Chapter 26
Chapter 26
Sunshine
"Okay, Ma'am. I'll take care of everything." My secretary assured me with a smile before she left my office.
I rose from my seat and walked towards the glass wall of my office where I can see different lights, coming from the skyscrapers and as well as the great Statue of Liberty in the middle of the sea.
It's been a while since I was able to admire the beauty of New York. The beauty of the city. The city that helped me moved on from the past and made me a better person that I can ever be.
Dad's company expanded here in New York and I'm the one who's assigned here, while Tiffany's the one who's taking care of our company in the Philippines.
It has been four years since that tragic incident. Hindi ko alam kung nakalimutan ko na ba talaga dahil naaalala ko pa rin o nakalimutan ko na talaga dahil wala na ang sakit at hinanaing na naramdaman ko noon. It's so unfortunate that we can never really forget something that happened in our lives. It will forever linger in our minds no matter how much we tried to forget about it. The only thing we can do is to ignore its presence in our mind's vaults.
Unless you're experiencing Alzheimer's or having an Amnesia and the likes, that's the only time where you can totally forget about everything.
Daddy immediately sent me here to New York after that incident. He didn't waste any chance. Gusto niya akong makaiwas agad sa trahedya at kahihiyan na nangyari. He even brought me to Mommy Madeline's home in Pampanga before that.
I call my Dad's new wife as Mommy Madeline now. Simula noong nangyari ang insidenteng iyon ay lagi lang silang nasa tabi ko. Kahit si Tiffany. They never leave my side. Naramdaman ko ulit ang pag-aalaga ng isang ina nang dahil kay Mommy Madeline. She's always comforting me, giving advices and such. Si Tiffany naman, she's really acting like a real sister to me. Naibigay ko na rin ang kapatawaran na hinihingi niya para makapagsimula ulit kami ng panibago. Ayaw pa ngang bumalik noon ni Tiffany sa Pilipinas at iwan ako dito sa New York pero kailangan dahil sa kompanya. But Daddy and Mommy Madeline stayed with me. Paminsan-minsan ay umuuwi sila para bisitahin si Tiffany pero ang pinaka-priority nila ay ako.
We're a happy family now. And it's more than I could ever ask.
Napatingin naman ako sa pintuan nang may biglang kumatok bago ito bumukas.
"Busy?" He asked while smiling.
Nakatupi ang kaniyang white longsleeves hanggang siko at nakasabit ang white coat niya sa kaniyang braso.
"Nope." I shook my head and smiled at him.
"Heard you closed an important deal." He said, looking so proud at me.
Umupo rin ako sa tapat nito habang tumango-tango. "Yeah." Sagot ko. "Teka nga, Kiel! Huwag na nga tayong mag-English. Nauubusan na ko ng words." Sita ko sa kaniya at agad naman siyang natawa.
I met Kiel when I was constantly visiting a hospital here in New York four years ago. He asked about what happened to us dahil may naikwento raw sa kaniya si Vince. I told him everything that happened and he comforted me a lot. He already has his own clinic here in New York. Wala pa raw siyang planong umuwi ng Pilipinas lalo na raw kung hindi pa ako uuwi.
"Masusunod, mahal na binibini." Magalang niyang sabi at nakuha pang kumindat sa akin.
I rolled my eyes at him. "Mas lalo akong walang maiintindihan kapag malalim na Tagalog ang gagamitin mo, Kiel. Kaya tumigil ka na bago pa kita putulan ng dila."
"Hindi ko talaga alam na ganito ka ka-brutal." Umiiling-iling na sabi niya.
"Kung brutal ako, hindi ko na sasabihin sa'yo ang pakay ko at puputulin ko na kaagad ang dila mo." Sabi ko naman.
He chuckled. "Ang sungit mo." He said. "Meron ka ba ngayon? Hindi pa naman 3rd week of the month ah?"
Binato ko naman siya ng magazine na nakuha ko sa ibabaw ng center table at agad siyang nakailag saka humagalpak sa kakatawa.
