Chapter 29

Chapter 29
Heartbeat

"Tito Kiel, pass the ball! Pass!" My son keeps on shouting on Kiel to pass him the ball.

Kiel carefully passed the ball to Brayden. I got so excited when I saw him had a good grip on the ball. It's not a normal basketball. It is smaller than what the usual players used. Hindi pa kayang laruin ni Brayden ang totoong bola. Noong pinasubukan sa kaniya ni Kiel ay yakap-yakap niya lang ito at hindi ma-dribble. Pero kahit maliit ang bola'ng gamit at mababa lang ang ring na pinaglalaruan, I can say that he's good at playing this sport.

Maybe I should enroll him in a real basketball clinic sometime. Maghahanap ako nang pwedeng pasukan niya sa New York kapag malaki-laki na siya.

Brayden cutely jumped to shoot the ball in the ring. I clapped my hands and cheered for my son.

"Yay! Ang galing-galing ng baby boy ko!" Tuwang-tuwa kong sigaw nang ma-shoot ni Brayden ang bola.

"Good job, Bray!" Masayang sabi ni Kiel at natatawa bago lumapit sa anak ko. "You're a fast learner."

Nag-apir silang dalawa bago ginulo ni Kiel ang buhok nito.

Lumapit naman ako agad kay Brayden dala-dala ang face towel upang punasan ang kaniyang pawis na gawa ng halos walang tigil na paglalaro nila ni Kiel mula pa kaninang umaga.

Pumasok naman na kami sa bahay at pinaglinis si Brayden ng katawan bago kumain ng tanghalian. I wa preparing his clothes when my phone rang.

Vince is calling.

"Hello?" Saktong pagsagot ko sa tawag ay pumasok si Kiel sa kwarto ni Brayden na nakapagpalit na rin ng damit.

Agad na tumama ang mata sa akin ni Kiel at tumaas ang kaniyang kilay. Maybe he's wondering if who am I talking to.

"We're already inside the village. Dark brown gate, right?" Sabi naman niya.

"Yeah... Are you with your daughter?" Tanong ko naman at nilingon si Brayden na kakalabas lamang ng banyo.

I signaled Kiel to take care of Brayden and he immediately did. Tinulungan niya si Brayden na magpunas ng katawan habang nagtatawanan silang dalawa.

"Yup. Gusto niya ring makipaglaro dahil bored na daw siya sa bahay." Sagot niya. "At syempre, gusto ko ring magbonding silang magpinsan."

"Oh sige." Sabi ko nalang. "Magdoorbell ka nalang kapag nakarating na kayo."

"Okay then. See you." He said before he ended the call.

Brayden is the first born among the Stewarts of his generation. Mas matanda siya ng ilang buwan sa anak ni Vince na si Clarisse.

Vince wants to spend some time with his nephew. Hindi ko naman na pinagdamot ang anak ko sa kaniyang Tito. Gusto ko ring makilala ni Brayden kahit papaano ang pamilya ng Daddy niya. And of course, it would be nice if he knows his cousin.

"Kuya Vince is going here?" Kiel suddenly asked me while he is helping Brayden to put his shirt on.

Tumango naman ako. "He is with his daughter." Sabi ko naman at narinig ko na ang pagtunog ng door bell.

Bumaba na kayo ni Brayden pagkatapos niyang magbihis. Pupuntahan ko lang sila sa baba. Sumunod kayo agad.

Tumango na lamang si Kiel at agad naman akong lumabas ng kwarto upang masalubong sila Vince ngunit napagbuksan na pala sila ng aming katulong.

"Hello po, Tita Xylia." Clarisse sweetly greeted me with a smile when she saw me.

"Hello, little girl." Nakangiting bati ko sa kaniya bago nag-angat ng tingin kay Vince. "Nasaan ang asawa mo?"

"She's currently at home. She wants to come pero dumating ang kaibigan niya bago kami umalis kaya nanatili nalang siya doon." Sagot niya sa akin.

Tumango naman ako bago narinig ang paghagikgik ng aking anak na ngayo'y pababa na ng hagdan kasama si Kiel.

"Mommy, who are they?" My son curiously asked me while he looked at his father's family in front of him.

Siguro ay hindi na masiyadong matandaan ni Brayden ang pagkikita nila ni Vince sa mall kahapon. Masiyado rin naman kasing mabilis ang paghihiwalay nila.

