Chapter 21

Chapter 21
Ancestral

Binagsak ni Brendt ang kaniyang sarili sa aking katawan. Parehas kaming naghahabol ng aming hininga dahil sa hingal. We both came at the same time. I can still feel his seeds in liquid form splashing inside my womb.

"I can't wait to marry you and make love with you every night after our wedding." He whispered in my ear before he withdrawed himself.

Hinanap ng kaniyang kamay ang aking kamay bago siya bahagyang bumangon upang abutin ang kung ano mang kinuha sa ibabaw ng drawer.

"For now, let me make you wear this ring." He said before he slid a plain white gold ring. Mayroon itong tatlong maliliit at pantay-pantay na diamond sa gitna. "It's the same as mine."

He raised his hand and showed me a ring on his ring finger.

Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay at itinapat ang sa'kin upang makita ang pagkakapareha ng aming singsing.

"Do you like it?" He asked.

Nilingon ko naman siya at nagtama ang aming ilong sa sobrang lapit namin sa isa't isa. I smiled and kissed him on his lips.

"Yes, I do." I said trying to practice the words that I will say on our wedding.

"I'm glad you do." He said and kissed me back, hungrily and torridly that lead us into making love again that night.

Pilit ko na lamang inaalala ang mga nangyari na 'yon noong makalawa para maibsan ang kabang nararamdaman ko ngunit hindi ko pa rin magawa.

"Kinakabahan ako." Batid kong nararamdaman ni Brendt ang aking kaba kahit hindi ko na ito sabihin.

He held my hand tighter and kissed the back of it before he smiled at me.

"Don't be." He assured me.

We're on our way to Davao, which is Brendt's hometown. Doon nakatayo ang kanilang ancestral home. They just moved in Manila because of their business pero talagang taga-Davao sila. Pero ang mga magulang niya ay bumalik na doon at siya nalang ang namamalagi sa Manila.

Huminga nalang ako ng malalim at inalis sa aking isipan ang mga puwedeng sabihin sa akin ng magulang o ng mga kamag-anak niya.

Nilingon ko ang bintana at hindi ko na nakita kung gaano kami kataas mula sa lupa dahil sa mga nakatakip na ulap. I love riding airplanes but I still somehow scared. Natatakot na ako na baka isang beses ay bigla na lamang itong mahulog at wala akong magiging laban. I already know my future once it crashes.

Bigla namang nawala ang aking takot nang maramdaman ko ang pagyakap ni Brendt sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat bago hinalikan ang aking leeg na nagpangiti sa akin dahil sa munting kiliting hatid nito.

"We're almost there." Bulong niya nang marinig na magsalita sa speaker ang flight attendant.

Bukas ay susunod dito sila Daddy kasama ang dalawang bagong babae sa buhay niya. I didn't argue with it anymore. Ang gusto ko nalang mangyari ngayon ay ang makasal kami ni Brendt.

Gusto sana ni Brendt na siya na ang magdadala sa pamilya niya sa Maynila upang mamanhikan ngunit mas pinili kong kami nalang ang pumunta. I want to see his hometown. Guso kong makita ang kinalakihan niyang lugar. I want to be familiar.

"I want to go to Samal." Sabi ko habang nags-scroll sa Google ng mga magagandang lugar dito sa Davao nang mainip ako sa paghihintay sa susundo sa amin. "Mukhang maganda dito." Dagdag ko pa habang tinitignan ang pictures dito.

Nakakainggit ang mga litratong aking tinitignan! I wanna go island hopping and scuba diving.

"We'll eventually go there or other beaches here in Davao to celebrate." He said. "Kuya loves to swim and surf. Maraming surfing sites dito sa Davao. For sure sasama 'yon."

"Wala naman tayong dapat icelebrate eh." Ngumuso ako at itinabi ang phone ko nang mapaangat ng tingin sa lalaking naka-puting uniporme na lumapit sa amin.

"Are you kidding me?" Natatawa niyang sabi sa akin bago nilingon ang lalaking naka-uniporme.

Inimuwestra ni Brendt ang aming bagahe at agad naman itong umaksyon upang ilagay ito sa likod ng sasakayan.

"Of course we need to celebrate our upcoming wedding." Sabi niya ng muling lumingon sa akin at bahagyang kinurot ang tungki ng aking ilong. "We will celebrate because you are now a part of our family."

Napanguso naman ako habang pinipigilan ang kilig na nararamdaman. Brendt really has his own flirty ways. There's just too much left to discover about him. I wish our time here in Davao can let him open up everything.

Nakatingin lamang ako sa mabilis na papalit-palit ng mga gusali na aming dinadaanan sa bilis ng patakbo ng sasakyan. Bigla akong kinalabit ni Brendt. He offered a bottled water. Just in time because I was feeling thirsty.

"Thank you." I sweetly thanked him and drank until there was only a half left in the bottle.

Binalik ko sa kaniya ang bote at ininom niya ang natirang tubig doon bago niya ako nilingon. Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang labi.

