Chapter 22

Chapter 22
Camera Lens

"My fiancée." Ulit ni Brendt at ngayon ay mas mariin ang kaniyang pagkakasabi.

Napatingin ako kay Brendt na seryosong nakatingin lang sa Mommy niya. His Mom averted her gaze to me before she took a deep breath and calmed herself.

"Okay... You have a fiancée now. I can see her right in front of me." His Mom said and smiled a little. "So, I guess matagal pa ang kasal niyo?"

"We're gonna get married four days from now on." Walang pag-aalinlangang sabi ni Brendt.

His Mom's eyes widened in surprise. Her gaze jumped from Brendt and me, back and forth and looked at us like we're some kind of joke.

"Four days from now on?" Bahagyang tumaas ang boses ng kaniyang ina. "Brendt, I know that you're old enough to make your own decisions pero 'yung ganito?"

Pumikit ng mariin ang kaniyang ina bago hinilot ang sintido. Nang dumilat ay matatalim na tingin kaagad ang ipinukol niya kay Brendt.

"Kung kailang malapit na ang kasal mo ay saka mo ipapakilala sa amin ang mapapangasawa mo? Brendt, we don't even know this girl enough para ipagkatiwala namin siya sa'yo." Parang punyal na tumama sa aking puso ang kaniyang mga salita. "Kung ang babae ngang kinasama mo ng limang taon ay nagawa kang iwan, siya pa kaya?"

Today, I realized than when you're broken, others will also be broken because of you. They will also feel what you felt or what you're feeling. And that others are your parents. They are also affected with whatever is happening in your life, especially if they love you.

The pain that Sandra caused Brendt might seemed superficial, but it wasn't-looking at how it affected, not just him, but also his family.

Kaya hindi ko masisisi ang Mommy ni Brendt. She has the right to doubt entrusting her son with someone like me whom she'd just met. I should just accept her unjust criticisms about me and start proving that I am not what she thinks I am; that I am way better Sandra who left their son.

"Maiintindihan ka namin kung mahal mo siya na dahilan kung bakit gusto mo siyang pakasalan pero sana naman ay ipinaalam mo muna sa amin." She frustratedly said.

"That's what I'm doing now." Kalmadong sabi ni Brendt.

"With only four days left before your wedding?! Do you think marriage is a joke, Brendt?" Bahagyang namumula na ang kaniyang ina at mukhang nahihirapan nang intindihin si Brendt.

Hinawakan ko naman si Brendt sa kaniyang braso upang pigilan siya sa pagsagot sa ina ng pabalang.

"Brendt, may pamilya kang nangangapa pa sa'yo magmula ng iniwan ka ni Sandra at ngayon pagbalik mo, ikakasal ka na agad." She said before  she calmed herself and shook her head. "You can't blame me for reacting this way, Brendt. It's not that I don't like your fianceé. I just don't trust her yet. It needs time."

"Mom, just please understand that I love her. She loves me too. We both love each other enough to engage ourselves in this lifetime commitment." He tried to explain. "Xylia is a wonderful girl, Mom. I assure you that. Kaya ko nga siya papakasalan, 'diba? Please understand..."

Naging maamo naman ang mga mata ng Mommy ni Brendt habang nakatingin sa kaniyang anak. Tingin palang ay alam ko na kung gaano niya kamahal si Brendt.

"What's happening here?" Isang baritonong boses and umalingawngaw sa sala.

I shifted my eyes to the middle aged man that looks very similar to Brendt. Ang mata niya'y katulad na katulad ng mga mata ni Brendt. Kahit na may edad ay hindi pa rin nawawala ang kakisigan.

His face lit up when he saw Brendt. "Son!" He exclaimed before he brisk walked on his way to meet his son closely. "You're back!"

Rinig ko ang paghinga ng malalim ng Mommy ni Brendt kaya muli akong napatingin sa kaniya.

"Talk to your son, hon." She said to her husband. "He's being irresponsible and abrupt with his decisions. Hindi ko 'yan pinalaki ng ganiyan."

Bahagya namang napataas ang kilay ng Daddy ni Brendt.