"Brayden, this is your Tito Vince and his daughter, Clarisse. She is your cousin." Pakilala ko naman sa kanila at tinuro pa isa-isa.

"Hello, Brayden. I'm Clarisse. But... call me Clar." Agad na nakalapit si Clarisse upang batiin si Brayden at nilahad pa niya ang kaniyang kamay.

"Hello, Clar! Call me Bray." Ganting bati naman ng anak ko at tinanggap ang kamay na inalok ng kaniyang pinsan. "You are cousin?" Kulang na tanong ng anak ko kay Clar at bahagya naman akong napatawa. Kunti nalang ay matatama niya na rin ang kaniyang mga pangungusap.

Clarisse sweetly smiled once again. "Pinsan kita sabi ni Daddy ko."

Brayden grabbed Clarisse hand. "Let's play ball, Clar." He said before looked up to Kiel. "Tara, Tito Kiel." Sabi niya at hinatak na rin si Kiel patungo sa garden.

Sumunod naman ako ngunit hindi na ako tumapak sa garden at tinanaw na lamang sila. Brayden's teaching Clar how to hold the ball properly like how Kiel taught him to.

"Talaga palang close na close si Brayden at Kiel no?" Bigla namang sabi ni Vince nang tumabi sa akin at tinanaw din ang mga bata.

Unti-unti naman akong tumango. "Simula nang magkamuwang si Brayden, laging si Kiel ang nakikita niya at nakikipaglaro sa kaniya." I answered as I reminisced those times. "He is like a father to Brayden, but I always make it clear to Brayden that he's not. Spoiled na spoiled ang anak ko kay Kiel."

"Well, I can see that." Sabi naman ni Vince.

Silence immediately enveloped the both of us. Tanging ang tawanan lamang ng mga bata ang aming naririnig at humahalo pa ang tawa ni Kiel dito.

"He really looks like Brendt." Muling pagsasalita ni Vince. "There's no doubt that he is his son."

Napangiti naman ako. "I know..." Sabi ko. "Nakakainis nga dahil kahit kaunti ay hindi ko man lang kahawig ang anak ko. Nadaya ako sa hatian namin ni Brendt. Nakuha niyang lahat."

He chuckled but it faded quickly as he got serious. "So... Uhm... Is Kiel courting you?" He suddenly asked the question with the most obvious answer.

I nodded. "For almost 3 years, I guess."

"Are you planning on saying yes to him?" Sunod niyang tanong.

Kinagat ko ang aking ibabang labi sa pag-iisip ng sagot. "He's great guy." Sabi ko. "Nakikita kong magiging mabuting ama siya kay Brayden gaya ng ginagawa niya ngayon. But I really don't know. Wala na nga sa isip ko ang pagpasok sa isang relasyon. Ang buong atensyon ko ay na kay Brayden lamang."

Nakita ko naman sa gilid ng aking mga maga ang paglingon niya sa akin. "You really don't know?" Paninigurado niya.

"I like him, yes. Wala namang duda doon. I like him, but it's not enough." Pag-amin ko. "Like is not enough to commit myself to him. Alam ko namang naiintindihan mo ang gusto kong puntuhin, Vince. Hindi ko mahal si Kiel para sagutin siya."

"You mean, wala kang balak na sagutin siya?" Mas malinaw niyang tanong.

Ngumuso ako at tinignan si Kiel na tuwang-tuwa habang nakikipaglaro sa dalawang bata. "Hindi ko talaga alam. Hindi ko masabi. Basta ngayon, ayoko pa." Sagot ko. "Pero hindi ko rin naman kasi alam ang pwedeng mangyari bukas o makalawa. Baka mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kapag nangyari 'yon, siguro iyon na ang tamang oras para sagutin ko siya. I mean, it's not impossible, right? Just look at him right now... I'm happy that he's here."

Ang totoo ay hindi ko alam kung paano pa muling pumasok sa isang relasyon kung pinangungunahan ako ng takot na muli lang akong iiwanan ng lalaking mamahalin ko. Hindi lang naman isang beses nangyari sa akin ang iwan nang walang dahilan kundi dalawang beses. Ang nakakatawa pa ay silang magkapatid pa ang gumawa sa akin non.

"My brother is still waiting for you to come back." Walang pag-aalinlangang sabi ni Vince na dahilan kung bakit niya nakuha ang buong atensyon ko.