"We just kissed." He said and my lips parted. "But only an indirect kiss though." He laughed and shook the bottle in the air.

"Brendt!" Suway ko sa kaniya nang makitang sinisilip-silip kami ng kanilang driver sa may rear view mirror.

"What?" He asked so innocently while trying to surpress his laughter. "Para namang hindi pa tayo naghahalikan. We even made love—"

Napatigil sa pagsasalita si Brendt nang biglang prumeno ang sasakyan at agad akong prinotektahan ni Brendt gamit ang kaniyang mahigpit na yakap. Ang mga kamay niya ay nakasuporta sa aking ulo upang hindi tumama sa kung saan.

"Just focus on driving." Mariing sabi ni Brendt sa driver nang lingunin niya ito.

"Pasensya na ho, Sir." Magalang na sabi nito sa kaniyang amo.

Bumaling naman sa akin si Brendt at kitang-kita ko ang pag-aalala sa akin.

"Are you okay?" He asked as he carressed my atms. "Wala bang tumama sa'yo?"

Umiling ako at ngumiti. "I'm fine."

I'm always safe around him. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko'y hinding-hindi ako mapapahamak. He will try to protect me kahit na hindi niya na maprotektahan ang sarili niya, gaya kanina.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang plaza dahil sa traffic. Medyo maraming tao ang nasa plaza at batid kong nagkakasiyahan ang mga nandoon. May mga nakasabit pang makukulay na bandiritas. Siguro'y malapit na ang piyesta.

Napanguso ako. Gusto kong makisaya kahit sandali lang.

"Want to loosen up first?" Biglang tanong sa akin ni Brendt nang mapansin siguro ang kagustuhan kong makisaya kahit sandali.

Masaya akong tumango sa kaniya at agad niyang inutusan ang driver nila na itabi muna ang sasakyan na agad din naman nitong sinunod.

Nauna siyang bumaba ng sasakyan at inalalayan niya naman ako kasunod.

I saw a group of girls looking at us, or maybe just at my fiancé. Hinawi ko ang buhok ko gamit ang aking kamay kung saan nakalagay ang aming engagement ring. I put down the rest of my fingers except for my ring finger. I slightly waved it at them and they immediately looked away. Ang isa'y nakuha pang umirap.

That would stop them from gawking at my man.

"Who are you looking at?" Tanong ni Brendt at sinundan pa ng tingin ang aking tinitignang mga babae.

Agad ko naman siyang pinigilan sa paglingon at ngumiti. "Nothing. Tara doon tayo!" Sabi ko nalang at hinatak ko siya sa kung nasaan ang puso ng kasiyahan.

Pinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng plaza. Ang dami kong nakikitang mga stalls na may sari't saring paninda. Natigil ang aking paningin sa binebentang cotton candy.

"Gusto ko no'n." Malambing kong sabi kay Brendt at tinuro ang nagtitinda ng cotton candy na agad naming nilapitan.

"Lahat po ng kulay, Manong." Sabi ni Brendt sa nagtitinda at nanlaki ang aking mga mata.

"Anong gagawin natin sa tatlong cotton candy? Okay na ang isa lang!" Sabi ko naman.

"I don't know which color you like." Nagkibit-balikat siya at bahagyang ngumuso bago iniabot ang bayad sa nagtitinda.

Hawak-hawak ang tatlong plastik na may lamang iba't ibang kulay ng cotton candy ay lumingon siya sa'kin at pinakita ito.

Ngumiti naman ako at saka kinuha ang cotton candy na blue ang kulay.

"Blue." Sabi ko. "Blue is my favorite color. Cerulean to be exact." Dagdag ko pa bago binuksan ang plastik para makain ang cotton candy.

"Well, I will take eat this pink cotton candy but my favorite color is black." He explained.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti. I really like it whenever I'm learning new things about him. Pero tingin ko naman ay kahit anong malaman ko tungkol sa kaniya ay mamahalin ko pa rin siya at hindi na magbabago 'yon. I've seen his flaws first than these certain common facts about him.

"Brendt, hijo!" Rinig kong boses ng isang matandang babae at lilingon na sana ako nang mapatigil ako. "Sandeng, hija, ikaw ba 'yan?"

Hinawakan nito ang balikat ko at unti-unti akong lumingon upang maiharap ang sarili sa kaniya.

Napangiti ito at nahihiyang yumuko saka nanghingi ng pasensya. "Pasensya na, hija. Akala ko'y ikaw si Sandeng." Paumanhin nito. "Lagi kasing si Sandeng ang kasama ni Brendt kaya akala ko'y ikaw siya. Pasensya na talaga."

Pinilit ko namang ngumiti. "Okay lang po."

"Hijo, kay tagal mo namang bumalik. Pauwi ka na ba sa bahay." Bumaling naman siya kay Brendt na ngayo'y kakaalis palang ng titig sa akin saka nakangiting humarap sa matanda.

