his Dad earlier.
Sooner or later, Brayden will finally meet Brendt. It's impossible since Vince already knows Brayden. Ayokong kapag nagkakilala na silang dalawa ay hahanap-hanapin ng anak ko si Kiel. Parang hindi ko ata kayang masaksihan ang ganoong pangyayari. My heart will break for my son and his Dad.
Kiel suddenly called when I'm in the middle of cleaning the dishes. Pinagkainan lang naman ni Brayden 'to at hindi ko na dapat iasa sa mga katulong.
"Did you already find Brayden? Nandito na ako sa loob ng subdivision niyo." Sabi naman ni Kiel at rinig ko pa rin ang pagkakataranta niya.
"Nahanap ko na siya. We're going out today. Brayden wants to stroll the mall." Sabi ko nalang.
"I will go with you two. I also promised Brayden to buy him something today when I was there earlier." He said.
Kinagat ko naman ang aking pang-ibabang labi. Looks like we can't stay away from Kiel today, huh? Nakakahiya naman kung pauuwiin ko na lamang siya matapos pumunta dito.
Brayden became more excited when he saw Kiel waiting for us while leaning on his car.
"I will bring my own car, Kiel." Sabi ko naman nang pagbuksan niya ako ng passenger seat. "Para pag-uwi ay kami nalang ni Bray. Nakakahiya na sa'yo. Lagi ka naming naaabala."
"It's fine with me, Xy. Gusto ko naman ng ginagawa ko." Sabi niya.
Umiling ako at ngumiti. "I will still bring my car." Desidido kong sabi. "Kahit sa'yo muna sumabay si Brayden ngayon."
Bumuntong hininga naman siya bago tumango. "Okay..." He said in defeat. "Please drive safely. Mauna ka na. I'll convoy."
Ngumiti naman ako at saka sumakay sa aking sasakyan. Nakasunod lamang si Kiel sa akin at ako'y tama lang ang patakbo.
Naging mabilis lang din ang aming biyahe patungo sa mall. Medyo traffic pero hindi naman ganoon kalala. Weekdays din kasi ngayon kaya wala gaanong mga sasakyan sa kalsada.
"Mommy, I want that." Sabay turo ni Brayden sa laru-laruang kotse na di-baterya.
Hindi ito gaya ng mga dati niyang laruang kotse na maliit dahil ang gusto niyang ipabili ngayon ay 'yong maaari niyang sakyan.
"Masasayang lang yan, Bray. Uuwi rin tayo ng New York. Mahihirapan tayong iuwi 'yan doon." Sabi ko naman sa kaniya at agad siyang sumimangot. "Ganito nalang... Pagkauwi natin sa New York, doon kita bibilan ng ganiyan. Is that okay, baby?"
"Promise, Mommy?" He sounded so hopeful and looked so cute.
"I promise." I smiled at him as I gave him my promise and he jumped with joy before he checked on the other toy cars.
Tinuruan siya ni Kiel na mamili ng laruang sasakyan na bibilin upang idagdag sa kaniyang collection. He also bought a robot, but I don't know what robot it is. I paid for the toy cars, but Kiel didn't let me pay for the robot.
"Mommy, let's watch this! Watch! Watch!" Brayden waved a Superhero DVD. "Tito Kiel!" He also showed the DVD to Kiel.
Nakangiting tumango naman si Kiel at bago ko pa siya maunahan ay agad na niyang kinuha ang DVD sa kamay ni Brayden. He even gave me a teasing smile before he went up to the cashier and pay for the DVD.
"Ice cream!"
Napalingon ako kay Brayden na biglang sumigaw. Patakbo na siya palabas ng Astroplus dahil natanaw nito ang stall ng Baskin Robbins na halos katapat lang ng Astroplus.
"Brayden!" Hinabol ko naman siya ngunit agad akong napatigil dahil sa susunod na nangyari.
Nabunggo ng isang lalaki ang aking anak na muntik nang matumba ngunit agad naman nitong nasalo.
Sobrang lakas ng paghampas ng puso ko sa aking dibdib at parang gusto na nitong lumabas sa sobrang kaba.
"Oops! I'm sorry, little boy." Malambing niyang sabi sa aking anak at saka nag-squat upang mapantayan ang tingin nito. "Are you okay?"