Did I hear him right?

"He invested at your company hoping that he can get any information about you if he will always visit your company, but Tiffany won't say anything about you. Tuwing makikita niya si Brendt ay iiwas siya. Kapag nakakausap niya naman ay hindi nagsasalita si Tiffany." Kwento niya. "He also planned to hire an investigator but your father warned him not to try because he will only take you farther from his reach. Wala nang magawa ang kapatid ko kundi maghintay nalang sa pagbalik mo."

Hindi na ako nakakibo pagkatapos ng mga sinabi ni Vince. Ang tanging nasa isipan ko nalang ay ang pagtatago sa akin nina Tiffany at Daddy patungkol sa pagkausap sa kanila ni Brendt.

All this time, I thought he wasn't looking for me.

Ilang oras lang din ang nakalipas ay umalis na rin sina Vince at Clarisse dahil hinahanap na sila ni Christina. Kiel also took Brayden with him to buy a new PS4 game.

Hinayaan ko na silang dalawa at hindi na sumama dahil gusto ko munang mapag-isa upang makapag-isip-isip.

"God! I'm so stressed with everything! I wish time could stop for a month before my wedding. Magpapahinga lang ako." Sabi naman ni Tiffany bago isinalampak ang sarili sa sofa.

Inilagay ko naman sa harap niya ang fruit salad na ginawa ko na may chocolate syrup at agad naman siyang kumuha doon upang kumain.

"Tiff, can I ask you something?" Seryoso kong sabi sabi habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagkain.

"Sure. Basta masasagot ko." She said. "What is it?"

Suminghap ako at tinignan ang mga daliri kong hindi rin mapakali. "Is it true that Brendt always looks for me?" Tanong ko.

Napatigil naman siya sa pagkain at seryosong nag-angat ng tingin sa akin. "How did you know?" Nagtataka niyang tanong.

"W-Why didn't you tell me?" Nauutal na tanong ko sa kaniya. "Bakit hindi mo pinaalam sa akin?"

"For what, Xy? Kapag sinabi ko ba sa'yo 'yon, uuwi ka dito at magpapakita ka sa kaniya?" Tanong niya sa akin at napaawang ang aking bibig sa tono ng kaniyang boses.

"Of course not." Sabi ko. "It's just... I'm just want to know why..." Huminga ako ng malalim dahil hindi ko malaman ang dapat kong sabihin.

"Xylia, nararamdaman kong hindi ka pa nakakamove-on. Kahit hindi mo sabihin; Kahit patuloy mo pang i-deny sa sarili mo ay alam kong hindi pa lalo na at mayroon kayong anak. Pero Xy, alam kong mas makakabuti sa'yo o sa inyo ni Bray na huwag nang malaman 'yon." She explained. "Sinabi ko rin kay Daddy ang tungkol sa paghahanap sa'yo ni Brendt and he said the same thing. He also talked to Brendt. We know how much pain he caused you at natatakot kaming mangyari ulit 'yun. Ayaw naming mangyari ulit 'yun."

Tumayo naman siya mula sa kaniyang kinauupuan upang lumapit sa akin. She held my hand and smiled at me.

"Xy, you deserve the best." She told me. "Pero ngayon na alam mo na ang tungkol sa paghahanap sa'yo ni Brendt, kung ano man ang maging desisyon mo, I will support you. Ang gusto ko na lamang ay hindi na ulit masaktan at pati na rin ang pamangkin ko."

I understand why they hid it from me. Tama sila. Kapag sinabi nila 'yon sa akin dati at nagtatanga-tangahan pa ako ay talagang uuwi ako. I won't be able to grow and be a good mother to my son. Siguro ay mas okay na rin ang ginawa nila.

"By the wag, can you please attend a meeting for me tomorrow?" She suddenly asked for a favor. "Nagkasabay kasi 'yung meeting namin ng wedding organizer ko at saka ng new client natin. I need to finalize my wedding preparations. For God's sake! Sobrang lapit na at hindi pa nafi-finalize. Kaya can you please, please attend my meeting with a client tomorrow?"

"What if I see him sa company?" Bigla naman akong ginapangan ng kaba.

"You won't." Maagap niyang sagot. "Hindi naman kayo sa company magm-meeting. I will just text you the details. Aakyat na ako dahil pagod na pagod na ako." Sabi niya at saka ako hinalikan sa pisngi para umakyat na sa kaniyang kwarto.