"Uhm... Pasensya na po." Magalang na sabi nito. "Naging busy lang po sa Maynila."

"Lola!"

Nilingon ko naman ang dalagang babae na tumatakbo papalapit sa amin. Agad niyang inakay ang matanda.

"Poala, bakit mo iniwang mag-isa si Lola?" Malamig na tanong ni Brendt sa dalaga. "Paano kung mawala siya?"

"Pasensya na po, Kuya Brendt. Bumili lang po ako ng sorbetes." Sabi nito at pinakita ang tinapay na may palamang ice cream.

Lumingon naman sa akin si Brendt. "Siya si Lola Linda. Siya ang mayordoma namin dati. Medyo makakalimutin na siya ngayon." Pag-eexplain sa akin ni Brendt.

"Ang ganda naman ng kasama mo, hijo?" Tukoy niya sa akin.

Maligaya namang tumango si Brendt at hinapit ako sa baywang papalapit sa kaniya. "Sobrang ganda po, 'diba?" Natatawang sabi ni Brendt. "Si Xylia po. Siya po ang mapapangasawa ko."

Pumalapak naman si Lola Linda at natuwa sa kaniyang narinig. Niyakap ako nito at paulit-ulit na sinasabing bagay daw kami ni Brendt.

Nagtagal pa kami sa plaza ni Brendt dahil nagpakwento pa si Lola Linda kung paano kami kami nagkakilala ni Brendt. Pati si Poala nga ay naging interesado at nakikita ko pa siyang kinikilig. Pagkatapos naman ay si Lola Linda naman ang nagkwento. Nakakamangha dahil kahit sinabi ni Brendt na makakalimutin na ito ay madami pa rin siyang nakwento patungkol kay Brendt lalo na ang hilig nitong gawin noong bata pa siya.

I'm happy that we met Lola Linda. Mas dumami ang kaalaman ko patungkol kay Brendt.

"I'm sorry." Paghingi ni Brendt ng paumanhin nang makabalik na kami sa sasakyan. "Nainip ka ba? Ang kulit kasi ni Lola eh. Ayaw paawat sa mga kwento niya."

"Okay lang. Natuwa naman ako sa mga kwento niya. Ang kulit mo pala noong bata ka. Akala ko palatahimik ka lang." Sabi ko. "Para rin kayong totoong mag-lola lalo na noong pinapaypayan mo siya."

Napangiti naman si Brendt. "She's really like a grandmother to me kaya hindi ko siya matiis."

Tumango nalang ako at kusa siyang nagkwento ng mga nakagawian sa bahay nila at ang mga iba't ibang mahalagang impormasyon na kailangan kong malaman tungkol sa pamilya niya.

"We're here." Anunsyo niya nang pumasok kami sa isang matayog na gate at tumigil ang sasakyan sa kanilang driveway.

Pagkababang-pagkababa ko palang sa sasakyan ay agad ko nang nilibot ang tingin ko at tiningala ang nakaukit na "Stewart" sa taas ng kanilang front porch.

I suddenly got a Spanish vibe because of their ancestral house even though his ancestors are not Spanish.

"Sir Brendt!" Gulat na sambit ng kanilang katulong nang makita kami pagkabukas ng matayog na double door.

"Nandiyan ba sila mommy?" Tanong ni Brendt at agad na tumango ang katulong.

Walang pakundangan akong hinila ni Brendt papasok sa loob ng bahay. The house is mostly equipped with antiques. Nakakatakot tuloy mag-galaw-galaw ng mga gamit.

Rinig na rinig ang tunog ng isang heels sa may hagdanan at iniluwa nito ang isang babaeng nakapangdisenteng damit na mukhang hindi pa napapansin ang presensya namin nang dahil sa hawak-hawak nitong cellphone.

She looks intimidating with the branded clothes and as well as those jewelries she was wearing.

"Mom..." Brendt uttered.

Kumunot ang noo nito bago nag-angat ng tingin. She gasped when she saw Brendt. Sobrang bilis niyang nakalapit sa amin ni Brendt.

"Brendt!" She hugged Brendt and kissed him on his cheek. "I miss you so much, son."

I can't help but to smile. Dapat ay mas dumalas ang pagdalaw niya dito. His mom missed him so much.

Nakakainggit. Hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. I wish I could also hug and kiss my Mom. I wish I could also feel her warmth. I wish I could tell her how much I love her.

"Mom, nakakahiya kay Xylia." Parang batang sabi ni Brendt at tumawa naman ang kaniyang ina bago lumingon sa akin.

"Who is she?" She asked while smiling at me. "Is she your friend?"

Bumalik naman si Brendt sa aking tabi at pinagsalikop ang aming kamay. Dumako naman doon ang tingin ng kaniyang ina.

"She is Xylia, Mom. Xylia Saavedra." Pakilala ni Brendt sa akin. "And she is my fiancée." Dagdag pa nito.

His mom's lips parted and her eyes sightly widened in surprise.

"Your what?" Her forehead creased.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top