I can't believe it... Gusto kong maiyak habang pinapanood ko sila ngayon sa aking harapan. Gusto ko silang puntahan ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
Unti-unting tumango ang anak ko.
"Where are your parents?" Tanong niya at bago pa siya makapag-angat ng tingin sa akin ay naramdaman ko nang patakbong dumaan sa aking gilid si Kiel upang puntahan si Brayden at matakpan ako sa paningin ni Brendt.
Kiel immediately carried Brayden on his arms as he faced Brendt.
"Tito Kiel!" My son exclaimed when he saw who carried him and hugged Kiel tightly.
Naningkit naman ang mata ni Brendt bago tumayo ng maayos. "You're back." Rinig kong sabi niya. "Is he your nephew?" Tanong niya.
Tumango naman si Kiel. "Yes. He is my nephew." Walang pag-aalinlangan namang sagot ni Kiel. "Si Brayden." Pakilala pa ni Kiel sa aking anak sa kaniyang ama.
Brayden turned to look at Brendt again. Parang tumitingin lang silang dalawa sa salamin.
I didn't imagine that this is how my son and his father will meet. This is not how I planned it to be. But seeing them staring at each makes my heart melt and dance with joy. Sumisikip ang aking dibdib sa sobrang sayang nararamdaman.
"Hello, little boy." Brendt greeted Brayden with a big smile on his face. "I'm your Tito Brendt. Brayden, right?" Pakilala niya sa sarili at inalok ang kaniyang kamay sa anak.
Umiling-iling naman ako at naramdaman ang pagtutubig ng aking mga mata.
You are not just his uncle Brendt. You are his father. He is your son. Brayden is your son.
Ngumiti rin ang aking anak sa kaniyang ama at tinanggap ang kamay nito. "Yes! I'm Brayden."
Brendt chuckled while he's staring at our son's small hand.
"I want to stay more but I need to go now." Rinig kong paalam niya at saka tumingin sa kaniyang wrist watch. "It's nice meeting you again, Kiel. Lalong-lalo ka na little boy."
Ginulo niya ang buhok ni Brayden at nang matapat ang kaniyang tingin sa akin ay napaawang ang kaniyang bibig kasabay nang paglaki ng kaniyang mga mata.
Kung kanina'y sakit dahil sa sobrang saya ang naramdaman ko, ngayong tumama ang kaniyang mga mata sa akin ay sakit dahil sa nakaraan ang parang tumamang punyal sa aking puso.
"Xylia..."
Akmang lalapit siya sa akin ngunit agad akong kumaripas ng takbo palayo sa kaniya.
Batid kong sinusundan at hinahabol niya ako sapagkat rinig na rinig ko ang pagtawag niya sa akin pangalan.
Mabilis akong pumunta sa parking lot kung saan ko ipinarada ang aking sasakyan ko at ramdam kong mas malapit na siya sa akin ngayon. Pinatunog ko kaagad ang aking sasakyan at mabilis na sumakay doon.
I turned the engine on while Brendt kept on tapping the window of ny car.
"Xylia, please..." Nagsusumamong sabi niya. "Talk to me please. Talk to me. I'm sorry, Xy. Listen to me please." Rinig kong sabi nito muka sa labas.
Pumikit naman ako ng mariin bago pinalas ang mga luhang patuloy na lumalandas sa aking pisngi bago tinapak ang gas ng aking sasakyan upang makaalis.
Bahagya akong tumingala sa rear view mirror at nakita kong sinusubukan niya akong habulin.
Pinutol ko na ang aking tingin sa salamin at mas pinabilis pa ang takbo ng sasakyan hanggang sa makarating ako sa paikot na daanan pababa.
Akala ko handa na ako. I thought I can already face him eye-to-eye, but when I looked into his eyes, all I can feel is pain.
I'm sorry but not now, Brent. Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko. I don't want to be close minded because of the pain that I'm feeling if I talk to you. Gusto ko ay malawak ang pag-iisip ko at isasantabi ko muna ang sakit. Gusto kong intindihin ka kaya kailangan kong tumakbo ngayon kaysa masabi ang mga bagay na dala ng galit at sakit.
Maybe the next time we meet, I'm already fine. Because right now, I'm still weak. I'm not yet strong enough to face our past, even though four years have already passed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top