Kinabukasan ay medyo maaga akong nagising at naghanda para sa meeting na pupuntahan ko. Hindi naman ito masyadong malayo sa village kaya sa palagay ko'y sandali lang ang magiging meeting.

"Bray, wait for mommy to go home ah? May pupuntahan lang akong meeting." Sabi ko naman kay Brayden habang sinusuotan siya ng t-shirt dahil kakaligo niya lang din.

Tumango naman siya sa akin at ngumiti. "Mommy, call Tito Kiel. I want to play!" Sabay utos niya sa akin.

"I will. Mommy will call Tito Kiel." Sabi ko naman at saka kinuha ang phone ko para idial ang number ni Kiel.

I was really planning to call Kiel to accompany Brayden while I'm gone.

"Ikaw na kumausap sa Tito mo oh." Binigay ko kay Brayden ang cellphone at inayos ko naman ang aking bag.

Tinignan ko kung kumpleto na ang pinapadala sa akin ni Tiffany. Palingon-lingon ako kay Brayden na kausap si Kiel sa aking cellphone.

"'Mmy, oh." Ani Brayden at iniabot sa akin ang cellphone ko.

"Thanks, baby boy." Sabi ko saka hinalikan siya ng isang matunog na halik sa pisngi. "Behave while you wait for your Tito Kiel, okay?"

Agad naman siyang tumango at sumaludo sa akin. Bumaba na ako dahil baka hindi ko pa maiwanan ang anak ko. If only I can tag him along with him but I won't be able to focus if I will.

The meeting was finished so fast. Hindi mahirap kausap ang kliyenteng pinapuntahan sa akin ni Tiffany.

"So, sa New York ka pala nakabase." He started a conversation while I'm fixing my things.

Ngumiti naman ako. "Opo. I'm the one responsible for the stem of our company there."

"Ang gaganda pala ng mga anak ni Mr. Saavedra. Nasa lahi niyo ba?" Natatawang puri nito sa amin at nakitawa nalang din ako.

"Hindi naman po. Slight lang." Pagsakay ko sa kaniyang biro.

"I have a son. Same age as yours. Hindi pa siya nakakahanap ng babae sa kaniyang buhay." Bigla nitong sabi. "Might want to meet up with him? Hindi na kasi available si Tiffany at ikakasal na.

Bahagya naman akong ngumiti at saka umiling. "I'm sorry but I already have a son." I told him that caused him to widen his eyes.

I stood and grabbed my hand bag, ready to leave.

"It's nice meeting you, Sir." I gave him one last smile before I left.

I went to the restaurant's parking space when I froze, seeing a familiar face that I was hiding myself from.

"Thanks for the help, Brendt." Rinig kong pasasalamat sa kaniya ng lalaking kausap.

"Sure. No problem." He smiled before his eyes drifted to my car.

Muling bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang kaniyang ngiti na hindi ko akalaing titibok pa ulit ng ganitong kabilis matapos nitong mamatay noon.

Tama si Vince. He looks more mature than he was before. Mas nadepina rin ang hubog ng kaniyang katawan. Hindi ko rin itataging mas lalo siyang gumuwapo.

My heart felt like it is being clenched by a fist. He is like the older version of my son and I can't help but to feel emotional while looking at him.

He is my son's father.

Unti-unting nawala ang kaniyang ngiti at parang sinusuri pa ang aking sasakyan. Lumapit siya rito at pinasadahan ng hawak ang ibabaw ng aking sasakyan.

A ring on his finger shined because of the reflection from the sunlight when he placed his hand on the top of my car.

Umiling naman siya at tumungo sa kaniyang sasakyan na katabi lamang ng akin. Muli siyang nagpaalam sa kasamang lalaki na mukhang nagtataka habang nakatingin sa kaniya bago pinatunog ang kaniyang sasakyan.

Before he went inside his car, he glanced at my car again. Nang makuntento na at mukhang kinukumbinsi ang sarili ay pumasok na siya ng tuluyan at saka umalis.

Nang makaalis siya ay doon lamang huminahon sa pagtibok ang puso ko.

It's been years but my heart still beats for him like how fast a light travels. May be impossible but that's how I felt. I can't even catch my own heart beat when I saw him.

This is the reason why I can't give Kiel a chance. My heart still beats for him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top