"I'll go now. I still have some rendezvous with my friends." Paalam nito at mabilis na pinatakan ng halik ang asawa bago niyakap muli si Brendt. "I trust you, Brendt."

She sighed before turning to me. Nagulat ako nang gawaran niya ako ng ngiti bago tuluyang umalis.

"So what is your mother whining about?" Natatawang tanong ng Daddy ni Brendt sa amin.

"Dad, this is Xylia." Pakilala muli ni Brendt sa akin. "And we're getting married four days from now."

Muli kong narinig ang kaniyang baritonong tawa bago naglahad ng kamay sa akin.

"Call me daddy then, Xylia." He warmly told me and I immediately smiled before shaking my hand with him. "Don't worry about my wife. Madrama lang talaga 'yon sa buhay. She'll get over it."

Umiling naman ako at ngumiti. "Naiintindihan ko naman po siya kaya ayos lang po."

"I'm glad that Brendt has found someone like you, hija." He sincerely said and lightly tapped my shoulder. "Welcome to the family. Feel at home."

Iniwan din kami ng Daddy niya dahil may sarili rin itong lakad. Ngunit mahigpit niya akong pinagbilin kay Brendt na parang ako ang anak niya. I'm so overwhelmed by the acceptance he made me felt.

"I'm sorry about that." Sabi niya at inilapag ang aming duffel bag sa ibabaw ng kama ng makapasok kami sa kaniyang kwarto.

Inilibot ko ang aking tingin sa kaniyang kwarto at nakitang masiyadong panlalaki ang interior nito. His walls were painted with dark gray. Pati ang bedsheets niya ay magkahalong dark gray at black. Even the other furnitures is black. Ngunit kahit ganoon ay namangha ako dahil napatili pa ring maliwanag ang ambiance ng kaniyang kwarto.

Ngumiti ako. "It's okay, Brendt. I'm fine." I assured him. "As for your Mom, naiinintidihan ko talaga siya. It's just normal for her to act that way. Totoo naman ang mga sinabi niya. Your family doesn't know me yet for them to trust me."

Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat.

"They will eventually trust you. Even my Mom. She's not cold-hearted. Malambot ang puso niya lalo na sa babaeng mahal ko." He explained.

Tumango naman ako. "I know." Sabi ko at humarap naman ako sa kaniya upang mayakap din siya. "I'm going to prove them that I am trustworthy."

"Thanks for understanding my mom." He said and lowered his face to plant a soft kiss on my lips.

"Magiging pamilya ko na rin siya, Brendt." Sabi ko at ngumiti. "Dapat lang na matuto akong intindihin siya dahil nanay mo siya."

"Yes, I know..." He whispered as he kissed me again. "I think I'm addicted already..." He grinned.

He was about to kiss me some more but I stopped him and smiled.

"I want to explore Davao. Mamasyal na muna tayo, Mr. Stewart at marami pang oras." Sabi ko naman at kinuha ang aking duffel bag para makapagpalit ng damit.

Tinignan ko naman siyang nakapamewang pa rin sa aking gilid at nakangisi habang kagat-kagat ang kaniyang labi. Nakatingin lamang siya sa akin kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Magbihis ka na rin!" Pag-aapura ko sa kaniya.

Napabuntong hininga naman siya at sumunod din agad sa aking iniutos.

Pagkatapos naming magpalit ay agad kaming tumungo ni Brendt sa People's Park. Wala pang bente minutos itong tinakbo ng kaniyang sasakyan. Minabuti niyang hindi na muna kami sa Samal Island pumunta dahil dapit-hapon na. Siguro'y sa susunod nalang na punta ko rito.

"Hello, Kuya?" Sagot niya sa tawag nang makababa kami ng sasakyan. "Yeah. I'm here in Davao."

Hindi pa ako nakakalabas ay agad na tinakbo ni Brendt ang distansya patungo sa aking gawi upang pagbuksan ako at maalalayan sa paglabas.

"Thank you." I whispered while smiling dahil kausap niya pa ang Kuya niya.