"Uso nga pala ang irregular period." Patuloy niya sa pang-iinis kaya naman tumayo na ako para paluin na siya gamit ang kamay ko. "Huwag kang magulo, baka tagusan ka!" Natatawang sabi niya habang hinaharang ang mga palo ko sa kaniya nang biglang bumukas ang pintuan at agad naman kaming napaayos ni Kiel ng upo.
Kita ko ang mapaglarong ngisi ni Daddy nang maabutan kami ni Kiel. Gustong-gusto niya si Kiel para sa akin. Tuwing may family dinner kami sa labas ay pinapainvite pa ni Daddy si Kiel sa akin at saka niya sasabihin na bagay daw kami. Nagtataka siya kung bakit hindi ko pa sinasagot si Kiel kahit na ang tagal-tagal na nitong nanliligaw sa akin.
Kiel's very important to me. Importante siya para sa akin pero hindi ko pa rin alam kung saan ko huhugutin ang sagot na 'oo' sa matagal na niyang tanong sa akin.
I like him. I admire all of his efforts. Nakikita ko rin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano niya ko gustong alagaan. But like isn't enough for me to say yes. Hindi ganoon kalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya upang sumabak ako sa isang relasyon kasama siya.
Ang sabi naman ni Tiffany sa akin ay baka raw kailangan kong sagutin muna si Kiel para malaman ko kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. Pero ayoko naman ng ganoon. Paano kung hanggang gusto lang pala talaga? Ayoko namang pumasok sa relasyon kung hindi ko naman mahal. I don't want to hurt him in the end. I don't want to compromise in something so uncertain.
"Daddy." Sambit ko at lumapit kay Daddy upang halikan siya sa pisngi.
"Sir." Tumayo na rin si Kiel sa kinauupuan niya at lumapit na rin upang batiin si Daddy ng maayos.
"Mukhang naistorbo ko ata kayong dalawa." Tumaas ang kilay ni Daddy.
Halatang-halata sa boses at ekspresyon niya na nang-iinis nanaman siya.
"Uhm... No, Sir." Nakangiting sagot ni Kiel. "Aayain ko lang sanang magdinner si Xylia."
Hindi ko maiwasan ang mapa-irap. "Mag-aaya lang pala, mang-iinis pa." Bulong ko sa sarili ko pero yung bulong na yun ay sinadya kong marinig nila kaya naman mas lalong napahalakhak si Daddy.
"Well, hindi ka pala makakasabay magdinner sa amin ng Mommy mo." Sabi ni Daddy at pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Kiel. "Mauuna na akong umuwi. Mag-ingat kayong dalawa." Sabi naman ni Daddy bago nilingon si Kiel. "Take care of my daughter, Kiel."
"Always will." Kiel answered that satisfied my Dad.
Nag-aya na rin si Kiel na tumungo na rin kami sa aming kakainan upang makakain na at makauwi agad.
I immediately agreed. Gusto ko na ring makauwi kaagad.
"I'll just get my things." Sabi ko naman.
Tinalikuran ko naman siya para ayusin ang gamit ko at isukbit ang aking shoulder bag.
"May dala ka bang extra?" Kiel suddenly asked that's what I turned to him, looking confused with what he's pertaining to. "Baka tagusan ka mamaya." He added.
Wala pang isang segundo ay naibato ko na sa kaniya ang pencil na dapat ay ibabalik ko na sa pen holder.
"Hello, Tiff?" I answered Tiffany's call.
Kiel's already driving me home when Tiffany called. We ate at a buffet restaurant. Kapag kasama ko si Kiel na kumain sa labas ay hindi pwedeng uuwi akong hindi punong-puno ang tiyan. I really need to watch my diet next time.
"Xy, anong magandang kulay ng mga damit ng mga abay?" She asked me. "Maganda ba kung gold or silver or beige? Ayaw ko kasi nang mga green, red, blue and the likes. Those colors are so common."
"Hmm... I think okay na 'yung beige." I answered. "You want your wedding simple but fancy, I really suggest beige rather than gold or silver."
Ikakasal na si Tiffany with her two years boyfriend na ngayon ay fiancé na niya. Five months ago ay nagpropose na ito sa kaniya sa gitna ng dagat. Tiffany uploaded a photo of it on Instagram and I can't help but to feel jealous. Her fiancé's so sweet.