"I brought her home." He said over the phone. "Nasa People's Park kami ngayon. You will go here? Okay. Just text me. Malapit ka lang ba? Okay. Bye..."

"Susunod ang kuya mo?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya. "He's just along the vicinity. Mabuti na rin at para makilala mo siya."

Hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kaniya at saka kami pumasok sa People's Park. Hindi ko inakalang malawak pala ito.

Nang makapasok ay namangha ako sa unang makita. It's like a dome with a very distinctive design. It looks like a fruit. Agad ko itong kinuhaan ng litrato.

"That's called a Durian dome." Biglang sabi ni Brendt habang kinukuhaan ko ng magandang anggulo ang litrato.

Napatango naman ako. It makes sense since Durian is endemic in Davao.

"Wow..." I was in awe when I saw a giant sculpture of a Philippine Eagle, our country's national bird.

Marami pa akong nakikitang mga sculptures sa paligid ng park ngunit dito ako pinakanamangha. I suddenly wanted to learn how to sculpt.

"Brendt, magpapicture tayo!" Pag-aya ko sa kaniya.

Kumunot naman siya na parang hindi nagustuhan ang idea ko ngunit nang lambingin ko pa ay napapayag ko rin.

Dali-dali akong nagtawag ng park rangers na nag-iikot-ikot dito sa park upang kuhanan kaming dalawa ng litrato kasama ang malaking rebulto ng Philippine Eagle bago pa magbago ang isip niya.

"This will be your hometown soon. Lagi na kitang iuuwi dito. You don't have to act like a tourist." Sabi niya habang hinihila ko siya sa tapat ng rebulto.

"Well, I'm really a tourist and it's my first time here. Hayaan mo na ako!" Giit ko sa kaniya.

Tinigil ko na ang paghila sa kaniya nang makitang maganda na ang puwesto namin. Yumakap ako sa kaniyang bewang at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib bago humarap sa camera.

I smiled and I heard the shutter of my phone's camera. I was about to ask Brendt to change our poses but he suddenly turned me to him and hugged me back. Muling tumunog ang shutter.

Naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking noo na dahilan kung bakit ako pumikit. Kinuhanan din ito ng kumukuha sa amin ng litrato.

"I love you..." He whispered when I raised my gaze at him.

Napatawa naman ako. "Kunwari ka pang ayaw mong magpapicture."

"I just want to hug and kiss you. It's not for the picture." He casually said before he released me from his hug.

Kinuha niya ang aking cellphone sa park ranger at binigyan niya ito ng tumataginting na limang daan. Umiling noong una ang lalaki ngunit tinanggap din niya ito kalaunan.

"Nauuhaw ako." Sabi ko kay Brendt at bahagyang pinaypayan ang sarili gamit ang aking kamay.

"Wait here. Ibibili kita ng maiinom mo." Sabi niya at patakbo siyang umalis upang tumungo sa kalapit na stall.

Inilibot ko naman ang tingin ko sa parke at saka itinaas ang aking cellphone upang makakuha pa ako ng mga litrato.

Napakunot ang aking noo nang may pamilyar akong nakita sa screen ng aking cellphone na sumasalamin sa kung anong natatapatan ng camera nito.

I saw him stopped walking when he looked at me through my phone's camera lens.

Binaba ko ang aking cellphone upang makita ko siya ng harap-harapan. Gumapang ang kaba at galit sa aking dibdib habang tinitignan ko siya.

It's been years since he left me with no good bye and with no explanation.

"X-Xylia?" He stuttered while looking at me.

Vince... I wanted to say but his name wasn't even allowed by own mouth to escape through my lips.

"Kuya!"

Napalingon kay Brendt na ngayo'y kinakawayan ang lalaking nasa aking harapan. Para akong nanigas sa aking kinatatayuan nang rumehistro sa aking isipan ang pagtawag ni Brendt sa kaniya.

Vince is Brendt's older brother. That makes sense. Why haven't I thought about it? Vince is a Stewart. Hindi ko alam na sobrang liit lang pala talaga ng mundong ginagalawan ng mga tao.

My ex-boyfriend is my fiancé's brother.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top