Todo-todo na sila ngayon sa pagp-prepare dahil within one month ay kasal na nila. Nasa damit na ata sila at tapos na ang iba. May venue nanaman na for the reception. Nakaschedule na rin sila sa church na gusto ni Tiffany at mga damit nalang ata ng mga abay ang kulang.
"Sure ka bang mas maganda beige?" Paninigurado nito na mukhang nagdadalawang isip pa.
"Yes." Sabi ko nalang. "Bakit kasi ngayon niyo lang naisipang asikasuhin 'yung mga damit at nauna pa 'yung mga iba? Paano kung hindi 'yan matapos sa loob ng isang buwan?"
Naramdaman ko naman ang paglingon ni Kiel sa akin at mukhang kuryoso na sa pinag-uusapan naming dalawa ni Tiffany habang nagmamaneho siya.
"Xy, naman eh..." She whined. "I'm so stressed already. I really wish that you are here para may kasama akong hands-on sa mga bagay-bagay."
"Just relax, okay?" Sabi ko naman. "Hindi bagay sa bride ang may stress marks sa kasal niya. You can call me anytime you want. Huwag lang 'yung nagpapahinga ako. You know the right time."
Huminga naman ito ng malalim. "Oh sige na." Sabi niya. "I'll talk to Nick about the color of the dresses. Bye, Xy. Love you!" Paalam niya bago binaba ang tawag.
Napangiti naman ako. Alam ko namang natataranta lang si Tiffany pero mas kaya niyang i-handle ang mga ganoong bagay kaysa sa akin.
"Uuwi ba kayo sa kasal ni Tiffany?" Tanong bigla ni Kiel at napalingon ako sa kaniya.
"Tayo." Sagot ko naman. "Tayo ang uuwi. You're invited remember?" Paalala ko naman sa kaniya.
Invited siya sa kasal ngunit hindi ko siya kapartner dahil Maid of Honor ako ni Tiffany. My partner is going to be Nick's best man.
"So, uuwi ka nga? Babalik ka ng Pilipinas." He asked once again before he stopped the car in front of our house's driveway.
Bumaba naman siya agad ng sasakyan para pagbuksan ako ng pintuan at inalalayan palabas.
"Oo naman. Doon ang kasal niya." Sabi ko naman. "I need to attend her wedding. Hindi pwedeng hindi."
Kiel got a big paper bag in the back seat of the car and I already know what's inside of the paper bag. May pasalubong nanaman siya.
"What if, makita mo siya?" Nag-aalalang tanong niya habang papasok na kami sa loob ng bahay.
Umiling ako at ngumiti. "Imposible."
I've already planned everything carefully. Hindi ko hahayaang makita niya ako. At kung makita man niya ako, wala na akong pakialam. Ano ba ang dapat kong gawin?
Siya ang may ginawang mali sa aking dalawa. Hindi dapat ako magpatinag sa simpleng pagkikita namin.
"Nothing's impossible, Xy. There are many possibilities na makita mo siya." Sabi niya.
"Sa apat na taon na nakalipas nga ay hindi ko siya nakita eh. Ngayon pa kaya?" Sabi ko nalang at umakyat na kami sa taas.
"That's because you're here in New York." He stated an obvious fact. "Babalik ka ng Pilipinas, Xy. At nandoon siya sa Pilipinas."
"Then so be it." Sabi ko at binuksan ang pintuang ng kwarto.
My little sunshine turned to look at me who just entered his room when I opened the door. The one who made me endure every pain that I've felt.
"Mommy!" He cutely exclaimed.
Napangiti ako nang makita siyang nagsumikap tumayo upang makalapit sa akin.
"Hello, baby! May pasalubong, Tito Kiel mo oh." Masaya kong sabi at tinuro si Kiel na kasunod kong pumasok sa kaniyang kwarto.
"Yay!" He rejoiced and kissed me on my cheek before he got his new toys from Kiel who has been spoiling him since he was born.
Even if I will be single forever, I actually don't care anymore.
I only need my son, Brayden Saavedra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top